Share

Chapter 27

Naiinggit si Drake sa nakikita niya na ginagawa ni Rizza kaya nagisip-isip siya kung lulusong rin siya sa tubig-dagat. Tamang-tama dumating sina Dan at Diego na nakatingin kay Rizza habang naglalakad-lakad sa mababaw na parte ng dagat. Napansin ng dalawa ang pagkainggit ni Drake sa ginagawa ni Rizza kaya nagsalita ang isa sa kanila.

"Gusto mo rin po ba na gawin ang ginagawa ni Rizza?" tanong ni Dan kay Diego. Humarap si Drake sa kanya at mabilis na tumango.

"Oo. Gusto ko rin na gawin 'yon, eh. Naiinggit ako sa ginagawa niya, Dan," amin ni Drake sa kanya.

"Kung ganoon naman pala ay gawin mo na po, sir. Samahan mo na po siya. Nasa mababaw na parte ng dagat naman lang siya, eh. Parang gusto ko nga rin na gumaya sa kanya. Puwede po ba?" sagot ni Dan sa kanya na medyo natatawa. Tumawa tuloy si Diego na hindi maalis ang tingin kay Rizza. Nagagandahan talaga siya kay Rizza.

Humugot ng hininga si Drake at saka nagsalita kay Dan. "Kung gusto n'yo na gawin 'yon ni Diego ay walang problema. Si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status