Natulala si Catherine.Ang ekspresyon niya ay para bang tinamaan siya ng kidlat.Ganito na siya noong hindi pa siya nagagamot. Ano ang mangyayari kapag gumaling na siya?Maaari na siya mamaalam sa payapa niyang buhay.“...Minsan, kailangan mo matutunan alisin ang sarili mo sa kapalaran. May mga bagay na hindi magagamot dahil lang gusto mo.”Sinubukan ni Catherine ibalik ang pagiging katwiran niya at alisin ang mga isipan na iyon. “Bakit pa? Kung hindi ito magagamot, sa tingin ko hindi mo na dapat labanan ang kapalaran.”Kumurap ang malaki niyang mata sa inosente niyang mukha.Iisipin ng mga walang alam na hinihikayat niya ang binata na nawala sa tamang landas.Tinignan ni Shaun ito nang masinsinan ng ilang saglit bago ngumiti. Nagsabi siya ng ilang salita, “Pagkatapos kita tikman, ayaw ko umalis sa kapalaran ko.”Nagalit si Catherine. “Tinanong mo ba ang pahintulot ko? Kahit pa gumaling ka, hindi kita gusto at hindi kita patatawarin. Isipin mo lahat ng masamang bagay na ginawa
“Galing kasi ako sa banyo. Nakita kong kausap mo si Senator Mead, at ayaw ko rin namang makaistorbo.”Nagbigay na lamang ng palusot si Catherine.“Ahh…” Sumama ang loob ni Wesley. May kinausap siyang isang guest upang hanapin sa loob ng banyo si Catherine, ngunit lumabas ito upang sabihing wala si Catherine sa banyo.Malinaw na hindi nagsasabi ng totoo ang babae.Nagkataong hindi niya pa rin nakikita si Shaun noong mga sandaling iyon.Nagkuyom ang mga kamay ni Wesley na nakapamulsa ngunit matikas pa rin ang kanyang ngiti. “Siya nga pala, nakilala ko nang mas mabuti si Senator Mead ngayong gabi. Sabi niya, ipakilala rin daw kita sa kanya.”Sa totoo lamang ay hindi gusto ni Catherine ang makipag-usap sa mga pulitiko.Masyado silang kumplikadong intindihin.Subalit wala siyang nagawa kundi sumunod sa pakiusap ni Wesley.Hindi mapipigilang uminom sa mga gayong pagtitipon.Bagama’t uminom si Wesley para kay Catherine, napainom pa rin ang babae nang marami.Sa kalagitnaan ng pagti
Naguguluhan si Catherine. “Ano naman ang masamang mangyayari sa akin?”“Buti naman at narinig din kita. Kabang-kaba ako, teh.”Napabuntong-hininga si Freya. “Marahil ay hindi mo pa nababalitaan, ngunit may nangyari sa elevator ng hotel pagkaalis ninyo.”Kinabahan bigla si Catherine nang kanyang marinig ang balita. “Ano’ng nangyari?”“Biglang bumagsak ang elevator. Sinabi ng isang nakakita na may isa raw lalaki at babaeng sumakay ng elevator pababa, at teh, bumaba nga ito mula 20th floor pababa, at napakalakas ng tunog nito.”Nanginginig ang boses ni Freya. “Marahil ay mga guest ko iyon kanina. Ang swerte ko naman para mangyari ito sa pagtitipon ko pa talaga mismo, ‘no? Naku. Papunta na rin ang mga pulis at ambulansya rito, ngunit pihado ko’y hindi na nila maaabutan ang dalawang ‘yon. Napatawag ako para kumpirmahing hindi kayo ‘yon dahil baka masiraan ako ng bait.”Natigilan si Catherine.Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ni Shaun.Pumunta ito ng pagtitipon dahil sa kanya
At sa isang iglap, tanging bangkay na lamang ni Shaun ang natira?Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Catherine na siyang nagpapahirap sa kanyang huminga.Blangko ang kanyang utak.Malakas pa rin ang nginig ng kanyang kamay na hawak-hawak ang kanyang phone.Kinamumuhian niya si Shaun.Noong ikinulong siya nito sa isang isla, kinamuhian niya ito sa puntong gusto na niyang mamatay ang lalaki.Subalit bakit ganito ang kanyang pakiramdam noong nalaman niyang namatay na nga ang lalaki?Patuloy ang pag-message sa kanya ni Freya. [Okay ka lang?]Niyuko na lamang ni Catherine ang kanyang ulo sabay sagot gamit ang kanyang nanginginig na mga kamay. [Sigurado ka ba?]Muling sumagot si Freya. [Siguradong sigurado. Nakita ko sa footage na sumakay si Shaun ng elevator kasama ang anak ni Senator Mead. Nasa ikalawang palapag pa lamang ang ibinababa nito bago ito tuluyang masira. Hindi siya makakatakas doon.]Itinuon ni Catherine ang kanyang pansin doon sa kakaibang pananalita ng kanyang kai
Biglang nanlaki ang mga mata ni Catherine.Agad niyang masasabi ang itsura ni Shaun kahit na gaano pa man ito magbago.Siya ba talaga iyon?Buhay pa rin siya?Tulala pa rin si Catherine. Noong napansin niya na sa kanya rin pala nakatuon ang mga mata ng lalaki ay huli na para tumingin pa sa iba.Gayon na lamang siya titigan ng lalaki. Magkatinginan ang dalawa sa kabila ng kanyang layo sa isa’t isa at sa mga nakaharang na tao sa gitna.Nakita ng lalaki na namumula ang kanyang mga mata.Kaya nama’y panandaliang kumurba ang kanyang mga labi.Sa kabila ng kanyang muntikang pagkamatay sa mga sandaling iyon, hindi maipaliwanag kung bakit maganda ang kanyang mood.“Hannah…”Noong mga sandaling iyon ay tinawag ni Madam Mead ang kanyang anak. Tumakbo ito patungo sa dalaga at niyakap ito. “Mabuti naman at buhay ka pa. Lubos mo akong tinakot. Akala ko’y nasa loob ka.”“Ano’ng nangyari, Hannah? Nakuha kayo ng surveillance camera na papasok ng elevator noong mga sandaling iyon?” Tumungo s
“Parang may kakaiba talaga sa nangyari, ‘no, Uncle Nathan?”Paalala ni Shaun kay Nathan. “Kadalasan ay palaging tinitignan ang mga elevator ng mga hotel, lalo na ng isang seven-star hotel. Naghuhudyat dapat ang isang aksidente upang bumukas ang emergency system upang makatakas ang mga sakay nito. Hindi naman pwedeng bigla na lamang bubulusok pababa ang elevator.”“Iimbestigahan ko ito.”Makulimlim ang mukha ni Nathan.“Suspetya ko’y mayroong nananadyang i-target ako.” Biglang sinabi ni Shaun, “Marahil ay ako pa nga ang naghudyat upang madamay ang anak ni Senator Mead.”Natigilan ang lahat, Kung mayroong nanadya upang mangyari ang insidente upang i-target si Shaun, ang pinaka-kahina-hinalang sa mga taong dumalo ay ang mga Campos at mga Holt.Isa pa, alam din naman ng lahat ng kaya nilang i-set up si Shaun noong gabing iyon.Subalit walang gaanong pumansin dahil hindi rin naman gayong kaimportante nang tao si Shaun.Malupit ang tingin nina Senator Mead at Nathan. Matapos ang ilan
Nakatunganga si Freya sa lalaki.Hindi pa siya nakakita ng impotent na lalaking umaasta na sobrang arrogante.Hindi kagaya ng ibang impotent na lalaking tipikal na ibababa ang kanilang sarili, hiling ni Shaun na malaman ito ng lahat ng nasa mundo.“Kaya mo rin itong patunayan,” Malambot na sinabi ni Shaun habang pinipirmi ang kanyang mga mata kay Catherine.Walang masabi si Catherine.Anong pwede niyang patunayanPatunayang may kakayahan ang lalaki na guluhin siya sa kabila ng impotence nito?Ang mga salitang ‘yon ay nagpapula sa tainga ni Freya. Bilang isang manonood hindi niya mapigilang magkaroon ng hindi magandang isipin nang marinig ang malanding mga sinabi ni Shaun. “Well… Huwag kayong magmadali at ipagpatuloy ang inyong usapan. Mauuna na akong sumakay sa sasakyan.”Matapos ang ilang hakbang paabante, may pag-aalala niyang pinaalalahanan si Catherine, “Cathy, bilisan mo at pumasok. Huwag mo ako masyadong paghintayin.”Ang babae ay tumakbo papunta sa kanyang sasakyan na t
Ang paggapang palabas at paghintay ng tulong ay hindi ibig sabihin na nailigtas siya, habang ang mga bagay sa shaft ay maaari siyang brutal na patayin kahit anong oras.Sa ibang salita, ang pananatiling mabuhay ay hindi madali. Sa katotohanan, ito’y walang kulang na isang himala na nagawa niya ring makapagligtas ng buhay ng iba.Kahit pa, nanatiling walang pakialam si Catherine. “Young Master Hill, talagang nakamamangha ka. Hindi mo nakalimutang iligtas ang babae kahit na nasa bingit ka ng kamatayan.”Nagkacrush pa sa kanya ang babae ngayon. Talaga, hindi kailanman ay makakalimutan niyang mang-akit ng babae.Inangat ni Shaun ang kanyang mga kilay nang marinig niya ang mga babae. “Cathy, nagseselos ka.”“Selos, pw*t mo.”Sa kabila ng pagiging isang elite na dalaga, napipilitan si Catherine na gumamit ng mga mura paminsan minsan dahil sa kanya. “Shaun, sinabi mong si Wesley ay may mga tinatagong motibo, pero sa tingin ko wala kang pinagkaiba sa kanya. Ngayon na naligtas mo ang anak