Share

Chapter 04

Nakakabinging tunog ng cellphone ang pumukaw sa aking diwa. Halos takbuhin ko ang pag sagot doon habang nakalapag ito sa kabilang dulo ng mesa sa pag aakalang si calib ang nasa kabilang linya. Matamlay koy sinagot ang nasa kabilang linya, puro Oo, at tango lang ang sagot ko sa kausap ko. Ni ayaw ko ibuka ang aking bibig dahil sa matinding katamaran ko. pagkaraan ng ilang sigundo matamlay ko Inilapag muli ang cellphone sa mesa at tinungo ko ang kanina pa lumamig na pagkain.

MCSAN'S Coffee, Muli ko pinagmasdan ang address na ibinigay sa akin ni kenon, siya yong tumawag kanina. Galing ito sa bayan namin ang sabi may mahalaga daw siyang sasabihin sa akin. At ano na naman ang sasabihin nito sa akin? Ang huli kasi namin pagkikita ay noong ibigay niya sa akin ang numero ng bahay ng tatay ko, kung saan inaway ko siya dahil sa pagbibigay niya sa akin ng pera. Tinanggap ko naman iyon ang sabi ko pa sa kaniya babayaran ko na lang kapag may trabaho na ako pero nalaman ko lang sa huli galing pala ang pera sa tatay ko. Halos isumpa ko si kenon ng mga oras na iyon, kaya simula noon hindi na siya nag pakita sa akin, maliban ngayon. Kung hindi pa sinabing mahalaga ang pag uusapan namin ayaw ko sana pumayag dahil ayaw ko nang magkaroon ng ugnayan pa sa aking tatay.

Calib' POV

Gulong gulo ang isip ko nang umalis ako ng bahay, sa maraming beses namin pag aaway ni Aliah kanina ko lang siya napag taasan ng boses. Pinagsusuntok ko ang pader habang nakasilip ako sa bintana. Nakikita ko doon ang inosenteng niyang mukha habang pinapahid ang luhaan niyang mukha. Gusto ko siya ang mismong sumuko at umalis ng bahay. Ayaw kong dumating sa puntong susugurin siya ni Stephanie.

Napalagok ako muli sa alak na hawak ko. Bakit ba kasi sa halip ang orderin ko beer pa ang ibinigay ni Mark. Pinagmasdan ko ang baso at bagsak na ngumisi. Bakit ba nasasaktan ako sa tuwing pagtataasan ko siya ng boses, ayaw ko siyang nakikitang mahina, gusto ko ipag laban naman niya ang kaniyang sarili. Paano kung magharap sila ni Stephanie? Alam kong sa boses pa lang ni Stephanie ay maaring tumiklop na ang asawa ko. Bakit ko ba kasi iniisip ang kapakanan ng babaing iyon, diba ako ang naglagay sa kaniya ng sitwasyon na kinakaharap niya.

Nandito ako ngayon sa MCSAN'S COFFEE, pagmamay ari ni Stephanie kung saan kasama ko ang aking mga kaibigan. Wala lang si Stephanie dahil sinamahan ang kaniyang pinsan bumisita sa hospital.

"Dude, tama na iyan at baka hindi ka makapag maneho niyan." Awat sa akin ni Troy, kakarating lang ito at nakita kong may kasama siyang babae kanina.

Maaring marami ako nainom pero hindi pa ako lasing, malinaw ka sa akin isip ang nangyari kanina. Akmang lalagok ako ulit nang tapikin ako ni Troy sa balikat mula sa akin likod.

"Dude, Diba si aliah iyon? Mukha yatang sinusundo ka." wika pa nito.

Nanatiling nakatunganga lang ako habang nakikinig kay Troy, pero aaminin kong nakaramdam ako ng saya, sa isipin hinahanap ako ng aking asawa.

"Pero bakit? Bakit may kasama siyang ibang lalaki?" nagtataka na sabi ni troy.

Wala ako sa aking sarili ng napalingon ako sa kinaroroonan ni aliah. Masaya ito habang kausap ang kasamang lalaki sa tingin ko matagal silang magkakilala dahil komportable silang nag uusap. Bakit nakaramdam ako ng pag iinit sa aking mukha at gusto manlisik ang aking mata. Pakiramdam ko tuloy ngayon lang tumatalab ang alak.

Nakita ko ang pag bulong ng lalaki sa kaniya na halos ikasira ng aking ulo dahil nakita ko ang pag dikit ng mukha ng lalaki sa tainga ng asawa ko. At mukha pang nagsasaya ang asawa ko sa ginawa ng lalaki.

Napahigpit ang hawak ko sa baso dahilan ng pagkabasag nito sa aking palad habang nagkalat ang dugo sa table. Pero hindi ko iyon maramdaman, mas masakit ang nakikita ko ngayon. may kasamang ibang lalaki ang asawa ko at masaya itong nakikipag ngitian.

"Dude! Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong sakin, habang taranta ito tumayo upang kumuha ng tissue.

"Dude, may sugat ka! Gusto mo bang sabihan ko siya ang asawa mo?"

Akmang tatayo ito nang walang makuhang sagot sa'kin, ngunit maagap ko ito napigilan at binigyan ko siya ng Makahulogan tingin.

"Pero dude, may sugat ka." Mababa ang boses niya.

"Kaya ko gamotin ang sugat ko mag isa." Sagot ko.

Nag iwas ako ng tingin sa kinaroroonan ni aliah at idinako sa ibang direksyon upang maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Lasing lang ako, Oo iyon ang dapat kong isipin.

Aliah's POV

Pasado alas sais na ng gabi nang makarating ako ng bahay namin at tulad ng inaasahan ko hindi na naman umuwi ng bahay ang asawa ko. Ano pa ba ang aasahan ko.

Matamlay ko tinungo ang kuwarto at pagkapasok ay binuhay ang TV. Gusto ko lunurin ang sarili ko sa panonood ng paborito kong kdrama hindi ko rin binalak buksan pa ang ilaw tanging liwanag ng TV ang bumubuhay sa loob ng kuwarto.

Hindi pa ako nangangalahati sa episode ay naramdaman ko ang pag iinit ng aking mata. Hanggang sa tuluyan na ito kumawala sa aking pisngi. Kung kanina binabalot ng katahimikan ang kuwarto ngayon ay malaya ko pinakawalan ang hagulgol at hikbi habang nakapamaluktot ako ng higa sa sofa.

Calib's POV

Ayaw ko sana umuwi ng bahay pero nagpumilit si Troy na Ihatid ako sa bahay. Naramdaman ko pa ang mabilis nito pagmamaneho habang panay ang lingon sa akin, pilit ko kasi inagaw sa kaniya ang manibela ng sasakyan.

Halos takbuhin ni Troy ang pinto ng sasakyan upang alalayan ako pababa.

"Oh God! Ang bigat mo naman Dude!"

Dinig ko pang reklamo niya habang nakaalalay ito sa akin. Mabuti na lang at pinagtitiyagaan ako Ihatid kapag ganito ang eksina. Tiningnan ko siya at nag kunwaring hindi ako nilalamon ng alak. Iniisip ko kasing baka mapag abot kami ni aliah sa loob at nakakahiya naman kung sa harapan niya kami mag babangayan ni aliah.

"G--go! I c--an h--hand--le it.." bulol na sabi ko sa kaniya.

Pinilit ko makatayo ng maayos upang hindi na siya mangulit. Pero napansin kong nakatayo pa siya at pilit ako Inalalayan. Ngumiti ako at nag sinyas sa kaniya.

"U--m--wiii ka na!" pagtataboy ko pa.

Napakamot lang ito sa ulo at Tinapik ako sa balikat ng bago tuluyan binuksan ang pinto ng sasakyan.

Nang makalayo ang sasakyan ni Troy saka ako pasuray-suray humakbang papunta sa pinto habang kinakapa ko ang susi sa aking bulsa.

Tag iisa kami ng susi ni aliah kaya madali lang sa amin makapasok ng bahay na hindi namin inaabala ang isat isa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status