"I'm old enough hijo, kung noon natatakot ako kumulubot ang aking mukha, iba na ngayon. Aliah is pregnant magkakaroon na ako ng apo, and I ready for that, or should I say.. Masaya ako dahil kahit iwanan man kita makakasiguro akong may mag aalaga sayo. Iyon ay ang apo ko."Nakatitig lang ako sa maamong mukha ni mommy habang nakangiti itong nagsasalita, ngayon ko lang siya nakitang ganito siya kasaya dahil sa magiging apo nito. At nagpapasalamat ako kay aliah dahil binigyan niya ako ng anak. Nagpakawala ako ng malalim na hininga saka ko iginala ang aking tingin sa malawak namin lupain kung saan napapalibutan ito ng malalaking ilaw na siyang nagsisilbing liwanag tuwing ganitong oras. Nakita ko ang marahan niyang pag langhap ng sariwang hangin na nagmumula sa malawak nitong harden sa ibaba ng terrace. "Anong nangyari sa labi mo? Calib, mabait ang asawa mo. Huwag mo sana hayaan siya na ang mismong humiwalay sayo."Pag iiba niya ng usapan na siyang ikinagulat ko. Tinaponan ko siya ng tin
Para ako nauupos na kandilang napaupo sa gitna ng daan kasabay ang pag patak ng butil ng ulan na kanina pa gusto bumagsak galing sa kalangitan. Sinabayan rin ng malakas na pagkulog dahilan upang mapatakip ako ng sarili kong tainga. "Tulong! Calib!" Wika ng paos kong tinig, tuluyan na ako napaluhod sa lupa habang hawak ko ang maliit kong tiyan. "Diyos ko, huwag mo sana kami pabayaan ng anak ko.. Huwag mo sana hayaan abutin kami dito ng dilim.." Taimtim kong panalangin. Awang-awa ako pinagmasdan ang unti unting pagkabasa ng buo kong katawan dahil sa malakas na ulan. Bibigay na rin ang boses ko gawa ng pag sigaw ko. KAHIT masakit at pagod ang aking mga tuhod pinilit kong makatayo ulit upang ihakbang ang mga yon nang maramdaman ko ang unti--unting pag dilim ng paligid kasabay ng pag bagsak ng aking katawan sa lupa. Calib's POV Nagkagulo ang mga tao sa mansyon nang malaman kong nawawala ang aking asawa, paano nila hindi napansin ang pagkawala nito? Gayon marami sila sa bahay, Bin
Aliah's POV Dahil nag paiwan ako dito sa bahay mag isa buong mag hapon ako tulog dahil pakiramdam ko nilalamon ako ng katamaran dala ng masilang pag bubuntis ko, pinilit ko bumangon upang magluto ng panghaponan namin para pag dating mamaya ni Calib kakain na lang kami. Habang abala ako sa pagbabalat ng kalabasa para sa rikados na lulutuin ko narinig ko ang Mahihinang katok mula sa pinto. Marahan ko muna nilingon ang pinto saka ko inabot ang malinis na basahan na nakasabit sa ref. At nag punas muna ako ng kamay doon bago tinungo ang pinto. "Musta na si mo----?" Natigilan ako nang mabungaran ko ang nasa pinto at agad bumangon sa akin ang kaba na hindi ko alam kong bakit. Nakangiti ang babae, nakasuot ito ng off-shoulder dress na kulay pula, manipis ang tela nito hanggang tuhod, ang neckline nito ay halos lumabas doon ang malulusog nitong dib**b na lalong nagbigay na kaakit-akit na personalidad sa babae. Ang babaing kaharap ko ay minsan ko nang nakita sa larawan pero hindi ako puwe
"Kailangan mo nga ng kape, para naman kahit papaano makaramdam ka ng kunting kilabot diyan sa katawan.""Excuse me? Anong sabi mo?" Bigla niya itong tanong, narinig pala ang pag bulong ko. "Sabi ko anong kape ang gusto mo?" Pag iiba ko ng tanong. "Sayang maganda pa naman sana, kaso nga lang.. bingi..""What? What are you talking about?" Kunot noo nitong tanong ulit sa akin. "Ang sabi ko matapang ba o katamtaman lang?" Naiirita kong tanong, saka ako umiling. "Yong Katamtaman lang, Yuban coffee. Please!" See, Pati lasa ng kape pareho sila ng asawa ko. Ang sarap tuloy buhusan ng malamig na tubig para matauhan naman. Bulong ko, at may pa-yuban coffee pang nalalaman. eh ayaw ko nang amoy nun.Tapos kung maka-yuban coffee at kung makautos daig pa ang amo. Kaya pala mahilig ng yuban coffee ang asawa ko dahil mahilig din ng yuban coffee ang babaing ito. Umikot ang mata ko habang patungo ng kusina upang mag timpla ng kape. Nag takip ako ng ilong habang nag titimpla ako ng kape dahil
"Kanina ko pa napapansin ang pananahimik mo. Kung ang ikinasasama ng loob ay ang pag uwi ko ng late, sorry na.." Pag hingi ko nang paumanhin sa kaniya. Tinaponan lang niya ako ng tingin saka muli sumubo ng kanin. "Ayos lang, ulam gusto mo?" Kinuha nito ang ulam at inabot sa akin, kinuha ko yon at Inilapag ulit saka ngumiti ako ng pagak dahil naiirita na ako sa inaasal niya. hindi ko naman masigawan kasi baka mas lumala pa ang pananahimik nito at baka hindi na ako kausapin. "Nagpunta dito ang girl friend mo." Kasing lamig ng ice ang boses nito, so kaya pala hindi maipinta ang mukha niya dahil daw sa girl friend ko at sino bang-- Wait, anong girl friend? Sinong girl friend? Muntik ko na maibuga ang laman ng aking bibig nang marealized ko ang sinabi nito. Ibinaba ko ang tinidor at kutsara at seryoso ako napatitig sa kaniya. "Girl friend? Sinong girl friend ang tinutukoy mo?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang mata saka niya ako sinama
---------------------"Aliah!" Napalingon ako sa may ari ng boses ganon din si Calib kasalukuyan nakahawak ito sa braso ko habang nakaalalay sa akin papasok ng infants section, nasa loob kami ng Department store malapit lang sa subdivision namin, naisipan kasi namin bumili ng gamit ni baby ng paunti-unti. Napakunot noo ako napalingon kay kenon habang palapit ito sa kinaroroonan namin ni Calib. "Oh kenon! narito ka pala?" Tanong ko sa kaniya nang makalapit ito sa amin. Tumingin ako sa seryoso nito mukha. Nun lang ako nakaramdam ng kaba halatang may dala itong hindi magandang balita. Sa kabilang braso ko naramdaman ko ang pag hawak ng mahigpit ni Calib doon kaya napatingin ako sa kaniya na agad ko naman naintindihan ang ibig nitong ipahiwatig. "Oo eh, sinamahan ko lang si lola. Ikaw kumusta ka na?" Nakangiting sagot ni kenon bago tumingin sa kamay namin ni Calib mahigpit magkahawak ang mga yon isa't isa. "Okay naman, ito malapit na manganak. Kenon, si Calib. Asawa ko. Calib si ken
"Hello, mom. nandiyan ba si Aliah?" Bungad ko kay mommy nasa kabilang linya ito. "Anak, hindi siya nagawi dito. Bakit? May pinuntahan ba siya? Hindi ba siya nag paalam sayo?" Sagot ni mommy, rinig ko ang pagsara nito sa pintuan parang kapapasok lang niya ng kuwarto."Ganon ba, sige mom. Baka mamaya pa ang dating nun."Narinig ko ang pag buntong hinga ni mommy. "Paano ka nagiging kalmado ng ganiyan kung alam mong nawawala ang asawa mo! Baka napaano pa yon, saan ba siya Nagpunta?" Saglit ako natahimik, paano ko ba sasabihin sa kaniya na ako ang mismong nang iwan sa asawa ko kanina. Baka mapagalitan lang niya ako kapag sinabi ko ang totoo. "Hijo, nandiyan ka pa ba? Bakit mo pinapayagan lumabas mag isa ang asawa mo! Paano kung bigla sumakit ang kaniyang tiyan!" Kaya ayaw ko tumawag sa mommy ko dahil sa halip na makapag isip ako ng tama lalo ako natataranta. Napailing saka ako nag takip ng tainga para hindi ako mabingi sa kabilang linya. "Calib wala akong pakialam sa asawa mo, ang
Bungad sa akin ng aking kaibigan saka niya inabot sa akin ang dalang tinimplang gatas naka suot na ito nang damit pang tulog. "Ano ka ba, ayos lang ako. Ako nga ang dapat magpasalamat dahil pinatuloy mo ako dito pansamantala."Nahihiya kong saad. Nakita ko ang pag sulyap nito sa kaniyang relo. Kaya naalala ko si Calib. Ano kaya ang ginagawa niya sa ganitong oras? Nag effort kaya siya para hanapin ako? Marahil hindi. Dahil busy siguro siya. Ayos ka lang ba? Gusto mo ba nang kausap? Nandito lang ako."Napalingon ako sa aking kaibigan. Kanina pala ito nakamasid sa akin habang nagkukuwento pero wala doon ang isip ko. Narinig siguro ang pag buntong hinga ko. Nakita ko ang pag ngiti nito. Napailing lang ako siyang tiningnan. Nakakahiya kung magkukuwento ako bigla sa kaniya. Ni hindi ko nga siya naimbintahan noong ikinasal kami ni Calib tapos ngayon basta lang ako magkukuwento sa kaniya. "Love life?" Bigla niya itong saad. Kaya napangiti na lang ako tumayo saka umupo sa tabi niya. "Nga