Hinatid si Rizza nina Diego pauwi sa kanila. Natuwa naman ang mga magulang niya pagkakita sa kanya na umuwi. Ang tanging sabi niya ay day-off niya kaya siya umuwi sa kanila at bukas ang balik niya. Hindi na nagtanong-tanong pa ng kung ano ang mga magulang niya tungkol sa kanya dahil ang alam nila ay nagtatrabaho siya bilang kasambahay. Hindi pa naman lunch time kaya pinuntahan niya ang best friend niya na si Kira sa bahay nito. Halos tumili ito sa tuwa pagkakita sa kanya. Niyakap kaagad siya nito na para bang wala nang bukas pa. Niyakap niya rin ito nang napakahigpit. Isang linggo silang dalawa hindi nagkita kaya na-miss niya ang friend niya na si Kira. Nang bumitaw sila sa pagkakayakap sa isa't isa ay umupo sila. "Kumusta ka na, bessie? Isang linggo tayong hindi nagkita. Na-miss kita nang sobra. Mukhang marami-rami kang sasabihin sa akin ngayon," sabi ni Kira kay Rizza na bahagyang ngumiti naman sa best friend niya "Okay naman ako, bessie. E, ikaw? Kumusta ka rin dito? Na-miss rin
Niyakap na lang siya ng best friend niya na si Kira dahil nababatid siya na walang maisasagot na tama sa sinabing 'yon sa kanya. Gamit ang daliri niya ay tinuyo niya ang iilang butil ng luha mula sa kanyang mga mata. "Natatakot lang naman ako para sa 'yo, eh. 'Wag mong masamain ang sinabi kong 'yon sa 'yo, bessie," mahinang usal ni Kira kay Rizza. "Hindi ko naman minamasama ang sinabi mong 'yon sa akin, eh. Naiintindihan naman kita kung bakit mo nasabi 'yon sa akin, bessie," sagot ni Rizza sa best friend niya na hinahaplos-haplos ang likuran niya. She's comforting her best friend.Tumango-tango si Kira sa kanya at nagsalita, "Hindi mo naman kailangan na masamain 'yon, eh. Kung ano ang napagkasunduan n'yo ay 'yon na ang gawin mo upang hindi na kayo magkaroon pa ng problema o ano pang isyu na hindi makakatulong sa inyong dalawa. Sinasabi ko lang naman ang sa tingin kong tama at nararapat na gawin, eh. Ikaw pa rin ang makakapag-desisyon n'yan sa bandang huli. Hindi sila. Hindi kami. H
Doon na kumain ng lunch si Rizza sa bahay ng best friend niya dahil nagluto ito. Hindi naman niya puwedeng tanggihan ang best friend niya. Bihira na nga silang magkita pa ay tatanggihan pa niya ito. Umuwi si Rizza sa bahay nila bago mag-alas tres. Marami pa silang napag-uusapan ni Kira na best friend niya bago siya umuwi. Naligo siya pagkarating niya sa bahay nila. Bukas na bukas ay aalis na naman siya para bumalik sa mansion ni Drake. Hindi niya sigurado kung makakauwi siya sa susunod na semana. Maaga siyang gumising kinabukasan para maghanda ng kanilang agahan. Tulog pa ang mga magulang at kapatid niya ngunit siya ay gising na. Tamang-tama nang gumising ang mga ito ay kakatapos pa lang niyang magluto. Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na silang kumain ng agahan na niluto niya. May sinangag, pritong itlog, hotdog, pandesal at gatas ang nakahain sa mesa nila. Ang binili niyang pera ay ang bigay ni Drake sa kanya kahapon bago siya umuwi sa kanila. Hindi naman nagtaka ang mga mag
"Ang aga n'yo naman na umuwi ngayon," mahinang basag ni Rizza ng katahimikan habang kumakain silang apat ng lunch. Niyaya na nila na kumain sina Dan at Diego para samahan sila. Silang dalawa lang naman ang kakain. Uminom muna ng malamig na tubig si Drake bago sinagot si Rizza."Wala naman akong gagawin pa buong maghapon sa opisina kaya nagdesisyon ako na umuwi na lang kami ni Dan. Naisipan kong magbakasyon kahit ilang araw lang. Ilang araw na lang ay weekend na naman, eh," sabi ni Drake kay Rizza na napatango-tango na lang pagkarinig sa sinabi niya. "Wala namang problema siguro kahit ilang semana ka na magbakasyon, 'di ba? Ikaw naman ang boss. Hawak mo lahat. Ikaw ang sinusunod ng lahat kaya kahit anong gawin mo ay puwede. Tama ba ako sa sinabi ko sa 'yo?" mabilis naman na sagot ni Rizza sa kanya.Bahagyang tumango si Drake sa sinabi niya. "Oo. Tama ka nga naman sa sinabi mo. Hawak ko ang lahat sa kompanya ko kaya kahit ano'ng gusto kong gawin ay puwede kong gawin. Walang imposible k
Halu-halong kaba, takot at tuwa ang nararamdaman ni Rizza habang papalapit sila sa private plane na pagmamay-ari ni Drake. Sa wakas ay makakasakay na rin siya sa eroplano. Buong buhay niya ay hindi pa siya nakakasakay sa eroplano. Silang dalawa ang unang pumasok sa loob ng eroplano. Sumunod naman sa kanilang dalawa sina Dan at Diego. Kanina pa nasa loob ang mga gamit nila.Makaraan ang ilang minuto ay gumalaw na ang eroplano para mag-take off. Tahimik lang si Rizza na nakaupo habang pinagmamasdan siya ni Drake. "Kinakabahan ka ba?" malumanay na tanong nito sa kanya. Dahan-dahan na tumango si Rizza kay Drake at nagsalita, "Oo. Kinakabahan ako. First time ko 'to na sumakay ng eroplano. Hindi ko pa naman ma-experience ang ganito. Hindi ko alam kung ano ang feeling 'pag nasa himpapawid ka na. Nakakatakot ba?" Ngumiti si Drake pagkasabi niya ng totoong nararamdaman niya. Hindi siya nagsinungaling kay Drake. Sinabi niya kung ano ang totoo dito."Hindi naman nakakatakot, eh. Hindi mo naman
Naiinggit si Drake sa nakikita niya na ginagawa ni Rizza kaya nagisip-isip siya kung lulusong rin siya sa tubig-dagat. Tamang-tama dumating sina Dan at Diego na nakatingin kay Rizza habang naglalakad-lakad sa mababaw na parte ng dagat. Napansin ng dalawa ang pagkainggit ni Drake sa ginagawa ni Rizza kaya nagsalita ang isa sa kanila."Gusto mo rin po ba na gawin ang ginagawa ni Rizza?" tanong ni Dan kay Diego. Humarap si Drake sa kanya at mabilis na tumango."Oo. Gusto ko rin na gawin 'yon, eh. Naiinggit ako sa ginagawa niya, Dan," amin ni Drake sa kanya."Kung ganoon naman pala ay gawin mo na po, sir. Samahan mo na po siya. Nasa mababaw na parte ng dagat naman lang siya, eh. Parang gusto ko nga rin na gumaya sa kanya. Puwede po ba?" sagot ni Dan sa kanya na medyo natatawa. Tumawa tuloy si Diego na hindi maalis ang tingin kay Rizza. Nagagandahan talaga siya kay Rizza. Humugot ng hininga si Drake at saka nagsalita kay Dan. "Kung gusto n'yo na gawin 'yon ni Diego ay walang problema. Si
Habang nage-enjoy sina Rizza at Drake sa dagat ay nakatingin lang sa kanila sina Dan at Diego. Binabantayan nila ang dalawa kahit wala namang masama na mangyayari dito. Pasigurado lang sila. Habang pinagmamasdan nila ang dalawa ay napansin ni Dan si Diego na hindi maalis ang ngiti sa labi habang nakatingin kay Rizza na tuwang-tuwa na naglalakad sa mababaw na parte ng dagat habang si Drake ay nakasunod dito. Napakunot-noo tuloy si Dan. He could feel something towards him. Hindi na niya natiis ang sarili niya kaya ibinuka na niya ang bibig at nagsalita, "Tuwang-tuwa ka naman sa kanila lalo na kay Rizza, Diego. Ikaw ha, baka type mo si Rizza. Type mo ba siya? Kanina pa ako may napapansin sa 'yo. Ibang-iba ang tingin mo sa kanya. Huwag kang pahalata d'yan baka pagalitan ka ng boss natin." Napanguso si Diego pagkasabi ni Dan sa kanya. Nanlaki pa ang dalawang mga mata niya."H-hindi, 'no? H-hindi ko siya type. Grabe ka naman. Binibigyan mo kaagad ng ibang kahulugan kung nakikita mo na natu
Bumaba silang dalawa nang kakain na sila ng dinner sa baba. Nagpahanda ng masasarap na pagkain si Drake para sa kanilang apat. Kasama nilang dalawa na kumain sina Dan at Diego na tahimik lang. Ang dalawa lang ang nag-uusap habang sila ay nakikinig lang sa kung ano ang mapag-usapan nito."Ang dami namang pagkain ang nasa harapan natin," sabi ni Rizza kay Drake habang kumakain sila. "Talagang nagpahanda ka pa ng maraming pagkain para sa atin. Hindi naman natin mauubos 'to. Sayang lang naman nito. Hindi mo ba 'yon naisip, huh?"Kumunot ang noo ni Drake pagkarinig ng sinabi ni Rizza na 'yon sa harap niya. Napasinghap pa nga si Drake pagkasabi niya."Wala namang problema kung hindi natin maubos 'tong kinakain natin. Hindi naman ito masasayang, eh. Wala kang kailangan na alalahanin pa. You should eat, Rizza. Gusto ko naman na maraming ihain sa atin para marami tayong pagpipilian na kainin. Damihan n'yo ang kain n'yo. Magpakabusog kayo," paliwanag ni Drake sa kanya. Napangiwi siya pagkasabi