Share

Reject his child
Reject his child
Author: MissJ

Chapter 01

I ran out of calib's condo unit while my eyes were filled with tears. Gusto ko sabunutan at sugurin ang babaing kasama nito sa kama habang pinagsasaluhan nila ang mainit na pagnin**g pero nangibabaw sa akin ang takot. Takot na baka kapag ginawa ko yon ay hindi na ako balikan pa ni calib.

Mabilis ko narating ang maliit na apartment kung saan dalawang taon ako nanirahan kasama si calib. We often spend hot nights together, along with his promise na ako lang ang babaing magiging ina ng kaniyang magiging anak. Napalakas ang hikbi ko nang mapansin kong hawak-hawak ko pa rin ang maliit na bagay sa aking mga kamay na may maliit na guhit pula sa loob niyon. Gusto ko sana siya surpresahin at sabihin sa kaniya na handa na ako maging nanay ng mga anak niya pero ako pala ang nasurprise nang makita ko siya sa kama na may kasamang ibang babae.

Habang abala ako sa pag iimpake ng aking mga gamit dahil balak ko sana pumunta muna sa bahay ng aking matalik na kaibigan upang doon magpalamig muna habang hindi pa nagpapaliwanag sa akin si calib tungkol sa nangyari. nang tumunog ang cellphone.

Itinigil ko muna ang pag iimpake at tinungo ang kinalalagyan ng aking bag kung saan nandoon ang aking cellphone. Tahimik ko binasa ang nakarehestrong number. Napakunot noo ako na sinagot iyon.

"Hello, yes. Speaking,"

Sa dalawang taon naming relasyon ni calib ngayon ko lang makakausap at makikita ang kaniyang mommy at sa tuno ng boses ng Ginang kanina parang may mahalaga ito sasabihin sa akin. Nakaramdam ako ng panghihina ng tuhod nang matanaw ko ang Ginang. nakaupo ito sa pinakahuling at bakanteng table. Gumala ang aking paningin sa paligid at napansin kung mangilan-ngilan ang tao doon. Elegante ang Ginang kahit na may katandaan ang itsura hindi maikakailang may sinabi ito sa buhay.

Bago ako tuluyan makalapit sa kinaroroonan ng Ginang dumaan muna ako sa powder room at bahagya ko Sinipat ang aking sarili sa salamin at naglagay ng kunting face powder at lipstick sa aking namumutlang labi. Aliah gusto ko maging maganda ka sa harap ng kaniyang mommy, at kung hihilingin man niya sayo ang kalayaan ng kaniyang anak, maging masunurin ka sana. Bulong ko sa aking sarili bago ako nagpakawala ng pangmalakasan hininga.

"Good afternoon Ms. Aliah? Right? Ako si Margaret. Calib's mother." bungad ng Ginang sa akin. Napansin ko ang Marahan niyang pagsuri ng kabuoan ko.

Napatingin lang ako sa aking palad nang hindi niya ito Tanggapin. Napahiya kong ibinaba ang aking palad at maayos na naupo sa bakanteng upuan.

"Hindi ako magpapaligoy-ligoy sayo aliah, one million para sa pagpapakasal mo sa anak ko, get pregnant and after that, you can leave calib. I will take care of annulling your marriage. Ang mahalaga mabigyan mo ako ng apo." seryoso nitong saad.

Gusto ko kurotin ang aking tagiliran upang masiguro kong guni-guni ko lang ang aking narinig, kung kanina ay iniisip kong makikiusap ang Ginang para layuan ko ang kaniyang anak pero ngayon taliwas sa aking iniisip. nagbibiro lang ba ang Ginang at gusto ako e prank? At bakit sa akin gusto magkaroon ng apo ang Ginang? isipin niyo na ang gusto niyo isipin. pero nakaramdam ako ng kunting kasiyahan sa aking kaibuturan.

"Pero Mrs. Osteja, nagugulohan pa rin ako. M---may ibang mahal na po si calib. At ayaw ko po ipagsiksikan ang sarili ko sa kaniya." Saad ko.

Lihim ako napahaplos sa aking tiyan. Paano ko ba sasabihin sa Ginang na may laman na ang aking tiyan at hindi na kailangan ang agreement. Gusto ko ipamukha at i*****k iyon sa aking sarili, huwag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo kay calib. Aliah, Kahit doon man lang matauhan ang aking sarili. Pero tanging buntong hinga lang ang kumawala sa akin.

"Calib is fond of different women, at hindi malayo na gawin din niya sayo. Pero kung papayag ka sa agreement. Malaya mo makukuha si calib," Walang gatol na sabi ng Ginang sa akin.

Tama ang Ginang, kapag pumayag ako sa kasunduan malaya ko makukuha si calib. May karapatan na ako ipagdamot siya sa ibang babae, magiging legal kami sa mata ng lahat lalo na sa mga magulang nito. At higit sa lahat lalaki ang anak ko na hindi put*k sa b*ho. Sa pagkakataong ito wala na ako ibang maisip. Ukupado na ni calib ang isip ko. Muli na naman sumilay sa aking labi ang kasiyahan sa isiping iyon.

Ilang minuto ko pinagmasdan ang tseke sa table na ibinigay sa akin ni Mrs. Osteja tatlong araw na ang nakalipas. Ang sabi ng Ginang tumawag lang daw ako sa kaniya kapag nakapag desisyon na ako. Malaking halaga ang isang milyon sa isang tulad ko na kapus sa pera. kung tutuosin mabibigyan ko ng magandang buhay ang anak ko na wala ang kaniyang ama. Pero hindi iyon ang gusto kong mangayri. Para sa akin hiindi mababayaran ng isang milyon ang makasama si Calib Osteja. Dinampot ko ang tseke at maingat na nilagay sa cabinet hindi puwedeng makita yon ni calib.

"Nandyan na!" Sigaw ko kay calib. Kanina pa ito kumakatok sa pinto marahil tapos na ito magloto.

Dahil mahal na mahal ko si calib nagpanggap ako na walang nangyari. Tinanggap ko siya muli nang buong-buo. Marahil ganon ang pagmamahal, handa mo kalimutan ang dignidad para sa taong mahal mo. Natatakot ako mapag iwanan, natatakot ako na harapin mag isa ang buhay. Tama na ang pang iiwan sa akin ng sarili kong mga magulang. Ayaw ko pati si calib ay iwan din ako. Marahan ko hinaplos ang maliit na buhay sa aking sinapupunan. Ayaw ko maranasan ng anak ko ang naranasan ko. Hindi magtatagal lalaki ang aking tiyan kailangan makasal na kami sa lalong madaling panahon.

Sumilay sa akin labi ang ngiti nang makita ko si calib sa kusina abala ito sa paghahanda ng break fast namin. Gustong gusto ko siya pinagmamasdan ang bawat galaw niya at sa Paraan niya kung paano ako alagaan. Mabait ito at maasikaso bonus na ang pagiging guwapo at pagiging mayaman nito. Nilapatan ko siya ay niyakap sa likod. Naramdaman ko na naman ang pag tibok ng aking puso at iyon naman lagi ang nararamdaman ko sa tuwing masisilayan siya.

"Mmm ang sarap naman niyan..! Nakangiti kong sabi sa kaniya. Hindi pa rin ako bumibitaw sa pagkakayakap sa kaniya mula sa likod.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status