Share

Kabanata 244

Noong una’y nakaramdam ng pagsususpetya si Catherine, ngunit matapos marinig ang tinig ni Wesley, naramdaman niya’y masyado siyang nagiging negatibo sa mga pangyayari. Isang tunay na gentleman si Wesley. Hindi niya kayang ipagkalat ang mga litratong iyan.

“Galit na siya. Lalaki lang ang gulo kapag tumawag ka pa.” Mapait na ngumiti si Catherine. “Hindi ba’t sinabi mong nasira mo na ang camera noon? Bakit…”

“Sinira ko nga. Tinignan ko pa nga.” Bakas sa boses ni Wesley ang kanyang pamimighati. “Palagay ko’y nailipat na agad kay Rebecca Jones ang mga litratong iyon. Masyado akong naging pabaya. Nalaman kong si Rebecca ang nagpakalat ng mga litratong iyon sa pamamagitan ng isang reporter.”

Ngumiwi si Catherine. Mukhang minaliit niya si Rebecca. Masyado nang nakapupukaw ang mga litratong ito.

“Pasensya ka na,” Sabi ni Wesley. “Wala itong problema sa akin dahil lalaki ako, ngunit siguradong maaapektuhan nito ang iyong reputasyon. Kung may magagawa ako para sa iyo, ipaalam mo lang sa akin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status