”Bakit kita sisisihin? Kung sinabi mo sa akin ito noon, paghihinalaan ko na binayaran ka ni Cathy. Ginawa mo ang tama.” Sabi ni Shaun. “Hindi ko inaasahan na magiging walang awa si Sarah. Pinaglaruan niya ako na parang nag-violin. Sobrang hirap siguro maging civil sa kanya sa nakalipas na tatlong taon.”“Ayos lang.” Binaba ni Hadley ang ulo niya. Sa huli, hindi niya sinabi kay Shaun ang tungkol kay Suzie.Kahit pa mapagtanto ito ni Shaun ngayon, ano naman? Hindi maaayos ang ibang pinsala maliban na lang kung magpakasal ulit sila at si Ms. Jones mismo ang magsasabi sa kanya ng katotohanan tungkol sa mga bata.Kahit papaano, naghirap ng sobra si Ms. Jones. Kung gusto niya kilalanin ng mga anak niya si Shaun, siya mismo ang magsasabi.“Hadley, kunin mo ang kotse. Gusto ko magpunta sa villa sa tabi ng dagat. Oras na para kunin ko ang bayad na binigay ko kay Sarah noong nakipaghiwalay ako sa kanya.”Biglang inutos ni Shaun.“Okay.” Nagliwanag ang mata ni Hadley. Sa totoo lang, inisip
Nagmatiyag si Shaun. Tatlong taon siya nakatira roon, ngunit habang papunta siya kanina ay sinabi sa kanya ni Hadley na kasama niya si Catherine na nakatira rin doon. Doon din siya sinamahan ng babae noong nagsimula siyang sumpungin.“Dito ako nakatira.” Hindi maipaliwanag ni Sarah ang tingin sa mga mata ni Shaun.“Ang saya sigurong tumira sa isang lugar na pag-aari ng iba.” Unti-unting naglakad si Shaun paharap. Sa ilalim ng kanyang mga mata ay maiitim na eyebags na tila ba’y ginuhitan ng tinta. “Niyaya mo akong dito manirahan dahil dito kami nanirahan noon ni Catherine. Ikinatutuwa mo ba ang pagkukuha ng mga mahahalagang lugar ng iba?”Sumabog ang ulo ni Sarah.Nagkatotoo ang kanyang kinakatakutan. Nadiskubre ni Shaun ang lahat.Ngunit papaano niya iyon nalaman?“Wala akong alam sa sinasabi mo.” Sinubukang pakalmahin ni Sarah ang kanyang sarili. “Wala na tayo. Sinasabi mo na lang ba ‘yan para pahiyain ako?”“Magaling ka rin magpanggap, ha. Kaya na lang siguro kami naakit nina
“Shaun, patong-patong na ang mga demanda sa’yo. Kapag may nangyari sa akin ay tiyak na makukulong ka niyan.” Laking takot ni Sarah sa itsura ng lalaki kaya’t nag-isip ito ng paraan upang abalahin siya. “Alalahanin mo lolo’t lola mo. Alalahanin mo ang pamilya mo. Sa’yo lang sila nakadipende ngayon.”“Winasak mo ako. Tingin mo ba’y may pakialam pa ako sa buhay ko?” Hinawakan ni Shaun ang baba ng babae at inangat niya ang katawan nito. Noong mga sandaling iyon, wala na siyang gustong gawin kundi patayin ang babae gamit ang kanyang mga kamay.Naging kulay ube na ang mukha ni Sarah at nanginginig na ang katawan nitong nakababad pa rin sa tubig.“Eldest Young Master…”“Shaun Hill, ano’ng ginagawa mo kay Sarah?”Sabay na sigaw nina Hadley at Rodney na nagmamadaling pumasok.Pagkatapos paghiwalayin ni Rodney ang dalawa ay agad niyang iniahon si Sarah.“Rodney, nakakatakot siya.” Niyakap ni Sarah si Rodney at bumuhos ang luha nito. “Gusto niya akong patayin. Hindi na ako makahinga…. Tako
Masyadong masama ang ugali ni Sarah.Sa sama ng kanyang ugali ay gustong barilin ni Shaun ang kanyang sarili. Bulag ba siya? Bakit hindi niya nakita kung gaano kasama ang ugali nito?“Rodney, sisirain din ng babaeng ‘yan ang buhay mo.” Nangangalit ang mga ngipin ni Shaun nang sinabi niya iyon.“Bakit ka ba naging ganyan, Shaun? Wala namang problema kung ayaw mo sa kanya, ngunit bakit pati ako’y pinipigilan mo?” Sumimangot si Rodney. “Iba ako pagdating kay Sarah, at kapag nangyari pa ito’y hindi ako magdadalawang-isip na tumawag ng pulis. Wala na akong pakialam sa anuman ang ating pinagsamahan. Hahayaan ko na lamang na litisin ka nang naaayon sa batas.”“Sige.” Tungo ni Shaun, na siyang mamamatay na sa galit. “Hindi na ako makikipag-usap sayo, Sarah Neeson. Gusto ko lang sabihin sa’yo na sa loob ng dalawang araw, gusto kong ibalik mo ang lahat ng mga perang ibinigay ko sa’yo, kasama na ang mga ginastos ko para sa’yo nitong nakaraang tatlong araw. Kung ayaw mo’y makatatanggap ka ng a
Galit at poot lamang ang laman ng mga mata ni Shaun habang siya’y nagsasalita.Isang pagkasuklam na noon lamang nakita ni Chester.Hindi niya maunawaan kung bakit bigla na lamang ayaw ni Shaun kay Sarah. Iyon kaya ay dahil sa kidnapping case ni Logan noon? Bagama’t pagsususpetya lamang ang mayroon ito noon, wala namang iba pang ebidensyang makakapagpatunay na si Sarah ang nasa likod noon.“Ano ba talaga ang nangyari?” Tanong ni Chester.“Paniniwalaan mo ba ako kapag sinabi ko sa’yo?” Pangungutyang ngiti ni Shaun. “Kay Sarah kampi si Rodney. Ni hindi niya nga ako pinakinggan.”Kumunot ang kaaya-ayang mga kilay ni Chester. “Sabihin mo sa’kin. Masyadong hulog na hulog si Rodney kay Sarah. Pagdating sa kanyang emosyon, may mga bagay talagang hindi mapag-iisipan nang mabuti.”“Hindi ba’t gano’n din naman ako dati?” Ngisi ni Shaun sabay turo sa kanyang utak. “Tatlong taon na ang nakalilipas, isinailalim ako ni Sarah sa hypnosis habang ginagamot niya ako. Kumonsulta ako kay Professor Li
Laking gulat ni Chester sa kanyang napagtantuan.Totoong naaalala pa rin ni Shaun ang alaala nilang tatlo kapag sila’y magkakasama. Tanging nalilito lamang ito kapag si Catherine ang kanyang kasama.“Kung totoo ang iyong sinasabi, kung gayo’y si Sarah…ay mas malala pa sa masama.” Kinilabutan si Chester. Marami na siyang nakitang mga babae noon na makikitid ang utak, ngunit ngayon lamang siya nakakita ng sing-galing manlinlang katulad ni Sarah.“Hindi siya masama. Mapanira siya.” Ngisi ni Shaun. “Nabanggit sa akin ni Professor Lincoln na walang naglalakas-loob na gumamit ng hypnosis dahil sa failure rate nito at dahil hindi ito makatao, ngunit itinuloy niya pa rin iyon sa akin. Sinasabi niyang mahal niya ako, ngunit ginawa niya pa rin iyon kahit na alam niyang retardation ang hahantungan ko sa sandaling hindi siya naging matagumpay.“Tingin mo ba’y… gagawin niya rin iyon kay Rodney?” Nag-aalinlangang tanong ni Chester.“Kailangan niya pa ba? Hindi pa ba malinaw na masyadong nabubul
”Oo, pero nahypnotized ka pagkatapos at nagwala nang sabihin ko sayo ang tungkol dito. “Yun din ang panahon nang mapansin ko na talagang may mali, pero hindi ako naglakas loob na banggitin ito muli.”Dagdag ni Hadley, “Sa panahong ‘yon, pinagsuspetyahan mo siguro na ipinagpalit ni Sarah ang abo ni Jennifer at sinabihan mo akong mag-imbestiga. Ang mga tao mula sa appraisal department ay sinabi na baka abo ito ng isang pusa o aso.”“Pinalitan ni Sarah ang abo ni Jennifer sa isang pusa o aso?” Tuluyang nanigas si Chester.Inamin niya na ang salitang “mabait” ay hindi kailanman dapat magamit para ilarawan siya, ngunit para palitan ang abo ng isang taong namatay ng abo ng isang aso, gaanong kasira ulo ang taong iyon? “So ang urn na inilibing kasama ang ama ni Sarah ay… abo lamang ng isang hayop??”“Pwede mong sabihin iyon.” Tumango si Hadley.Si Shaun at si Chester ay parehong walang masabi sa parehong oras.Matapos ang mahabang katahimikan, sabi ni Chester sa mahinang boses, “Siguro,
Lumubog ang malalim na mga mata ni Chester.Matapos lumuhod ng matagal sa himlayan nila, sa wakas ay tumayo siya at naghanap ng gravekeeper sa paanan ng bundok.Ang tao ay nagulat nang marinig na ang mga urns ay hinukay. "Kalokohan 'yan. Sinong magnanakaw ng abo ng isang tao?"Ang mga mata ni Chester ay kumislap sa gulat.Oo, walang taong sapat na walang pakiramdam para magnakaw ng abo.Bukod nalang kung ang taong iyon ay kamag-anak o miyembro ng pamilya na ayaw malibing ang namatay roon.O siguro alam na ng tao na ang urn na nakalibing sa tabi ni Boris ay hindi kay Jennifer.Imposibleng si Thomas o si Sarah ito dahil sila ang naglagay nito roon nung una. Ang tanging ibang posibilidad lang ay… si Charity!Hindi siya patay. Bumalik siya.Humugot si Chester ng isang sigarilyo mula sa bulsa ng pantalon niya at nagsindi ng isa. Ang usok ay pumalibot sa maselan niyang mga kilay. "Hayaan mong tanungin kita. Bumisita ba nitong nakaraang mga taon ang isang bata at magandang babae?"