Calib's POV "Hello." Mabilis na sagot ko sa kabilang linya, kanina pa ito tumutunog habang abala ako sa pagmamaneho dahil nakisuyo ang aking mommy na sunduin ang kaniyang pamangkin sa kanilang bahay. "Hijo, kailangan ka ng anak ko ngayon!" Hysterical na bungad ng nasa kabilang linya, saglit ako natigilan dahil hindi ko mabosesan ang mayari ng boses. "Calib, Stephanie needs you right now!" Ang malakas na sambit uit ni Mrs. Sandoval sa kabilang linya. Rinig ko ang palatak niyang boses halatang nairita siya dahil matagal ko siya nabosesan. Dala ng pagkataranta, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Si Stephanie o ang pinsan ko na kailangan ko sunduin dahil hinihintay siya ng mommy ko at nasa bahay din si Aliah na hinihintay ako. ------------------------- NAKAPAMULSA si Mr. Sandoval nang matanaw ko ito sa lobby ng ospital kung saan isinugod si Stephanie, palakad-lakad ito halata sa kaniyang itsura ang matinding pag aalaala para sa anak. "Good afternoon Mr. San---" "Y
"I'm old enough hijo, kung noon natatakot ako kumulubot ang aking mukha, iba na ngayon. Aliah is pregnant magkakaroon na ako ng apo, and I ready for that, or should I say.. Masaya ako dahil kahit iwanan man kita makakasiguro akong may mag aalaga sayo. Iyon ay ang apo ko."Nakatitig lang ako sa maamong mukha ni mommy habang nakangiti itong nagsasalita, ngayon ko lang siya nakitang ganito siya kasaya dahil sa magiging apo nito. At nagpapasalamat ako kay aliah dahil binigyan niya ako ng anak. Nagpakawala ako ng malalim na hininga saka ko iginala ang aking tingin sa malawak namin lupain kung saan napapalibutan ito ng malalaking ilaw na siyang nagsisilbing liwanag tuwing ganitong oras. Nakita ko ang marahan niyang pag langhap ng sariwang hangin na nagmumula sa malawak nitong harden sa ibaba ng terrace. "Anong nangyari sa labi mo? Calib, mabait ang asawa mo. Huwag mo sana hayaan siya na ang mismong humiwalay sayo."Pag iiba niya ng usapan na siyang ikinagulat ko. Tinaponan ko siya ng tin
Para ako nauupos na kandilang napaupo sa gitna ng daan kasabay ang pag patak ng butil ng ulan na kanina pa gusto bumagsak galing sa kalangitan. Sinabayan rin ng malakas na pagkulog dahilan upang mapatakip ako ng sarili kong tainga. "Tulong! Calib!" Wika ng paos kong tinig, tuluyan na ako napaluhod sa lupa habang hawak ko ang maliit kong tiyan. "Diyos ko, huwag mo sana kami pabayaan ng anak ko.. Huwag mo sana hayaan abutin kami dito ng dilim.." Taimtim kong panalangin. Awang-awa ako pinagmasdan ang unti unting pagkabasa ng buo kong katawan dahil sa malakas na ulan. Bibigay na rin ang boses ko gawa ng pag sigaw ko. KAHIT masakit at pagod ang aking mga tuhod pinilit kong makatayo ulit upang ihakbang ang mga yon nang maramdaman ko ang unti--unting pag dilim ng paligid kasabay ng pag bagsak ng aking katawan sa lupa. Calib's POV Nagkagulo ang mga tao sa mansyon nang malaman kong nawawala ang aking asawa, paano nila hindi napansin ang pagkawala nito? Gayon marami sila sa bahay, Bin
Aliah's POV Dahil nag paiwan ako dito sa bahay mag isa buong mag hapon ako tulog dahil pakiramdam ko nilalamon ako ng katamaran dala ng masilang pag bubuntis ko, pinilit ko bumangon upang magluto ng panghaponan namin para pag dating mamaya ni Calib kakain na lang kami. Habang abala ako sa pagbabalat ng kalabasa para sa rikados na lulutuin ko narinig ko ang Mahihinang katok mula sa pinto. Marahan ko muna nilingon ang pinto saka ko inabot ang malinis na basahan na nakasabit sa ref. At nag punas muna ako ng kamay doon bago tinungo ang pinto. "Musta na si mo----?" Natigilan ako nang mabungaran ko ang nasa pinto at agad bumangon sa akin ang kaba na hindi ko alam kong bakit. Nakangiti ang babae, nakasuot ito ng off-shoulder dress na kulay pula, manipis ang tela nito hanggang tuhod, ang neckline nito ay halos lumabas doon ang malulusog nitong dib**b na lalong nagbigay na kaakit-akit na personalidad sa babae. Ang babaing kaharap ko ay minsan ko nang nakita sa larawan pero hindi ako puwe
"Kailangan mo nga ng kape, para naman kahit papaano makaramdam ka ng kunting kilabot diyan sa katawan.""Excuse me? Anong sabi mo?" Bigla niya itong tanong, narinig pala ang pag bulong ko. "Sabi ko anong kape ang gusto mo?" Pag iiba ko ng tanong. "Sayang maganda pa naman sana, kaso nga lang.. bingi..""What? What are you talking about?" Kunot noo nitong tanong ulit sa akin. "Ang sabi ko matapang ba o katamtaman lang?" Naiirita kong tanong, saka ako umiling. "Yong Katamtaman lang, Yuban coffee. Please!" See, Pati lasa ng kape pareho sila ng asawa ko. Ang sarap tuloy buhusan ng malamig na tubig para matauhan naman. Bulong ko, at may pa-yuban coffee pang nalalaman. eh ayaw ko nang amoy nun.Tapos kung maka-yuban coffee at kung makautos daig pa ang amo. Kaya pala mahilig ng yuban coffee ang asawa ko dahil mahilig din ng yuban coffee ang babaing ito. Umikot ang mata ko habang patungo ng kusina upang mag timpla ng kape. Nag takip ako ng ilong habang nag titimpla ako ng kape dahil
"Kanina ko pa napapansin ang pananahimik mo. Kung ang ikinasasama ng loob ay ang pag uwi ko ng late, sorry na.." Pag hingi ko nang paumanhin sa kaniya. Tinaponan lang niya ako ng tingin saka muli sumubo ng kanin. "Ayos lang, ulam gusto mo?" Kinuha nito ang ulam at inabot sa akin, kinuha ko yon at Inilapag ulit saka ngumiti ako ng pagak dahil naiirita na ako sa inaasal niya. hindi ko naman masigawan kasi baka mas lumala pa ang pananahimik nito at baka hindi na ako kausapin. "Nagpunta dito ang girl friend mo." Kasing lamig ng ice ang boses nito, so kaya pala hindi maipinta ang mukha niya dahil daw sa girl friend ko at sino bang-- Wait, anong girl friend? Sinong girl friend? Muntik ko na maibuga ang laman ng aking bibig nang marealized ko ang sinabi nito. Ibinaba ko ang tinidor at kutsara at seryoso ako napatitig sa kaniya. "Girl friend? Sinong girl friend ang tinutukoy mo?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang mata saka niya ako sinama
---------------------"Aliah!" Napalingon ako sa may ari ng boses ganon din si Calib kasalukuyan nakahawak ito sa braso ko habang nakaalalay sa akin papasok ng infants section, nasa loob kami ng Department store malapit lang sa subdivision namin, naisipan kasi namin bumili ng gamit ni baby ng paunti-unti. Napakunot noo ako napalingon kay kenon habang palapit ito sa kinaroroonan namin ni Calib. "Oh kenon! narito ka pala?" Tanong ko sa kaniya nang makalapit ito sa amin. Tumingin ako sa seryoso nito mukha. Nun lang ako nakaramdam ng kaba halatang may dala itong hindi magandang balita. Sa kabilang braso ko naramdaman ko ang pag hawak ng mahigpit ni Calib doon kaya napatingin ako sa kaniya na agad ko naman naintindihan ang ibig nitong ipahiwatig. "Oo eh, sinamahan ko lang si lola. Ikaw kumusta ka na?" Nakangiting sagot ni kenon bago tumingin sa kamay namin ni Calib mahigpit magkahawak ang mga yon isa't isa. "Okay naman, ito malapit na manganak. Kenon, si Calib. Asawa ko. Calib si ken
"Hello, mom. nandiyan ba si Aliah?" Bungad ko kay mommy nasa kabilang linya ito. "Anak, hindi siya nagawi dito. Bakit? May pinuntahan ba siya? Hindi ba siya nag paalam sayo?" Sagot ni mommy, rinig ko ang pagsara nito sa pintuan parang kapapasok lang niya ng kuwarto."Ganon ba, sige mom. Baka mamaya pa ang dating nun."Narinig ko ang pag buntong hinga ni mommy. "Paano ka nagiging kalmado ng ganiyan kung alam mong nawawala ang asawa mo! Baka napaano pa yon, saan ba siya Nagpunta?" Saglit ako natahimik, paano ko ba sasabihin sa kaniya na ako ang mismong nang iwan sa asawa ko kanina. Baka mapagalitan lang niya ako kapag sinabi ko ang totoo. "Hijo, nandiyan ka pa ba? Bakit mo pinapayagan lumabas mag isa ang asawa mo! Paano kung bigla sumakit ang kaniyang tiyan!" Kaya ayaw ko tumawag sa mommy ko dahil sa halip na makapag isip ako ng tama lalo ako natataranta. Napailing saka ako nag takip ng tainga para hindi ako mabingi sa kabilang linya. "Calib wala akong pakialam sa asawa mo, ang
Napatikhim ako nang maamoy ko ang niluto niyang ulam at ang nakakagigil na amoy ng mabangong shower gel na nanggagaling sa gawi ni aliah. Halatang bagong paligo ito dahil sa basa nitong buhok. Nakasuot lang ng simpling oversized t-shirt na tenirnohan ng pajama na hindi nakabawas ng kaniyang kagandahan. Mukha naman hindi niya ako susungitan dahil bahagya lang tumingin sa akin sabay inom ng malamig na tubig. "Good evening.." Nahihiya kong bati sa kaniya sabay upo sa katabi nitong upuan. Simpling sulyap lang ang ginawa niya sa akin pero parang matutunaw na ako sa hiya. Kung hindi lang ako gutom hindi sana ako bababa upang kumain pero baka ako naman ang gawin haponan ng mga bulati sa aking tiyan. Inabot ko ang bandihadong kanin at naglagay sa aking plato pagkatapos ay naglagay rin ako sa plato nito dahil napansin kong wala na siyang kanin. "May sarili akong kamay, kaya kong maglagay na hindi na kailangan ang tulong mo." Irap na wika niya sa akin. Kailangan ko kapalan ng aki
Napasulyap ako sa paligid parang nanuyo ang aking lalamunan nang mapansin kong mangilan ngilan lang ang nagbibiyahe. "Put***k! Kung kailan natatakot ako saka pa nabakante ang edsa. Pikit mata ko pinaharorot ang sasakyan bahala nang may masagi ako ang mahalaga hindi ako mahuli ng buhay ng mga yon." Wika ko sa aking sarili habang mabilis ako nagmamaneho. Nang mapansin ko nasa bandang kaliwa ko na ang sasakyan at pilit sumisiksik sa unahan ng aking sasakyan. Hindi pa naman ako ganon kagaling magmaneho. Sa pagkataranta ko ay agad ako tumawag sa bahay. "Yaya! Kung may mangyari man sa akin ikaw na ang bahala sa anak ko huwag mo siya gutomin!" Hindi ko pa naririnig ang nasa kabila linya ay sunod sunod na ako nag bilin at ibinaba ko na ang tawag ni hindi ko nga alam kung narinig ba ni yaya ang mga bilin ko. Mahaba-haba ang oras na nakipagtagisan ako sa pagmamaneho mula sa hindi ko kakilalang mga armad bago nila ako nilubayan. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makita ko ang nagtataas
BUMUGA muna ako ng malalim na hininga bago ako tuluyan bumaba kung saan naghihintay si Stephanie sa akin. Hindi maipinta ang pagkakangiti sa kaniyang labi. Ganito naman siya lagi abot langit ang kasiyahan kapag alam niyang nag aaway kami ni mama. "What a nice scene, sweet heart! Muntik nga ako pumanhik at tulongan ka dumugin ang walang hiya mong ina!" Nagtagis ang aking mga ngipin ng palihim ng murahin niya si mama. Anong karapatan niya pagsalitaan ng ganon ang aking ina. Pero nanatili iyon sa aking isip ayaw ko bigyan siya lalo ng dahilan para ipahamak lalo ang aking ina. "Anong masamang hangin ang nagdala sayo rito?" Nakasimangot na saad ko. Totoong pagka irita ang ipinapakita ko sa kaniya. Sa dami ba naman ginawang kasalanan sa akin. Binuksan niya ang kaniyang bag at kinuha doon ang lighter upang sindihan ang sigarilyo na mukhang kanina pa nakaipit sa daliri nito. "I need cash, kailangan ko ipamili ng bagong gamit ang anak mo." Diretsahan sagot niya sa akin habang nana
Pagkatapos nang isang gabing pamamalagi ko ng ospital umuwi muna ako ng bahay para sa anak kong si stephan. Inabotan ko siyang nakikipag laro sa kaniyang Yaya himala at inaasikaso na siya ng kaniyang yaya. "D---daddy!" Maluwag ang pagkakangiti niya sa akin sabay yakap. Kahit naliligo na ito ng spaghetti ay hindi naging hadlang para yaposin niya ako ng halik. "Hmmmm... How's my baby boy? Mukhang nag e-enjoy ah!" Wika ko sabay karga sa kaniya. Nakasunod sa amin ang kaniyang yaya na parang may sasabihin. "H---how's yooour dddday d---daddy?!" Pautal-utal niyang sabi pero kahit papaano naiintindihan pa rin kung ano ang gusto niyang sabihin. Nang marating namin ang kwarto niya nilagay ko muna siya sa kaniyang crib saka ko hinubad ang suot kong suit at pagkatapos maingat ko siya kinarga ulit at dinala sa banyo upang linisin. Samantalang naiwan sa sala si yaya na hindi ko pa rin nililingon kanina kahit parang may gusto siyang sabihin. "D---daddy! Where's mo--mommy?" Bi
Aliah's POV "Ma'am, may naghahanap po sayo sa labas." Bungad sa akin ni yaya. Araw ng Thursday, naka leave ako sa opisina para alagaan si calix ilang araw na kasing sinusumpong ng masamang lagnat at kagagaling din namin ng ospital. Tumayo ako at nagtungo sa kanilang dulo ng kama upang kunin ang tuwalya nang mapansin kong nakatayo doon si yaya hindi pa pala ito nakalabas ng kuwarto. "May problema ba yaya?" Tanong ko sa kaniya. Lumapit naman ito at kinuha ang tray na nakalagay sa ibabaw ng table. "May naghahanap po sayo sa labas ma'am. Sasabihin ko bang busy ka?" Malumnay niyang tanong sa akin. Marahil natoto na siya sa nangyari noong isang araw basta lang niya pinapasok si Calib na hindi man lang niya sinabi sa akin. "Sino ang naghahanap sa akin Yaya?" Tanong ko sa kaniya na hindi ko man lang siya nilingon dahil abala ako sa pagbibihis kay calix. "Si Mr. Osteja po." Para ako nakarinig ng kung anong pangalan at bumangon naman ulit sa akin ang galit mula sa aking dibd
"I said get out of here! Bago pa ako mawalan ng respeto sayo! Ang kapal ng mukha mo tumapak sa aking bakuran at ipamukha sa akin ang mga walang katotohanan mong paratang!" Bumagsak na sa inosenti niyang mukha ang rumaragasang luha na kanina pa nagbabanta kumawala. Para na naman kinurot ang aking puso nang makita ang mga luha na iyon tulad ng dati. Gusto ko sana siya lapitan at yakapin at sabihin na nagsisinungalin lang ako dahil alam ko naman hindi niya iyon magagawa pero pinangungunahan ako ng hiya sa aking sarili. "Just leave! At huwag ka na magpapakita sa akin o kay calix dahil I swear kapag nagpakita ka ulit sa akin o sa anak ko baka mapatay pa kita!" Pagbabanta ng kaniyang boses kasabay ang pag punas niya sa kaniyang luha gamit ang palad niya. "Mama! Bakit ka po crying? Ano po ginawa mo sa mama ko?" Nabigla ako nang bigla sumulpot ang kaniyang anak sabay sugod sa akin at pinagsusuntok niya ako ng maliliit nitong kamao. "Bad ka po! Bad! I thought, you are good guy! Ba
MAINGAT ko inilagay sa likod ng aking sasakyan ang napamili kong mga gamit para sa anak kong si calix. Naririnig ko pa ang masaya niyang boses habang kausap ko siya kanina. Mabilis ko pinaharurot ang sasakyan kapag ganitong oras mabagal umusad ang trapiko sa kahabahan ng edsa paniguradong aabotan ako ng dilim sa biyahe at nakasimangot na mukha ng anak ko ang bubungad sa akin. "Mom!" Patakbong salubong sa akin ng anak kong si calix bitbit ang laruan nito. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi pa ito nakasuot ng pang tulog. "Ma'am hindi pa siya naghahaponan eh gusto ka po yata niya makasabay sa hapag kainan." Sumbong agad sa akin ni Yaya kasunod niya itong sumalubong sa akin. "It's okay yaya. Gusto ko na din siya makasabay, ikaw. Pwede mo rin kami salohan mas masarap kasi kapag maraming kasabay." Nakangiti ko sa kaniya sabay abot ng pinamili ko agad naman niya kinuha ang mga iyon at sumunod sa driver. "Sige po ma'am at ipag iinit ko kayo ni calix ng sabaw." Wika nito saka
"Can't you hear me?---" "Ma'am Tawili tapo---" "What?!" Sabay namin sabi nang biglang bumukas ang pinto at mag salita doon ang kaniyang sekretarya. Matatalim na titig ang pinakawalan niya sa akin bago tumayo ng tuwid at hinarap ang kaniyang sekretarya. "Mr. Osteja maari ka nang lumabas! Marami pa ako appointment!" Matalim ang kaniyang mga titig sa akin na sinadya niyang lakasan ang kaniyang boses. Wala akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi nito sabay iling. Bago ako tuluyan Tumalikod isang nagsusumamong tingin ang ginawa ko para ipabatid sa kaniya na handa ako mag hintay para sa makapag usap kami ulit. ALIAH'S POV PARA ako binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang katok mula sa pintuan at hindi malaman ang susunod kong gagawin. Basta ang alam ko sa mga oras na iyon pakiramdam ko para akong kinusot na kamatis sa sobrang hiya ko sa aking sarili at sa dati kong asawa na si Calib. "Leave.. Please!" Ang tanging naisatinig ko habang abala ako sa pag aayos ng akin
MAAGA pa lang ay umalis na ako ng bahay hindi para pumunta ng office kundi pumunta ng Tawili white tower ang isa sa mga gusali ng mga Tawili kung saan napag alaman kong si Aliah ang isa sa namamahala doon hindi naman kataka taka dahil nag iisang anak si Aliah. Hindi pa nag isang oras ay nasa harapan na ako ng gusali. Malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago ko tuluyan pinindot ang 6th floor papunta sa office ng dati kong asawa. Dahil maaga pa naman kaya hindi masyado matao ang gusali iilang staff ang naka salubongin ko. Tatlong babae ang nag uusap habang nakasabay ko sila. "Ewan ko ha, pero ang pagkakaalam ko hindi pa annuled si Ma'am Tawili sa dati nitong asawa." Wika ng babaing may hawak ng folder. "Pero balita ko may pamilya na yong dating husband, so may pag asa pa sa kaniya si Attorney Saabidra." Sagot ng kausap nito. Lihim ko sila nilingon at agad naman nila ako nahalata dahil tumigil sila sa pagsasalita habang ang mga mata nila ay abala sa pagsusuri sa akin. Katul