Hindi nakabukas ang ilaw sa loob. Ang katawan ng lalaki ay nasa harap niya habang ang amoy nito ay pumapalibot sa kanya. Sumama ang loob ni Catherine at binaba niya ang boses niya, nagtatanong, “Shaun Hill, bakit mo ako dinala dito?”“Hindi mo ba alam kung sino si Senator Mead?” Iniba ni Shaun ang paksa na para bang hindi niya narinig ang mga sinabi nito.Nanigas si Catherine, at sinabi ni Shaun, “Si Senator Mead ang susunod na bise presidente na mag-oopisina sa susunod na taon. Nagtatrabaho maigi si Wesley na pasayahin siya ngayon, na maaaring ang pangunahing layunin niya rin sa pagpunta ngayong gabi.”Nagulat si Catherine.Akala niya na binobola ito ni Wesley para makakuha ng pabor sa makapangyarihan na tao, ngunit hindi niya inaasahan na ito ang susunod na bise presidente.“At saka, maaaring hindi mo ito alam, ngunit si Senator Mead at si Nathan Snow ay nasa iisang bangka. Kapag nagkaroon siya ng magandang relasyon kay Senator Mead, gagawa rin siya ng daan para kay Nathan.”Bi
”Shaun Hill, ano ba ang gusto mo?”Walang kapangyarihan si Catherine. “Alam mo ba kung gaano kasama ang reputasyon mo ngayon? Kapag nalaman ng mga tao na magkasama tayo sa kwarto ng nag-iisa, mali ang maiintindihan nila.”Binaba ni Shaun ang mata niya.Ang liwanag ng buwan ay tumatagos sa bintana, nagbibigay ito ng outline sa matangos niyang ilong at makapal na pilikmata. Mukha siyang katangi-tangi at kahanga-hanga na parang eskultura.Kitang-kita na nasa 30s na siya, ngunit noong tinikom niya ang labi niya at nanahimik, mukha siyang binata na nasa 20s. Mukha siyang miserable na para siyang… inabandona na tuta.Hindi maiwasan ni Catherine maalala ang mga sinabi ni Freya.Siya pa rin ang lalaki na minahal niya dati. Kahit na kinamuhian niya ito dati, kapag nakikita niyang malungkot at inaapi ito ng iba, iba ang nararamdaman niya kaysa sa iba.Oo, medyo iba na ang mga bagay ngayon.Inisip niya na ang kasalukuyang Shaun Hill… ay parang medyo nakakaawa- sobrang nakakaawa na lumalam
“Paano kita pinipilit-”Bago pa matapos ni Catherine ang sinasabi niya, biglang binaba ng lalaki ang ulo niya. Pagkatapos ay nagtama na ang mga labi nila.Ang labi ni Catheirne ay katulad pa rin ng dati, parang jelly.Hindi alam ni Shaun kung anong lipstick ang suot niya ngayong gabi, ngunit mabango ito.Noong una ay gusto niya lang ito pilitin ng kaunti, ngunit pagkatapos niya ito halikan, hindi siya makahinto. Para bang siya ay isang bata na kumakain ng candy.Nanlaki ang mata ni Catheirne. Nang bumalik sa diwa si Catheirne, tinulak niya palayo ang dibdib nito.Gayon pa man, ang dila ng lalaki ay parang ahas na tuso.Habang hinahalikan siya ni Shaun, mas lalo ito nahuhulog.Galit niyang ginamit ang daliri niya para kurutin si Shaun.Naglabas ng paghinga mula sa sakit si Shaun. Sa saglit na iyon, para siyang sili. Sobrang anghang nito, ngunit mas gusto niya ito tikman.Sa saglit na iyon, ang tunog ng tawanan ng ilang lalaki ay rinig sa pinto.“Wesley, magaling ka gumawa ng
Natulala si Catherine.Ang ekspresyon niya ay para bang tinamaan siya ng kidlat.Ganito na siya noong hindi pa siya nagagamot. Ano ang mangyayari kapag gumaling na siya?Maaari na siya mamaalam sa payapa niyang buhay.“...Minsan, kailangan mo matutunan alisin ang sarili mo sa kapalaran. May mga bagay na hindi magagamot dahil lang gusto mo.”Sinubukan ni Catherine ibalik ang pagiging katwiran niya at alisin ang mga isipan na iyon. “Bakit pa? Kung hindi ito magagamot, sa tingin ko hindi mo na dapat labanan ang kapalaran.”Kumurap ang malaki niyang mata sa inosente niyang mukha.Iisipin ng mga walang alam na hinihikayat niya ang binata na nawala sa tamang landas.Tinignan ni Shaun ito nang masinsinan ng ilang saglit bago ngumiti. Nagsabi siya ng ilang salita, “Pagkatapos kita tikman, ayaw ko umalis sa kapalaran ko.”Nagalit si Catherine. “Tinanong mo ba ang pahintulot ko? Kahit pa gumaling ka, hindi kita gusto at hindi kita patatawarin. Isipin mo lahat ng masamang bagay na ginawa
“Galing kasi ako sa banyo. Nakita kong kausap mo si Senator Mead, at ayaw ko rin namang makaistorbo.”Nagbigay na lamang ng palusot si Catherine.“Ahh…” Sumama ang loob ni Wesley. May kinausap siyang isang guest upang hanapin sa loob ng banyo si Catherine, ngunit lumabas ito upang sabihing wala si Catherine sa banyo.Malinaw na hindi nagsasabi ng totoo ang babae.Nagkataong hindi niya pa rin nakikita si Shaun noong mga sandaling iyon.Nagkuyom ang mga kamay ni Wesley na nakapamulsa ngunit matikas pa rin ang kanyang ngiti. “Siya nga pala, nakilala ko nang mas mabuti si Senator Mead ngayong gabi. Sabi niya, ipakilala rin daw kita sa kanya.”Sa totoo lamang ay hindi gusto ni Catherine ang makipag-usap sa mga pulitiko.Masyado silang kumplikadong intindihin.Subalit wala siyang nagawa kundi sumunod sa pakiusap ni Wesley.Hindi mapipigilang uminom sa mga gayong pagtitipon.Bagama’t uminom si Wesley para kay Catherine, napainom pa rin ang babae nang marami.Sa kalagitnaan ng pagti
Naguguluhan si Catherine. “Ano naman ang masamang mangyayari sa akin?”“Buti naman at narinig din kita. Kabang-kaba ako, teh.”Napabuntong-hininga si Freya. “Marahil ay hindi mo pa nababalitaan, ngunit may nangyari sa elevator ng hotel pagkaalis ninyo.”Kinabahan bigla si Catherine nang kanyang marinig ang balita. “Ano’ng nangyari?”“Biglang bumagsak ang elevator. Sinabi ng isang nakakita na may isa raw lalaki at babaeng sumakay ng elevator pababa, at teh, bumaba nga ito mula 20th floor pababa, at napakalakas ng tunog nito.”Nanginginig ang boses ni Freya. “Marahil ay mga guest ko iyon kanina. Ang swerte ko naman para mangyari ito sa pagtitipon ko pa talaga mismo, ‘no? Naku. Papunta na rin ang mga pulis at ambulansya rito, ngunit pihado ko’y hindi na nila maaabutan ang dalawang ‘yon. Napatawag ako para kumpirmahing hindi kayo ‘yon dahil baka masiraan ako ng bait.”Natigilan si Catherine.Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ni Shaun.Pumunta ito ng pagtitipon dahil sa kanya
At sa isang iglap, tanging bangkay na lamang ni Shaun ang natira?Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Catherine na siyang nagpapahirap sa kanyang huminga.Blangko ang kanyang utak.Malakas pa rin ang nginig ng kanyang kamay na hawak-hawak ang kanyang phone.Kinamumuhian niya si Shaun.Noong ikinulong siya nito sa isang isla, kinamuhian niya ito sa puntong gusto na niyang mamatay ang lalaki.Subalit bakit ganito ang kanyang pakiramdam noong nalaman niyang namatay na nga ang lalaki?Patuloy ang pag-message sa kanya ni Freya. [Okay ka lang?]Niyuko na lamang ni Catherine ang kanyang ulo sabay sagot gamit ang kanyang nanginginig na mga kamay. [Sigurado ka ba?]Muling sumagot si Freya. [Siguradong sigurado. Nakita ko sa footage na sumakay si Shaun ng elevator kasama ang anak ni Senator Mead. Nasa ikalawang palapag pa lamang ang ibinababa nito bago ito tuluyang masira. Hindi siya makakatakas doon.]Itinuon ni Catherine ang kanyang pansin doon sa kakaibang pananalita ng kanyang kai
Biglang nanlaki ang mga mata ni Catherine.Agad niyang masasabi ang itsura ni Shaun kahit na gaano pa man ito magbago.Siya ba talaga iyon?Buhay pa rin siya?Tulala pa rin si Catherine. Noong napansin niya na sa kanya rin pala nakatuon ang mga mata ng lalaki ay huli na para tumingin pa sa iba.Gayon na lamang siya titigan ng lalaki. Magkatinginan ang dalawa sa kabila ng kanyang layo sa isa’t isa at sa mga nakaharang na tao sa gitna.Nakita ng lalaki na namumula ang kanyang mga mata.Kaya nama’y panandaliang kumurba ang kanyang mga labi.Sa kabila ng kanyang muntikang pagkamatay sa mga sandaling iyon, hindi maipaliwanag kung bakit maganda ang kanyang mood.“Hannah…”Noong mga sandaling iyon ay tinawag ni Madam Mead ang kanyang anak. Tumakbo ito patungo sa dalaga at niyakap ito. “Mabuti naman at buhay ka pa. Lubos mo akong tinakot. Akala ko’y nasa loob ka.”“Ano’ng nangyari, Hannah? Nakuha kayo ng surveillance camera na papasok ng elevator noong mga sandaling iyon?” Tumungo s