Share

Chapter 3

Naglalakad ako sa isang pamilyar na lugar. Panay ang lingon ko sa paligid. I'm kinda familiar of this place. I continued walking until I reach the white Spanish mansion in the middle of flower fields. Kumunot ang noo ko ng may nakangiting lalaki na nakatayo sa labas ng bukas na gate ng mansion. Hindi ko maaninag ng mabuti ang mukha niya pero alam kong nakangiti siya habang hinihintay ako. O ako ba talaga ang hinihintay niya? Lumingon ako sa likod ko at ng makitang wala namang nakasunod sa'kin ay bumalik ang tingin ko sa lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko parin makita ng mabuti ang mukha niya.

Who is he?

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang ilang hakbang nalang yong layo namin. Nakasuot siya ng puting damit at para siyang umiilaw sa liwanag na bumabalot sa kanya.

"We miss you so much princess" sabi niya at kusang tumulo ang luha ko.

"Papa!" tumakbo agad ako palapit sa kanya. I hug him tightly. He hug me 

too and caressed my hair lightly. "I miss you Papa"

"Shhh…We are always here for you."sabi niya at bumitaw sa pagkakayap ko sa kanya. "We are here."sabi niya at tinuro kung nasaan ang puso ko. Napahagulhol ako.

"How are you princess?" boses na nanggaling sa likod ko.

Lumingon ako at isang babaeng nakangiti ang nasa likoran ko.

"Mama…" niyakap ko siya ng mahigpit at sumali narin si Papa. Nakangiti silang dalawa sa'kin habang ako ay umiiyak parin.

"Shhh…princess…We are watching your every step of your life. And we are so proud of you. You graduated with highest latin honor." sabi ni Mama at umupo kami sa bench na malapit sa'min.

"Mama…Papa…please come back…"nagmamaka-awa kong sabi.

"We can't princess… We are now part of this world, we can't go back to the world of living." sabi ni Papa at hinawakan ang kamay ko.

"You killed people…" bulong ni Papa habang nakatingin sa kamay ko.

"Papa… it's for the both of you. They killed you ng wala man lang kayong kalaban-laban. Mga wala silang awa."

"Kahit na Elie…hindi ka dapat naghihiganti. Ayaw namin ng Mama mo na mabalot ng pagkamuhi ang puso mo. You deserve to be happy not to be filled of hatred" sabi ni Papa at hinawakan ng mahigpit ang dalawang kamay ko.

"Papa I'm sorry but I can't. I just can't do it. Kinuha nila ang pinaka-importanteng tao sa buong buhay ko. Isa nalang Papa, isa nalang ang kulang. Matatahimik na ako." sagot ko at pinahid ang luha kong di ma-ampat.

"Anak, we already accepted it. Maybe hanggang doon lang talaga ang buhay namin ng Papa mo sa mundo." sabi naman ni Mama.

"Mama…"

Hawak nila ang kamay ko ng unti unti silang naglaho. Napaiyak ako.

"Mama….Papa!!!"

"Let us go princess. Remember we are always by your side and if you miss us just look for us inside your heart" sabi ni Mama.

Binitawan nila ang kamay ko pero ako ay hinabol sila pero kahit anong habol ko sa kanila ay naglaho na sila sa liwanag. "Mama…Papa.." napaluhod ako. Humagulhol ako ng iyak.

Napabangon ako habang umiiyak ako. It was a dream. Napatingin ako sa mga kamay ko. Hawak nila ang kamay ko kanina. Mas lalo akong napaiyak. Niyakap ko ang unan ko at doon ibinuhos ang luha ko.

*******

MAGTA-TATLONG linggo na ako dito at simula ng mapanaginipan ko sina Mama at Papa ay hindi na ulit ako umiyak. I need to moved on and that's what I am doing in the process. 

Nasa lounge bed ako nagbabasa ng novel ni  Lady in Pink Dress ng bigla nalang tumunog ang phone ko sa tabi. 

Kumunot ang noo ko ng makitang si tito iyon. It's been two weeks since nong huli siyang tumawag.

"Hello tito,"

"Hello ijha,…ahm..I know you are in a vacation pero ijha there is someone who came in our agency just this morning and he said he is from the syndicate that we are investigating for years. Sabi niya may mga nalalaman siyang impormasyon tungkol sa sindikatong iyon basta daw itago natin siya dahil pinagba-bantaan daw siya" sabi ni tito kaya napakunot yong noo ko. Really? I doubt it.

"Tito… don't you think it's doubtful. I don't think na pagkatiwalaan natin yan agad?" sabi ko at tiniklop na yong libro.

"Ijha I know that, that's why I want you to look for him. Alamin mo kung ano man ang itinatago niya. Pero sa ngayon ay mag-settle muna tayo sa kaunting impormasyon na meron siya. This is our first step para bumagsak na ang sindikatong iyan. We've been investigating them for years already and we couldn't find any holes for them to fall down." paliwanag ni tito.

I sighed.

"Okay tito. I'll be there this afternoon." sabi ko at bumalik na sa mansion para mag-impake ng kaunting damit.

HABANG NAGBA-BYAHE ako papunta sa headquarters ay malalim ang iniisip ko. How come na ngayon lang siya lumapit sa amin? Sino siya? Ano ang binabalak niya? Nasa ganun akong pag-iisip ng bumusina ang sasakyan sa likod ko. Di ko namalayan na nakahinto na pala ako sa gitna ng kalsada. Bumusina ako bilang paumanhin at pinaandar ko na ang motor ko. Nakakahiya yon! Napailing nalang ako.

Dumating ako sa headquarters bandang alas-tres ng hapon. Bumukas ang malaking gate na bakal. Pinarada ko na ang motor ko sa garage at hinubad ko yong helmet ko.

"Hey agent 00013!"sigaw ng lalaki na mula sa likoran ko. At base sa boses niya ay si agent 00012 'to.

Nilagay ko ang helmet ko sa manibela at hinarap siya. "Hey" kaswal kong bati sa kanya kahit ang sarap niyang sapakin. Nakangisi pa siya. Sarap tadyakan sa mukha.

"Hi! I thought you are in a vacation?" tanong niya at sumandal sa motor ko. Ang kapal!

"Ahm yeah. Sir 00001 called me here"  sagot ko at tinalikoran siya.

"Hey sandali lang,"habol niya sa'kin. "Ahmm… Can I court you? Your cousin said—" naputol yong sasabihin sana niya dahil pinigilan ko agad siya.

"Agent 00012 I respect you but this is not the right time for you to ask me about courtship. We're here for work not about your feelings to me. Kindly separate it from your work." I said to him straight on his face. His mouth opened but no words came out. Tinalikoran ko siya at dumiretso sa opisina ni tito.

Kumatok ako pagdating ko.

"Come in" boses ni tito.

Pumasok ako at nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair niya at may tao ring nakaupo sa harap niya. Maybe it's him. Yumuko ako bilang pag-galang.

"Good afternoon sir."sabi ko at yumuko ng konti kay tito at tumango ako doon sa lalaki na nakatingin sa'kin.

"Agent 00013! Glad you're here. Come here sit down." si tito at sumenyas na lumapit ako sa kanila.

Umupo ako kaharap ang lalaking nakatingin parin sa'kin na para bang ngayon lang siya nakakita ng babaeng agent.

"Agent 00013 this is Zykiel Willis. Siya yong sinasabi ko sayo kaninang umaga. Mr. Willis this is agent 00013 or you can call her Eliezah it's her real name. She will be the one to protect you."

Naningkit yong mata ko at tiningnan siya.

"Nice meeting you Eliezah…I mean agent 00013." sabi niya at nilahad ang kaliwang kamay.

Tiningnan ko lang yon at tinanguan ko lang siya.

" Sir…Why me? I am still on my vacation. I still have two weeks to complete my vacation"

"Agent 00013 that is why. Pag-isasama mo siya sa bakasyon mo ay mahihirapang maghanap ang sindikatong iyon sa kanya. They don't know you. Mas safe siya kung sayo siya sasama while nag-iimbistiga pa kami sa organisasyong iyon…" paliwanag ni tito.

"Pero sir-"

"You can go now. Bring him in your island. Iyon lang ang pinaka-safe na lugar para sa kanya." sabi ni tito at tumayo na siya para lumabas sa opisina niya. Narinig ko pang may tumawag sa kanya.

"Ahmm…"

"Don't talk to me." matigas kong sabi at tumayo na para lumabas sa opisina. 

Damn it! Wrong timing naman kasi tong lalaking to eh. Napamura nalang ako sa isip ko.

Lumingon ako sa likod ko ng makitang walang nakasunod sa'kin. Nasaan na yon? Bumalik ako sa opisina ni tito at nakita ko siyang nakaupo parin doon.

"What the…what are you doing there?" taas kilay kong tanong sa kanya.

Lumingon siya sa'kin.

"Come on! We don't have time" iritang sabi ko. Tiningnan niya lang ako at di nagsalita.

What the hell is he doing? Bingi ba siya? O nakikipaglokohan lang siya sa'kin.

"Hey you! Why are you not talking? Are you fooling me? I don't tolerate your stubborn actions" galit na talagang sabi ko. Nakakairita siya. Ang sarap niyang bigwasan.

"Fine! If you don't want to talk then it would be better if I'll put a tape on your mouth" sabi ko at lumapit sa kanya. Napatayo naman siya sa sinabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"W-what are y-you…" nauutal niyang tugon.

"You don't want to talk right? So…" nakataas kilay kong sabi habang pinapakita ko sa kanya ang electrical tape na nakita ko sa lamesa ni tito. 

Gulat siyang napatingin sa'kin.

"You…s-said…you don't want me to  talk to you…"mahina niyang sabi.

"What?"

"Sabi mo kasi…"

"Okay. Okay. I get it. Now let's go baka maabutan ka pa ng mga kasamahan mo sa sindikato or malaman nila na nandito ka" seryoso kong sabi at hinila siya palabas ng opisina.

Mabilis yong lakad ko at ganun rin siya. Nakarating kami sa garage at nakita kong nakasandal si agent 00012 sa motor ko. Umaliwalas yong mukha niya pero ng makita niyang may kasama ako ay nalukot iyon.

"Agent 00013…ahmm… I'm sorry about earlier…"di makatingin niyang sabi.

"Ayos lang yon. Anyway, aalis na kami." sabi ko at tinapik siya sa balikat.

Tumango siya kahit parang may sasabihin pa sana. Sumakay ako sa motor ko. Lumingon ako sa kanya at nakatingin lang siya. Hobby niya bang tumingin lang?

Natanto kong wala siyang dalang kahit ano. Don't tell me wala siyang damit?

"May damit ka bang dala?" tanong ko.

Umiling siya. "Wala. Nagmamadali kasi akong tumakbo"

Nagtiim-bagang ako. Damn! Hindi na nga natapos ang bakasyon ko, mababawasan pa ang pera ko.

Kinuha ko ang baseball cap ko at binigay sa kanya. "Here. Wear it. Para di ka halata"

Sinuot niya ito at he looks good wearing it.

"Hop in"

"Sa likod mo?"

Umirap ako. "Oo alangan naman diyan ka sa gulong" sarakastikong sabi ko.

Umangkas siya sa likod ko at isinuot ko na yong helmet ko. Binigyan ko rin siya ng helmet at agad niya naman iyong isinuot.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status