Umiwas si Hadley sa pandidiri. “Huwag mo nga akong hawakan. Ayoko sa mga marurumi na bagay. Huwag mo siya masyadong pandirihan. Mukha lang siyang matanda, ngunit apatnapung taon pa lamang siya at mga ilang dekada na rin siyang single dahil hindi siya makahanap ng mapapang-asawa. Masaya kayong magsasama at babalik sa probinsya at bibigyan mo siya ng isang anak.”Pagkatapos ay umalis na si Hadley at naiwang mag-isa si Rebecca. Umiyak ito, ngunit walang pumansin sa kanya.Noong mga sandaling iyon, tunay niyang pinagsisihan ang lahat. Hindi na niya sana ipinilit si Catherine Jones na lumabas noong araw na iyon. Hindi na niya sana itinulak si Granny Jones sa hagdan.Ngunit walang gamot para sa panghihinayang at pagsisisi sa mundong ito....Sa harapan ng police station.Katatapos lamang mag-record ni Catherine ng kanyang pag-amin nang may biglang tumawag sa kanyang pangalan.“Catherine.”Tumingin siya kung saan ito nanggaling at nakita niya si Wesley na papalapit sa kanya nang may n
Maya-maya lang, dumating na ang ambulansya at mabilis na dinala si Wesley sa ospital, marami na dugong nawala sa kanya sa daan papunta sa ospital at nawalan siya ng malay.Kaagad na tinawagan ni Ethan si Catherine na mabilis na pumunta kay Wesley nang makarating siya sa ospital.Ang pintuan ng ER ay tinulak para mabuksan at ang doctor ay dumating nang may hawak na clipboard. “Ang kutsilyo ay sinaksak sa kaliwang kidney ng pasyente at kailangan itong tanggalin para isalba ang buhay niya. Sino ang kapamilya ng pasyente? Paki pirmahan ito kaagad.”Nabigla si Catherine. Hindi rin makapaniwala si Ethan. “Doctor, kailangan ba talagang tanggalin?”“Mayroon nang necrosis ang kaliwang kidney niya kaya wala nang silbi ito ngayon,” walang pag-asang sabi ng doktor, “Kung masasalba natin, gagawin at gagawin namin iyon.”Wala nang pagpipilian si Ethan kung ‘di ang tiisin ang sakit at pirmahan ang papeles.Luha ng sakit ang iniyak ni Catherine. “Kasalanan ko lahat. Gusto akong patayin ng taong
Ang puso ni Ethan ay nasaktan. Kung umpisa pa lang ay hindi na siya nagkamali, hindi siya maloloko ni Shaun. ...10:00 p.m.Pumasok si Shaun galing sa labas nang may malamig at gwapong mukha. Umakyat siya sa taas ng hindi lalampas sa 2 minuto bago kaagad na bumaba rin. “Hindi pa rin bumabalik si Catherine?”“Hindi pa rin.” Medyo natatakot si Aunty Linda sa kanyang ekspresyon.“Bakit hindi pa rin siya bumabalik?”“Hindi ko alam. Hindi niya rin sinasagot ang tawag ko.” Nang matapos si Aunty Linda magsalita, ang init sa villa ay mukhang bumaba sa payelong lamig na nagpanginig sa kanya.Malamig na ngumiti si Shaun. Mabuti, kahit na pagkatapos niyang pagtaksilan ito kay Wesley, hindi niya pa rin alam paano umayos. Alas-10 na at wala pa rin siya sa bahay. Hindi man lang siya tumawag sa bahay. Hindi na talaga nagbago ang babaeng iyon.“Young Master Hill…” Sa puntong to, mabilis na pumasok si Hadley galing sa labas. “Kakakuha ko lang ng balita. Kumilos si Hugh Jewell kay Miss Jones ng
Kinuyom ni Shaun ang kamao niya. Lumabas ang ugat sa likod ng kanyang kamay. “Catherine Jones, didiretsuhin kita. Abogado ako. Ang mga abogado ay nanalo o natatalo. Hindi ako ang messenger of justice.”“Pero ang tao ay hindi kayang mamuhay nang walang konsensya.” Iiling ni Catherine ang ulo niya. Bigla niyang napagtanto na siya at si Shaun ay mukhang galing sa magkaibang mundo.“Ang dami ko nang nagawa sa’yo pero sinasabi mo sa aking wala akong konsensya?”Tinignan siya nang galit ni Shaun. Hindi pa siya kahit kelan trumato ng babae nang tulad nito ngunit tinutulan niya ang lahat sa isang salita. “Dahil ba binigay ni Wesley ang buhay niya para sagipin ka kaya gusto mo siyang makasama? Tama, palagi ka naman niyang sinusundan.”“Puro kalokohan ang sinasabi mo.” Nagalit si Catherine. “Nawalan siya ng kidne dahil sa’kin. Hindi man lang ako pwedeng manatili para alagaan siya? Ito na lang ang kaya kong gawin kapalit ng pagsagip niya sa akin.”“Wala akong pakialam. Sumama ka sa’kin ngayo
”Catherine Jones, kung mahal mo talaga ako, ‘wag mo nang puntahan si Wesley Lyons kahit kailan. Ito na ang huling pagkakataon na ibibigay ko sa’yo.”Matalim siyang tinignan ni Shaun, ang boses niya ay tunog madilim at paos.Nagulat si Catherine. Kahit na kinamumuhian niya ito ngayon at galit ito sa kanya, ang puso niya ay mahal pa rin ito. “E’ ikaw ba? Mahal mo ba ako?”Kung oo, bakit ibang babae ang tinatawag niya kapag lasing siya?“Kaya kitang mahalin at kaya kong itigil ang mahalin ka ng kahit anong oras.”Walang ekspresyong sabi niya bago tumalikod at umalis.Umupo si Catherine sa kama, medyo natataranta. Lumalabas na ang pagmamahal niya ay kaya niyang bawiin kahit kelan. Dahil ba hindi hindi niya ito ganoon kamahal?...Sa study, tumayo si Shaun sa harap ng floor-to-ceiling na bintana habang may hawak na baso ng red wine, nakatingin sa labas ng bintana sa yebe sa sahig.Umaasa siyang hindi siya bibiguin ni Catherine.Oo, kahit na mahal niya ito, kung itutuloy niya ang k
Hindi makapaniwala si Catherine. Hindi kailanman binuksan ni Shaun ang phone niya noon pero tinanggihan niyang ibigay ang pinakahuling privacy ngayon. “Shaun Hill, ‘wag kang lumampas sa linya.”“Lumampas sa linya? Paano ko malalaman kung kinokontak mo si Ethan Lowe o si Wesley Lyons sa likuran ko?” Hindi kailanman nagustuhan ni Shaun ang lalaking pumipilit na tignan ang phone ng babae pero nang makita niya ang ngiti sa labi ni Catherine kanina, naging hindi komportable ang puso niya. Kinailangan niyang makasigurado.Hindi kailanman naisip na ang tiwala sa kanilang dalawa ay bababa nang ganito. Ngunit, baka hindi nanaman niya maunawaan ulit kung makita niya, kaya sinabi niya ng diretso, “Kausap ko si Freya. Pinag-uusapan namin ang jowa niya. Isa pa… pupunta siya sa ospital para tignan si Wesley. Hindi ako pwedeng pumunta pero hindi naman siguro bawal na kaibigan ko ang pumunta para sa’kin ‘no...?” Walang pag-asa niya itong pinanood habang lumalamig ang gwapong mukha niya ng mabilis
”Young Master Hill, andito na ang agahan mo.” Lumabas si Aunty Linda nang may dalang agahan na gawa niya.Tinignan ito ni Shaun at ang kanyang mukha ay kaagad na hindi natuwa. “Catherine Jones, hindi mo ako ginawan ng agahan.”“Ikaw ang nagsabi na kasing dumi ko ang luto ko.” Kalmado siyang hiinarap ni Catherine. Palagi siyang ganito. Kapag hindi niya ito nauunawaan, pinahiya niya ito dahil sa paggawa ng agahan, pero ngayon gusto niyang lutuan ito. Hindi ba siya napapagod?“Gawan mo ako ngayon na.” Dumilim ng tuluyan ang mukha ni Shaun.“Hindi. Hindi ko binenta ang katawan ko sa’yo.” Tumayo si Catherine pagkatapos niya kumain ng oatmeal. “Pupunta na ko sa trabaho.”Lumingon si Shaun at kinausap si Elle na nakatayo sa may pinto. “Sundan mong maigi. Kung maglalakas loob pumunta sa ospital, tumbahin mo siya at dalhin mo siya dito.”“Hindi mo ako alipin.” Lumaki ang galit sa mata ni Catherine. Napagdesisyunan na niyang hindi siya pupunta ng ospital pero pinipilit niya pa ring gumamit
“Mayroon akong meeting sa kumpanya kaya baka hindi ako makalabas hanggang 5:30. Didiretso na akong magmaneho mamaya,” malumanay na sabi ni patrick “Okay lang pero hindi ka pwedeng ma-late. Ayaw ng dad ko ng taong walang isang salita.”“Huwag kang mag-alala, buhay ko ang nakataya dito. Sisiguraduhin kong hindi ako ma-lalate. Nakahanda na ang regalo ko na magugustuhan ng magulang mo. Maaga tao magbobook ng kasal at pakakasalan kita.” Bukal sa pusong ngumiti si Patrick.Ang puso ni Freya ay nakaramdam ng tamis habang pinapakinggan ito.Pagkatapos ibaba ang tawag, nagmaneho siya para sunduin ang magulang niya at pumunta sa Jadeite Restaurant.Saktong 5:30p.m. nang dumating siya. Pagkatapos niya mag order ng pagkain, ang nakakatanda niyang kapatid na si Forrest ay dumating.6:oo p.m. na, hindi pa rin nagpapakita si Patrick. Nauubusan na ng pasensya ang tatay ni Freya, nagsabing, “Bakit wala pa rin siya? Hindi tamang pinaghihintay niya ang matatanda.”Sabi ni Freya, “Dad, rush hour n