Bago pa ako makasagot naramdaman ko ang mainit niyang palad masuyo ito humaplos sa aking likod. Pakiramdam ko gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa nito doon. Napapikit ako saka sabay sabay kumawala ang butil ng luha sa aking mata, hindi ko alam kung bakit, basta ang alam ko masaya ako. Binuhay ko ulit ang tubig at kunwaring nag hilamos ako doon upang hindi niya mahalata ang bakas na luha na kumawala sa aking mata at Humarap ako dito. "Medyo ayos na ako, salamat." Walang emosyon na sagot ko. Pero alam kong masaya ako ayaw ko lang ipakita sa kaniya. Kinuha niya ang towel sa kaniyang balikat na sa tingin ko ay dala niya ito kanina at siya mismo ang nag punas sa basa kong mukha. Inalalayan ako makaupo sa sofa at doon niya Inayos ang magulo kung buhok. Habang inosente ako nakatitig sa kaniya naramdaman ko na naman ulit ang pag iinit ng aking mata alam kong maghahabolan na naman sa pagpatak ang mga butil ng luha. Paano kasi, sino ba naman ang asawa ang hindi maiiyak. Sa tanan
Kahit nakayuko ako, ramdam ko ang pag angat nito ng mukha dahil sa Marahan nitong pag ngisi. "Kahit ano pa yan, baby girl o baby boy. Maganda o guwapo, ang mahalaga malusog at maayos ka makapanganak." Serosyo nitong sabi. Nakaramdam na naman ako ng kasiyahan mula sa kaibuturan ng aking puso. Sana walang mag bago, sana pakitunguhan pa rin ako ng maayos pagkatapos ko manganak. Hayst, naramdaman ko na naman ang pag iinit ng aking mata. Ewan ko ba kung bakit nagiging emosyonal ako sa tuwing papakitaan niya ako ng pag aalala at kunting pagmamahal. "Oh, ayan ka na naman. Baka pag lumabas iyang anak ko maging iyakin niyan. Sinasabi ko sayo asawa ko ayaw ko nang mahina sa pamilya ko." Nagbibiro nitong saad. Napangiti naman ako sa tinuran nito. Asawa ko. Ang sarap pakinggan, parang musika sa pandinig. Hayst! Nagiging OA n naman ako. Pero alam kong may bahid na kaseryosohan ang kaniyang sinabi. Ayaw niyang nakakakita ito ng mahina, halata ko yon sa tuwing nagtatalo kami at naki
Calib's POV "Hello." Mabilis na sagot ko sa kabilang linya, kanina pa ito tumutunog habang abala ako sa pagmamaneho dahil nakisuyo ang aking mommy na sunduin ang kaniyang pamangkin sa kanilang bahay. "Hijo, kailangan ka ng anak ko ngayon!" Hysterical na bungad ng nasa kabilang linya, saglit ako natigilan dahil hindi ko mabosesan ang mayari ng boses. "Calib, Stephanie needs you right now!" Ang malakas na sambit uit ni Mrs. Sandoval sa kabilang linya. Rinig ko ang palatak niyang boses halatang nairita siya dahil matagal ko siya nabosesan. Dala ng pagkataranta, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Si Stephanie o ang pinsan ko na kailangan ko sunduin dahil hinihintay siya ng mommy ko at nasa bahay din si Aliah na hinihintay ako. ------------------------- NAKAPAMULSA si Mr. Sandoval nang matanaw ko ito sa lobby ng ospital kung saan isinugod si Stephanie, palakad-lakad ito halata sa kaniyang itsura ang matinding pag aalaala para sa anak. "Good afternoon Mr. San---" "Y
"I'm old enough hijo, kung noon natatakot ako kumulubot ang aking mukha, iba na ngayon. Aliah is pregnant magkakaroon na ako ng apo, and I ready for that, or should I say.. Masaya ako dahil kahit iwanan man kita makakasiguro akong may mag aalaga sayo. Iyon ay ang apo ko."Nakatitig lang ako sa maamong mukha ni mommy habang nakangiti itong nagsasalita, ngayon ko lang siya nakitang ganito siya kasaya dahil sa magiging apo nito. At nagpapasalamat ako kay aliah dahil binigyan niya ako ng anak. Nagpakawala ako ng malalim na hininga saka ko iginala ang aking tingin sa malawak namin lupain kung saan napapalibutan ito ng malalaking ilaw na siyang nagsisilbing liwanag tuwing ganitong oras. Nakita ko ang marahan niyang pag langhap ng sariwang hangin na nagmumula sa malawak nitong harden sa ibaba ng terrace. "Anong nangyari sa labi mo? Calib, mabait ang asawa mo. Huwag mo sana hayaan siya na ang mismong humiwalay sayo."Pag iiba niya ng usapan na siyang ikinagulat ko. Tinaponan ko siya ng tin
Para ako nauupos na kandilang napaupo sa gitna ng daan kasabay ang pag patak ng butil ng ulan na kanina pa gusto bumagsak galing sa kalangitan. Sinabayan rin ng malakas na pagkulog dahilan upang mapatakip ako ng sarili kong tainga. "Tulong! Calib!" Wika ng paos kong tinig, tuluyan na ako napaluhod sa lupa habang hawak ko ang maliit kong tiyan. "Diyos ko, huwag mo sana kami pabayaan ng anak ko.. Huwag mo sana hayaan abutin kami dito ng dilim.." Taimtim kong panalangin. Awang-awa ako pinagmasdan ang unti unting pagkabasa ng buo kong katawan dahil sa malakas na ulan. Bibigay na rin ang boses ko gawa ng pag sigaw ko. KAHIT masakit at pagod ang aking mga tuhod pinilit kong makatayo ulit upang ihakbang ang mga yon nang maramdaman ko ang unti--unting pag dilim ng paligid kasabay ng pag bagsak ng aking katawan sa lupa. Calib's POV Nagkagulo ang mga tao sa mansyon nang malaman kong nawawala ang aking asawa, paano nila hindi napansin ang pagkawala nito? Gayon marami sila sa bahay, Bin
Aliah's POV Dahil nag paiwan ako dito sa bahay mag isa buong mag hapon ako tulog dahil pakiramdam ko nilalamon ako ng katamaran dala ng masilang pag bubuntis ko, pinilit ko bumangon upang magluto ng panghaponan namin para pag dating mamaya ni Calib kakain na lang kami. Habang abala ako sa pagbabalat ng kalabasa para sa rikados na lulutuin ko narinig ko ang Mahihinang katok mula sa pinto. Marahan ko muna nilingon ang pinto saka ko inabot ang malinis na basahan na nakasabit sa ref. At nag punas muna ako ng kamay doon bago tinungo ang pinto. "Musta na si mo----?" Natigilan ako nang mabungaran ko ang nasa pinto at agad bumangon sa akin ang kaba na hindi ko alam kong bakit. Nakangiti ang babae, nakasuot ito ng off-shoulder dress na kulay pula, manipis ang tela nito hanggang tuhod, ang neckline nito ay halos lumabas doon ang malulusog nitong dib**b na lalong nagbigay na kaakit-akit na personalidad sa babae. Ang babaing kaharap ko ay minsan ko nang nakita sa larawan pero hindi ako puwe
"Kailangan mo nga ng kape, para naman kahit papaano makaramdam ka ng kunting kilabot diyan sa katawan.""Excuse me? Anong sabi mo?" Bigla niya itong tanong, narinig pala ang pag bulong ko. "Sabi ko anong kape ang gusto mo?" Pag iiba ko ng tanong. "Sayang maganda pa naman sana, kaso nga lang.. bingi..""What? What are you talking about?" Kunot noo nitong tanong ulit sa akin. "Ang sabi ko matapang ba o katamtaman lang?" Naiirita kong tanong, saka ako umiling. "Yong Katamtaman lang, Yuban coffee. Please!" See, Pati lasa ng kape pareho sila ng asawa ko. Ang sarap tuloy buhusan ng malamig na tubig para matauhan naman. Bulong ko, at may pa-yuban coffee pang nalalaman. eh ayaw ko nang amoy nun.Tapos kung maka-yuban coffee at kung makautos daig pa ang amo. Kaya pala mahilig ng yuban coffee ang asawa ko dahil mahilig din ng yuban coffee ang babaing ito. Umikot ang mata ko habang patungo ng kusina upang mag timpla ng kape. Nag takip ako ng ilong habang nag titimpla ako ng kape dahil
"Kanina ko pa napapansin ang pananahimik mo. Kung ang ikinasasama ng loob ay ang pag uwi ko ng late, sorry na.." Pag hingi ko nang paumanhin sa kaniya. Tinaponan lang niya ako ng tingin saka muli sumubo ng kanin. "Ayos lang, ulam gusto mo?" Kinuha nito ang ulam at inabot sa akin, kinuha ko yon at Inilapag ulit saka ngumiti ako ng pagak dahil naiirita na ako sa inaasal niya. hindi ko naman masigawan kasi baka mas lumala pa ang pananahimik nito at baka hindi na ako kausapin. "Nagpunta dito ang girl friend mo." Kasing lamig ng ice ang boses nito, so kaya pala hindi maipinta ang mukha niya dahil daw sa girl friend ko at sino bang-- Wait, anong girl friend? Sinong girl friend? Muntik ko na maibuga ang laman ng aking bibig nang marealized ko ang sinabi nito. Ibinaba ko ang tinidor at kutsara at seryoso ako napatitig sa kaniya. "Girl friend? Sinong girl friend ang tinutukoy mo?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang mata saka niya ako sinama