Short
Pinagtaksilan at Ikinasal

Pinagtaksilan at Ikinasal

By:  Frosted CabbageCompleted
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
9Chapters
11views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Noong tinanong ako ng aking ama kung sino ang gusto ko pakasalan para sa kapakanan ng alyansa ng aming pamilya, iba ang pinili ko sa buhay na ito. Hindi ko na pinili si Leonardo Vittorio. Sa halip, pinili ko ang nakatatanda niyang kapatid, si Ivan Vittorio. Mukhang naguluhan ang ama ko. Alam nga naman ng lahat sa Chicago na lumaki kami ng magkasama ni Leonardo. Sampung taon ko siyang hinahabol. Bilang nakatatandang anak na babae ng pamilya Lucien, matagal ng nakaukit ang pangalan ko sa tabi ng kanyang pangalan para sa listahan ng mga arranged marriage. Naniniwala na ang pagsasama namin ay nakatadhana. Habang inaalala ang nakaraan kong buhay, pinilit ko ngumiti ng mapait. Dati, pinakasalan ko si Leonardo tulad ng matagal ko ng hinihiling. Pero makalipas ang aming kasal, hindi niya ako ginalaw kahit isang beses. Ang akala ko may sakit siyang hindi niya masabi at nagpakahirap ako na pagtakpan siya. Sa ika-anim na anibersaryo ng aming kasal ko nalaman ng buksan ko ng hindi inaasahan ang kahadeyero niya. Sa loob, may maayos na litrato niya kasama ang ampon na babae na nagmakaawa ako sa ama ko na ampunin. Sa mga litratong iyon, may dalawang taong gulang na batang lalaki din–ang anak nila. Masaya silang pamilya ng tatlo. Doon ko napagtanto sa mga oras na iyon. Hindi sa may sakit siya. Hindi niya inisip na asawa niya ako. Para mapalayas ako, nagplano sila ng ampon kong kapatid para ako’y patayin. Ngayon at nabigyan ako ng ikalawang pagkakataon, pinili ko na ibigay sa kanila ang blessing ko. Pero noong naglakad ako sa simbahan suot ang aking wedding dress, habang nakapatong ang braso ko sa braso ni Ivan, pumasok si Leonardo bigla ng may dalang baril. Mukha siyang baliw at wala sa kontrol. “Madeline!” Paos ang boses niya at halos maputol. “Ang lakas ng loob mo?”

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata 1

Isang linggo pagkatapos maging pinal ang engagement, sumakay ako sa pinakamagarang pribadong yate sa Chicago.Noong nakarating ako sa entrance ng banquet hall, nagkataon na nakita ko si Leonardo na nakaupo sa sofa kasama ang malaman na babae sa mga bisig niya. Nagsusuot siya ng emerald na kuwintas sa kanyang leeg.“Mamahalin ito. Puwede ko ba talaga itong tanggapin?”“Sweetheart, binili ko ito para lang sa iyo. Suot dapat ng sweetheart ko ang best,” sambit ni Leonardo Vittorio sa babae habang mapangakit siyang sumisiksik sa kanya.“Magpapalit ako ng dress na babagay sa magandang kuwintas na ito,” sambit niya.Sa oras na iyon, binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob.Nagkatinginan ang mga kaibigan ni Leonardo na parang may alam sila bago nagtawanan.“Leonardo, nandito na ang anino mo!”“Para siyang bantay na aso, binabantayan ang bawat kilos mo sa bawat sandali!”“Pinal na ang engagement, pero binabantayan ka pa din niya ng mabuti? Pagtitipon lang naman ito ng mga magkakaibiga...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
9 Chapters
Kabanata 1
Isang linggo pagkatapos maging pinal ang engagement, sumakay ako sa pinakamagarang pribadong yate sa Chicago.Noong nakarating ako sa entrance ng banquet hall, nagkataon na nakita ko si Leonardo na nakaupo sa sofa kasama ang malaman na babae sa mga bisig niya. Nagsusuot siya ng emerald na kuwintas sa kanyang leeg.“Mamahalin ito. Puwede ko ba talaga itong tanggapin?”“Sweetheart, binili ko ito para lang sa iyo. Suot dapat ng sweetheart ko ang best,” sambit ni Leonardo Vittorio sa babae habang mapangakit siyang sumisiksik sa kanya.“Magpapalit ako ng dress na babagay sa magandang kuwintas na ito,” sambit niya.Sa oras na iyon, binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob.Nagkatinginan ang mga kaibigan ni Leonardo na parang may alam sila bago nagtawanan.“Leonardo, nandito na ang anino mo!”“Para siyang bantay na aso, binabantayan ang bawat kilos mo sa bawat sandali!”“Pinal na ang engagement, pero binabantayan ka pa din niya ng mabuti? Pagtitipon lang naman ito ng mga magkakaibiga
Read more
Kabanata 2
“Masamang balita! Tumalon si Dora sa karagatan!”May sumigaw, at nagkagulo ang banquet hall.Noon, kapag nakikita ko si Leonardo na may kausap na ibang babae, sisigaw ako at magwawala, lalo na ang makita siyang tumalon sa karagatan para may iligtas na babae. Pero ngayon, nanatili akong hindi nababagabag dahil alam ko na palabas lang ito ni Dora.Hindi nagtagal, dumating si Leonardo habang nasa mga bisig niya si Dora. Magulo ang kanilang mga damit at pareho silang basang-basa. Puro luha ang mata ni dora at namamaga ang kanyang labi. Malinaw na mabagsik ang halik sa kanya.“Kita mo iyon?” Malamig na nakatitig sa akin si Leonardo, ramdam ang panlalait sa boses niya.“Dahil sa mga masasama mong plano, napilitan siyang tumalon sa karagatan.”Natutuwang pinanood ng mga miyembro ng mafia ang aming sitwasyon. Natawa ang iba, habang ang iba naman ay tinignan ako habang interesado, hinihintay nila akong mawalan ng kontrol sa sarili.Kalmado kong tinignan ang dalawa at sumagot, “Oh? Bakit
Read more
Kabanata 3
Hindi ko puwedeng mahuli ni Leonardo. Hindi ko alam kung anong maaari niyang gawin sa ganitong sitwasyon. Tumalikod ako at agad na umalis. Tinawag ko ang aking assistant, si Troy. “Padalhan mo ako ng bangka agad para makaalis dito.”Sa oras na tumungtong ako sa pampang, tumunog ang phone ko ng may message sa screen.[Madeline, ikaw iyon kanina lang, ano? Dapat alam mo na ikakasal ka kay Leonardo, pero ako ang opisyal na ilalagay sa album.At oo nga pala, gusto ako ikama araw-araw ni Leonardo. Nagpatingin na ako kanina. Buntis na ako. Sa buhay na ito, pagkakataon ko na din sawakas ang maging asawa ng mafia.]Si Dora. Kaya pala sa dati kong buhay, wala silang koneksyon ni Leonardo, pero sa buhay na ito, hindi sila makapaghintay na maging publiko ang kanilang relasyon sa loob lamang ng ilang araw. Mabilis nilang naplano ang mga bagay-bagay para magtulungan sila at isantabi ako sa buhay ngayon.Inisip ko ang nakaraan kong buhay—kung paano ang pamilya Vittorio, gamit ang suporta ng pam
Read more
Kabanata 4
Isinama ko palayo ang kabayo ko, habang tahimik na pinupunasan ang aking mga luha. Sayang lang talaga ang effort ko. Pero hindi oras ngayon para malungkot. Matinding laban ang naghihintay sa akin.Engagement banquet ngayong gabi. Dito ko unang makikilala si Ivan. Kailangan mahulog ang loob niya sa akin at first sight. Para sa kaligtasan ko, may dala akong baril.Nalaman ko na kung anong pinapaburan na pabango ni Ivan at paborito niyang mga kulay. Matapos maingat na manamit, handa na akong pumunta sa estate ng pamilya Vittorio.Habang pababa ako ng hagdan, nalipat ang titig ko sa isang sulok ng hardin. Hawak ni Leonardo si Dora. Malagkit ang tingin niya. Malalim ang kanyang paghinga. Nahulog sa sahig ang kanyang damit kung saan kita na ang kanyang dibdib.Tumingala si Leonardo at nagkatitigan kami. Kita ang taranta sa kanyang mga mata, pero naglaho ito sa isang iglap. Natawa siya, tinatamad niyang pinaglaruan ang buhok ni Dora sa kanyang daliri bago yumuko para halikan siya. Sadya n
Read more
Kabanata 5
Minsan ko ng nakita si Ivan noon at naalala ko lang siya bilang payat at eleganteng tao. Hindi siya mukhang miyembro ng pamilya mafia. Nagbago siya ng husto ngayon. Matipuno siya at makapangyarihan, hindi maipagkakaila ang mapanganib niyang aura.Tumayo ang lahat sa kuwarto.Sa nakalipas na mga taon, si Ivan ang nagdala sa pamilya Vittorio sa rurok gamit ang walang awa niyang mga paraan. Ang pangalan niya ay nilikha gamit ang dugo at apoy.Siya dapat ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya, na magmamana ng pangalan ng kanyang ama. Pero, dahil sa mga chismis na nagdadala siya ng kamalasan—kapanganakan niya ang hinihinalang dahilan ng maagang pagkamatay ng kanyang ina at lagim na nangyayari sa kanyang mga fiancée—naging kasangkapan ang trato sa kanya ng ama niya sa kanya para lumawak ang impluwensiya ng kanilang pamilya, kaysa tagapagmana.Sa huli, ang ama ni Ivan Vittorio, na si Vincent Vittorio, ay pumanaw at ipinamana ito sa anak ng kasalukuyan niyang asawa, si Leonardo, isang taong
Read more
Kabanata 6
Hindi ko pakakasalan si Leonardo, kaya wala akong dahilan para sagutin siya. Naging malamig bigla ang kanyang ekspresyon. Kita ang galit sa kanyang mga mata.Sa oras na iyon, inabot ni Ivan at hinawakan ang kamay ko sa harap ng lahat, kalmado siyang nagsalita, “Nirerespeto ko ang kahilingan ni Madeline sa lahat ng mga bagay. Anuman ang desisyon niya ay doon tayo magpapatuloy.”Naging steady ang puso ko dahil sa init ng kamay niya.“Oo, oo! Tama ang kapatid ko! Ama, Ina, naiplano na namin ni Madeline ang lahat. Kailangan na lang ninyo hintayin ang kasal namin.” Bigla nakielam si Leonardo. Gulat siyang tinignan ng mga nakatatanda sa lamesa.Naubos sawakas ang pasensiya ni Vincent. “Pinaguusapan namin ang kasal ng kapatid mo. Bakit ka paulit-ulit na nakikielam?”Nanatiling walang alam si Leonardo. Relax ang ekspresyon niya. “Ikakasal ang kapatid ko? Mabuti iyon! Dapat sabay na kaming magpakasal. Magiging engrandeng selebrasyon iyon para sa pamilya Vittorio!”Sumimangot si Vincent. “
Read more
Kabanata 7
Kumilos ang mga personal na mersenaryo ni Ivan at pinalibutan ang buong paligid.Tinitigan ako ng matagal ni Leonardo bago siya napilitang umalis.Agad na lumapit si Dora at tinulungan si Leonardo umuwi, pero umarte siya na parang hindi niya naririnig si Dora. Walang sabi-sabi, iniwan niya si Dora at mag-isa siyang nagmaneho paalis.Kinakabahan akong magpaliwanag habang pinapanood si Ivan na tahimik, “Niligawan ko noon si Leonardo, pero hindi naman naging kami. Walang nangyari sa pagitan namin.”Ngumiti si Ivan habang ginugulo ang buhok ko.“Huwag ka mag-alala. Hindi ko seseryosohin ang sinabi niya. Sa iyo lang ako maniniwala.”Tumitig ako sa kanya, natulala ako, at namula.Inalagaan ako ng husto ni Ivan kung saan dinala pa niya ako sa Las Vegas. Bumili pa siya ng isla at ipinangalan ito sa akin.Pinanood namin ng magkasama ang pagsikat at paglubog ng araw. Minahal niya ako ng buo at hinahangad ang kabuuan ko. Hinalikan niya ako ng sunod-sunod, ipinaramdam niya sa akin ang init
Read more
Kabanata 8
Isinama talaga ni Leonardo ang mga tao niya para atakihin ang teritoryo ni Ivan, kahit na ang kapalit nito ay masira lahat ng pagkukunwarian at magsimula ng digmaan. Ano ba ang iniisip niya? Hindi nagtagal at naglaban ang magkapatid, pero malinaw na nakahihigit ang kampo ni Ivan. Disiplinado at maayos ang koordinasyon ng mga tauhan niya.Sa loob lamang ng sampung minuto, natalo na ng husto ang mga tao ni Leonardo. Kinuha ang kanilang mga armas, sugatan sila at naiwang umuungol sa sahig. Siya mismo ay dinaganan ng mga tauhan ni Ivan, napahia siya ng tuluyan.Tumayo si Ivan sa harap niya at mapanglait siyang tinignan. Malinaw ang kagustuhan niyang pumatay. Pero sa huli, para sa kapakanan ng pamilya nila, hindi niya pinatay si Leonardo.Ngunit, hindi sumuko si Leonardo. Patuloy siya sa walang tigil na pangungulit.“Madeline, ako ang mahal mo. Itigil mo na ang kalokohang ito. Isinama ko pa pati si Dora para pagbayaran ang aming pagkakamali!”Itinulak si Dora sa harap ko ng kanyang mga
Read more
Kabanata 9
Dumating na rin sawakas ang araw ng kasal ko.Valentine’s Day, binuksan ng Sicily ang pinakanililihim at mabigat ang seguridad na isla nito para iwelcome ang iba’t ibang pamilya ng mafia sa mundo.Isinama ako pabalik ni Ivan sa Sicily at pinakasalan ako sa pinakaengrandeng paraan.Naganap ang kasal namin sa isang tagong simbahan na isang siglo na ang tanda, matatagpuan ito sa tabi ng bangin kung saan makikita ang Mediterranean Sea.Noong tumayo ako sa entrance, nagmukhang mala nasa panaginip lang ang suot kong gown dahil sa ilaw ng kandila.Ang gown na ito ay personal na kinomisyon ni Ivan. Ang buong dress ay puro diamante, at itinahi gamit ang kamay na mga perlas. Ang bawat tahi ay representasyon ng pagmamahal niya para sa akin.Isang red carpet ang makikitang abot hanggang sa altar. Sa magkabilang panig, hilehilera ng mga mersenaryo ang nakatayo habang nakapatong ang mga kamay nila sa baril.Hinihintay ako ni Ivan sa harap ng simbahan. Suot niya ay custom black suit, nakapin s
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status