Share

Chapter 4

Author: HoneylynBlue
last update Last Updated: 2022-07-01 17:04:30

Eliezah

HUMINTO KAMI sa isang department store. 

"Bibili muna tayo ng damit mo para may maisuot ka." sabi ko at naglakad papunta sa department store. "Come!" 

Sumabay siya sa paglalakad ko. Agad naman siyang naka-agaw ng pansin sa mga tao ng pumasok kami sa department store. Well, yeah! He's handsome and by his look right now, he's really handsome. 

"Mind if I cling on you? Baka may makakilala sayo rito. Don't worry, I don't have a plan stealing you from your girlfriend" sabi ko. 

Nanlaki yong mata niya pero tumango naman siya. Humawak ako sa braso niya at naramadaman kong natigilan siya. Pumunta kami sa men's section at kahit awkward para sakin ang ganun ay tiniis ko. 

" Pumili ka na. Sagot ko." bulong ko sa kanya para tumigil na yong babaeng salesclerk na titig na titig sa kanya. 

Lumingon siya sa'kin and yeah it shocked me a little bit kasi gahibla na lang yong layo namin kung hindi dahil sa cap niya ay baka n*******n niya na ako. Umatras ako at binalingan yong salesclerk na nahihiyang umiwas ng tingin sa'min.

"Hey miss. Do you have Levi's shirts? Iyong kasya sa boyfriend ko?" pinagdiinan ko pa yong salitang boyfriend. 

Aligagang tumango siya at naglakad papunta sa kabilang section. 

"This way ma'am" 

Lumapit ako kay Mr. Willis at tiningnan kong may napili na ba siya. 

"May napili ka na?" tanong ko at tiningnan yong mga damit na hawak niya. Isang black shirt at sweat pants. 

''Come. Follow me." 

Pumunta kami sa hanay na sinasabi ng salesclerk kanina. Ako nalang ang namili since mukhang nahihiya siyang kumuha ng mga damit. 

Kumuha ako ng limang Levi's shirts at shorts, cargo and jersey shorts. Hila hila ko siya dahil siya yong sinasampayan ko sa mga damit. Di naman siya nagrereklamo. Kumuha ako ng limang sweatpant, jackets, sando shirts, boxer shorts at briefs. I have a bad feeling about this. 

Bumaling ako sa kanya at ewan ko kung nahahalata ba niyang nag-iinit ang pisngi ko. "Ahmm… Is this suits you?" tanong ko at kinuha yung medium size na brief at pinakita sa kanya.  Namumula naman siyang umiwas ng tingin. "N-no. Ahmm… my s-size is l-large" mahinang sabi niya. 

"Oh..O-Okay." Well malaki naman talaga siyang tao kaya tama lang yong large talaga yong size niya. Ano ba tong iniisip ko? You're crazy Elie!  Kumuha ako ng sampu at binigay sa kanya. Pumunta ako sa may mga tsinelas at sapatos.  "What's your foot size?" 

"11½" 

Kumuha ako ng dalawang pares ng Islander dalawang pares ng sapatos na Tennis at Rubber shoes. Binitbit ko yung sapatos at nagpunta kami sa mga cologne. Sininghot ko isa isa ang mga cologne. I pick two cologne for men and kumuha narin ako ng shampoo, body wash, soaps, mouthwash, toothpaste, toothbrush and etcetera. Everything I think he needs, I grabbed it. 

"All done? You think?" tanong ko at binalingan siya na konti nalang ang kita sa mukha niya dahil sa mga damit niya. 

"Yeah. This is too much. You don't have to buy everything." sabi niya. 

" No. I should. Ayokong naiistorbo ang bakasyon ko sa isla ng dahil lang wala ka ng ganun at ganyan." 

" Come on" Naglakad kami papunta sa counter at habang binibilang ng clerk ang sandamakmak na binili namin ay tinext ko si Manong Jorgie. 

Panay yong lingon ko baka kasi mayroong nakakita sa kanya. Siya naman ay nakayuko lang habang nasa gilid ko. 

"Fifteen Thousand Nine Hundred Ninety Eight ma'am" sabi ng cashier. Kinuha ko yung credit card ko at binigay sa kanya. Nang makita iyon ay nag-alinlangan pa siyang abutin iyon. 

"Ma'am you are Ms. Mary Eliezah Given from GIVEN REAL ESTATE AND CONSTRUCTION COMPANY ma'am?" nakangiti niyang tanong sa'kin. 

"Yeah. It's me" Well, kami lang naman ang may black and red designs for our own credit cards.  We had our own Bank Company, anyway. 

"Whoa! It's our pleasure to serve you ma'am and your boyfriend" sabi niya at isinaksak na yong card ko sa machine. 

"Thanks" sagot ko at tiningnan ko ulit yong phone ko. 

"Nasa labas na ako Elie sa may parking lot" reply ni Manong Jorgie. 

Ibinulsa ko ang phone ko at tinanggap ang card ko habang ang kasama naman niya ay pasimleng tumingin-tingin kay Mr. Willis. 

Natapos na yong salesclerk na balutin yong mga pinamili namin. Apat na karton yong inabot ng pinamili namin. "Can you carry all of them?" tanong ko sa kanya na tahimik lang. Tumango siya. Tsk! 

"Ahm… May lalaki ba kayo rito miss? My boyfriend can't carry all of these" 

"Yes ma'am. Sandali lang po." tugon niya at umalis sa counter para magtawag ng lalaki. 

"Tress! Halika may ipapabuhat sayo!" sigaw niya at lumapit naman ang isang lalaki na kasing tangkad ko sa kinaro-roonan namin. 

"Yes ma'am. Eto po ba?" tanong niya at tinuro yong mga karton. 

"Ah yes. Iyang dalawang karton. Hindi kasi carry ng boyfriend ko" sabi ko sa kanya. Napalingon agad sa'kin si Mr. Willis. Siguro iniisip niya na assuming ako. Bahala siya. 

"Okay po ma'am. Saan po ba 'to dadalhin?" 

"Sa labas lang." Binuhat niya yong isang karton sa balikat  at binitbit naman ang isa. Binuhat din ni Mr. Willis ang dalawang karton. 

Lumabas kami sa department store at tinuro ko doon sa lalaki ang kotse ni Manong Jorgie. Nagtaka man si Mr. Willis dahil nakamotor kami kanina pero  ngayon ay may kotse. 

"Sa kotse ka nalang sumakay. Wag kang mag-alala alam ni Manong Jorgie kung saan tayo pupunta. Sa dock nalang tayo magkita. Magmo-motor lang ako." paliwanag ko sa kanya. Tumango siya at pumasok na sa kotse. 

"Manong Jorgie, Sa dock nalang tayo magkita. Siya po pala ang bagong misyon ko." sabi ko kay Manong Jorgie at tumango naman si manong Jorgie. 

" Okay Elie. Magkita nalang tayo roon." sabi ni Manong Jorgie at bumaling kay Mr. Willis. Si Mr. Willis naman ay nakatungo lang. 

"Sige po. Kita nalang tayo roon" 

"Sige Elie" 

Tinapik ko ang bubong ng kotse at bumalik ako sa may pinag-parkingan ko ng motor ko. 

******

NAKARATING AKO sa dock at kasalukuyan ng binababa ni Manong Jorgie ang mga karton at ganun din si Mr. Willis.

Pinarada ko ang motor ko at lumapit sa kanila. 

"Salamat po Manong Jorgie" 

"Walang anuman Elie."

Tinulungan ko silang ibaba ang karton.

"Sigurado ka ba Elie na ikaw ang mag-mamaneho ng yate? Kaya mo ba Elie?" tanong ni Manong Jorgie.

Ngumisi ako at tumango kay Manong Jorgie. "Opo naman Manong Jorgie!"

"Oh sige. Mag-ingat kayo sa byahe." sabi niya at sumakay na sa kotse.

"Sige po. Ingat din po" sumaludo ako.

Pagka-alis ni Manong Jorgie ay bumaling ako kay Mr. Willis.

"Tara ipasok na natin yong mga karton" I said coolly.

"Sige. Ito ba yong yate niyo?" tanong niya at tinuro ang yate ko. Tumango ako.

"Okay. Ako nalang ang magbubuhat ng mga karton. Ma-una ka na sa loob" sabi niya at binuhat yong dalawang malalaking karton.

"Okay." 

Sumakay ako sa motor ko at pinapasok sa loob ng yate.Tapos ay pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Can I have too?" boses na galing sa likod ko na muntik ko ng maibuga ang tubig na iniinom ko. 

Tiningnan ko siya ng masama.

"Ano ba?! Bakit bigla kang nagsasalita?" sita ko sa kanya.

Kumunot yong noo niya at nagkamot ng batok.

"I'm sorry. Ahmm.. I just want to have a glass of water. If okay?" 

"Okay. Heto," usal ko at binigay sa kanya ang pitsel.

Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig. Nakatingin lang ako sa kanya habang umiinom siya. 

"Staring is rude Elie" biglang sabi niya at bumaling sa'kin ang tingin. Napakurap ako at tina-asan siya ng kilay. 

"Don't call me Elie. Call me 13." sungit kong sabi at tumalikod. Narinig kong nagbuntong-hininga siya at naglakad palabas ng kusina.

Lumingon ako at wala na siya. Napabuntong-hininga nalang ako. This vacation would be very long and tiring. Gusto ko lang naman na mag bakasyon ng tahimik eh. Kung bakit ba naman kasi ako pumasok sa ganitong trabaho. Haist! Umiling ako at tinapos ang pag inom ng tubig. Gusto mo lang naman na ipaghiganti at bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magulang mo. Sagot ng isip ko. Right. So, kailangan kong tanggapin ang trabahong ito kahit mukha pa akong nanny nito.  Pagkatapos ay lumabas na ako sa kusina. I checked everything and after that ay pumunta ako sa cabin ko at umidlip saglit. Naubos yata ang energy ko kanina. 

Nagising ako mga bandang alas singko y media. Bumangon ako at lumabas sa cabin at hinanap kung nasaan na si Mr. Willis. Natagpuan ko siya sa top deck. Nakatingin sa dagat habang nakahawak sa railing. Seryoso siyang nakatitig sa dagat at parang may malalim na iniisip. Nasisilawan siya ng sinag ng araw kaya mukha siyang model na nakatingin sa dagat. 

Umiling ako at iniwan na lang siya roon. Baka nag-aalala lang siya sa pamilya niya or ano. Bumalik ako sa baba at tiningnan kong malapit ba ba kami sa isla. Malapit ng mag-alas-sais at palubog na ang araw. Nang malapit na kami ay bumalik ako sa top deck pero wala na si Mr. Willis roon. Nasaan na 'yon? Tumalon? Tsss.

MAG-AALA-SAIS na ng makarating kami sa isla.

Inayos ko muna yong pagkakatali ng yate sa brandelya ng dock bago ako bumalik sa loob para sabihin kay Mr. Willis na narito na kami.

Natagpuan ko siya sa likorang bahagi ng yate.

"Mr. Willis we're here" imporma ko sa kanya baka lang hindi niya alam na obvious namang nandito na kami. Lumingon siya sa'kin at tumango.

"Okay I'll just get the boxes." sabi niya at naglakad palampas sa'kin.

Sinundan ko siya kung saan niya nilagay ang mga karton na mga gamit niya.

"Alin ba yung medyo magaan dito?" tanong ko at tiningnan yong mga karton na naka pile.

"You can't carry it. You're very thin and I think it will break your bones." seryosong sabi niya. Oo at parang totoo yon pero hindi naman yun ikakabali ng mga buto ko. Like duhh!

"You're insulting me?" taas kilay kong tanong sa kanya at hinarap siya.

"Kung iyan ang pagkaka-intindi mo." sabi niya at binuhat ng walang kahirap hirap yung dalawang malalaking karton at naglakad palabas ng yate.

Did he just do what?

Sinundan ko siya sa labas. Nagbago na isip ko. Imbes na sinapian ako ng bait ngayon at dahil ininsulto niya ang pagiging petite ko ay bahala siya sa buhay niya. Total wala namang may alam na nandito siya kaya bahala siya. Gumala pa siya buong isla basta huwag niya lang tangkain na lumayas at baka masampolan ko siya sa bagong riffle ko.

Nasa hagdanan na siya sa ibaba ng mansion ng maabutan ko siya.

"Tabi!" singhal ko na ikinagulat niya kaya muntik na siyang matalisod. Hmp! Buti nga!!

" Sungit mo naman. Parang kanina lang kung makapang-angkin ka parang totoo" sabi niya kaya nagpanting ang tenga ko roon.

" Hoy lalaking duwag! Para sabihin ko sayo hindi ko gusto yong ginawa ko kanina pero dahil trabaho kong ilayo ka sa kapahamakan mo na ikaw naman mismo ang gumawa kaya napilitan akong gawin yon at isa pa, inistorbo mo ang bakasyon ko!" nakapamaywang kong sabi sa kanya.

Siya naman ay nakatitig sa'kin na parang aliw na aliw siya. Parang nag-iba ang ihip ng hangin? Kanina di naman siya ganito.

"Are you done?"

I greeted my teeth and nagmartsa pa-akyat. Pumasok ako sa mansion at dumiretso sa kwarto ko. Ugh! Gusto ko siyang bugbugin! Sa inis ko ay nagbabad ako sa shower. Mga isang oras din ang itinagal ko sa banyo.

Ng medyo lumamig ang ulo ko ay lumabas ako ng banyo at nagbihis ng pajama at t-shirt na malaki. Lumabas ako ng kwarto at bumaba para magluto ng hapunan. Hay naku!

Nakita ko si Mr. Willis sa sala nakaupo lang at parang ang cool lang.

"Hoy! Sumunod ka ituturo ko sayo yong magiging kwarto mo."

Nag-angat siya ng tingin at tumayo tapos ay binuhat niya yong dalawang karton pagkatapos ay sumunod sa'kin.

"Is this your house?" tanong niya ng makarating kami sa second floor.

"Obvious ba"

Di na siya nagsalita. Binuksan ko yong pinto ng guest room na katabi lang ng kwarto ko. Para pag may emergency ay madali ko siyang mapuntahan. Pumasok ako sa loob kasunod siya at nilapag ang mga karton.

"So, this is your room. My room is just beside this room. So, if you need something or you notice something doubtful just give me a knock or call me. For now, mag-ayos ka muna ng gamit mo. Magluluto lang ako ng hapunan. Do you want something para sa hapunan mo?"

"Okay and hindi naman ako mapili sa pagkain." simpleng sagot niya.

" Okay. Sa baba lang ako" paalam ko at lumabas ng kwarto niya.

Pinatugtog ko yong stereo ko at sumasabay sa kanta na Make It With You. Aliw na aliw ako habang nagluluto ng sinigang na baboy at chopseuy. Pagkatapos kong magluto ng hapunan ay nagsaing ako.

Nong naluto na lahat ay naglagay ako ng plato at kobyertos sa hapag. Kinuha ko rin yong pitsel na may lamang tubig at baso. Hay naku! Daig ko pa ang may asawa!

Bumalik ako sa taas at kinatok ang pinto ng kwarto niya. Naka-ilang katok na ako pero wala paring sagot.

"Mr. Willis! Are you okay?" tanong ko at dinikit yong tenga ko sa pinto. Nang wala paring sumagot ay napagpasyahan ko ng pasukin ang kwarto niya.

" Mr. Willis, I'm going inside now!" imporma ko sa kanya pero wala paring sumagot. "Bubuksan ko na!"

Binuksan ko yung pinto niya at pumasok agad ako. At ganun nalang ang pagkalag-lag ng panga ko ng bumukas ang pinto ng bathroom at lumabas siyang naka-tuwalya lang. WTF Men!!

Ng makita niya ako ay nagulat rin siya. Tapos ay kumunot ang noo at tiningnan ako ng nagtataka. Kumurap ako at umiwas ng tingin. Naku mahirap na baka isipin niya na may pagnanasa ako sa kanya. Aish!

"Ahmm... Sorry for invading... I called you many times but no one answered so, I thought something happened." despensa ko dahil sumungaw yung kakaibang ngiti niya and I don't like it. " Anyway, dinner is ready" sabi ko at naglakad papunta sa pintuan.

Nakita ko siyang tumango at naglakad papunta sa closet. Sinarado ko yung pinto niya at pinakawalan ang kanina ko pa palang pinipigil na hininga. Gutom na yata talaga ako. Bumaba ako at bumalik sa kusina.

Narinig kong may mga yapak kaya umupo na ako at kumuha ng kanin.

Tahimik naman siyang umupo sa tapat ko kaya hindi na ako nag atu-biling sulyapan siya. Kumain kami ng tahimik.

"Ako na ang maghuhugas ng pinggan." usal ko ng matapos siyang kumain.

"No. Ako na. Magpahinga ka na lang."

Tiningnan ko siya ng maigi. "I know how to wash the dishes, 13. If that's what you want to know"

Tumango ako. "Okay then. Sa sala lang ako."

Nanonood ako ng action movie ng may tumabi sa'kin.

"Nice movie." komento niya kaya nilingon ko siya.

"Thanks"

Natapos ang movie bandang alas nuebe kaya pina-akyat ko na siya sa taas.

"How about you. Aren't you sleeping yet?" tanong niya ng nasa punong hagdan na siya.

"Check ko muna ang paligid."simpleng sagot ko at kinuha yung baril ko na nasa ilalim ng sofa.

"Geh. Akyat ka na. Babalik di ako agad"

Tumango siya at nagsimula na siyang humakbang paakyat. Ako naman ay lumabas na ng bahay at linibot ang buong mansion bumaba rin ako at inilibot ang ilaw ng flashlight ko sa ibabang bahagi ng mansion kung saan ang mga cottages. Nang masiguro kung wala namang kahit ano ay bumalik ako sa mansion at ni lock ang mga pinto at bintana. Hay! Kung bakit ba kasi ngayon pa niya naisipang lumapit sa agency namin.

Umakyat na ako dala ang baril ko at pumasok sa kwarto ko. Humiga ako at tumunganga sa kisame.

Related chapters

  • Playing with Lies   Chapter 5

    EliezahNAGISING AKO sa kalampag ng kung ano sa ibaba. Dali dali kung kinuha ang baril ko at nagmamadaling bumaba at tinungo ang kusina kung saan nagsimula ang kalampag. It's just five thirty in the morning. Hoh! Nakahanda na yong baril ko kalabit na lang ang kulang pero ng makita ko ang dahilan ng pagkalampag ay gusto ko siyang tuluyan.Nang mapalingon siya sa'kin ay nanlaki ang mga mata niya. Namutla pa siya." H-hey!...G-good m-morning... W-why?... Is there something wrong?" kanda-utal niyang tanong sa'kin habang pasulyap sulyap sa baril na nasa kamay ko.I heaved a sigh. Umiling ako at naglakad papunta sa ref. Uminom ako ng tubig dahil nagiinit yong ulo ko sa kanya."Bakit ang aga mong nagising? Alas-singko pa ah?" cool kong sabi at tiningnan siya na isinasalang ang frying pan sa stove."Ah yeah. Maaga kasi akong nagising." sagot niya na bakas parin ang nginig sa boses."Hmmm...okay. Akyat muna ako." sabi ko at bumalik sa kwarto ko. Di ko na hinintay ang sagot niya. Napahinga ako

    Last Updated : 2022-07-02
  • Playing with Lies   Chapter 6

    Eliezah"ELIE... PLEASE DON'T DO ANYTHING YET..." sabi ni tito at tumango ako kahit may plano na akong nabuo sa isip ko."Elie, I know you. Please not yet. We need to do this in a process.""Yes tito. I understand." sagot ko at umiwas ng tingin."Sir, ahmm...I have a small information about their database to get more information." sabi ni Mr. Willis kaya napatingin ako sa kanya. May iba talaga sa kanya and I need to find it. May sinabi siya kay tito na hindi ko naintindihan. Maya maya pa ay nagpakita na si agent 00015 na may dalang laptop at may ear pod sa tenga niya."Hello agent 00013!" bati niya at tumango naman ako. "Sir, I already had the information about Mr. and Mrs. Given's death." imporma ni agent 00015 kay tito."Good." tumango si tito at bumaling sa'min."Elie I need you tommorow morning here. May importante akong sasabihin sayo personally." sabi ni tito."Okay tito but how about Mr. Willis.?" sabi ko."I'll send Keiron there to look for him." sagot ni tito at nagpa-alam na

    Last Updated : 2022-07-03
  • Playing with Lies   Chapter 7

    ELIEZAH KINABUKASAN AY MAAGA akong umalis. Hindi pa gising yung mga tao sa buong kabahayan.Sinukbit ko yung backpack ko na naglalaman ng mga kakailanganin ko sa pagpasok sa kuta ng mga walang hiya.Bumaba na ako sa hagdan sa papunta sa dock at pinuntahan ko muna yung garage kasi dadalhin ko yung motor ko. Binuksan ko yung garahe at sumakay sa motor ko at pina-andar patungo sa dock kung saan naroon ang yate na gamit nila Keiron.Pagdating ko sa dock ay naroon pala si Keiron pati si Mr. Willis."Good morning cous'!" bati ni Keiron na may hawak na lubid."Morning!" bati ko at pinapasok yung motor ko sa loob ng yate."Good morning Elie..." medyo nagulat ako nong binati ako ni Mr. Willis. Akala ko hindi niya ako papansinin kasi kinuha ko yung phone niya."Morning." tipid kong sagot at bumaba na sa motor ko. Tiningnan ko siya at he's smiling like an idiot. I rolled my eyes on him and turned my back to go to my room."I'll cook a food for your breakfast, Elie!" napalingon ako sa kanya

    Last Updated : 2022-07-04
  • Playing with Lies   Chapter 8

    ELIEZAHMAAGA AKONG NAGISING kinabukasan. Around four in the morning ako nagising. Naligo ako at bumaba para kumain. Naabutan ko si agent 00015 na nagkakape. "Good morning agent 00013!" bati niya sa'kin. Ngumiti ako. "Walang trabaho ngayon. Elie nalang." sabi ko at nag timpla rin ng kape. Tumawa siya at sumandal sa island counter."By the way, bukas na yung mission mo. I wish you good luck." sabi niya."Oo nga eh." sagot ko at umupo sa stool.Nag usap pa kami saglit at pagkatapos ay nag paalam narin siya na pupunta siya sa gym para mag work-out. Pagkatapos kong magkape ay nagpunta ako sa pool side. Naabutan ko roon yung ibang kasamahan namin na nagkatuwaan. Mukhang hindi pa sila tapos sa night out nila ay mali pala. Night in lang pala kasi nandito lang sila sa loob ng quarters. At dahil hindi ko trip yung mga ginagawa nila ay bumalik nalang ako sa kwarto ko. Pinag-aralan ko ulit yung blueprint. Mga ala sais y media ay bumaba ako para kumain ng breakfast. Tiningnan ko kung anong l

    Last Updated : 2022-07-05
  • Playing with Lies   Chapter 9

    EliezahISINUOT KO ang ear pods ko habang ang mga makakasama ko sa mission na ito ay busy sa paglalagay ng mga gagamitin nila. Kompleto na ako sa mga dadalhin ko at nasa backpack ko na ito lahat. Isinaksak ko sa magkabilang gilid ko ang dalawang baril. Sa boots ko naman ay dalawang hunting knife. Nagsuot ako ng leather jacket at black cap. "Ready ka na ba agent 00013?" Tanong ni agent 00020. Tumango ako sa kanya. "Yeah. I'm always ready, agent 00020." Nakangisi kong sagot. Tumawa ang mga kasamahan namin at isa isa na silang lumabas sa kwarto. Sinukbit ko ang backpack at sumunod sa kanila. NASA SASAKYAN na kami habang nagse-set up naman si agent 00015. Pagkarating namin malapit sa quarters ng WSA ay bumaba ako habang sukbit ko ang backpack ko. Naglakad ako palapit sa quarters nila na labas palang ay sobrang dami ng bantay. Hmm. Talagang mahigpit sila ah. Nagtago ako sa isang halaman nang lumingon ang isang tauhan. Mabuti nalang at papalubog na ang araw. May tumawag sa kanila

    Last Updated : 2022-07-08
  • Playing with Lies   Chapter 10

    EliezahSA DOCK nalang kami nagpalipas ng dilim dahil ang lintik na Keiron ay inaantok at ganun din ako. Nang kumalat ang liwanag kinabukasan ay bumyahe agad kami pabalik sa isla. Pagkarating namin sa isla ay naiwan ako sa dock sa baba sandali. Nauna si Keiron na umakyat pataas at bitbit yung karton at ang backpack ko. Nang matapos ako sa ginawa ko ay umakyat na ako sa hagdanan at may narinig akong mga hiyawan kaya nagtaka ako. Nagpatuloy ako sa pag-akyat at dumeretso sa lawn at ganun nalang ang pagkagulantang ko nang makita si Mr. Willis na pinagtutulungan nina Keifer at ni Keiron. Tumakbo agad ako papalapit sa kanila at pumagitna sa kanila at dahil hindi na napigilan ni Mr. Willis ang kamao niya ay ako ang natamaan at sapol ang mukha ko. WTF! Ang sakit ng pucha! Natabingi ang ulo ko at nagtagis ang bagang ko sa sobrang sakit. Parang hinambalos ng baseball bat yung mukha ko. Pinigilan ko ang sarili kong hindi makapanakit ng tao ngayon. Kinagat ko ang labi ko at tumingin kay Mr. W

    Last Updated : 2022-07-09
  • Playing with Lies   Chapter 11

    EliezahBUMABA AKO at naghanap ng magagawa. Nawala na din naman kasi ang antok ko. Natanaw ko mula sa balcony si Keiron na nasa may dock at mukhang may kausap sa phone. Seryoso lang siyang nakatanaw sa dagat. Sa may pool naman ay nakahiga ang walang pang-itaas na damit si Keifer. Mukhang nag mukbang ng araw si Keifer. Tsk!Sa may lawn naman ay natanaw ko si Mr. Willis na nakapamulsa habang kausap yung Mommy niya. Seryoso ang mukha niya. Di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. At kung hindi pa nagsalita si Keifer sa likod ko ay hindi mapuputol ang pagtitig ko sa kanya. Naka akyat na pala ang hudas! Di ko namalayan 'yon ah!"He knew some self-defense..." Sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. Nakatingin rin siya kay Mr. Willis. "What do you mean?" Naguguluhan kong tanong. "Nag sparring kami ni Keiron the day you left and aksidenteng natamaan siya ng sipa ko and mabilis niya iyong nasangga. So niyaya namin siya and yeah, he knew." Aniya at lumingon sa'kin. "I'm doubting h

    Last Updated : 2022-07-10
  • Playing with Lies   Chapter 12

    KINABUKASAN ay maaga kaming naglayag pabalik sa syudad. Pasado alas otso ng makadaong kami sa daongan. "Ako na ang magda-drive ng motor." Presinta ni Zykiel. "Sige." Nagsuot kami pareho ng helmet and after that he press the starter. "Hold tight, please." Bahagya siyang lumingon sa'kin. Tumawa ako. "Baliw ka ba. Para namang mahuhulog ako, eh sanay ako dito." Sabi ko at inayos ang malaking backpack sa likod ko. Bale mga damit niya lang ito at konting sa'kin. May mga gamit naman kasi ako doon sa headquarter. Tinapik ko siya balikat nong hindi parin siya umaandar. "Oy anuba! Tayo na!" Sabi ko. Hindi siya sumagot at umarangkada na. Walangya ang gago! Kaskasero pala! Wala akong nagawa kundi ang humawak sa balikat niya lalo pa nong lumiko siya ng pahiga na talaga. Kinabahan ako doon kasi never ko pang nagawa iyon sa tanang buhay ko. Pano kung nadisgrasya kami, eh di dedo kami! Oo at kaskasera din naman ako pero malala tong sa kanya. Parang tinakasan ako ng kaluluwa nong nag-overtake s

    Last Updated : 2022-07-11

Latest chapter

  • Playing with Lies   Chapter 60

    Eliezah"EZEKIEL!" napasigaw ako dahil sa sobrang gulat. Nagdidilig ako ng mga halaman nang bigla nalang akong nabasa. Nanggigil akong humarap sa anak ko na may hawak na water gun. Ayoko pa sanang maligo dahil malamig ang klima pero heto ako at basang basa na dahil sa kagagawan ng dalawa. Mukhang nagba-baril barilan na naman sila ng kakambal niya at ako ang natamaan dahil nakita ko si Ace na dumaan sa harap ko kanina bago ako mabasa. Namilog ang mata niya at nakangiwi. Nag-peace sign pa siya pero nanggigil talaga ako dahil sobrang lamig ng tubig na bumasa sa'kin. "Sorry Mommy!" Sigaw niya at mabilis na tumakbo dahil handa na akong itutok sa kaniya ang hose ng tubig. "Grrrr!!" Hinabol ko siya pero bago pa ako makalayo ay may kamay na yumakap sa bewang ko at binuhat ako. "Zykiel! Ibaba mo 'ko!" Sigaw ko dahil hinalik-halikan niya ako. "Hmm... Bakit parang galit na galit ka?" Tanong niya habang pinapaliguan parin ako ng halik."Yung mga anak mo! Binasa ako! Ayoko pa naman sanang ma

  • Playing with Lies   Chapter 59

    EliezahISANG LINGGO pagkatapos ay nakalabas narin ako sa hospital. At tuwang tuwa ang mga kapatid ko sa dalawang anghel sa bahay namin. Salitan nga sila sa pagbabantay kaya gabi ko na masisilayan ang mga anak ko dahil busy rin naman ako sa preparations para sa nalalapit na kasal namin ni Zykiel. It is just a simple garden wedding with our closed relatives on. Since narito na ang kambal ay saka nalang kami magpapakasal ni Zykiel sa simbahan kapag medyo malaki na ang mga anak namin. I want them to be the ring bearer for us when we get married. "Hello little Ace!" hinawakan ko ang maliit na kamay ni Ace na tulog na tulog. Ngumisi ako at hinalik-halikan ang kamay nito pati ang matambok nitong pisngi. Nang marinig ko ang mahinang hikbi ni Ezekiel ay lumipat ako sa crib nito. Natutulog naman ito pero humihikbi ang maliit at mapulang labi nito. "Shh!!" Tinapik tapik ko ang gilid nito at hinalikan sa noo. Mukhang naramdaman yata niya ang presence ko at agad naman itong bumalik sa banayad n

  • Playing with Lies   Chapter 58

    EliezahILANG BUWAN ang lumipas at dumating na ang araw ng kabuwanan ko. Napahawak ako sa tiyan ko ng bigla nalang itong humilab. Ang sabi ng doctor ko ay isa sa mga araw na ito ay manganganak na ako lalo pa at lumagpas na ako sa due date ko. Dalawang araw na ang lumipas. Ngumiwi ako ng mas lalo pang sumakit ang tiyan ko. Owshit! Hindi ko maintindihan ang sakit. Parang kumakalat na ewan. Dahan dahan akong humakbang palapit sa kama ko para doon maupo. Kakaligo ko lang at marahil nagkakabag ako. Inabot ko ang Alcamporado oil sa ibabaw ng nightstand at saka naglagay sa kamay bago ipinahid sa tiyan.Pero ilang saglit pa ay mas lalo lang itong sumakit at parang hindi ko na kaya. Tumayo ako pero natigilan rin ng bigla nalang may bumasa sa ibaba ko. Ano 'to? Naihi ako? Kahit masakit ay pinilit kong lakarin ang distansya ng pinto at ng kama ko. Katabi lang naman ng kwarto ko ang kwarto ni Stephanie. "Stephanie!" namimilipit na sigaw ko. Humawak ako sa hamba ng pinto bilang suporta. Nang wa

  • Playing with Lies   Chapter 57

    EliezahHINDI ko rin natiis si Zykiel at kinabukasan ay umaga palang ay naroon na ako. Maaga akong nagluto at nagpahatid sa kulungan. Sabay kami na nag-agahan roon. Umalis rin naman ako kaagad kasi sinundo na ako ni Stephanie at ni Steve. Halos ganun ang routine ko araw araw sa loob ng ilang buwan. Natigil lang noong magsimula na ang hearing ni Fergie Morgan. Nakalabas narin naman siya sa hospital at medyo maayos na naman siya. Ipinagpapasalamat ko nalang na inamin niya na ang mga kasalanan niya. Sa dami ng kasalanan niya. Pati si Tito Gaell at ang kambal. Naawa ako kanila. "Anong ginagawa mo rito, Elie? You shouldn't be here. It's dangerous." Sabi ni Kieron ng lapitan ko siya sa mesa niya. Hindi pa nagsisimula ang hearing at hinihintay pa si Fergie Morgan at si Zykiel. "I have my bodyguards, Kieron." Nginitian ko siya. "How are you?""Ok lang. Repenting my mistakes." Nagkibit siya ng balikat ang nag-iwas ng tingin.I pursed my lips before I spoke. "How I wish, it didn't came this

  • Playing with Lies   Chapter 56

    ELIEZAH"GENERAL?" Natigilan ako at dahan dahang napalingon sa likod ko. Katulad ko ay namilog rin ang mga mata niya at tumigil sa paghakbang. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Nakaposas. Kumurap siya ng ilang beses bago nagpatuloy sa paghakbang. Tumayo ako and meet him halfway. I immediately wrap my hands around him. I miss him so much. I miss him. I felt him stiffened."E-elie...""I miss you. We miss you very much..." I whispered and hugged him even more kahit pa hindi siya makagalaw dahil nakaposas siya. Isinubsob niya ang mukha sa leeg ko. "I miss you too, babe. Miss na miss na kita." Bulong niya. Narinig ko ang paghikbi niya dahilan para mapahikbi rin ako. Suminghot singhot ako nang bahagya siyang lumayo kaya bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. I cupped his face and looked at him painfully. A lot of emotion showed up in his face while our gaze are locked to each other. "Your plan always hurt me..." mahinang sambit ko habang nakatingin parin sa kanya. Nagbaba siya ng tin

  • Playing with Lies   Chapter 55

    ELIEZAHNAPAHAWAK ako sa balakang ko ng biglang sumakit ito. Marahan akong naglakad palapit sa couch at doon naupo. Hinimas ko ang tiyan ko na halata na. Nang magising ako ay sinabi ng doktor na kambal ang ipinagbubuntis ko. Sobrang saya ko nong mga oras na iyon pero naglaho ang saya ko ng hanapin ko ang ama ng mga anak ko. Hindi ko siya makita. Kahit anong tanong ko sa mga taong nasa paligid ko ay wala silang sinasabi sa akin. Hindi nila ako sinasagot. Tikom lahat ang bibig nila na sobra kong ikina-inis. Kinakabahan ako kung ano na kaya ang nangyari sa kanya pero noong nagkaroon ako ng hint na maaaring nakulong siya ay hindi na ako nagtanong pa. Kung ayaw niyang ipa-alam sa akin ay hindi ko siya pipilitin. Alam kong pinoprotektahan niya ako at idagdag pa na hindi pa natuluyan ang matandang demonyo! Hayun at humihinga parin sa tulong ng makinarya. This must be crazy to think that he is the father of the father of my children but what he did to me is beyond forgivable. I don't know if

  • Playing with Lies   Chapter 54

    Zykiel"I DON'T CARE." sagot ko kay Steve. Nabuhay pa pala talaga siya. Tunay ngang matagal mamatay ang masamang damo. "But...the doctor still couldn't determine when will he wake up... it's seems like, without the machine, he'll be dead." dagdag ni Steve. Masama ko siyang tiningnan. "Why are you saying these to me?" Namulsa siya at yumuko pagkatapos ay tumanaw ulit sa kwarto ng kapatid. "Because he's still your father?" I smiled without humor. "Like what I've said, I don't care. If possible, pull that fucking machine out of him!" Hindi na nagsalita si Steve. Si Stephanie naman ay nagpa-alam na pupuntahan ang ama ni Elie sa ika-pitong palapag. "Anong nangyari kay General Gaell? At sa mga anak niya?" Tanong ko matapos pakalmahin ang sariling galit. "Their on jail. General Constantine personally put handcuffs to him. I've heard that their case were unbailable. Well, they deserve it, anyway." Tugon ni Steve at huminga ng malalim. Tapos na. Tapos na ang paghihirap ni Elie mula s

  • Playing with Lies   Chapter 53

    Zykiel"No! No! No!" Sigaw ko habang inaalalayan si Elie sa bisig ko na unti unting nanghihina. Sumuka siya ng dugo. No! Hindi! Hindi maaari! May nakapa akong basa sa likod niya at parang nawalan ng kulay ang mukha ko ng makita ang kulay pulang likido sa palad ko. Nanginig ang buong katawan ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang biglang tumigil sa paggana ang utak ko. . Ang mahal ko! Galit akong tumingin sa ama ko na nagulat rin sa nangyari. Pati ang mga kapatid ni Elie ay hindi rin makagalaw dahil sa gulat Pare-pareho silang nakanganga at nanlalaki ang mga mata. Ang bilis ng pangyayari! "Ha!!!!" Sigaw ko at kinalabit ang gatilyo ng baril ko at binaril siya ng ilang beses. Hinagis ko ang baril ko at binuhat si Elie. "Babe! Hold on! Please! Maawa ka sa anak natin! Please hindi ko kaya!" Paulit ulit kong sambit habang nagmamadaling tinatahak ang daan palabas ng bodega. Narinig ko ang tawag nina Steve at Stephanie pero hindi ko na sila pinansin. Paglabas ko ay siya ring

  • Playing with Lies   Chapter 52

    EliezahPAGAPANG akong sumunod sa matanda. Huminga ako ng malalim bago ako bumulusok pababa sa mismong harap niya. Dahil hindi niya inaasahan ang pagdating ko ay nagulat siya at hindi nakakilos agad kaya inatake ko agad siya. Mabilis naman niyang nasangga ang mga atake ko. Nagtagisan kami ng nalalaman hanggang sa nakarating kami sa mismong ground ng bodega. Sa bawat atake niya ay siya namang iwas ko at ganun rin siya sa atake ko. Gusto ko siyang bugbugin at pahirapan. Gustuhin ko man siyang patayin na agad ay parang napakadali naman niyon. Gusto ko iyong mahihirapan muna siya hanggang sa siya na mismo ang kikitil sa sarili niyang buhay. "Hindi mo ako kaya, agent 00013! You're too weak for me!" Sabi niya at humalakhak. Pinatayan ko rin ang halakhak niya. "Talaga ba? Tingnan lang natin." Sa isang kilos ko ay nahagip ng suot kong stilettos na may maliit na kutsilyo sa dulo ang tiyan niya dahilan para magkaroon iyon ng malaking tabas at umagos ang sariwang dugo roon. Nginisihan ko s

DMCA.com Protection Status