Share

Chapter 5

Author: HoneylynBlue
last update Last Updated: 2022-07-02 07:37:14

Eliezah

NAGISING AKO sa kalampag ng kung ano sa ibaba. Dali dali kung kinuha ang baril ko at nagmamadaling bumaba at tinungo ang kusina kung saan nagsimula ang kalampag. It's just five thirty in the morning. Hoh! Nakahanda na yong baril ko kalabit na lang ang kulang pero ng makita ko ang dahilan ng pagkalampag ay gusto ko siyang tuluyan.

Nang mapalingon siya sa'kin ay nanlaki ang mga mata niya. Namutla pa siya.

" H-hey!...G-good m-morning... W-why?... Is there something wrong?" kanda-utal niyang tanong sa'kin habang pasulyap sulyap sa baril na nasa kamay ko.

I heaved a sigh. Umiling ako at naglakad papunta sa ref. Uminom ako ng tubig dahil nagiinit yong ulo ko sa kanya.

"Bakit ang aga mong nagising? Alas-singko pa ah?" cool kong sabi at tiningnan siya na isinasalang ang frying pan sa stove.

"Ah yeah. Maaga kasi akong nagising." sagot niya na bakas parin ang nginig sa boses.

"Hmmm...okay. Akyat muna ako." sabi ko at bumalik sa kwarto ko. Di ko na hinintay ang sagot niya. Napahinga ako ng malalim. Dahil di na ako makatulog ay naligo nalang ako at nagbihis. Nagsuot ako ng jogger pants at isang racer back sando.

Nakita ko siya na nasa kusina parin at nagluluto. Naamoy ko rin ang mabangong aroma ng niluluto niya.

"Hey! Mr. Willis. Jogging muna ako." paalam ko at umalis na ako. "Okay" rinig kong sagot niya.

Sinuot ko yung bluetooth ear puds ko at kinokta sa phone ko. Nakikinig ako ng music habang nagjo-jogging palibot sa isla.

Nang medyo malapit na ako sa falls ng tumigil ako. I inhaled the morning breeze and start jogging again. Tumigil ako saglit at tiningnan ang bukang liwayway na ngayon ay sumungaw na ang haring araw. I took my phone and take a picture of the majestic sunrise. I smiled when I saw the picture. I realized that no matter what is the waves of life gave you, you should get up and be strong because after the night there's another day coming. Dahil ang buhay ay pa-abante hindi paatras. Kung ano man ang meron sa nakaraan ay mananatili iyong nasa nakaraan at kahit ano pang gawin mo ay hindi mo na maibabalik ang panahon na lumipas. Maaring ang oras ay ganun parin pero hindi ang pangyayari. Maybe, it's time to move on. Maybe, it's time to find my happiness. Maybe, it's time to get up and face the new day of my life. Maybe, its time to let go of my heartaches. Maybe, it's time to forgive. I smiled sadly. Bakit kaya ganun? Bakit sa dami ng tao sa mundo bakit ang magulang ko pa ang napiling gawan ng karumal-dumal na pangyayari? Bakit hindi nalang yong mga masasamang tao? Yong mga halang ang kaluluwa?

A single tear fell. Is this what you want Mama,Papa?

Umihip ang pang-umagang hangin. Maybe that was the sign. I heaved a sigh and made my decision. From now on I will let go all of my heartaches. I will surrender it to the waves and let them buried it to the depth of the ocean.

I smiled feeling better. 'Goodbye' bulong ko sa isip ko.

I started walking again. Naglalakad nalang ako pauwi sa mansion. Nang makarating ako sa ibabang bahagi ay nanatili muna ako sa cottage. I stayed for a while para patuyuin ang pawis ko bago ko hinubad ang jogger pants ko leaving my maong short. Naglakad ako papunta sa dagat at nong nasa baywang na yong tubig ay nagsimula akong lumangoy papunta sa malalim na bahagi. Lumangoy ako ng lumangoy hanggang naisipan kong mag-floating. Pinikit ko yong mata ko at dinamdam ang malamig na tubig sa aking katawan. It feels so refreshing. Parang nawala ang napakabigat na pasanin ko sa buhay. Ang gaan ng pakiramdam ko. Siguro kung noon ko pa to ginawa ay masaya siguro ako ngayon kahit papano. Nilunod ko yong sarili ko sa pag-iisip hanggang may bigla nalang sumapo sa bewang ko.

Dahil na out of guard ako ay nawalan ako ng balanse pero dahil hawak niya ako ay napabalik ako sa itaas kaya napahawak ako sa balikat niya.

"What the hell Elie!!"

****

"WHAT THE HELL ELIE!!" sigaw ni Mr. Willis sa'kin. 

Nangunot ang noo ko sa inasal niya. Ano na naman ang problema niya? 

"What's wrong Mr. Willis?" sabi ko at bahagyang lumayo sa kanya kasi hindi niya parin ako binitawan.

"What wrong!? Seriously Elie? You look like a lifeless body floating in the water!" inis niyang sabi at umiigting yong panga niya. Ganun? Eh ano naman sa kanya? Tss!

" Naliligo lang ako at nag-iisip..." mahinahon kong sabi at nagsimula ng lumangoy. Bago pa ako makalayo sa kanya ay hinila niya ang paa ko kaya napabalik ako sa kanya. At sa kasamaang palad ay dumapo ang labi ko sa pisngi niya sa lakas ng impact. Napayakap pa ako sa kanya at siya naman nakayapos sa bewang ko. 

WTF men!!

Ilang beses akong napakurap bago nag sink in sa utak ko na nasa ganun parin kaming posisyon dahil tanaw na tanaw ko ang pisngi niya at ang tenga niya na... namumula? Tinulak ko siya kaya napabitaw siya sakin. 

"I'm sorry..." mahinang sabi ko at nag-iwas ng tingin. Sa pag-iwas ko ng tingin ay nahagip ng paningin ko ang tenga niya at tama nga ako. Namumula nga! OMG! Ba't siya namumula?

"Una na ako..." sabi ko at iniwan siya. Mabilis akong lumangoy hanggang sa makarating ako sa pampang. Kinuha ko yong jogger pants ko at nagmamadaling umakyat sa hagdan papunta sa mansion. Pagkarating ko ay umakyat agad ako sa kwarto ko. 

What happened to me? Why am I nervous? 

Pumasok ako sa banyo para magbanlaw baka napasukan lang ng tubig ang utak ko. Nagbabad ako sa shower hanggang sa nagsawa ako. 

Binalot ko yong katawan ko sa bathrobe at pumasok sa walk in closet ko. I pick a dolphin short and a lose shirt then I step out of my room. Di na ako nag-abalang suklayin pa yong buhok ko basta ko nalang tinali. 

Nasa pinto na ako sa kusina ng may magsalita sa likod ko. " Let's eat." Bahagya akong napatalon dahil sa gulat.

"What the... hobby mo bang mang-gulat!? " singhal ko sa kanya at dumiretso sa hapag. Menudo, adobong manok, at sinigang na hipon at kanin ang nakahain sa hapag. Nanubig naman agad ang bagang ko. Ngayon ko lang natanto na gutom na pala ako.

"Magaling ka palang magluto?" tanong ko at sumubo ng kanin. Ngumiti siya sa'kin.

"Oo. Tinuturuan ako ni mommy noon" malamig niyang tugon. I shrugged my shoulders and continue eating.

"You? Asan parents mo?" tanong niya habang nakayuko. " Pansin ko kasing wala kang binabanggit na magulang mo." dagdag niya.

Natigilan ako dahil sa tanong niya. Am I ready for this? Am I ready to tell anyone about my parents?

"Nevermind my question." mayat niyang sabi at nagsimula ulit kumain.

Tumigil ako sa pagkain at yumuko.

"They are dead... Eight years ago..." mahina kong sabi. "Inambush sila ng mga di kilalang sindikato..." 

I lift up my head and I saw him looking at me with full of sympathy. I sighed at umiwas ng tingin. 

"Let's continue eating." sabi ko pambasag ng katahimikan dahil unti unti ng nagiinit yong mata ko.

Tumango siya at kumain kami ulit pero wala na akong gana. Parang bigla nalang bumigat yong pakiramdam ko.  Kinagat ko yong ibabang labi ko para di tutulo yong luha ko. Pero kahit anong pigil ko ay tumulo parin ang lintik kong luha. Agad kong pinahid ang luha ko. Shit! 

Oh damn this tears! They continued falling like my eyes are waterfalls. Damn!

Tatayo na sana ako pero bago pa ako makatayo ay nag-angat ng tingin si Mr. Willis sa'kin and he seemed shock. Maybe he sees me as a tough woman that's why he's shock that I'm crying.

"A-alis muna a-ako..." utal kong sabi at tumakbo palabas. Di ko na alintanang tinatawag niya ako. Takbo lang ako ng takbo habang pahid ako ng pahid sa mga luha ko. What's wrong with me? I thought okay na ako? I thought kaya ko ng bigkasin sina Mama at Papa ng di na umiiyak? Move on Elie! Move on! Shit! My tears keep falling and I really hate it! Kailan ba to mauubos?

Dahil takbo lang ako ng takbo di ko na malayan na nakarating na pala ako sa falls. Mas lalo akong napahagulhol. Umupo ako sa malaking bato at niyakap ko yung tuhod ko hanggang at doon umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kong ilang oras o minuto akong ganun basta naramdaman ko nalang na may tumabi sa'kin at niyakap ako ng bahagya. At dahil dalawa lang naman kami ni Mr. Willis dito sa isla ay alam kong siya ito. He tapped my back as if he's telling me that everything's would be okay. Kinalma ko yong sarili ko dahil hindi ito tama. We're not close and I shouldn't let him see me on my vulnerable state. 

Lumayo ako sa kanya at umusog ng kaunti. He looked at me pitifully. Umiwas ako ng tingin at tumingin sa talon.

"I'm sorry... I didn't mean to cry in front of you" I said without looking at him.

His look remained on me. He didn't even say a word or something. He just sat beside me at looking at me directly. Ramdam ko yong titig niya sa'kin at naiilang na ako.

Bumaling ako sa kanya. "What?" 

"Hindi naman masamang umiyak sa harap ng ibang tao. Minsan kailangan mo ng masasandalan habang inilalabas ang hinanakit mo." sabi niya at tumingin sa tubig ng batis na napakalinis.

"I don't need it. I can manage." sabi ko at bumuntong hininga. 

"I'm here now. I know we are not enough to be called as friends but I can assure you that you can count on me" seryoso niyang sabi at tumingin sa'kin.

Di ako sumagot sa halip ay tumayo ako. "Let's go back?" 

Tumayo rin siya at nagpagpag ng short niya. "Okay"

PAGKARATING namin sa ibaba ng mansion ay pumunta ako sa library at kumuha ng libro.

"Where are you going?" tanong ni Mr. Willis habang nililigpit niya yong pinag-kainan namin kanina nang mapadaan ako sa kusina para kumuha ng pineapple juice. Di pala siya nakapagtapos ng breakfast.

"Sa baba. Sa may cottage magbabasa lang ako." sagot ko at kumuha ng dalawang pineapple juice in can. 

Tumango siya at nagpatuloy sa ginagawa niya.  "By the way, do you know how to use a gun?" tanong ko at humarap sa kanya.

"No." tipid niyang sagot. I twisted my lips and nod.

"Then I will teach you later...Maybe tommorow" sabi ko at lumabas ng kusina.

Sumapit ang alas tres ng hapon at bumalik na ako sa mansion. Naabutan ko siyang nakaupo sa sala at tinitingnan ang family album namin. 

"Bawal yan..." sabi ko at kinuha ang album mula sa kanya. Mahirap na baka makita niya pa ang di dapat makita.

"Why? Ang payat mo pala talaga ano?" komento niya pero nahimigan ko ang panunuya roon. Okay tanggap ko namang payat talaga ako....noon. Bakit ano ba inexpect niya? Na mataba ako? 

Haler??? Sarap niyang barilin sa noo!

"Bakit? May problema ka?" inis kong sabi at padarag na ibinalik ang album sa ilalim ng center table.

"Hindi naman..." 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh eh ganun naman pala." 

I heard him sigh and then he walked away. Ganun? Anyare doon? 

"Hoy saan ka pupunta!?'' pasigaw kong tanong sa kanya. 

Hindi siya sumagot kaya hinayaan ko nalang. I creased my forehead at naglakad ako papunta sa likorang bahagi ng mansion kung saan may underground doon. Sa firing room. Binuksan ko ang pinto at tiningnan kong may mga dumi ba pero nong masiguro kong wala naman ay kumuha ako ng headphone at kinonekta sa phone ko. Kumuha ako ng forty-five calibre and positioned myself. Isinuot ko rin ang transparent Ray-Ban. Itinutok ko ang baril sa board and I started firing. Nalibang ako sa pagbaril to the point na naubos ko yong isa at kalahating magazine ng bala. At lahat ng target ko ay bulls eye.  

Tumigil ako saglit at pinalitan ko yung baril ko. Tinanggal ko yung headphone ko at pinunasan yung baril. 

Napalingon ako ng may pumalakpak ng tatlong beses sa likod ko.

"Amazing" 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Paano ka nakarating dito?"

"Sinundan kita. I never thought this mansion has firing room" 

"I made it. After my parents got ambushed...I asked my uncle to make me a firing room because I want to learn on how to use guns."

Lumingon ako sa kanya nong di siya nagsalita at naabutan ko siyang nakatitig sa'kin. "Wag mo kong tingnan ng ganyan...I can manage myself"

Itinutok ko yung baril ko sa board at inasinta yung target. Napangiti ako ng bulls eye ulit. Kinalabit ko pa ulit yung gatilyo at ganun parin. 

"Ang galing!" sigaw niya at lumapit sa akin. "Paturo naman!" sabi niya at kinuha yung baril na hawak ko.

"Pano ba to gamitin?" tanong niya at itinutok yung baril sa board pero mali naman yung pagkakahawak niya. I rolled my eyes. 

Lumapit ako sa kanya at pumwesto sa likod niya at dahil magkasing-tangkad lang kami ay di ako nahirapan.

"Wear this first." sabi ko at isinuot sa kanya yung Ray-Ban at yung headphone. Tapos ay hinawakan ko yung kamay niya na nakatutok sa maling direksyon. Ramdam kong nanigas siya kaya niluwagan ko yung hawak ko sa kanya. Baka lang kasi mahigpit masyado yung pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Unang gawin mo ay mag-focus ka sa target mo." sabi ko at dahan dahang giniya yung hintuturo niya sa gatilyo at kinalabit ito. "Tapos ay huwag mong hayaan na manginig yung kamay mo dahil maaring sa iba tatama ang bala mo at may posibilidad na may madamay." sabi ko at binitawan ang kamay niya. 

"You okay?" tanong ko dahil nakatutok parin yung kamay niya na may hawak na baril. Parang ewan lang.

Bigla niyang binaba yung kamay niya at humarap sa'kin. Namumula siya at may butil ng pawis yung noo niya. Anyare sa kanya? 

"Are you okay? Is there something wrong?"

Umiling siya. "No-nothing" 

Tinaasan ko siya ng kilay tapos ay kinuha yung baril at ibinalik sa lalagyan. 

"Let's go..." sabi ko at naglakad palapit sa pinto. Sumulyap siya sa'kin at dahan dahang naglakad pero tumigil rin at sumulyap ulit sa loob ng buong kwarto. Kumunot yung noo ko. Parang minememorya niya yung loob ng kwarto. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay nag-iwas siya ng tingin at ngumiti ng hilaw.

"Tara na..." sabi niya at naunang lumabas. I think I must change my password later. I locked the door and I followed him. I watched him in every angle and by his actions I think he keep something from us. Nasa ganun akong akong pag-iisip ng tumunog yung phone ko.

Si tito.

"Hello tito..." sagot ko at tumigil sa paglalakad. Tumingin ako kay Mr. Willis ng tumigil rin siya sa paglalakad.

"Eli...we already track down their database and they were looking for Mr. Willis." sabi niya. "And we found something... something related to the death of your parents..." 

Natigilan ako roon. They are the one who's behind of my parents death. "Tito... let's talk over video call"

"Okay okay"

Naglakad ako at hindi pinansin si Mr. Willis. Dumiretso ako agad sa monitoring room. I opened my computer and I called tito. 

"Eli...agent 15 manage to get in the database of  that underground society.." sabi ni tito na nakaupo sa swivel chair niya.

"And how is it tito?" tanong ko. Umupo rin si Mr. Willis sa tabi ko at napatingin ako sa kanya. 

"Sir, ahm... as what you've said, maybe it was just a trick. Their database was very tight in terms of security. I've been there too. I worked for them for almost three years and I can say that it's very strict. I feel not good about that." seryoso niyang sabi. Ngayon ko lang ata siya nakita na ganito ka seryoso. Ang layo sa lagi niyang hitsura.

"You're right Mr. Willis. Don't worry agent 15 is expert about it. We are still investigating about it but one thing for sure is that they we're the one who is behind your parents death, Elie."  I made a face. I greeted my teeth and nod at him.  So, sila pala talaga ang pumatay sa mga magulang ko. They are so cruel to the point that they killed an innocent people.

Related chapters

  • Playing with Lies   Chapter 6

    Eliezah"ELIE... PLEASE DON'T DO ANYTHING YET..." sabi ni tito at tumango ako kahit may plano na akong nabuo sa isip ko."Elie, I know you. Please not yet. We need to do this in a process.""Yes tito. I understand." sagot ko at umiwas ng tingin."Sir, ahmm...I have a small information about their database to get more information." sabi ni Mr. Willis kaya napatingin ako sa kanya. May iba talaga sa kanya and I need to find it. May sinabi siya kay tito na hindi ko naintindihan. Maya maya pa ay nagpakita na si agent 00015 na may dalang laptop at may ear pod sa tenga niya."Hello agent 00013!" bati niya at tumango naman ako. "Sir, I already had the information about Mr. and Mrs. Given's death." imporma ni agent 00015 kay tito."Good." tumango si tito at bumaling sa'min."Elie I need you tommorow morning here. May importante akong sasabihin sayo personally." sabi ni tito."Okay tito but how about Mr. Willis.?" sabi ko."I'll send Keiron there to look for him." sagot ni tito at nagpa-alam na

    Last Updated : 2022-07-03
  • Playing with Lies   Chapter 7

    ELIEZAH KINABUKASAN AY MAAGA akong umalis. Hindi pa gising yung mga tao sa buong kabahayan.Sinukbit ko yung backpack ko na naglalaman ng mga kakailanganin ko sa pagpasok sa kuta ng mga walang hiya.Bumaba na ako sa hagdan sa papunta sa dock at pinuntahan ko muna yung garage kasi dadalhin ko yung motor ko. Binuksan ko yung garahe at sumakay sa motor ko at pina-andar patungo sa dock kung saan naroon ang yate na gamit nila Keiron.Pagdating ko sa dock ay naroon pala si Keiron pati si Mr. Willis."Good morning cous'!" bati ni Keiron na may hawak na lubid."Morning!" bati ko at pinapasok yung motor ko sa loob ng yate."Good morning Elie..." medyo nagulat ako nong binati ako ni Mr. Willis. Akala ko hindi niya ako papansinin kasi kinuha ko yung phone niya."Morning." tipid kong sagot at bumaba na sa motor ko. Tiningnan ko siya at he's smiling like an idiot. I rolled my eyes on him and turned my back to go to my room."I'll cook a food for your breakfast, Elie!" napalingon ako sa kanya

    Last Updated : 2022-07-04
  • Playing with Lies   Chapter 8

    ELIEZAHMAAGA AKONG NAGISING kinabukasan. Around four in the morning ako nagising. Naligo ako at bumaba para kumain. Naabutan ko si agent 00015 na nagkakape. "Good morning agent 00013!" bati niya sa'kin. Ngumiti ako. "Walang trabaho ngayon. Elie nalang." sabi ko at nag timpla rin ng kape. Tumawa siya at sumandal sa island counter."By the way, bukas na yung mission mo. I wish you good luck." sabi niya."Oo nga eh." sagot ko at umupo sa stool.Nag usap pa kami saglit at pagkatapos ay nag paalam narin siya na pupunta siya sa gym para mag work-out. Pagkatapos kong magkape ay nagpunta ako sa pool side. Naabutan ko roon yung ibang kasamahan namin na nagkatuwaan. Mukhang hindi pa sila tapos sa night out nila ay mali pala. Night in lang pala kasi nandito lang sila sa loob ng quarters. At dahil hindi ko trip yung mga ginagawa nila ay bumalik nalang ako sa kwarto ko. Pinag-aralan ko ulit yung blueprint. Mga ala sais y media ay bumaba ako para kumain ng breakfast. Tiningnan ko kung anong l

    Last Updated : 2022-07-05
  • Playing with Lies   Chapter 9

    EliezahISINUOT KO ang ear pods ko habang ang mga makakasama ko sa mission na ito ay busy sa paglalagay ng mga gagamitin nila. Kompleto na ako sa mga dadalhin ko at nasa backpack ko na ito lahat. Isinaksak ko sa magkabilang gilid ko ang dalawang baril. Sa boots ko naman ay dalawang hunting knife. Nagsuot ako ng leather jacket at black cap. "Ready ka na ba agent 00013?" Tanong ni agent 00020. Tumango ako sa kanya. "Yeah. I'm always ready, agent 00020." Nakangisi kong sagot. Tumawa ang mga kasamahan namin at isa isa na silang lumabas sa kwarto. Sinukbit ko ang backpack at sumunod sa kanila. NASA SASAKYAN na kami habang nagse-set up naman si agent 00015. Pagkarating namin malapit sa quarters ng WSA ay bumaba ako habang sukbit ko ang backpack ko. Naglakad ako palapit sa quarters nila na labas palang ay sobrang dami ng bantay. Hmm. Talagang mahigpit sila ah. Nagtago ako sa isang halaman nang lumingon ang isang tauhan. Mabuti nalang at papalubog na ang araw. May tumawag sa kanila

    Last Updated : 2022-07-08
  • Playing with Lies   Chapter 10

    EliezahSA DOCK nalang kami nagpalipas ng dilim dahil ang lintik na Keiron ay inaantok at ganun din ako. Nang kumalat ang liwanag kinabukasan ay bumyahe agad kami pabalik sa isla. Pagkarating namin sa isla ay naiwan ako sa dock sa baba sandali. Nauna si Keiron na umakyat pataas at bitbit yung karton at ang backpack ko. Nang matapos ako sa ginawa ko ay umakyat na ako sa hagdanan at may narinig akong mga hiyawan kaya nagtaka ako. Nagpatuloy ako sa pag-akyat at dumeretso sa lawn at ganun nalang ang pagkagulantang ko nang makita si Mr. Willis na pinagtutulungan nina Keifer at ni Keiron. Tumakbo agad ako papalapit sa kanila at pumagitna sa kanila at dahil hindi na napigilan ni Mr. Willis ang kamao niya ay ako ang natamaan at sapol ang mukha ko. WTF! Ang sakit ng pucha! Natabingi ang ulo ko at nagtagis ang bagang ko sa sobrang sakit. Parang hinambalos ng baseball bat yung mukha ko. Pinigilan ko ang sarili kong hindi makapanakit ng tao ngayon. Kinagat ko ang labi ko at tumingin kay Mr. W

    Last Updated : 2022-07-09
  • Playing with Lies   Chapter 11

    EliezahBUMABA AKO at naghanap ng magagawa. Nawala na din naman kasi ang antok ko. Natanaw ko mula sa balcony si Keiron na nasa may dock at mukhang may kausap sa phone. Seryoso lang siyang nakatanaw sa dagat. Sa may pool naman ay nakahiga ang walang pang-itaas na damit si Keifer. Mukhang nag mukbang ng araw si Keifer. Tsk!Sa may lawn naman ay natanaw ko si Mr. Willis na nakapamulsa habang kausap yung Mommy niya. Seryoso ang mukha niya. Di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. At kung hindi pa nagsalita si Keifer sa likod ko ay hindi mapuputol ang pagtitig ko sa kanya. Naka akyat na pala ang hudas! Di ko namalayan 'yon ah!"He knew some self-defense..." Sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. Nakatingin rin siya kay Mr. Willis. "What do you mean?" Naguguluhan kong tanong. "Nag sparring kami ni Keiron the day you left and aksidenteng natamaan siya ng sipa ko and mabilis niya iyong nasangga. So niyaya namin siya and yeah, he knew." Aniya at lumingon sa'kin. "I'm doubting h

    Last Updated : 2022-07-10
  • Playing with Lies   Chapter 12

    KINABUKASAN ay maaga kaming naglayag pabalik sa syudad. Pasado alas otso ng makadaong kami sa daongan. "Ako na ang magda-drive ng motor." Presinta ni Zykiel. "Sige." Nagsuot kami pareho ng helmet and after that he press the starter. "Hold tight, please." Bahagya siyang lumingon sa'kin. Tumawa ako. "Baliw ka ba. Para namang mahuhulog ako, eh sanay ako dito." Sabi ko at inayos ang malaking backpack sa likod ko. Bale mga damit niya lang ito at konting sa'kin. May mga gamit naman kasi ako doon sa headquarter. Tinapik ko siya balikat nong hindi parin siya umaandar. "Oy anuba! Tayo na!" Sabi ko. Hindi siya sumagot at umarangkada na. Walangya ang gago! Kaskasero pala! Wala akong nagawa kundi ang humawak sa balikat niya lalo pa nong lumiko siya ng pahiga na talaga. Kinabahan ako doon kasi never ko pang nagawa iyon sa tanang buhay ko. Pano kung nadisgrasya kami, eh di dedo kami! Oo at kaskasera din naman ako pero malala tong sa kanya. Parang tinakasan ako ng kaluluwa nong nag-overtake s

    Last Updated : 2022-07-11
  • Playing with Lies   Chapter 13

    EliezahPAGKARATING namin sa HQ ay nanginginig ang kamay ko. Hindi naman sa natatakot ako para sa sarili ko kundi, para kay Mr. Willis. He's innocent! Or maybe not...his personal information are still unknown. Though there are people who are already assigned for it. "Agent 00013!" Sumalubong sakin si agent 00015. "Are you okay?!" Hinawakan niya ako sa siko. "I'm okay...Mabuti nalang at nakatakas kami." Sagot ko at bumaling kay Mr. Willis. "Are you okay?" Tanong ko sa kanya. Wala namang bakas ng pagkatakot ang mukha niya pero minabuti kong tanungin parin siya baka tinatago niya lang. Tumango siya. "Yeah." "Nalaman niyo ba kung sino yung mga humahabol sa'min?" Tanong ko kay agent 00015. "We're tracking it down." Sagot ni agent 00015 at naglakad na. Sumunod din ako pati si Mr. Willis sa likod namin. "I think, mga galamay 'yon ni Mr. Morgan." Sabi ni agent 00015 at pumasok sa control room. Humarap ako kay Mr. Willis. "Wait me in my room. Umakyat ka sa ikalawang palapag at yung un

    Last Updated : 2022-07-12

Latest chapter

  • Playing with Lies   Chapter 60

    Eliezah"EZEKIEL!" napasigaw ako dahil sa sobrang gulat. Nagdidilig ako ng mga halaman nang bigla nalang akong nabasa. Nanggigil akong humarap sa anak ko na may hawak na water gun. Ayoko pa sanang maligo dahil malamig ang klima pero heto ako at basang basa na dahil sa kagagawan ng dalawa. Mukhang nagba-baril barilan na naman sila ng kakambal niya at ako ang natamaan dahil nakita ko si Ace na dumaan sa harap ko kanina bago ako mabasa. Namilog ang mata niya at nakangiwi. Nag-peace sign pa siya pero nanggigil talaga ako dahil sobrang lamig ng tubig na bumasa sa'kin. "Sorry Mommy!" Sigaw niya at mabilis na tumakbo dahil handa na akong itutok sa kaniya ang hose ng tubig. "Grrrr!!" Hinabol ko siya pero bago pa ako makalayo ay may kamay na yumakap sa bewang ko at binuhat ako. "Zykiel! Ibaba mo 'ko!" Sigaw ko dahil hinalik-halikan niya ako. "Hmm... Bakit parang galit na galit ka?" Tanong niya habang pinapaliguan parin ako ng halik."Yung mga anak mo! Binasa ako! Ayoko pa naman sanang ma

  • Playing with Lies   Chapter 59

    EliezahISANG LINGGO pagkatapos ay nakalabas narin ako sa hospital. At tuwang tuwa ang mga kapatid ko sa dalawang anghel sa bahay namin. Salitan nga sila sa pagbabantay kaya gabi ko na masisilayan ang mga anak ko dahil busy rin naman ako sa preparations para sa nalalapit na kasal namin ni Zykiel. It is just a simple garden wedding with our closed relatives on. Since narito na ang kambal ay saka nalang kami magpapakasal ni Zykiel sa simbahan kapag medyo malaki na ang mga anak namin. I want them to be the ring bearer for us when we get married. "Hello little Ace!" hinawakan ko ang maliit na kamay ni Ace na tulog na tulog. Ngumisi ako at hinalik-halikan ang kamay nito pati ang matambok nitong pisngi. Nang marinig ko ang mahinang hikbi ni Ezekiel ay lumipat ako sa crib nito. Natutulog naman ito pero humihikbi ang maliit at mapulang labi nito. "Shh!!" Tinapik tapik ko ang gilid nito at hinalikan sa noo. Mukhang naramdaman yata niya ang presence ko at agad naman itong bumalik sa banayad n

  • Playing with Lies   Chapter 58

    EliezahILANG BUWAN ang lumipas at dumating na ang araw ng kabuwanan ko. Napahawak ako sa tiyan ko ng bigla nalang itong humilab. Ang sabi ng doctor ko ay isa sa mga araw na ito ay manganganak na ako lalo pa at lumagpas na ako sa due date ko. Dalawang araw na ang lumipas. Ngumiwi ako ng mas lalo pang sumakit ang tiyan ko. Owshit! Hindi ko maintindihan ang sakit. Parang kumakalat na ewan. Dahan dahan akong humakbang palapit sa kama ko para doon maupo. Kakaligo ko lang at marahil nagkakabag ako. Inabot ko ang Alcamporado oil sa ibabaw ng nightstand at saka naglagay sa kamay bago ipinahid sa tiyan.Pero ilang saglit pa ay mas lalo lang itong sumakit at parang hindi ko na kaya. Tumayo ako pero natigilan rin ng bigla nalang may bumasa sa ibaba ko. Ano 'to? Naihi ako? Kahit masakit ay pinilit kong lakarin ang distansya ng pinto at ng kama ko. Katabi lang naman ng kwarto ko ang kwarto ni Stephanie. "Stephanie!" namimilipit na sigaw ko. Humawak ako sa hamba ng pinto bilang suporta. Nang wa

  • Playing with Lies   Chapter 57

    EliezahHINDI ko rin natiis si Zykiel at kinabukasan ay umaga palang ay naroon na ako. Maaga akong nagluto at nagpahatid sa kulungan. Sabay kami na nag-agahan roon. Umalis rin naman ako kaagad kasi sinundo na ako ni Stephanie at ni Steve. Halos ganun ang routine ko araw araw sa loob ng ilang buwan. Natigil lang noong magsimula na ang hearing ni Fergie Morgan. Nakalabas narin naman siya sa hospital at medyo maayos na naman siya. Ipinagpapasalamat ko nalang na inamin niya na ang mga kasalanan niya. Sa dami ng kasalanan niya. Pati si Tito Gaell at ang kambal. Naawa ako kanila. "Anong ginagawa mo rito, Elie? You shouldn't be here. It's dangerous." Sabi ni Kieron ng lapitan ko siya sa mesa niya. Hindi pa nagsisimula ang hearing at hinihintay pa si Fergie Morgan at si Zykiel. "I have my bodyguards, Kieron." Nginitian ko siya. "How are you?""Ok lang. Repenting my mistakes." Nagkibit siya ng balikat ang nag-iwas ng tingin.I pursed my lips before I spoke. "How I wish, it didn't came this

  • Playing with Lies   Chapter 56

    ELIEZAH"GENERAL?" Natigilan ako at dahan dahang napalingon sa likod ko. Katulad ko ay namilog rin ang mga mata niya at tumigil sa paghakbang. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Nakaposas. Kumurap siya ng ilang beses bago nagpatuloy sa paghakbang. Tumayo ako and meet him halfway. I immediately wrap my hands around him. I miss him so much. I miss him. I felt him stiffened."E-elie...""I miss you. We miss you very much..." I whispered and hugged him even more kahit pa hindi siya makagalaw dahil nakaposas siya. Isinubsob niya ang mukha sa leeg ko. "I miss you too, babe. Miss na miss na kita." Bulong niya. Narinig ko ang paghikbi niya dahilan para mapahikbi rin ako. Suminghot singhot ako nang bahagya siyang lumayo kaya bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. I cupped his face and looked at him painfully. A lot of emotion showed up in his face while our gaze are locked to each other. "Your plan always hurt me..." mahinang sambit ko habang nakatingin parin sa kanya. Nagbaba siya ng tin

  • Playing with Lies   Chapter 55

    ELIEZAHNAPAHAWAK ako sa balakang ko ng biglang sumakit ito. Marahan akong naglakad palapit sa couch at doon naupo. Hinimas ko ang tiyan ko na halata na. Nang magising ako ay sinabi ng doktor na kambal ang ipinagbubuntis ko. Sobrang saya ko nong mga oras na iyon pero naglaho ang saya ko ng hanapin ko ang ama ng mga anak ko. Hindi ko siya makita. Kahit anong tanong ko sa mga taong nasa paligid ko ay wala silang sinasabi sa akin. Hindi nila ako sinasagot. Tikom lahat ang bibig nila na sobra kong ikina-inis. Kinakabahan ako kung ano na kaya ang nangyari sa kanya pero noong nagkaroon ako ng hint na maaaring nakulong siya ay hindi na ako nagtanong pa. Kung ayaw niyang ipa-alam sa akin ay hindi ko siya pipilitin. Alam kong pinoprotektahan niya ako at idagdag pa na hindi pa natuluyan ang matandang demonyo! Hayun at humihinga parin sa tulong ng makinarya. This must be crazy to think that he is the father of the father of my children but what he did to me is beyond forgivable. I don't know if

  • Playing with Lies   Chapter 54

    Zykiel"I DON'T CARE." sagot ko kay Steve. Nabuhay pa pala talaga siya. Tunay ngang matagal mamatay ang masamang damo. "But...the doctor still couldn't determine when will he wake up... it's seems like, without the machine, he'll be dead." dagdag ni Steve. Masama ko siyang tiningnan. "Why are you saying these to me?" Namulsa siya at yumuko pagkatapos ay tumanaw ulit sa kwarto ng kapatid. "Because he's still your father?" I smiled without humor. "Like what I've said, I don't care. If possible, pull that fucking machine out of him!" Hindi na nagsalita si Steve. Si Stephanie naman ay nagpa-alam na pupuntahan ang ama ni Elie sa ika-pitong palapag. "Anong nangyari kay General Gaell? At sa mga anak niya?" Tanong ko matapos pakalmahin ang sariling galit. "Their on jail. General Constantine personally put handcuffs to him. I've heard that their case were unbailable. Well, they deserve it, anyway." Tugon ni Steve at huminga ng malalim. Tapos na. Tapos na ang paghihirap ni Elie mula s

  • Playing with Lies   Chapter 53

    Zykiel"No! No! No!" Sigaw ko habang inaalalayan si Elie sa bisig ko na unti unting nanghihina. Sumuka siya ng dugo. No! Hindi! Hindi maaari! May nakapa akong basa sa likod niya at parang nawalan ng kulay ang mukha ko ng makita ang kulay pulang likido sa palad ko. Nanginig ang buong katawan ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang biglang tumigil sa paggana ang utak ko. . Ang mahal ko! Galit akong tumingin sa ama ko na nagulat rin sa nangyari. Pati ang mga kapatid ni Elie ay hindi rin makagalaw dahil sa gulat Pare-pareho silang nakanganga at nanlalaki ang mga mata. Ang bilis ng pangyayari! "Ha!!!!" Sigaw ko at kinalabit ang gatilyo ng baril ko at binaril siya ng ilang beses. Hinagis ko ang baril ko at binuhat si Elie. "Babe! Hold on! Please! Maawa ka sa anak natin! Please hindi ko kaya!" Paulit ulit kong sambit habang nagmamadaling tinatahak ang daan palabas ng bodega. Narinig ko ang tawag nina Steve at Stephanie pero hindi ko na sila pinansin. Paglabas ko ay siya ring

  • Playing with Lies   Chapter 52

    EliezahPAGAPANG akong sumunod sa matanda. Huminga ako ng malalim bago ako bumulusok pababa sa mismong harap niya. Dahil hindi niya inaasahan ang pagdating ko ay nagulat siya at hindi nakakilos agad kaya inatake ko agad siya. Mabilis naman niyang nasangga ang mga atake ko. Nagtagisan kami ng nalalaman hanggang sa nakarating kami sa mismong ground ng bodega. Sa bawat atake niya ay siya namang iwas ko at ganun rin siya sa atake ko. Gusto ko siyang bugbugin at pahirapan. Gustuhin ko man siyang patayin na agad ay parang napakadali naman niyon. Gusto ko iyong mahihirapan muna siya hanggang sa siya na mismo ang kikitil sa sarili niyang buhay. "Hindi mo ako kaya, agent 00013! You're too weak for me!" Sabi niya at humalakhak. Pinatayan ko rin ang halakhak niya. "Talaga ba? Tingnan lang natin." Sa isang kilos ko ay nahagip ng suot kong stilettos na may maliit na kutsilyo sa dulo ang tiyan niya dahilan para magkaroon iyon ng malaking tabas at umagos ang sariwang dugo roon. Nginisihan ko s

DMCA.com Protection Status