"Kanina ko pa napapansin ang pananahimik mo. Kung ang ikinasasama ng loob ay ang pag uwi ko ng late, sorry na.." Pag hingi ko nang paumanhin sa kaniya. Tinaponan lang niya ako ng tingin saka muli sumubo ng kanin. "Ayos lang, ulam gusto mo?" Kinuha nito ang ulam at inabot sa akin, kinuha ko yon at Inilapag ulit saka ngumiti ako ng pagak dahil naiirita na ako sa inaasal niya. hindi ko naman masigawan kasi baka mas lumala pa ang pananahimik nito at baka hindi na ako kausapin. "Nagpunta dito ang girl friend mo." Kasing lamig ng ice ang boses nito, so kaya pala hindi maipinta ang mukha niya dahil daw sa girl friend ko at sino bang-- Wait, anong girl friend? Sinong girl friend? Muntik ko na maibuga ang laman ng aking bibig nang marealized ko ang sinabi nito. Ibinaba ko ang tinidor at kutsara at seryoso ako napatitig sa kaniya. "Girl friend? Sinong girl friend ang tinutukoy mo?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang mata saka niya ako sinama
---------------------"Aliah!" Napalingon ako sa may ari ng boses ganon din si Calib kasalukuyan nakahawak ito sa braso ko habang nakaalalay sa akin papasok ng infants section, nasa loob kami ng Department store malapit lang sa subdivision namin, naisipan kasi namin bumili ng gamit ni baby ng paunti-unti. Napakunot noo ako napalingon kay kenon habang palapit ito sa kinaroroonan namin ni Calib. "Oh kenon! narito ka pala?" Tanong ko sa kaniya nang makalapit ito sa amin. Tumingin ako sa seryoso nito mukha. Nun lang ako nakaramdam ng kaba halatang may dala itong hindi magandang balita. Sa kabilang braso ko naramdaman ko ang pag hawak ng mahigpit ni Calib doon kaya napatingin ako sa kaniya na agad ko naman naintindihan ang ibig nitong ipahiwatig. "Oo eh, sinamahan ko lang si lola. Ikaw kumusta ka na?" Nakangiting sagot ni kenon bago tumingin sa kamay namin ni Calib mahigpit magkahawak ang mga yon isa't isa. "Okay naman, ito malapit na manganak. Kenon, si Calib. Asawa ko. Calib si ken
"Hello, mom. nandiyan ba si Aliah?" Bungad ko kay mommy nasa kabilang linya ito. "Anak, hindi siya nagawi dito. Bakit? May pinuntahan ba siya? Hindi ba siya nag paalam sayo?" Sagot ni mommy, rinig ko ang pagsara nito sa pintuan parang kapapasok lang niya ng kuwarto."Ganon ba, sige mom. Baka mamaya pa ang dating nun."Narinig ko ang pag buntong hinga ni mommy. "Paano ka nagiging kalmado ng ganiyan kung alam mong nawawala ang asawa mo! Baka napaano pa yon, saan ba siya Nagpunta?" Saglit ako natahimik, paano ko ba sasabihin sa kaniya na ako ang mismong nang iwan sa asawa ko kanina. Baka mapagalitan lang niya ako kapag sinabi ko ang totoo. "Hijo, nandiyan ka pa ba? Bakit mo pinapayagan lumabas mag isa ang asawa mo! Paano kung bigla sumakit ang kaniyang tiyan!" Kaya ayaw ko tumawag sa mommy ko dahil sa halip na makapag isip ako ng tama lalo ako natataranta. Napailing saka ako nag takip ng tainga para hindi ako mabingi sa kabilang linya. "Calib wala akong pakialam sa asawa mo, ang
Bungad sa akin ng aking kaibigan saka niya inabot sa akin ang dalang tinimplang gatas naka suot na ito nang damit pang tulog. "Ano ka ba, ayos lang ako. Ako nga ang dapat magpasalamat dahil pinatuloy mo ako dito pansamantala."Nahihiya kong saad. Nakita ko ang pag sulyap nito sa kaniyang relo. Kaya naalala ko si Calib. Ano kaya ang ginagawa niya sa ganitong oras? Nag effort kaya siya para hanapin ako? Marahil hindi. Dahil busy siguro siya. Ayos ka lang ba? Gusto mo ba nang kausap? Nandito lang ako."Napalingon ako sa aking kaibigan. Kanina pala ito nakamasid sa akin habang nagkukuwento pero wala doon ang isip ko. Narinig siguro ang pag buntong hinga ko. Nakita ko ang pag ngiti nito. Napailing lang ako siyang tiningnan. Nakakahiya kung magkukuwento ako bigla sa kaniya. Ni hindi ko nga siya naimbintahan noong ikinasal kami ni Calib tapos ngayon basta lang ako magkukuwento sa kaniya. "Love life?" Bigla niya itong saad. Kaya napangiti na lang ako tumayo saka umupo sa tabi niya. "Nga
----------- Hindi pa ako nakakapasok ng sala rinig na rinig ko na ang ingay mula sa loob kaya nag taka ako napalingon sa loob. Wala naman kami ibang kasama sa bahay ni Calib pero bakit parang may nag paparty sa loob. "Hi aliah! Dumating ka na pala, Hali ka at saluhan mo kami dito. May binili lang muna si Calib." Bungad sa akin ni Troy, ang matalik na kaibigan ni Calib. May hawak itong baso na sa tingin ko ay naglalaman ng alak. Sa kabilang upuan naman ay ukupado ng isang lalake na sa tingin ko ay barkada din ni Calib dahil parang familiar ang mukha. Sa kabilang kanan naroon din si April ang girl friend ni Troy, may nakaipit na sigarilyo sa kaniyang kanang daliri na halatang kakasindi lang ito. Tumango ako bilang pagtugon kay Troy saka ako tumuloy sa loob ng kuwarto. Gusto ko sana lumapit sa kanila pero baka makasama sa baby ang sigarilyo. Nang mabungaran ko ang kuwarto para ito dinaanan ng bago dahil sa daming nakakalat na damit sa sahig kahit iniwanan ko itong malinis. Nagpak
Pang iinis na wika ni aliah kay Stephanie na lumapit pa sa akin saka umakbay para lalong minis si Stephanie. Napa hilamos ako ng sarili kong palad dahil sa bangayan ng dalawa pinagsisihan ko tuloy kung bakit isinama ko pa dito si Stephanie. "Talaga lang ha! Eh nakisawsaw ka lang naman sa relasyon namin! Sa tingin mo kung hindi mo inakit itong si Calib makakasal kayo? And for your information, habang binabahay ka ni Calib sa akin naman siya umuuwi!" "Stephanie stop it! Lasing ka na!" Galit na awat ko kay Stephanie, Hinawakan ko ang balikat nito na ikinagulat naman ni aliah dahilan upang pangiliran siya ng luha. "Iuwi mo na ang babae mo Calib, baka makalimutan kong ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ko! At sa susunod kung binabalak mong gawin boarding house itong bahay siguradohin mo munang hindi ako darating!" Galit na turan niya bago siya patakbong pumunta ng kanyang kuwarto. Napapailing na lang akong sinundan siya ng tingin. "Dude, mas mabuti pang sundan mo siya. Baka mapaano
IBINALIK ko ulit ang cellphone sa tote bag na may panginginig ang aking mga kamay, Anong ibig sabihin ni kenon? Lihim ba sila nagkikita ng asawa ko? Nilingon ko nang may pagtatanong sa aking mga mata si Aliah kasalukuyan itong payapang natutulog. Bumalik ako ulit sa kinauupuan ko kanina kung saan halos isang dangkal ang pagitan namin. Rinig ko halos ang paghilik nito. "Aliah, ano ang relasyon mo sa lalaking iyon? Dapat ba kita pag dudahan?" Bulong ko sa aking sarili, hindi ko alam kung saan ako nanggagaling. Napahilamos ako sa aking sariling palad. Paano kung may katotohanan ang kutob ko? Hindi, hindi maaari. Dahan dahan ako napadusdos sa gilid ng kama. Dapat na ba ako maniwala sa pinagsasabi ni Stephanie sa akin noon, na iiwan ako ni aliah sa oras na may bago siya makilala, iiwan ako kapag nag sawa na ito sa akin? Hindi ako alam kung gaano katagal ako nakatulog sa ganon posisyon, ni hindi ko naramdaman ang panganagawit ng aking leeg. Bumangon ako na mabigat pa rin ang loob ko sa i
Napabalikwas ako ng kama nang maramdaman ko ang pag tunog ng akin tiyan tanda ng pagkalam ng aking sikmura. Ewan ko ba kung gaano kabait ang aking anak sa araw kabaliktaran naman ito kapag ganitong oras. Hindi ko na talaga kaya ang gutom pakiramdam ko ilang buwan ako hindi kumakain. Kahit ba tinatamad ako hindi ko puwede gutomin si baby, kumakamot pa ako sa aking ulo habang palabas ako ng kuwarto. Ganito ba talaga kapag buntis sa gabi umaatake ang pagkalam ng sikmura. "Tingnan mo ang isang iyon, Di man lang nagawang patayin ang ilaw."Bulong ko nang mabungaran kong nakabukas ang ilaw sa sala tanaw ko din ang liwanag sa kusina mukhang nakabukas din ang ilaw doon. "Haynako Aliah, hayaan mo na. Total siya din naman ang nagbabayad ng bills."Dagdag ko pa sa aking sarili. Sa bagay siya naman talaga ang nagbabayad ng lahat simula noong maikasal kami. Kahit naman gustohin ko magbayad wala din ako magagawa kahit sa sarili kong pangangailangan hindi magkasya ang tinatanggap kong sahod so huw