Share

Kabanata 1113

At sa isang iglap, tanging bangkay na lamang ni Shaun ang natira?

Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Catherine na siyang nagpapahirap sa kanyang huminga.

Blangko ang kanyang utak.

Malakas pa rin ang nginig ng kanyang kamay na hawak-hawak ang kanyang phone.

Kinamumuhian niya si Shaun.

Noong ikinulong siya nito sa isang isla, kinamuhian niya ito sa puntong gusto na niyang mamatay ang lalaki.

Subalit bakit ganito ang kanyang pakiramdam noong nalaman niyang namatay na nga ang lalaki?

Patuloy ang pag-message sa kanya ni Freya. [Okay ka lang?]

Niyuko na lamang ni Catherine ang kanyang ulo sabay sagot gamit ang kanyang nanginginig na mga kamay. [Sigurado ka ba?]

Muling sumagot si Freya. [Siguradong sigurado. Nakita ko sa footage na sumakay si Shaun ng elevator kasama ang anak ni Senator Mead. Nasa ikalawang palapag pa lamang ang ibinababa nito bago ito tuluyang masira. Hindi siya makakatakas doon.]

Itinuon ni Catherine ang kanyang pansin doon sa kakaibang pananalita ng kanyang kai
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status