Tumayo ako sa may gilid ng pinto at hinintay siya makapasok ng kusina.
Dahil sa pagmamadali at kagigising lang ni Aliah hindi niya ako napansing nakatayo sa may gilid ng pinto. Mabilis ito lumapit sa may sink at nabigla ako ng magduwal siya doon habang nakahawak sa kaniyang tiyan. Nabigla pa ito nang bigla ako magsalita mula sa kaniyang likod bago ito kinuha ang towel upang mag punas ng kaniyang bibig. Nag aalala ako, kaya tinanong ko siya kung okay lang ba siya at baka may nakain siya na bago sa kaniyang panlasa. Tiningnan lang niya ako ng masama at bigla ba niya ako inutusan ilayo sa kaniya ang tinimpla kong kape. Nag tataka naman ako inabot ang kape saka ako humigop at inamoy. Nakita ko ang Marahan nitong pag ngiwi dahil sa ginawa ko. Bago siya lumabas ng kusina nag bilin pa siyang hugasan ko ang baso. Sinundan ko lang siya ng tingin. Sa tagal namin mag kasama ngayon ko lang siya nakitaan ng ganon pag uugali, marahil hindi maganda ang gising nito. "May masakit ba sayo?" Bungad ko kay aliah nang makapasok ako ng kuwarto, nakita ko kasing nakapamaluktot ito ng higa. Mula pa kanina hindi ko siya nakitang lumabas ng kuwarto kaya naisipan kong puntahan na lang dito sa kuwarto at ito ang bumungad sa akin. Hindi na siya umimik naka pamaluktot lang ito habang nakabalot ito sa makapal na kumot. "Baka may nakain ka, gusto mo bang samahan kita magpa check up? O gusto mong Ihatid muna kita kay mommy para may mag bantay sayo habang nasa trabaho ako." Sunod-sunod na tanong ko sa kanya, kinabahan ako nang hindi ito sumasagot kaya nilapitan ko siya at umupo sa gilid ng kama. Pinakiramdaman ko kung tulog ba siya o ayaw lang niya magsalita. "Gusto mo bang huwag muna ako pumasok sa trabaho? Matagal tagal rin natin hindi nabibisita si mommy," Napakislot siya ng marahan nang kapain ko ang kaniyang noo, wala naman ito lagnat. Ang mga babae talaga tuyuin ang utak minsan hindi mo sila maintindihan, susuyuin ba o ano. "Pumasok ka na, ayaw na ayaw ko makita pagmumukha mo." Sabi nito sa mababang boses. Nagtataka ako tumingin sa kaniya habang wala pa rin itong imik. Napaka weird ang ikinikilos ng babaing ito. Wala naman ako nagawang maari niya ikainis. Napabuntong hinga ako tumayo at tinaponan ko siya ng tingin. "O siya, ayaw mo naman ako makita kaya papasok na lang ako sa opisina, tumawag ka lang kapag may kailangan ka." Humakbang ako papunta sa pinto nang maramdaman kong bumangon ito at nagsalita. "Saan ba ang kiss ko.." Nakangiti ako lumingon sa kaniya, tingnan mo ugali ng babaing ito. Kanina ayaw daw niya ako makita tapos ngayon hihingi ng kiss. "Saan na?" Nakanguso nitong sabi. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil bigla bigla bang mag iiba ang timpla ng pag uugali niya. "Akala ko ba ayaw mo ako makita, bakit bigla yata nagbago ang ihip ng hangin." Nagbibiro kong tanong sa kaniya nang makalapit na ako sa kaniya bago ko siya ginawaran ng halik sa noo. "Porke ba sinabi kong ayaw ko makita ang mukha mo hindi mo na ako hahalikan?" Nagtatampo niya itong sabi saka ito nahiga ulit at nagtalukbong ng kumot. "Bueno, papasok na ako sa opisina. Mag lock ka ng pinto, nagloto ako ng paboreto mong ulam baka nagugugtom ka." Bilin ko sa kaniya, hindi ko na siya hinintay sumagot at Tumalikod na ako papuntang pinto. Dahil maraming papers ang kailangan kong permahan nag bilin ako sa aking secretary na huwag ako abalahin. Gusto ko kasi maaga ako matapos para makauwi ng maaga sa bahay, Napansin ko kasing namumutla ang pisngi ng aking asawa kanina halatang hindi maganda ang pakiramdam. Mahihinang katok ang pumukaw sa akin. Napakunot noo ako tumingin sa pinto. Wala naman ako inaasahan bisita dahil binilin ko sa aking secretary na huwag ako abalahin. "Pero ma'am, nag bilin si sir na huwag siya abalahi---!" Naputol ang sasabihin ng aking secretary nang biglang pumasok si Stephanie. Nakita ko ang pag yuko ni Ms. Almares tanda ng paghingi ng paumanhin dahil sa ginawa ni Stephanie. "Talaga lang ba Calib? Kung pag bawalan mo ako pumasok ng opisina mo. Parang hindi mo ako girlfriend!" Umuusok ang ilong nito sa galit. Stephanie is the kind of woman who doesn't back down. Maybe because she grew up being spoiled by her parents. She always wants to have her way. I don't even know why I started liking her. Siguro dahil gusto ko lang makalaya sa kagustohan ni mommy, gusto ko ipakita sa kaniya na kagustohan ko naman ang masusunod hindi ang kagustohan niya para sa akin. Napabuntong hinga ako bumaling sa kaniya habang naka pamaywang ito. "Ang dami ko kailangan taposin, hindi mo ba nakikita?" Matigas na sabi ko sa kaniya sabay Inilapag sa mesa ang hawak kong folder. Nakita kong biglang nagbago ang expression ng kaniyang mukha. "Sorry, nainis lang ako sa sekretarya mo. Bigla ba niya ako sinungitan dahil pinipiit kong pumasok." Mahinahon niya itong sabi. Nasanay na ako sa kaniya kung hindi ko siya papakitaan ng hindi pag sang ayon baka mamihasa lang ito. "Dahil sinabihan ko siya, at isa pa. kilala mo ako kapag ayaw ko paisturbo malamang may mahalaga akong ginagawa." Mababa ang aking tuno. "Okay, sorry.. Anyway, may dinner tayo mamaya sa bahay. Hihinta---" "Kailangan ko umuwi ng maaga, kailangan ako ng asawa ko." Putol ko sa kaniyang sasabihin. Nakita ko ang matalim niyang tingin sa akin halatang hindi niya nagustohan ang sinabi ko. Ganito naman siya lagi, ayaw na ayaw niyang naririnig o nababanggit ang tungkol sa asawa ko. "And? What about me? Girl friend mo din ako Calib." Napatigil ako sa kaniyang sinabi. Ang pinaka ayaw ko yong pinipigalan ako sa mga desisyon ko. "Asawa ko ang aasikasohin ko, hindi lang kung sino." Naiirita kong sagot sa kaniya. Nakita ko sa dulo ng aking mga mata ang paniningkit ng kaniyang mga mata at ang galit sa kaniyang mukha. Pero hindi ako nagpa apekto bagkus ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa. "Huwag mo sila paghintayin." Nagbabanta nitong sabi sa akin saka ito nagtungo sa pinto at binagsak ang pagsara doon. Pasado alas sais na ng gabi nang matapos ako sa opisina at nag madali ako pumunta ng parking area kung saan nakaparada ang aking sasakyan. Naka ilang hakbang ako nang tumunog ang aking cellphone. "Saan ka na ba? Kanina pa naghihintay si mommy at daddy." Boses ni Stephanie, desperada itong pumunta ako sa kanilang bahay at ginagamit pa ang mga magulang upang pilitin ako sa kaniyang kagustohan. Hindi ako sumagot at ibinaba ko agad ang tawag. Okay, twenty minutes at uuwi na ako. Mas kailangan ako ng asawa ko. Bulong ko sa aking guni-guni.bago ako nagpakawala ng buntong hininga. Pagkaparada ng aking sasakyan sa malawak na garahe ng pamilya ni Stephanie agad ako bumaba ng sasakyan at tumuloy sa malawak na kabahayan. "Nasa Dining area sila sir." Nakangiting bungad sa akin ng katulong. Naka ilang beses na ako nakapunta dito kaya kilala na ako ng mga katulong dito. Tinangohan ko ang katulong saka ako nag patuloy sa paglalakad. "Good evening hijo, Hali ka na at naghihintay na ang hapag kainan." Nakangiting Yaya sa akin ng ama ni Stephanie. Mabait ang kaniyang ama at may pagka strekto ito. Ang ina naman ni Stephanie ay magalak ito nakangiti sa akin. Halata sa Ginang ang pagtutol sa relasyon namin ng kanilang anak. Pero marahil dahil sa mahal nila ang kaisa-isa nilang anak wala silang magawa kundi sumunod ang mga ito sa kagustohan ng kanilang anak. Maraming pagkain ang nakahain sa malaking mesa. Halatang pinag handaan ng pamilya ang pagdating ko. Bahagya ako tumingin sa dereksyon ni Stephanie seryoso ito kumakain at
Bago pa ako makasagot naramdaman ko ang mainit niyang palad masuyo ito humaplos sa aking likod. Pakiramdam ko gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa nito doon. Napapikit ako saka sabay sabay kumawala ang butil ng luha sa aking mata, hindi ko alam kung bakit, basta ang alam ko masaya ako. Binuhay ko ulit ang tubig at kunwaring nag hilamos ako doon upang hindi niya mahalata ang bakas na luha na kumawala sa aking mata at Humarap ako dito. "Medyo ayos na ako, salamat." Walang emosyon na sagot ko. Pero alam kong masaya ako ayaw ko lang ipakita sa kaniya. Kinuha niya ang towel sa kaniyang balikat na sa tingin ko ay dala niya ito kanina at siya mismo ang nag punas sa basa kong mukha. Inalalayan ako makaupo sa sofa at doon niya Inayos ang magulo kung buhok. Habang inosente ako nakatitig sa kaniya naramdaman ko na naman ulit ang pag iinit ng aking mata alam kong maghahabolan na naman sa pagpatak ang mga butil ng luha. Paano kasi, sino ba naman ang asawa ang hindi maiiyak. Sa tanan
Kahit nakayuko ako, ramdam ko ang pag angat nito ng mukha dahil sa Marahan nitong pag ngisi. "Kahit ano pa yan, baby girl o baby boy. Maganda o guwapo, ang mahalaga malusog at maayos ka makapanganak." Serosyo nitong sabi. Nakaramdam na naman ako ng kasiyahan mula sa kaibuturan ng aking puso. Sana walang mag bago, sana pakitunguhan pa rin ako ng maayos pagkatapos ko manganak. Hayst, naramdaman ko na naman ang pag iinit ng aking mata. Ewan ko ba kung bakit nagiging emosyonal ako sa tuwing papakitaan niya ako ng pag aalala at kunting pagmamahal. "Oh, ayan ka na naman. Baka pag lumabas iyang anak ko maging iyakin niyan. Sinasabi ko sayo asawa ko ayaw ko nang mahina sa pamilya ko." Nagbibiro nitong saad. Napangiti naman ako sa tinuran nito. Asawa ko. Ang sarap pakinggan, parang musika sa pandinig. Hayst! Nagiging OA n naman ako. Pero alam kong may bahid na kaseryosohan ang kaniyang sinabi. Ayaw niyang nakakakita ito ng mahina, halata ko yon sa tuwing nagtatalo kami at naki
Calib's POV "Hello." Mabilis na sagot ko sa kabilang linya, kanina pa ito tumutunog habang abala ako sa pagmamaneho dahil nakisuyo ang aking mommy na sunduin ang kaniyang pamangkin sa kanilang bahay. "Hijo, kailangan ka ng anak ko ngayon!" Hysterical na bungad ng nasa kabilang linya, saglit ako natigilan dahil hindi ko mabosesan ang mayari ng boses. "Calib, Stephanie needs you right now!" Ang malakas na sambit uit ni Mrs. Sandoval sa kabilang linya. Rinig ko ang palatak niyang boses halatang nairita siya dahil matagal ko siya nabosesan. Dala ng pagkataranta, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Si Stephanie o ang pinsan ko na kailangan ko sunduin dahil hinihintay siya ng mommy ko at nasa bahay din si Aliah na hinihintay ako. ------------------------- NAKAPAMULSA si Mr. Sandoval nang matanaw ko ito sa lobby ng ospital kung saan isinugod si Stephanie, palakad-lakad ito halata sa kaniyang itsura ang matinding pag aalaala para sa anak. "Good afternoon Mr. San---" "Y
"I'm old enough hijo, kung noon natatakot ako kumulubot ang aking mukha, iba na ngayon. Aliah is pregnant magkakaroon na ako ng apo, and I ready for that, or should I say.. Masaya ako dahil kahit iwanan man kita makakasiguro akong may mag aalaga sayo. Iyon ay ang apo ko."Nakatitig lang ako sa maamong mukha ni mommy habang nakangiti itong nagsasalita, ngayon ko lang siya nakitang ganito siya kasaya dahil sa magiging apo nito. At nagpapasalamat ako kay aliah dahil binigyan niya ako ng anak. Nagpakawala ako ng malalim na hininga saka ko iginala ang aking tingin sa malawak namin lupain kung saan napapalibutan ito ng malalaking ilaw na siyang nagsisilbing liwanag tuwing ganitong oras. Nakita ko ang marahan niyang pag langhap ng sariwang hangin na nagmumula sa malawak nitong harden sa ibaba ng terrace. "Anong nangyari sa labi mo? Calib, mabait ang asawa mo. Huwag mo sana hayaan siya na ang mismong humiwalay sayo."Pag iiba niya ng usapan na siyang ikinagulat ko. Tinaponan ko siya ng tin
Para ako nauupos na kandilang napaupo sa gitna ng daan kasabay ang pag patak ng butil ng ulan na kanina pa gusto bumagsak galing sa kalangitan. Sinabayan rin ng malakas na pagkulog dahilan upang mapatakip ako ng sarili kong tainga. "Tulong! Calib!" Wika ng paos kong tinig, tuluyan na ako napaluhod sa lupa habang hawak ko ang maliit kong tiyan. "Diyos ko, huwag mo sana kami pabayaan ng anak ko.. Huwag mo sana hayaan abutin kami dito ng dilim.." Taimtim kong panalangin. Awang-awa ako pinagmasdan ang unti unting pagkabasa ng buo kong katawan dahil sa malakas na ulan. Bibigay na rin ang boses ko gawa ng pag sigaw ko. KAHIT masakit at pagod ang aking mga tuhod pinilit kong makatayo ulit upang ihakbang ang mga yon nang maramdaman ko ang unti--unting pag dilim ng paligid kasabay ng pag bagsak ng aking katawan sa lupa. Calib's POV Nagkagulo ang mga tao sa mansyon nang malaman kong nawawala ang aking asawa, paano nila hindi napansin ang pagkawala nito? Gayon marami sila sa bahay, Bin
Aliah's POV Dahil nag paiwan ako dito sa bahay mag isa buong mag hapon ako tulog dahil pakiramdam ko nilalamon ako ng katamaran dala ng masilang pag bubuntis ko, pinilit ko bumangon upang magluto ng panghaponan namin para pag dating mamaya ni Calib kakain na lang kami. Habang abala ako sa pagbabalat ng kalabasa para sa rikados na lulutuin ko narinig ko ang Mahihinang katok mula sa pinto. Marahan ko muna nilingon ang pinto saka ko inabot ang malinis na basahan na nakasabit sa ref. At nag punas muna ako ng kamay doon bago tinungo ang pinto. "Musta na si mo----?" Natigilan ako nang mabungaran ko ang nasa pinto at agad bumangon sa akin ang kaba na hindi ko alam kong bakit. Nakangiti ang babae, nakasuot ito ng off-shoulder dress na kulay pula, manipis ang tela nito hanggang tuhod, ang neckline nito ay halos lumabas doon ang malulusog nitong dib**b na lalong nagbigay na kaakit-akit na personalidad sa babae. Ang babaing kaharap ko ay minsan ko nang nakita sa larawan pero hindi ako puwe
"Kailangan mo nga ng kape, para naman kahit papaano makaramdam ka ng kunting kilabot diyan sa katawan.""Excuse me? Anong sabi mo?" Bigla niya itong tanong, narinig pala ang pag bulong ko. "Sabi ko anong kape ang gusto mo?" Pag iiba ko ng tanong. "Sayang maganda pa naman sana, kaso nga lang.. bingi..""What? What are you talking about?" Kunot noo nitong tanong ulit sa akin. "Ang sabi ko matapang ba o katamtaman lang?" Naiirita kong tanong, saka ako umiling. "Yong Katamtaman lang, Yuban coffee. Please!" See, Pati lasa ng kape pareho sila ng asawa ko. Ang sarap tuloy buhusan ng malamig na tubig para matauhan naman. Bulong ko, at may pa-yuban coffee pang nalalaman. eh ayaw ko nang amoy nun.Tapos kung maka-yuban coffee at kung makautos daig pa ang amo. Kaya pala mahilig ng yuban coffee ang asawa ko dahil mahilig din ng yuban coffee ang babaing ito. Umikot ang mata ko habang patungo ng kusina upang mag timpla ng kape. Nag takip ako ng ilong habang nag titimpla ako ng kape dahil