Share

Kabanata 1112

Naguguluhan si Catherine. “Ano naman ang masamang mangyayari sa akin?”

“Buti naman at narinig din kita. Kabang-kaba ako, teh.”

Napabuntong-hininga si Freya. “Marahil ay hindi mo pa nababalitaan, ngunit may nangyari sa elevator ng hotel pagkaalis ninyo.”

Kinabahan bigla si Catherine nang kanyang marinig ang balita. “Ano’ng nangyari?”

“Biglang bumagsak ang elevator. Sinabi ng isang nakakita na may isa raw lalaki at babaeng sumakay ng elevator pababa, at teh, bumaba nga ito mula 20th floor pababa, at napakalakas ng tunog nito.”

Nanginginig ang boses ni Freya. “Marahil ay mga guest ko iyon kanina. Ang swerte ko naman para mangyari ito sa pagtitipon ko pa talaga mismo, ‘no? Naku. Papunta na rin ang mga pulis at ambulansya rito, ngunit pihado ko’y hindi na nila maaabutan ang dalawang ‘yon. Napatawag ako para kumpirmahing hindi kayo ‘yon dahil baka masiraan ako ng bait.”

Natigilan si Catherine.

Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ni Shaun.

Pumunta ito ng pagtitipon dahil sa kanya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status