Share

Chapter 2

NAGISING ako sa sinag ng araw kaya nagtakip ako ng kumot sa mukha. Ang ganda pa naman ng tulog ko. Napasimangot ako. Inis akong bumangon at tiningnan ng masama ang walang ka-muwang muwang na kurtina. 

Tumayo ako at pabalibag na isinarado ang kurtina at padarag na humiga sa kama.

At dahil hindi na ako makatulog ay bumangon nalang ako at nagsuot ng sweatpants at t-shirt. Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa dalampasigan para mag jogging. Bumalik na pala si Manong Jorgie sa kanila kagabi. Kaya ako nalang mag-isa ang nandito sa isla. Anyway wala namang turista dito dahil exclusive island 'to and malayo ang ibang isla. Kaya ko naman ang sarili ko kung sakaling may mangyayaring hindi maganda.

I was walking around the island when I sense something. It seems like someone is following me. I alerted my senses and remain calm. I continued walking  but this time I am more alert with my soroundings. May narinig akong kaluskos sa likod ko kaya lumingon ako pero wala namang tao doon or ano. Yung dahon lang ng puno na yumuyogyog kahit wala namang malakas ng hangin.  

Bumalik ako sa paglalakad at nagkunwaring wala akong paki-alam sa paligid. Pinatid-patid ko ang mga bato na nadaanan ko and the feeling is still there. I sat down on the shore and feel the slow waves in my feet. Tahimik ang paligid bukod sa alon. Nakatingin ako sa dagat ng may marinig akong mahina at nananatyang yapak. Ngumiti ako. Akala niya siguro hindi ko ramdam ang presensya niya. Dahan dahan kong kinuha ang hunting knife sa gilid ng bewang ko. Nang maramdaman kong malapit na siya ay saka ako lumingon at hinagis ang kutsilyo sa kanya. Mabilis akong tumayo. Natamaan siya sa  balikat niya. Paano siya nakapunta rito sa isla? Nagpaputok siya ng baril kaya dumapa ako at mabilis siyang pinatid sa paa kaya natumba siya. Dinaganan ko siya at ni-lock ang mga binti ko sa leeg niya habang ang mga kamay ko naman ay naka-lock sa braso niya. Malaki siyang tao kaya nahirapan akong talunin siya. 

"Sino ka?!" Tanong ko pero ngumisi lang siya at hindi sumagot.  Umikot ang paningin ko ng ni-head-bat niya ako dahilan para mapabitaw ako sa kanya at naging advantage niya para ako naman ang pilipitin niya. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa'kin na para bang mababali na ang mga buto ko sa braso at sa kamay. Kinakapos na ako sa hangin. Nakadungaw siya sa'kin habang nakangisi. Naningkit ang mata ko at nag-isip kung paano ako makakawala sa pagkakahawak niya. Sinubukan kong i-angat ang ulo ko para i-head-bat sana siya pero hindi ko abot. Humalakhak siya sa ginawa ko. Ngumiti din ako kasi akala niya siguro talo niya na ako at nagtagumpay na siya sa balak niya kung saan man siya galing. 

"Okay! Talo na ako." Sabi ko at tumigil sa pagpupumilit na makawala sa kanya. Tumaas ang kilay niya at natigilan. Siguro nagtataka siya kung bakit mabilis lang akong sumuko. I don't know kung alam niya bang agent ako sa Blue Eye pero tingin ko, oo kasi hindi niya ako susugurin rito sa isla kung hindi niya alam na agent ako. Pero saan siya nabibilang? Doon ba sa latest mission ko o sa previous mission ko. 

Lumuwag ang pagkakahawak niya kaya mabilis akong dumampot ng buhangin at isinaboy sa kanya. Napasigaw siya at napabitaw sa'kin. Bumangon ako at dinampot ang baril na hawak niya kanina at tinutok iyon sa kanya. 

"Sino ka, sabi?!" Tanong ko at dumistansya sa kanya baka bigla nalang niya akong sakmalin. Ang hahaba pa naman ng mga binti at braso niya.  

Kinukusot niya ang mga mata niya.  

"Bakit? Di mo ba alam?" Balik tanong niya. Naningkit ang mata ko. Ngumisi siya at dumipa. "Feel free to shoot me, darling!" Nakangisi niyang sabi. 

Tumaas ang kilay ko.   "Sino ang nagpadala sa'yo? Ang WSA ba? O ang grupo ni Mr. Xing?" Tanong ko kasi iyon lang naman ang pinakamalaking mission ko na nagawa this year. 

"Hay! Akala ko pa naman alam mo. Anong silbi ng pagiging agent mo sa Blue Eye?" Sabi niya at umiling. 

Sa dami ba naman ng kaaway ng agency namin, kailangan ko bang kilalanin sila? Lutang din ito eh!     "Then, kailangan na ba kitang patulugin o…" Binitin ko ang salita ko at dahan dahang nilagay sa gatilyo ang daliri ko.

Ngumiti siya. Bago ko pa mapaputok ang baril ay may nauna ng pumutok mula sa dagat. Walangya! May back-up ang gago!

 Natamaan ako sa balikat. Nabitawan ko ang baril pero nasalo ko naman agad ito sa kabilang kamay. Nagpatuloy ang pagpapaputok kaya tumakbo ako papunta sa kakahuyan. Mabilis ang agos ng dugo sa balikat ko. Hindi ko na pinansin ang sakit at hapdi sa sugat ko at nagtago sa malaking puno. Tiningnan ko ang sugat ko at mabuti nalang kasi hindi naman pala tama kundi daplis lang. Nagpatuloy ang putukan. Sumilip ako at natanaw kung may tatlo pang kasama ang lalaki kanina. Tumakbo ako papasok sa kagubatan. 

Nagtago ako sa puno ng Molave at sumilip. Natanaw ko sila na lumingon lingon sa paligid. Alertong alerto sila. Nang tumalikod ang dalawa dahil sa kaluskos ay mabilis kong binaril ang dalawa na nakaharap. Bulagta sila at mas lalong naging alerto ang dalawa. Pumikit ako ng maramdaman ang pananakit ng balikat ko. Sumilip ulit ako at malapit na sila kaya nagtago ako ulit at kinasa ang baril. Dalawa nalang ang bala ko kaya kailangan matamaan ko sila agad kundi patay ako! Nag-concentrate ako at ng maramdaman na malapit na sila ay lumabas ako at binaril sila ng walang kung ano-ano. Bulagta silang dalawa habang dilat ang mga mata.  

Para akong nabunutan ng tinik ng matapos kasabay ng pagsakit ng balikat ko. Napasandal ako sa puno at pumikit habang humihingal. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga sa sobrang tensyon na nararamdaman.  Matapos kung kalmahin ang sarili ay dahan dahan akong bumalik palabas sa kagubatan. Marami ng dugo ang nawala sa'kin kaya kailangan ko na itong magamot. 

Pagkarating ko sa mansyon ay diretso akong napa-upo sa couch. Umiikot ang paningin ko pero pinilit kong umakyat sa kwarto ko at kinuha ang first aid kit. Ginamot ko ang sugat ko at ng matapos ay tinawagan ko si Keiron. 

"Wazzup, cous'!" Sagot niya. 

"Keiron, may sumugod dito sa isla. Track them out." Sabi ko at napasinghap siya. 

" Seryoso! Pati dyan hinabol ka nila?!" 

"Anong ibig mong sabihin?" 

"Yung grupo ng last mission mo na si Mr. Xing. Nalaman nilang ikaw ang pumatay sa boss nila kaya hinahabol ka nila. Siguro na track ka nila na nandyan ka. Na-wire-tapped yata ang tawag mo. Don't worry si agent 00015 na ang bahala." Sabi niya. 

" Okay. Kailangan ko ng tulong rito. Tumba na lahat yung nagpunta rito. Kailangang linisin." Sabi ko. 

"Okay. Coming na kami." Sagot niya at binaba ko na ang tawag. 

Humiga ako sa kama at nagpahinga na. Kailangan kong magpahinga kasi death anniversary nila ni Mama at ni Papa bukas.

********

NAKAUPO lang ako sa couch habang nag uusap ang mga tao sa kanya kanya nilang topiko. Kakauwi lang namin pagkatapos ng death anniversary mass ng magulang ko.  It's already nine in the evening at unti unti ng nagsi-uwian ang ibang mga bisita. Monday kasi bukas kaya kailangan na matulog ng maaga para sa pasok bukas. 

"Elie uuwi ka ba sa isla ngayon?" tanong ni Keiron at tumabi sa'kin. 

I sip my red wine and nod at him.

"Yeah," 

"Why don't you just stay here? You have your own room here anyway"sabi niya at umakbay sa'kin.

"No need cous'. Kukulitin niyo lang ako! Naku!" nakangiwi kong sabi sa kanya.

Humalakhak siya. 

Maya maya pa ay umalis na siya dahil may nakita daw siyang chikababes. Napailing nalang ako sa pinsan ko. Hay naku!! Mga lalaki talaga.!!

Mag a-alas dose na ng mapagpasyahan kong umalis na kasi mga kakilala nalang naman namin ang nandito at ilang nag-iinoman. Nagpaalam ako kina tito at ni Keiran at Keiron.

"Ingat ka Elie!" kumakaway na sigaw ni Keiran.

"Take care cous'!" sabi naman ni Keiron at kumaway ganun din si tito." Ingat Elie" si tito.

"I will cous', tito" sagot ko at sumakay na sa kotse na maghahatid sa'kin sa dock kung saan naroon ang yate. 

Kumaway ako sa kanila ng magsimula ng umandar ang kotse. Pagkarating namin sa daungan ay sumakay ako agad sa yate at binati naman ako ni Manong Jorgie. 

"Magandang gabi Elie" 

" Magandang gabi rin Manong Jorgie" magiliw kong sagot. "Magpapahinga muna ako Manong" 

Tumango naman siya at sumenyas na pupunta lang sa ibaba ng yate. Di ko namalayan na nakarating na pala kami sa isla. Kung di kumatok si Manong Jorgie sa kwarto ko ay di ako magigising.

"Elie nandito na tayo sa isla." 

Bumangon ako at inayos yong damit ko na nagusot.

"Opo." sagot ko at tumayo na. 

Pumasok ako sa mansion at dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis agad. 

Inaantok pa kasi ako kaya mamaya na ako maliligo. Bumalik ako sa pagtulog kasi inaantok pa ako. Na drain yata lahat ng energy kanina sa sementeryo. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status