Gayunpaman, para sa ibang netizens ay si Shaun ang gumagawa ng tama. [Diyos ko. 100 bilyon para sa isang relasyon. Panginoon, pakiusap bigyan mo ako ng relasyon na kagaya nito. Huwag na isipin ang kabataan ko mahigit sampung taon na ang nakalipas, handa ako sa relasyon na ito kahit na umabot ito hanggang sa aking middle-age.][Si Sarah ba ay gawa sa ginto? 100 bilyon. Ni kahit pinakamagandang babae sa mundo ay kasing mahal niya. Kahit ang pinakamayamang tao sa mundo ay hindi magiging ganoon kamahal ngayon, tama?][Well, dati akong nagsisimpatya kay Sarah. Nabulag ako. Siya ang pinakaswerteng babae sa mundo.][Dati tinatawag ko na scumbag si Shaun araw-araw, pero hindi ko na siya pagsasabihan. T*ngina, 100 bilyon bilang break-up fee. Sinong hindi magkakagusto na idate siya?][Ngayon ang key point ay gustong mabalik ni Shaun ang 100 bilyon. Pinapakita nito na hindi siya ganoong mapagbigay. Ang lahat ay tila sa maling bagay nakapokus.][Pakiusap, kung walang nangyari sa Hill Corporat
[Malamang, dahil hindi siya kinasuhan ni Catherine. Sa ano mang kaso, hindi ito mapatayo ni Eldest Young Master. Ang kanyang love life ay komplikado.]“......”Muli, si Catherine ay nadamay sa magulong love triangle na ito. Wala siyang clue sa kung anong iniisip ni Shaun.Ito ba ang ibig sabihin ng paggawa ng hindi pinag-iisipang desisyon?Hindi lang sa nagtsitsismisan ang mga netizens, ang matalik niyang kaibigang si Freya, na madamdamin din tungkol sa tsismis, hindi nagtagal ay tinawagan siya. “Babe, ililibre kita ng hapunan ngayong gabi. Matagal na tayong hindi nagkikita. Miss na kita.’Umirap si Catherine. “Nagkita lang tayo nung isang araw. Ni hindi kita namimiss.”‘Sige na, huwag ka nang ganya. Ililibre kita sa pinakamahal na Japanese cuisine sa Canberra.” Tumawa si Freya.Sa huli, pumayag si Catherine sa pagkikita.Magalang na nagbuhos si Freya ng tsaa para sa kanya. “Hindi talaga ito mapatayo ni Shaun?”“Pfft.” Masyadong direkta si Freya at muntik nang mabulunan sa Cat
Si Freya ay malapit nang umiyak. “Huwag mo ‘kong takutin. Ayaw kong mabuntis sa anak ng hangal na Rodney na ‘yun. Makakapinsala ba sa anak ko kapag namana niya ang IQ ni Rodney?”“Huwag mong sabihin ‘yan. Mayroon lang siyang zero emotional intelligence pero ang kanyang business acumen ay mabuti pa.” Inaliw siya ni Catherine.“Tumahimik ka.” Ang utak ni Freya ay nabigla.“Kumain ka nalang ng tempura ngayong araw.” Binigyan siya ni Catherine ng hipon. “Sasamahan kita sa ospital para magpaultrasound pagkatapos kumain.”“Wala na ako sa mood para kumain.”Nasindak si Freya. “Hindi pa ako nagkaroon ng anak dati. Ang abortion ba ay sobrang sakit? Pinakatakot ako sa sakit.”“Kung maaga pa, edi hindi dapat masakit ang abortion.” Inaliw siya ni Catherine.Gayunpaman, nawalan na ng gana si Freya at hindi niya matiis ang amoy ng isda.Matapos ang hapunan, dinala siya ni Catherine sa hospital emergency room. Nagsagawa sila ng blood test at ng ultrasound.Naghintay si Catherine sa labas ng
Kinabukasan.Hindi pumasok si Catherine para samahan si Freya sa obstetrics at gynecology unit.Pagkatapos ng ultrasound at blood test reports, sinabi ng doktor, “Kung gusto mo ipalaglag ang bata, maaari mo ito gawin ngayong hapon.”“Ngayong hapon?” Lumaki ang mata ni Freya. “Ang bilis…”Akala niya ay aabutin ito ng ilang araw, kaya hinanda na niya ang sarili niya sa pag-iisip. “Sobrang sakit ba noon?”“Hindi maiiwasan ang sakit. Kung natatakot ka talaga sa sakit, maaari mo piliin magpalagay ng anesthesia.”“Lagyan niyo ako ng anesthesia, kung gayon.” Tumango si Freya habang tulala.Pagkalabas na pagkalabas niya ng consulting room, bigla niya nakaharap sina Wendy, Jessica, at Jason na naghihintay sa labas.“Freya, narinig ko na buntis ka.”Naglakad si Wendy papunta sa kanya habang nagniningning sa tuwa. Nasa 50s na siya. Lahat ng kaibigan niya ay lola na. Tanging ang dalawang anak niya na lalaki ang hindi pa nagbibigay ng apo sa kanya. Kahapon, nang malaman niya na buntis si F
Umakto si Jessica na parang hindi niya narinig ang sigaw ni Freya. Nanatili siyang kalmado at mayabang na sinabi, “Kung iluluwal mo ang bata, hindi ko lang sisiguraduhin na mabubuhay ng walang inaalala ang pamilyang Lynch, ngunit hahayaan ko rin kayo umangat lalo.“Magagawa mong pagmamay-ari ang sampung porsyento na hati sa Snow Corporation. Siyempre, maaari mo rin piliin na hindi pakasalan si Rodney, o pakasalan mo siya at makipag diborsyo ka ‘di kalaunan.” “Kapag sinabi at tapos na ang lahat, pinipilit niyo lang ako na ipanganak ang bata na ito.”Sa ganon, nagalit si Freya. “Pagbubuntis lang naman ito. Maari kayo kumuha ng kahit sinong babae para magdala ng anak ni Rodney. Sa gayon, hindi lang ito isang pagbubuntis kada buwan. Kung ginawa niya ito kasama ang maraming babae, madali niyang mabubuntis ang mga babae at magkakaroon kayo ng sampung bata sa isang buwan lang.”Nagbuntong hininga si Wendy. “Ito ang unang apo sa pamilyang Snow. Umaasa talaga kami na darating ito sa mundo.
Makalipas ang dalawang oras.Si Rodney ay nagmamadaling pinatawag sa villa ng pamilyang Snow.“Grandpa, bakit mo ako pinatawag ng nagmamadali? Anong problema? Bilisan mo at sabihin mo na sa akin. Marami pa akong kailangan harapin na bagay sa kompanya.” Pagsisinungaling ni Rodney. Plano niya talaga hanapin si Shaun mamaya sa Hill Corporation.P*cha! Anong karapatan ni Shaun padalhan si Sarah ng attorney’s letter? Baliw na ba si Shaun dahil kulang na siya sa pera?“Tatlong araw na ang nakalipas simula noong huli mong pagbalik sa opisina. Ang ginagawa mo lang araw-araw ay samahan si Sarah. Nakakahiya naman na binanggit mo pa ang mga bagay sa kompanya.”Tinignan ni Old Master ang nakakaakit na mukha ni Rodney, gusto niya ito sampalin hanggang mamatay.Bakit ba siya nagkaroon ng walang kwentang panganay na apo?“Paano niyo nalaman? Si Freya, yung malaki niyang bibig, ang nagsabi sa inyo, hindi ba?” Biglang nagalit si Rodney.“Manahimik ka! Walang sinasabi si Freya tungkol sa iyo.”Hi
Tatay…Biglang nagulat si Rodney sa salitang iyon ng ilang saglit.Tapat na sinabi ni Wendy, “Oo. Maaaring nagbigay ka lang ng sperm, ngunit ang bata ay nasa isang sentimetro na ang haba. Maaaring inisip mo na ipalaglag niya ang bata, ngunit naisip mo ba kung gaano kalaki ang pinsala ng pagpapalaglag sa katawan ng babae?“Madali para sa iyo na sabihin iyon dahil hindi ikaw ang naghihirap sa sakit. Ang katawan ng babae ay masisira pagkatapos niya sumailalim ng pagpapalaglag. Ang ibang babae naman ay nakaranas ng ibang komplikasyon o nagkaroon ng paghihirap mabuntis muli.“At saka, naisip mo na ba na kapag nalaman ng susunod na nobyo niya o asawa na nagpalaglag siya ng anak ng ibang lalaki dati, ano ang magiging tingin nila sa kanya? Ilagay mo ang sarili mo sa sapatos niya. Kung malaman mo na ang asawa mo sa hinaharap ay nabuntis dati ng ibang lalaki, malulungkot ka ba?”Nanatiling tahimik si Rodney pagkatapos makinig sa mga sinabi niya.Hindi naman siya likas na masamang tao. Pagk
Suminghal si Chester. “Sige. Kinakampihan mo lang si Sarah. Ngunit hayaan mo na ipaalala ko sa iyo na kapag nawala ka sa pamilyang Snow, iiwan ka rin ni Sarah ‘di kalaunan.”“Ginag*go mo ako.”Hindi maiwasan ni Rodney sigawan siya,” Chester Jewell, katulad ka lang ni Shaun! Bakit ba naging ganito kayo? Tayong lima ang magkakasama lumaki, ngunit dinidiskrimina niyo si Sarah.”“Oo, ang buong mundo ay dinidiskrimina si Sarah at ikaw lang ang nagtatanggol sa kanya. Malinaw ang pag-iisip mo, at may mali sa lahat ng tao. Kung gayon sige at labanan mo ang mundo para sa kapakanan niya. At saka, personal mo na patayin ang anak mo.”Nairita si Chester. “May gagawin ako na operasyon ngayon. Hindi ako libre makipag-usap.”Pagkatapos niya magsalita, umalis siya nang walang pakialam ang ekspresyon ang mukha.Talagang kumulo ang dugo niya sa pakikipag-usap kay Rodney.Nagsimula na makaramdam si Chester ng kaawaan kay Freya.Pagkatapos ay naglakad palabas ng opisina ng doktor si Rodney.Nagla