... Nakaupo si Shaun sa backseat ng kanyang sasakyan. Galit siyang kumilos kanina, ngunit ngayo’y nakararamdam na siya ng gutom. Nagsimula na ulit sumakit ang kanyang tiyan.Irritable niyang sinindihan ang kanyang sigarilyo. Kung alam niya lang na mangyayari ito, tinapos na niya sana ang pagkain kanina bago nagalit.“Young Master Hill, hayaan ninyong bilhan ko kayo ng makakain.” Nag-aaalala siyang tinignan ni Hadley.“Wala ako sa mood. Papuntahin mo sa akin si Rebecca Jones.” Malamig na sinabi ni Shaun. “Gusto kong magtuos na sila ni Catherine, ngunit wala siyang kwenta doon. Ako na lang ang aasikaso sa kanya.”Tumungo si Hadley. Marahil ay kinakailangan niyang isama sa kanyang mga dasal si Rebecca.Hudson Corporation.Direktang pinalabas si Rebeca ng mga security guard.Ayaw niyang lumabas at sumigaw ito sa may pinto, “Kahit na inaresto ang aking ama, isa pa rin siyang shareholder ng kumpanya at ako pa rin ang anak niya! May karapatan akong magmana ng kanyang mga share at i-e
“Manahimik ka.” Ngiti ni Hadley. “Sino ba si Willie Hill sa iyong palagay? Hindi mo pa ba nalalaman kung bakit ganoon na lang biglang nagbabago ang kanyang ugali patungo sa’yo?”Nanigas si Rebecca. Tinitigan niya si Shaun at bigla nitong naalala na ang apelyido rin nito ay Hill. “Hindi ‘yon pwede. Hindi pa ako nakakarinig ng isang nagngangalang Shaun sa mga Hill.”“Paano mo nalaman kung ilan ang mga tao sa mga Hill?” Pangungutya ni Hadley. “Sinasabi ko sa’yo, ang aking Young Master Hill ang pinakamalaking pangalan sa kanyang henerasyon ng mga Hill. Siya na ang nag-aasikaso ng pamilya simula noong dalawampung taon pa lamang siya.Tumunog ang utak ni Rebecca na para bang nananaginip ito. Alam ng lahat na anak ni Lea Hill ang misteryosong pinuno ng mga Hill. Low-key lamang ang taong ito, ngunit kilala ang mga malulupit nitong pamamaraan.Pumasok ito sa kumpanya noong dalawampung taon pa lamang siya. Nang nagloko ang kanyang second uncle, binali nito ang kanyang binti sa harap ng maram
Umiwas si Hadley sa pandidiri. “Huwag mo nga akong hawakan. Ayoko sa mga marurumi na bagay. Huwag mo siya masyadong pandirihan. Mukha lang siyang matanda, ngunit apatnapung taon pa lamang siya at mga ilang dekada na rin siyang single dahil hindi siya makahanap ng mapapang-asawa. Masaya kayong magsasama at babalik sa probinsya at bibigyan mo siya ng isang anak.”Pagkatapos ay umalis na si Hadley at naiwang mag-isa si Rebecca. Umiyak ito, ngunit walang pumansin sa kanya.Noong mga sandaling iyon, tunay niyang pinagsisihan ang lahat. Hindi na niya sana ipinilit si Catherine Jones na lumabas noong araw na iyon. Hindi na niya sana itinulak si Granny Jones sa hagdan.Ngunit walang gamot para sa panghihinayang at pagsisisi sa mundong ito....Sa harapan ng police station.Katatapos lamang mag-record ni Catherine ng kanyang pag-amin nang may biglang tumawag sa kanyang pangalan.“Catherine.”Tumingin siya kung saan ito nanggaling at nakita niya si Wesley na papalapit sa kanya nang may n
Maya-maya lang, dumating na ang ambulansya at mabilis na dinala si Wesley sa ospital, marami na dugong nawala sa kanya sa daan papunta sa ospital at nawalan siya ng malay.Kaagad na tinawagan ni Ethan si Catherine na mabilis na pumunta kay Wesley nang makarating siya sa ospital.Ang pintuan ng ER ay tinulak para mabuksan at ang doctor ay dumating nang may hawak na clipboard. “Ang kutsilyo ay sinaksak sa kaliwang kidney ng pasyente at kailangan itong tanggalin para isalba ang buhay niya. Sino ang kapamilya ng pasyente? Paki pirmahan ito kaagad.”Nabigla si Catherine. Hindi rin makapaniwala si Ethan. “Doctor, kailangan ba talagang tanggalin?”“Mayroon nang necrosis ang kaliwang kidney niya kaya wala nang silbi ito ngayon,” walang pag-asang sabi ng doktor, “Kung masasalba natin, gagawin at gagawin namin iyon.”Wala nang pagpipilian si Ethan kung ‘di ang tiisin ang sakit at pirmahan ang papeles.Luha ng sakit ang iniyak ni Catherine. “Kasalanan ko lahat. Gusto akong patayin ng taong
Ang puso ni Ethan ay nasaktan. Kung umpisa pa lang ay hindi na siya nagkamali, hindi siya maloloko ni Shaun. ...10:00 p.m.Pumasok si Shaun galing sa labas nang may malamig at gwapong mukha. Umakyat siya sa taas ng hindi lalampas sa 2 minuto bago kaagad na bumaba rin. “Hindi pa rin bumabalik si Catherine?”“Hindi pa rin.” Medyo natatakot si Aunty Linda sa kanyang ekspresyon.“Bakit hindi pa rin siya bumabalik?”“Hindi ko alam. Hindi niya rin sinasagot ang tawag ko.” Nang matapos si Aunty Linda magsalita, ang init sa villa ay mukhang bumaba sa payelong lamig na nagpanginig sa kanya.Malamig na ngumiti si Shaun. Mabuti, kahit na pagkatapos niyang pagtaksilan ito kay Wesley, hindi niya pa rin alam paano umayos. Alas-10 na at wala pa rin siya sa bahay. Hindi man lang siya tumawag sa bahay. Hindi na talaga nagbago ang babaeng iyon.“Young Master Hill…” Sa puntong to, mabilis na pumasok si Hadley galing sa labas. “Kakakuha ko lang ng balita. Kumilos si Hugh Jewell kay Miss Jones ng
Kinuyom ni Shaun ang kamao niya. Lumabas ang ugat sa likod ng kanyang kamay. “Catherine Jones, didiretsuhin kita. Abogado ako. Ang mga abogado ay nanalo o natatalo. Hindi ako ang messenger of justice.”“Pero ang tao ay hindi kayang mamuhay nang walang konsensya.” Iiling ni Catherine ang ulo niya. Bigla niyang napagtanto na siya at si Shaun ay mukhang galing sa magkaibang mundo.“Ang dami ko nang nagawa sa’yo pero sinasabi mo sa aking wala akong konsensya?”Tinignan siya nang galit ni Shaun. Hindi pa siya kahit kelan trumato ng babae nang tulad nito ngunit tinutulan niya ang lahat sa isang salita. “Dahil ba binigay ni Wesley ang buhay niya para sagipin ka kaya gusto mo siyang makasama? Tama, palagi ka naman niyang sinusundan.”“Puro kalokohan ang sinasabi mo.” Nagalit si Catherine. “Nawalan siya ng kidne dahil sa’kin. Hindi man lang ako pwedeng manatili para alagaan siya? Ito na lang ang kaya kong gawin kapalit ng pagsagip niya sa akin.”“Wala akong pakialam. Sumama ka sa’kin ngayo
”Catherine Jones, kung mahal mo talaga ako, ‘wag mo nang puntahan si Wesley Lyons kahit kailan. Ito na ang huling pagkakataon na ibibigay ko sa’yo.”Matalim siyang tinignan ni Shaun, ang boses niya ay tunog madilim at paos.Nagulat si Catherine. Kahit na kinamumuhian niya ito ngayon at galit ito sa kanya, ang puso niya ay mahal pa rin ito. “E’ ikaw ba? Mahal mo ba ako?”Kung oo, bakit ibang babae ang tinatawag niya kapag lasing siya?“Kaya kitang mahalin at kaya kong itigil ang mahalin ka ng kahit anong oras.”Walang ekspresyong sabi niya bago tumalikod at umalis.Umupo si Catherine sa kama, medyo natataranta. Lumalabas na ang pagmamahal niya ay kaya niyang bawiin kahit kelan. Dahil ba hindi hindi niya ito ganoon kamahal?...Sa study, tumayo si Shaun sa harap ng floor-to-ceiling na bintana habang may hawak na baso ng red wine, nakatingin sa labas ng bintana sa yebe sa sahig.Umaasa siyang hindi siya bibiguin ni Catherine.Oo, kahit na mahal niya ito, kung itutuloy niya ang k
Hindi makapaniwala si Catherine. Hindi kailanman binuksan ni Shaun ang phone niya noon pero tinanggihan niyang ibigay ang pinakahuling privacy ngayon. “Shaun Hill, ‘wag kang lumampas sa linya.”“Lumampas sa linya? Paano ko malalaman kung kinokontak mo si Ethan Lowe o si Wesley Lyons sa likuran ko?” Hindi kailanman nagustuhan ni Shaun ang lalaking pumipilit na tignan ang phone ng babae pero nang makita niya ang ngiti sa labi ni Catherine kanina, naging hindi komportable ang puso niya. Kinailangan niyang makasigurado.Hindi kailanman naisip na ang tiwala sa kanilang dalawa ay bababa nang ganito. Ngunit, baka hindi nanaman niya maunawaan ulit kung makita niya, kaya sinabi niya ng diretso, “Kausap ko si Freya. Pinag-uusapan namin ang jowa niya. Isa pa… pupunta siya sa ospital para tignan si Wesley. Hindi ako pwedeng pumunta pero hindi naman siguro bawal na kaibigan ko ang pumunta para sa’kin ‘no...?” Walang pag-asa niya itong pinanood habang lumalamig ang gwapong mukha niya ng mabilis