"Ang aga n'yo naman na umuwi ngayon," mahinang basag ni Rizza ng katahimikan habang kumakain silang apat ng lunch. Niyaya na nila na kumain sina Dan at Diego para samahan sila. Silang dalawa lang naman ang kakain. Uminom muna ng malamig na tubig si Drake bago sinagot si Rizza."Wala naman akong gagawin pa buong maghapon sa opisina kaya nagdesisyon ako na umuwi na lang kami ni Dan. Naisipan kong magbakasyon kahit ilang araw lang. Ilang araw na lang ay weekend na naman, eh," sabi ni Drake kay Rizza na napatango-tango na lang pagkarinig sa sinabi niya. "Wala namang problema siguro kahit ilang semana ka na magbakasyon, 'di ba? Ikaw naman ang boss. Hawak mo lahat. Ikaw ang sinusunod ng lahat kaya kahit anong gawin mo ay puwede. Tama ba ako sa sinabi ko sa 'yo?" mabilis naman na sagot ni Rizza sa kanya.Bahagyang tumango si Drake sa sinabi niya. "Oo. Tama ka nga naman sa sinabi mo. Hawak ko ang lahat sa kompanya ko kaya kahit ano'ng gusto kong gawin ay puwede kong gawin. Walang imposible k
Halu-halong kaba, takot at tuwa ang nararamdaman ni Rizza habang papalapit sila sa private plane na pagmamay-ari ni Drake. Sa wakas ay makakasakay na rin siya sa eroplano. Buong buhay niya ay hindi pa siya nakakasakay sa eroplano. Silang dalawa ang unang pumasok sa loob ng eroplano. Sumunod naman sa kanilang dalawa sina Dan at Diego. Kanina pa nasa loob ang mga gamit nila.Makaraan ang ilang minuto ay gumalaw na ang eroplano para mag-take off. Tahimik lang si Rizza na nakaupo habang pinagmamasdan siya ni Drake. "Kinakabahan ka ba?" malumanay na tanong nito sa kanya. Dahan-dahan na tumango si Rizza kay Drake at nagsalita, "Oo. Kinakabahan ako. First time ko 'to na sumakay ng eroplano. Hindi ko pa naman ma-experience ang ganito. Hindi ko alam kung ano ang feeling 'pag nasa himpapawid ka na. Nakakatakot ba?" Ngumiti si Drake pagkasabi niya ng totoong nararamdaman niya. Hindi siya nagsinungaling kay Drake. Sinabi niya kung ano ang totoo dito."Hindi naman nakakatakot, eh. Hindi mo naman
Naiinggit si Drake sa nakikita niya na ginagawa ni Rizza kaya nagisip-isip siya kung lulusong rin siya sa tubig-dagat. Tamang-tama dumating sina Dan at Diego na nakatingin kay Rizza habang naglalakad-lakad sa mababaw na parte ng dagat. Napansin ng dalawa ang pagkainggit ni Drake sa ginagawa ni Rizza kaya nagsalita ang isa sa kanila."Gusto mo rin po ba na gawin ang ginagawa ni Rizza?" tanong ni Dan kay Diego. Humarap si Drake sa kanya at mabilis na tumango."Oo. Gusto ko rin na gawin 'yon, eh. Naiinggit ako sa ginagawa niya, Dan," amin ni Drake sa kanya."Kung ganoon naman pala ay gawin mo na po, sir. Samahan mo na po siya. Nasa mababaw na parte ng dagat naman lang siya, eh. Parang gusto ko nga rin na gumaya sa kanya. Puwede po ba?" sagot ni Dan sa kanya na medyo natatawa. Tumawa tuloy si Diego na hindi maalis ang tingin kay Rizza. Nagagandahan talaga siya kay Rizza. Humugot ng hininga si Drake at saka nagsalita kay Dan. "Kung gusto n'yo na gawin 'yon ni Diego ay walang problema. Si
Habang nage-enjoy sina Rizza at Drake sa dagat ay nakatingin lang sa kanila sina Dan at Diego. Binabantayan nila ang dalawa kahit wala namang masama na mangyayari dito. Pasigurado lang sila. Habang pinagmamasdan nila ang dalawa ay napansin ni Dan si Diego na hindi maalis ang ngiti sa labi habang nakatingin kay Rizza na tuwang-tuwa na naglalakad sa mababaw na parte ng dagat habang si Drake ay nakasunod dito. Napakunot-noo tuloy si Dan. He could feel something towards him. Hindi na niya natiis ang sarili niya kaya ibinuka na niya ang bibig at nagsalita, "Tuwang-tuwa ka naman sa kanila lalo na kay Rizza, Diego. Ikaw ha, baka type mo si Rizza. Type mo ba siya? Kanina pa ako may napapansin sa 'yo. Ibang-iba ang tingin mo sa kanya. Huwag kang pahalata d'yan baka pagalitan ka ng boss natin." Napanguso si Diego pagkasabi ni Dan sa kanya. Nanlaki pa ang dalawang mga mata niya."H-hindi, 'no? H-hindi ko siya type. Grabe ka naman. Binibigyan mo kaagad ng ibang kahulugan kung nakikita mo na natu
Bumaba silang dalawa nang kakain na sila ng dinner sa baba. Nagpahanda ng masasarap na pagkain si Drake para sa kanilang apat. Kasama nilang dalawa na kumain sina Dan at Diego na tahimik lang. Ang dalawa lang ang nag-uusap habang sila ay nakikinig lang sa kung ano ang mapag-usapan nito."Ang dami namang pagkain ang nasa harapan natin," sabi ni Rizza kay Drake habang kumakain sila. "Talagang nagpahanda ka pa ng maraming pagkain para sa atin. Hindi naman natin mauubos 'to. Sayang lang naman nito. Hindi mo ba 'yon naisip, huh?"Kumunot ang noo ni Drake pagkarinig ng sinabi ni Rizza na 'yon sa harap niya. Napasinghap pa nga si Drake pagkasabi niya."Wala namang problema kung hindi natin maubos 'tong kinakain natin. Hindi naman ito masasayang, eh. Wala kang kailangan na alalahanin pa. You should eat, Rizza. Gusto ko naman na maraming ihain sa atin para marami tayong pagpipilian na kainin. Damihan n'yo ang kain n'yo. Magpakabusog kayo," paliwanag ni Drake sa kanya. Napangiwi siya pagkasabi
Doon muna silang apat sa may dalampasigan habang pinagmamasdan ang araw sa silangan na sumisikat. Kung kahapon ay hinintay nila ang sunset ngayon naman ang sunrise. Umupo sila sa may batuhan habang ang kanilang mga paa ay nasa tubig. Ang lamig ng tubig-dagat. Ang sarap sa pakiramdam nito. Hindi naman sila nagtagal doon. Kumain na sila ng breakfast nang pumasok sila sa loob. Nakahanda na 'yon para sa kanila."Magsu-swimming ako ngayon," sabi ni Rizza kay Drake habang kumakain sila."I know that. May susuotin ka ba mamaya sa pagsi-swimming mo, huh? Do you have a swimsuit?" sabi ni Drake sa kanya. Tinanong niya si Rizza kung may swimsuit siya. Wala siyang dalang swimsuit. Hindi naman siya gumagamit ng swimsuit kapag nagsu-swimming siya. T-shirt at shorts lang ang sinusuot niya kapag nagsu-swimming sila. Hindi naman siya gumagamit ng swimsuit dahil hindi siya sanay sa ganoon. Nahihiya siya. Nahihiya siya na makita ang katawan niya pero ang best friend niya na si Kira ay nagsu-suot ng swim
Sabay na silang lumabas ni Drake sa loob ng VIP room para mag-swimming. Naghihintay na sina Dan at Diego sa kanila sa labas ng room na 'yon para sabay na sila na pumunta sa may dagat. Habang naglalakad sila patungo sa may dagat ay hindi mapigilan ni Rizza ang kabahan. Kinakabahan siya kapag inalis na niya ang bathrobe na suot niya. Makikita na nila ang suot niyang swimsuit at pati ang katawan niya. Si Drake lang ang tanging nakakita na ng buong katawan niya ngunit ang dalawang kasama nila ay hindi pa. Kahit nakita na ni Drake ang buong katawan niya ay hindi pa rin niya maiwasan na mahiya dito. Wala namang tao ang nasa dalampasigan dahil wala namang ibang tao doon maliban sa kanila. Tahimik pa rin doon sa may dalampasigan. Tanging huni ng mga ibon at hampas ng mga alon ang naririnig nila. Hindi naman gaano kalakas ang alon sa dagat. Tamang-tama lang naman 'yon para lumangoy silang apat. Naglagay na rin naman sila ng sunblock sa kanilang balat para hindi sila mangitim. Excited na excit
Nang tuluyan na makaalis ang babaeng staff sa harap nila ay nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga si Rizza at saka muling humarap kay Drake na panay pa rin ang tingin sa kanya."Bakit mo sinabi 'yon sa kanya na girlfriend mo ako?" nagtatakang tanong ni Rizza kay Drake na napakagat labi. Bumuntong-hininga ito at saka nagsalita, "Rizza, sinabi ko 'yon sa kanya para hindi na siya magtanong pa nang magtanong sa akin lalo na sa 'yo. At isa pa kapag hindi ko sinabi sa kanya na girlfriend kita ay baka mag-isip-isip pa siya ng kung anu-ano tungkol sa atin. Ayaw ko na mag-isip sila ng hindi maganda o kaya ay negatibong bagay tungkol sa atin. 'Di ba hindi na siya nagtanong pa nang nagtanong tungkol sa atin nang sabihin ko sa kanya na girlfriend kita kahit hindi naman? Iyon na lang ang ginawa ko para hindi na humaba pa o dumami ang mga katanungan niya sa atin," pagliwanag ni Drake sa kanya. Napanguso siya pagkasabi nito sa kanya.Humugot siya ng malamig na hangin at muling nagsalita,