Namutla ang kaaya-ayang mukha ni Shaun. Mayroong nag-delete ng mga program sa kanyang utak?Tumawa lamang siya. “Imposible naman yata ‘yan, Professor Lincoln. Hindi ako robot…”Seryoso ang itsura ng matanda. “Hindi, hindi. Ang alam ko, mayroong sinaunang hypnotic skill ang Y country na ganyang ganyan ang ginagawa. Maaari nitong guluhin ang pakiramdam ng isang tao pati na rin ang kanyang mga alaala. Hindi rin siya napapansin ng taong iyon.”Naguluhan lamang lalo ang utak ni Shaun.Hypnosis?Mayroong nanggulo sa kanyang mga alaala at pakiramdam. “Ibig mo bang sabihin na maaaring ang babaeng minamahal ko ay ang asawa ko pala, ngunit mayroong nanggulo nito kaya akala ko’y ibang babae ang aking minamahal?”“Hula ko lamang iyon at hindi ko siya maikukumpirma.” Ani Professor Lincoln, “ngunit tugma ang mga nabanggit mong sintomas kanina sa mga nangyayari sa isang taong nahuhulog sa sinaunang hypnotic skill ng Y country. Bukod pa roon, palagay ko’y ang gumawa no’n sa’yo ay isang taong pin
“Napaka…sama naman.” Nanginig ang mga kamay ni Shaun na nakapatong sa kanyang mga tuhod.“Oo. Napakasama.” Tungo ni Professor Lincoln. Pagkatapos ay naging kumplikado ang tingin nito kay Shaun. “Kung may tao pang pinagsususpetyahan, lumayo ka sa taong iyon. Syempre, ayaw ko ring pangarapin na ma-hypnotize ka. Marahil ay maling akala mo lamang ang lahat?”“Maraming salamat.” Tumayo si Shaun at yumuko.… Pagkaalis niya sa lugar ng propesor ay hindi nagmaneho si Shaun. Tahimik lamang siyang naglakad-lakad sa campus ng university. Nanginginig ang kanyang mahahabang mga biyas.Bukod pa roon, blangko rin ang kanyang utak.Pati siya’y inaasahang kathang-isip lamang niya ang lahat.Totoo kayang si Sarah iyon, at tinuloy niya ang pag-hypnotize kahit na alam niyang maaari siyang maging retard kapag hindi iyon naging matagumpay?Imposible. Hindi maaaring maging ganoong kasama si Sarah.Subalit paano kung totoo ang lahat ng iyon? Kinilabutan siya noong inisip niya ang marahan, mabait, at
”Gusto mong hanapin siya? Matagal na ang nakalipas. Sandali.”Tumawag si Chase sa housekeeping agency at sandaling nagcheck bago maabot si Aunty Linda. “Si Aunty Linda ay nagtatrabaho bilang kasambahay sa villa na ito.”Binigyan siya ni Chase ng isang address. “Ihahatid kita ron.”“Hindi na kailangan.” Kinuha ni Shaun ang address. “Salamat.”“Huwag mo nanag banggitin ito. Hindi ako sanay sayong umaasta ng ganito.” Binato ni Chase sa kanya ang susi. “Pwede mong dalhin ang sasakyan ko papunta ron, Maghahapunan tayong magkasama mamaya.”“Hindi karaniwan ‘yan.” Sumulyap si Shaun sa lalaki. “Bihira mo nang i-contact kaming tatlo ngayon. Ilang beses kang pumunta ng Canberra at hindi kami inimbitahan para kumain? Mukhang komportable kang nananatili sa Melbourne mag-isa.”Sa ano mang rason, bigla siyang nainggit kay Chase.Bagaman maliit ang Melbourne, si Chase ay basically ang overlord dito. Ang buhay rito ay hindi kasing insufferable sa Canberra.Awkward na ngumiti si Chase. “Hindi k
Maiintindihan ito na makalimot ng isa o dalawang bagay, pero talagang kakaiba na nakalimutan ni Shaun lahat ng pruweba na may pakialam siya kay Catherine.Hindi niya maisip na muntik na siyang mamatay sa pagsubok na iligtas ang babae isang beses.Sinamahan niya pa ang babae na kumain ng hotpot at sumakit ang tiyan.Hindi kailanman ay kakain siya ng hotpot.Gaano kaespesyal si Catherine sa kanya?Gusto niya na agad itong malaman, pero bigla siyang natakot.Natakot siya na si Catherine at siya ay talagang malalim na nagmamahalan, ngunit dahil pinakialaman ang ala-ala niya, maya-maya’y inabandona niya ang babae at sinaktan ang kanilang mga anak.Natakot siya na nasaktan niya ang babae ng mas malalim kaysa sa akala niya.Umupo siya sa loob ng sasakyan ng kalahating oras bago pumunta para kitain si Aunty Linda.Matapos sagutin ni Aunty Linsa ang tawag niya, agad siyang lumabas na may hawak na lumang booklet. Nang makita niya si Shaun, pansamantala siyang tumawag, “Eldest Young Mast
”Edi, kami ba ay… intimate?” Tanong ni Shaun sa mahinang boses. Sa alaala niya, hindi niya gusto kapag si Catherine ay lumalapit at hinahawakan siya tatlong taon na ang nakalipas. Sinamantala pa nito ang pagiging lasing niya para mabuntis.Namula si Aunty Linda. “Oh, syempre naman. Bawat beses na hahalikan ka ni Ms. Jones, halatang masaya ka. Mayroon isang beses noong nainjured ka, nagsinungaling ka sa kanya at sinabi sa kanya na titigil ang pagsakit nito kapag hinalikan ka niya, at talagang pinaniwalaan ka ni Ms. Jones. Kahit ang mukha ko ay namula nang makito ko ito.”“Salamat…” Matapos marinig ‘yun, nagpapasalamat na hinayaan ni Shaun na bumalik si Aunty Linda.Wala siyang maalala sa kung anong sinabi sa kanya ni Aunty Linda, pero alam niya na kagaya ng mga sinabi ni Chase, itong lahat ay malamang totoo.Gayunpaman nakalimutan niya ito. Nakalimutan niya na tatlong taon ang nakalipas, minsan niyang minahal ang isang babae na nagngangalang Catherine Jones.Lahat ng naaalala ng is
“Isang kabiguan lang naman ‘yan. Sa kakayahan mo, mapa-law man or finance, tiyak na mabilis kang makababalik sa dati mong karangyaan dito sa Melbourne.”“Hindi iyon.” Binuksan ni Shaun ang isang bote ng beer at tinungga ito. Namumula pa rin ang kanyang mga mata.Laking gulat ni Chase. “Ano ba’ng pumasok sa’yo?”Higit sampung taon na niyang kilala si Shaun, ngunit iyon ang unang pagkakataon niyang makitang maiyak ang lalaki. Tila ba’y isang multo ang nasa kanyang harapan.“Hindi mo naiintindihan. Nawala sa akin ang pinakamahalagang bagay sa aking buhay.” Tumingala si Shaun at sinabi. “Chase, maaari mo bang ikwento kung paano kami ni Catherine noon? Gusto kong malaman kung paano kami nagkakilala, nagkamabutihan ng loob, at nahulog para sa isa’t isa.”“Sige ba. Mga tatlong taon na siguro ang nakakalipas, noong kararating mo lang sa Melbourne…” Bagama’t hindi pa rin alam ni Chase kung bakit ipinapaliwanag sa kanya ng lalaki ang tungkol sa kanila ni Catherine, tinuloy niya pa rin ang k
“Ano ka ba, ‘wag kang humingi ng sorry. Hindi ako galit sa’yo. Hindi ko lang maintindihan ang mga taong ‘tulad ni Thomas.” Nangalit ang mga ngipin ni Rodney. “Sarah, pwede bang pakitawagan mo siya? Oo, gusto ko siyang turuan ng leksyon. Maaari mo ba akong tulungan?”“‘Wag mong sabihin ‘yan. Kailangan siyang turuan ng leksyon. Tatawagan ko siya upang malaman ko kung nasaan siya, ngunit hindi lang ako sigurado kung sasagot pa siya.”Nakita niya ang number ni Thomas sa kanyang phone sabay dial nito, ngunit walang sumagot. Nangalit din ang mga ngipin ni Sarah at sinabing, “Kahit mga tawag ko’y hindi niya sinasagot. Ay, siya nga pala, kumusta si Shaun? Higit sampung taon na rin kaming magkakilala. Im…imposibleng hindi ako mag-alala para sa kanya.”“Ah, nasa Melbourne siya.” Huminga nang malalim si Rodney. “Kahit ako’y hindi alam kung bakit nandoon siya. Nag-inuman sila ni Chase.”Melbourne...Panandaliang napahinto ang pagtibok ng puso ni Sarah.Naalala niyang sa Melbourne nagkakilala
”Ganoon…”Nanigas si Rodney. Akala niya ay sasangayon si Sarah nang hindi nag-aalinlangan.Hindi ito ang inaasahan niya.Si Sarah ngayon ay parang kaibigan na nakahanap ng iba’t-ibang rason para hindi magpahiram ng pera sa mabuting kaibigan na nasa kritikal na sandali.“Kung gayon, kalimutan mo na. Gabing-gabi na, kaya aalis na ako ngayon. Magpahinga ka na. Hindi na kita aabalahin pa.” Kumaway si Rodney, wala na sa mood para magtagal pa.“Rodney, pasensya na dahil hindi kita matulungan.” Mukhang maiiyak na si Sarah sa pagsisisi.“Ayos lang. Kaya namin tulungan ni Chester si Shaun kung kailangan niya ng pera. Nagtanong lang ako.”Walang ganang inalo siya ni Rodney bago naglakad palabas ng villa.Habang nagmamaneho siya paalis, lumingon siya muli sa villa. Kahit na nasa tabi ito ng dagat, ang beach na iyon ay sobrang ganda, ang tubig ay kulay asul, at ito ang pinakamalapit sa siyudad. Ito ang pinakamahal na lupa sa tapat ng dagat sa Canberra. Binili ito ni Shaun noon sa halagang