Share

Chapter 05

Maingat ko isinara ang pinto saka binuksan ang ilaw sa sala, ang makalat na gamit sa sala na iniwan ko kanina ngayon ay malinis na. Ito naman lagi ang nabubungaran ko sa tuwing darating ako. Kung may isang bagay man akong nagustohan kay aliah yon ay ang pagiging malinis sa bahay. Napapangiti ako sa tuwing naalala ko kung paano niya ako inaalagaan at pankitungohan kahit puro pasakit ang ipanaramdam ko sa kaniya.

Dinukot ko ang aking cellphone at nag dial. Balak ko sana siya tawagan at itanong kung saan ba siya para masundo siya pero gumihit sa aking alaala ang nangyari kanina. Nagkibit balikat akong ibinaba ang cellphone. Oo nga at bakit ako mag aaksaya ng oras gayon hindi man lang niya ako naisipan tawagan.

Upang mahimasmasan ako, tinungo ko ang kusina upang maghanap ng puwede ko lutuin. Binuksan ko ang ref. At nakita ko doon ang tirang ulam na sa tingin ko ay kanina pang umaga iyon niluto ni aliah. Ginataang tilapia at may kasamang kalabasa. Iyon ang paboritog ulam ni aliah. Kinuha ko iyon at nilagay sa maliit na kaldero at binuhay ang electric stove.

Nag templa rin ako ng juice tulad na madalas gawin ni aliah sa tuwing kakain kami. Pagkaraan ng ilang minuto pinatay ko ang electric stove. Saka kumuha ng mangkok at nilagay ko ang pinainit kong ulam.

Napansin kong hindi pa pala ako nakakapagbihis ng damit pambahay kaya tinakpan ko muna ang ulam at mabilis na tinungo ang kuwarto.

Napakunot noo ako ng mapansin kong Marahan naka bukas ang pinto kaya dahan dahan ako lumapit.

Madilim ang loob ng kuwarto kaya hindi ko makita ang mukha ni aliah habang umiiyak ito, gustohin ko man siya lapitan at tanongin kung ano ang nangyari sa kaniya pero pinangunahan ako ng hiya kaya dahan dahan ako humakbang palayo sa pinto.

Palakad-lakad ako habang hindi ko alam ang gagawin, kakatukin ba siya sa kuwarto o hahayaan na lang siya mag isa. Hindi na ito bago sa akin, ang hindi siya makasabay sa hapag kainan madalas kasi ako kumain sa labas kasama ang aking mga kaibigan at si Stephanie. Parang tinusok ng karayom ang aking puso nang isa-isa ko maalaala ang mga pagkukulang ko kay aliah.

Sa halip na sabayan siya sa pagkain mas pinipili ko kumain na lang sa labas. Walang araw na hindi ko siya inaaway, napa upo ako sa sofa at habang binabalikan ang mga pagkukulang ko sa asawa ko. Hindi lang isang beses ko nereject ang mga niloloto niya para sa akin. Madalas ko rin siya iwan mag isa sa kama at mas pinipili ko matulog sa guest room. Pero ni minsan hindi ko nakita sa kaniyang mukha ang pag suko.

Napahilamos ako ng mukha, bigla na lang ako nakaramdam ng pagkapahiya sa aking sarili. Ni minsan hindi ko siya napakitaan ng mabuti bilang asawa niya.

Tumayo ako at tinungo ang mesa kung saan nakahanda ang pagkain pero sa halip na kainin ko ang mga iyon nagpasiya ako ibalik na lang sa ref. Wala na ako gana pang kumain, hindi ki alam kung guilty ba ang nararamdaman ko o awa para kay aliah.

Matamlay ko binuksan ang guest room tulad ng nakasanayan ko hindi ko na naman tatabihan sa pag tulog ang aking asawa. Kung noong mag kasintahan pa kami ni aliah halos hindi ko siya papahingain sa pag tulog ngayon na asawa ko na siya halos hindi ko na siya tabihan.

Aliah's POV

Hindi ko namalayan ang pag sikat ng umaga, Gumising ako tila ba bumalik na naman ako sa katinuan na para bang walang naganap na pag iyak kagabi. Mabilis ko inayos ang aking sarili bago lumabas ng kuwarto, paniguradong makalat na naman ang sala paano kasi napakaburara ng asawa ko at kapag nagligpit ako ng kanyang mga gamit doon na naman nagwawala.

Marahan ako humaplos sa maliit kong tiyan, nakakaramdam ako ng kasiyahan sa tuwing iisipin kong malapit na mahalata at masisilayan ko na siya. Ako na yata ang pinakamasayang ina kapag nailuwal ko na ang anak ko.

Pagkalabas ko ng kuwarto nagmamadali ako pumunta ng laundry area kung saan may maraming labhan ang naka abang, binuksan ko ang basket upang kunin ang labhan pero laking gulat ko ng makitang bakante iyon, puno naman iyon kahapon kasi dalawang araw ko nang nakaligtaan maglaba, Bago ako lumabas napansin kong basa ang sahig halatang katatapos e map amoy ko din ang zonrox sa paligid.

Mula sa pinto amoy na amoy ko ang aroma ng kape galing sa kusina tila nakaramdam ako ng biglang panduduwal kaya patakbo kong tinungo ang lababo upang ilabas ang kinain ko kagabi.

"Bakit ang baho? Ang sangsang na amoy!"

Pakiramdam ko babaliktad ang aking sikmura habang nakasubsub ang ulo ko sa lababo. Napatutup ako sa bibig ng maalala kong may munting anghel pala sa aking sinapupunan.

"Are you okay?"

Napalingon ako bigla ng marinig ko ang boses ng aking asawa, ngayon ay nakatayo sa likod ko habang matalim na nakatitig sa akin. Ilang sigundo ako napatanga, tila bigla umurong ang aking dila. Humakbang ako upang abotin ang towel na nakasabit sa gilid ng ref. At Marahan ko ipinunas sa aking bibig.

"Ayos ka lang ba? Baka may nakain ka lang na bago sa panlasa mo."

Dagdag pa niya na kay lamig ng boses nito.

"Ayos lang ako, maya't maya mawawala din ito." Walang emosyon na sagot ko.

Umupo ako nang maramdaman ko ang pag dilim ng paligid at kung maaari gusto ko muna iwasan si Calib, parang ayaw ko makita ang presensya niya. Marahan ko tinaponan ng tingin ang basong nakapatong sa table.

"Puwede bang ilayo mo sa akin yan! Ano bang kape iyan at ang pangit ng amoy!"

Nakasimangot na reklamo ko sabay takip ko ng ilong.

Nagtataka naman niya ako tiningnan saka tinungo ang basong nakapatong sa ibabaw ng table.

"This? Anong mali sa kape ko?"

Takang tanong niya, pagkatapos niya amoyin ang kape at ibinaling sa akin ang tingin. Napa ngiwi naman ako nang makita kong inamoy niya ang baso pagkatapos nito humigop. Hindi ko alam kung saan ba o kanino ako maiirita, sa mukha ba niya o sa hawak niyang kape. Tiningnan ko siya ng masama saka ako tumayo sa kinauupuan.

"Nakakadiri ka! Hugasan mo lang ng maayos yang baso pagkatapos mo gamitin,"

Naiirita kong sabi sa kaniya bago ko tinungo ang pinto, nawalan ako bigla ng gana maglinis ng bahay dahil lang sa kape at sa pagmumukha ng asawa ko.

Calib's POV

Pagkatapos ko maglaba at magsampay nag linis ako ng sahig. naglagay na rin ako ng zonrox upang tanggalin ang dilaw napansin ko kasi noong isang araw na halos gumapang na si Aliah sa paglilinis ng sahig namin.

Pag labas ko ng laundry area naramdaman ko ang Panunuyo ng aking lalamunan kaya naisip kong tikman ang Yuban coffee na binili ko noong isang araw. Kumuha ako ng dalawang baso balak ko sana timplahan din si Aliah at dalhin sa kaniyang kuwarto.

Napailing lang ako habang ibinabalik ko ang isang baso, bakit ko ba naisipan timplahan ng kape ang asawa ko? Baka mamihasa pa siya mahirap na.

Narinig ko ang pagsara ng pinto sa kabila, marahil gising na siya at ano mang oras mararatnan niya ako dito sa kusina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status