“Ano ka ba, ‘wag kang humingi ng sorry. Hindi ako galit sa’yo. Hindi ko lang maintindihan ang mga taong ‘tulad ni Thomas.” Nangalit ang mga ngipin ni Rodney. “Sarah, pwede bang pakitawagan mo siya? Oo, gusto ko siyang turuan ng leksyon. Maaari mo ba akong tulungan?”“‘Wag mong sabihin ‘yan. Kailangan siyang turuan ng leksyon. Tatawagan ko siya upang malaman ko kung nasaan siya, ngunit hindi lang ako sigurado kung sasagot pa siya.”Nakita niya ang number ni Thomas sa kanyang phone sabay dial nito, ngunit walang sumagot. Nangalit din ang mga ngipin ni Sarah at sinabing, “Kahit mga tawag ko’y hindi niya sinasagot. Ay, siya nga pala, kumusta si Shaun? Higit sampung taon na rin kaming magkakilala. Im…imposibleng hindi ako mag-alala para sa kanya.”“Ah, nasa Melbourne siya.” Huminga nang malalim si Rodney. “Kahit ako’y hindi alam kung bakit nandoon siya. Nag-inuman sila ni Chase.”Melbourne...Panandaliang napahinto ang pagtibok ng puso ni Sarah.Naalala niyang sa Melbourne nagkakilala
”Ganoon…”Nanigas si Rodney. Akala niya ay sasangayon si Sarah nang hindi nag-aalinlangan.Hindi ito ang inaasahan niya.Si Sarah ngayon ay parang kaibigan na nakahanap ng iba’t-ibang rason para hindi magpahiram ng pera sa mabuting kaibigan na nasa kritikal na sandali.“Kung gayon, kalimutan mo na. Gabing-gabi na, kaya aalis na ako ngayon. Magpahinga ka na. Hindi na kita aabalahin pa.” Kumaway si Rodney, wala na sa mood para magtagal pa.“Rodney, pasensya na dahil hindi kita matulungan.” Mukhang maiiyak na si Sarah sa pagsisisi.“Ayos lang. Kaya namin tulungan ni Chester si Shaun kung kailangan niya ng pera. Nagtanong lang ako.”Walang ganang inalo siya ni Rodney bago naglakad palabas ng villa.Habang nagmamaneho siya paalis, lumingon siya muli sa villa. Kahit na nasa tabi ito ng dagat, ang beach na iyon ay sobrang ganda, ang tubig ay kulay asul, at ito ang pinakamalapit sa siyudad. Ito ang pinakamahal na lupa sa tapat ng dagat sa Canberra. Binili ito ni Shaun noon sa halagang
"Thomas Neeson, masyado mo inaabuso ang kapatid mo at kaming tatlo nitong mga taon na ito para makagawa ng maraming masamang bagay sa labas. Sa tingin mo ba talaga hindi namin alam?"Dahan-dahan sinabi ni Chester ito, ngunit ang pwersa sa paa niya ay tumataas. "Isinalba ka ni Shaun nang paulit-ulit, ngunit hindi ka lang hindi nagpasalamat, kundi sinipa mo pa siya habang nasa baba. Sa istorya ng magsasaka at ahas, ikaw ang ahas."Sobrang nasasaktan na si Thomas na hindi siya makapagsalita. Narinig pa niya ang tunog ng pagkabali ng daliri niya.“Hayaan mo na tanungin kita. Ikaw lang ba ang may alam tungkol dito? O may iba sa likod ng mga eksena na nagdidirekta sa iyo?” Biglang nagsalita si Chester.Umiling si Thomas habang namumutla. Wala siyang lakas para magsalita.Hindi siya tanga. Kung aamin siya na si Sarah ito, hindi rin siya palalampasin ni Chester. Kapag nagpakasal si Sarah sa pamilyang Snow, maghihiganti rin siya balang araw.“Lumpuhin mo siya.” Kinaway ni Chester ang kama
”Ang Campos Corporation ay mas mataas sa Landell, ngunit hindi pa rin sila nasisiyahan.” Binuksan ni Shaun ang bibig niya at malamig na sinabi, “Sobrang sakim.”“Ngayon at sila na ang nangungunang kumpanya sa Australia, gusto siguro nila palawakin ang teritoryo nila sa ibang bansa.” Sumang-ayon si Hadley sa kanya.Biglang nanahimik si Shaun, ngunit ang mapanghamak niyang mata ay nakatitig kay Hadley.“Y-Young Master Hill, may sinabi ba akong mali?” Nabalisa si Hadley sa titig niya.“Hadley, ikaw ang may kakayahan kong assistant. Kahit saan man ako magpunta, sumusunod ka. Dapat mas kilala mo ako kaysa sa iba.” Isang malamig at nakakasakal na kislap ang lumabas sa mata ni Shaun. “Hindi mo ba napansin ang biglaang pagbabago ng ugali ko tatlong taon na ang nakaraan?”Nanginig ang mata ni Hadley.Nakita ni Shaun ang ekspresyon sa mata niya.“Anong… Anong pagbabago? Eldest Young Master, hindi ba at ganito ka na dati pa?” Mabilis na kumalma si Hadley at sumagot.“Hadley, mapapaniwalaa
”Ngunit alam ko na nasa puso mo pa rin si Ms. Jones at ang mga anak mo. Subalit, isang araw, noong tapos na kayo ni Sarah sa treatment sa manor, bigla ka na lang naging malamig kay Ms. Jones. Kahit noong buntis siya, nagpumilit ka pa rin makipagdiborsyo sa kanya, at palagi ka kasama ni Sarah. Ikaw nga ay… natutulog pa sa bahay ni Sarah sa gabi.”Nakayukom maigi ang mga kamao ni Shaun na kita na ang mga ugat.Oo, naaalala niya kung gaano siya kasama noon kay Catherine. Noong buntis siya, lumabas pa siya kasama si Sarah.Nagbuntong hininga si Hadley. “Akala nina Young Master Jewell at Young Master Snow ay may nararamdaman ka pa kay Ms. Neeson, kaya hindi nila maintindihan. Akala nila pagbalik ni Ms. Neeson, mas gusto mo pa rin sa siya, ngunit naiintindihan kita, Eldest Young Master. May pakialam kay kay Ms. Neeson, ngunit mas mahal mo si Ms. Jones. Kahit pa gusto mo makipagbalikan kay Ms. Neeson, binigyan mo pa rin si Ms. Jones ng tamang paraan makaalis sa halip na pilitin siya sa isa
”Bakit kita sisisihin? Kung sinabi mo sa akin ito noon, paghihinalaan ko na binayaran ka ni Cathy. Ginawa mo ang tama.” Sabi ni Shaun. “Hindi ko inaasahan na magiging walang awa si Sarah. Pinaglaruan niya ako na parang nag-violin. Sobrang hirap siguro maging civil sa kanya sa nakalipas na tatlong taon.”“Ayos lang.” Binaba ni Hadley ang ulo niya. Sa huli, hindi niya sinabi kay Shaun ang tungkol kay Suzie.Kahit pa mapagtanto ito ni Shaun ngayon, ano naman? Hindi maaayos ang ibang pinsala maliban na lang kung magpakasal ulit sila at si Ms. Jones mismo ang magsasabi sa kanya ng katotohanan tungkol sa mga bata.Kahit papaano, naghirap ng sobra si Ms. Jones. Kung gusto niya kilalanin ng mga anak niya si Shaun, siya mismo ang magsasabi.“Hadley, kunin mo ang kotse. Gusto ko magpunta sa villa sa tabi ng dagat. Oras na para kunin ko ang bayad na binigay ko kay Sarah noong nakipaghiwalay ako sa kanya.”Biglang inutos ni Shaun.“Okay.” Nagliwanag ang mata ni Hadley. Sa totoo lang, inisip
Nagmatiyag si Shaun. Tatlong taon siya nakatira roon, ngunit habang papunta siya kanina ay sinabi sa kanya ni Hadley na kasama niya si Catherine na nakatira rin doon. Doon din siya sinamahan ng babae noong nagsimula siyang sumpungin.“Dito ako nakatira.” Hindi maipaliwanag ni Sarah ang tingin sa mga mata ni Shaun.“Ang saya sigurong tumira sa isang lugar na pag-aari ng iba.” Unti-unting naglakad si Shaun paharap. Sa ilalim ng kanyang mga mata ay maiitim na eyebags na tila ba’y ginuhitan ng tinta. “Niyaya mo akong dito manirahan dahil dito kami nanirahan noon ni Catherine. Ikinatutuwa mo ba ang pagkukuha ng mga mahahalagang lugar ng iba?”Sumabog ang ulo ni Sarah.Nagkatotoo ang kanyang kinakatakutan. Nadiskubre ni Shaun ang lahat.Ngunit papaano niya iyon nalaman?“Wala akong alam sa sinasabi mo.” Sinubukang pakalmahin ni Sarah ang kanyang sarili. “Wala na tayo. Sinasabi mo na lang ba ‘yan para pahiyain ako?”“Magaling ka rin magpanggap, ha. Kaya na lang siguro kami naakit nina
“Shaun, patong-patong na ang mga demanda sa’yo. Kapag may nangyari sa akin ay tiyak na makukulong ka niyan.” Laking takot ni Sarah sa itsura ng lalaki kaya’t nag-isip ito ng paraan upang abalahin siya. “Alalahanin mo lolo’t lola mo. Alalahanin mo ang pamilya mo. Sa’yo lang sila nakadipende ngayon.”“Winasak mo ako. Tingin mo ba’y may pakialam pa ako sa buhay ko?” Hinawakan ni Shaun ang baba ng babae at inangat niya ang katawan nito. Noong mga sandaling iyon, wala na siyang gustong gawin kundi patayin ang babae gamit ang kanyang mga kamay.Naging kulay ube na ang mukha ni Sarah at nanginginig na ang katawan nitong nakababad pa rin sa tubig.“Eldest Young Master…”“Shaun Hill, ano’ng ginagawa mo kay Sarah?”Sabay na sigaw nina Hadley at Rodney na nagmamadaling pumasok.Pagkatapos paghiwalayin ni Rodney ang dalawa ay agad niyang iniahon si Sarah.“Rodney, nakakatakot siya.” Niyakap ni Sarah si Rodney at bumuhos ang luha nito. “Gusto niya akong patayin. Hindi na ako makahinga…. Tako