Tatay…Biglang nagulat si Rodney sa salitang iyon ng ilang saglit.Tapat na sinabi ni Wendy, “Oo. Maaaring nagbigay ka lang ng sperm, ngunit ang bata ay nasa isang sentimetro na ang haba. Maaaring inisip mo na ipalaglag niya ang bata, ngunit naisip mo ba kung gaano kalaki ang pinsala ng pagpapalaglag sa katawan ng babae?“Madali para sa iyo na sabihin iyon dahil hindi ikaw ang naghihirap sa sakit. Ang katawan ng babae ay masisira pagkatapos niya sumailalim ng pagpapalaglag. Ang ibang babae naman ay nakaranas ng ibang komplikasyon o nagkaroon ng paghihirap mabuntis muli.“At saka, naisip mo na ba na kapag nalaman ng susunod na nobyo niya o asawa na nagpalaglag siya ng anak ng ibang lalaki dati, ano ang magiging tingin nila sa kanya? Ilagay mo ang sarili mo sa sapatos niya. Kung malaman mo na ang asawa mo sa hinaharap ay nabuntis dati ng ibang lalaki, malulungkot ka ba?”Nanatiling tahimik si Rodney pagkatapos makinig sa mga sinabi niya.Hindi naman siya likas na masamang tao. Pagk
Suminghal si Chester. “Sige. Kinakampihan mo lang si Sarah. Ngunit hayaan mo na ipaalala ko sa iyo na kapag nawala ka sa pamilyang Snow, iiwan ka rin ni Sarah ‘di kalaunan.”“Ginag*go mo ako.”Hindi maiwasan ni Rodney sigawan siya,” Chester Jewell, katulad ka lang ni Shaun! Bakit ba naging ganito kayo? Tayong lima ang magkakasama lumaki, ngunit dinidiskrimina niyo si Sarah.”“Oo, ang buong mundo ay dinidiskrimina si Sarah at ikaw lang ang nagtatanggol sa kanya. Malinaw ang pag-iisip mo, at may mali sa lahat ng tao. Kung gayon sige at labanan mo ang mundo para sa kapakanan niya. At saka, personal mo na patayin ang anak mo.”Nairita si Chester. “May gagawin ako na operasyon ngayon. Hindi ako libre makipag-usap.”Pagkatapos niya magsalita, umalis siya nang walang pakialam ang ekspresyon ang mukha.Talagang kumulo ang dugo niya sa pakikipag-usap kay Rodney.Nagsimula na makaramdam si Chester ng kaawaan kay Freya.Pagkatapos ay naglakad palabas ng opisina ng doktor si Rodney.Nagla
Kumunot ang mga kilay ni Freya. Mula noo’y hindi niya gustong kumain ng pickles at nagtataka pa nga ito kung bakit siya kinakain ng napakaraming tao. Ngunit napansin niya nitong nakaraang buwan na tila’y nahihiligan niya ang pagkain nito.Noong puntong iyon niya lamang naisip na ang pagdadalang-tao niya ang dahilan sa likod ng hilig niyang iyon.“Hindi, hindi. Natuto lang ako kumain ng pickles mula noong nabuntis ako. ‘Yung bata ang gustong kumain no’n.” Sagot niya.“Hinding hindi kakain ng gano’ng pagkain ang anak ko.” Hindi nag-dalawang isip si Rodney na agawin ang lalagyan ng pickles upang itapon ito.Nagliyab sa galit si Freya. “Rodney Snow, alam mo ba kung magkano ang ganyan? Halos sampung dolyar ang isa niyan!”“...”Walang masabi si Rodney. “Mahal pala, huh? Naninirahan ka sa isang duplex apartment na bilyon-bilyon ang halaga, at sumusweldo ka ng daan-daang libo sa isang buwan. Mayroon ka ring isang daang bilyong dolyar sa card na ibinigay sa’yo ng Osher Corporation noong
“Wala akong pakialam. At dahil tinapon mo ang pickles ko, kailangan mo akong ipagluto. Nagugutom na ako.”Sinulyapan ni Rodney ang tiyan ni Freya. Noong una’y ayaw niya sanang ipagluto ang babae, ngunit nangamba siya na baka masanay si Freya na pakainin ng kung ano-anong pagkain ang anumang buteteng lalabas mula sa kanyang tiyan, kaya’t sa huli ay ipinagluto na niya lamang ito.Pagbukas niya ng refrigerator, tanging pasta lamang ang tumambad na rekado sa kanya.Huminga siya nang malalim. “Freya Lynch, ikaw ang babae. Hindi mo ba kayang magpaka-asawa? Ni wala tayong itlog dito sa bahay. Walang lalaki ang gugustuhing manirahan kasama mo.”“Sa opisina ako kumakain araw-araw. Naninirahan ako para sa tutang katulad mo, tapos inaasahan mong maipagluluto pa kita matapos mo akong pagtrabahuhin nang overtime? Tingin mo ba’y may oras pa akong masasayang sa’yo?”Pagpupuna ni Freya. “‘Wag ka ngang tumingin nang ganyan. Parehas lang kami ni Sarah. Kumuha pa nga siya ng housekeeper, ‘di ba?”“
“Hindi na.” Umiling si Freya. “Hindi kailangang panagutan mo ito. Dahil pinipilit ako ng mga Snow na iluwal ang batang ito sa puntong pinagbabantaan na nila ako, sige. Iluluwal ko ito. Pero hindi kita pakakasalan.”Hindi inakala ni Rodney na mas pipiliin pa ni Freya na manatiling hindi kasal pagkatapos iluwal ang bata sa halip na pakasalan siya.Natutuwa dapat siya, ngunit sa hindi maipaliwanag na paraan, nalungkot siya.“Gano’n mo na lang ba ako kinasusuklaman, Freya Lynch?”“...”‘Hindi naman talaga kita nagustuhan.’Pag-iinsulto ni Freya sa kanyang loob-loob bago niya sabihin nang seryoso, “Noong napasok ako sa isang relasyon tatlong taon na ang nakalilipas, minahal ko ang isang lalaki at halos apat o limang taon ata naging kami. Nakilala ko na ang mga magulang niya, at gano’n na rin siya sa akin. Masaya kaming naghahanda ng kasal namin. Ngunit isang araw, ipinagpalit niya ako pati na ang buong pamilya ko para sa childhood sweetheart niya. Sanay na rin naman na ako; palagi niy
Agad na ibinaba ni Catherine ang tawag.Noong nakarating na siya sa villa ng mga Yule, halos ikawalong oras na ng gabi. Kinukwentuhan ni Wesley ang dalawang bata nang may marahan na itsura at paos na boses. Tila ba’y isa siyang ulirang ama.Nang makita iyon ni Catherine, agad siyang binalot ng pagsisisi. Pinagdudahan niya ang lalaking iyon. Parang sumobra naman ata siya.Napansin lamang siya ni Wesley noong natapos na niyang basahin ang kwento. “Uy, nandito ka na pala.”Masama ang tingin ni Joel kay Catherine. “Isa ka nang ina, ngunit gabi ka pa rin kung umuwi. Mas magaling pang maging magulang si Wesley kaysa sa’yo.”“Hindi na po mauulit.” Taos-pusong humingi ng dispensa si Catherine.“Sige, sige lang. Tapusin mo lang ‘yung trabaho mo. Tutulungan kitang alagaan itong mga bata.” Ngiti ni Wesley.Habang tinitignan ni Catherine ang lalaki ay may napagdesisyunan siya sa kanyang loob.…Noong gabing din iyon, tinabihan ni Catherine matulog ang kanyang mga anak. Biglang nagsalita s
Hindi na nagpakita pa ng ibang emosyon si Catherine, samantalang si Shaun ay nababalisa.Nitong mga nakaraang araw, nahirapan si Shaun sa pag-iisip kung kikitain niya ba si Catherine o hindi. Kinakatakutan niyang makita ang babae, ngunit nananabik na rin siyang makita ito.“Pasensya ka na, Cathy. Hindi ko talaga alam…”Nagsimulang magpaliwanag si Shaun kay Catherine, “Hindi ko sinasadyang kumilos nang gano’n. Hindi ko alam na gano’ng kasama rin pala ang nangyari sa akin. Sa lakas ng hypnosis ni Sarah, hindi ko napansing nabago ang aking mga alaala upang kamuhian kita. Kaya’t hindi ko alam…”“Sinasabi mo ba ‘yan para humingi ng tawad?” Biglang hinarap ni Catherine si Shaun. Nagtagpo ang tahimik na mga mata ng babae at ang kahali-halinang mukha ng lalaki.“Ano…” Hindi alam ni Shaun ang kanyang sasabihin. Namula lamang ang kanyang mga mata. “Cathy, mahal kita. Hindi naman nagbago ang aking nararamdaman…”“Hah!”Sa wakas ay natawa si Catherine. “Shaun, kahit na hindi ka sumailalim s
”Wesley Lyons, masama ka na sakin dati pa, hindi ba?” Sa kasamaang palad, natago mo ito ng mabuti. Tignan natin kapag nasilip ang maskara mo.”Sa oras na matapos si Shaun magsalita, sumulyap siya kay Catherine. Sa nakikitang kalmado niyang ekspresyon, sa loob-looban ay kumirot ang puso ng lalaki.Ibinaba ni Suzie ang likod na bintana at inilabas ang kanyang ulo. Nagtanong siya na may tonong nauubusan na ng pasensya, “Uncle Shaun, gaano katagal ka pa magsasalita?”“Papunta na ako ngayon.” Sumakay si Shaun sa sasakyan.Nang nagmaneho siya paalis, nakita niya si Wesley sa rear-view na ibinababa nito ang ulo at hinahalikan si Catherine sa mga labi.Hinigpitan niya ang kapit niya sa manibela hanggang lumabas ang mga ugat sa likod ng kanyang mga kamay. Sa parehong oras, diniinan niya ang pag-apak sa accelerator sa kabila ng kanyang sarili.Biglang sumigaw si Suzie sa takot. “Uncle Shaun, masyadong mabilis ang pagmamaneho mo mo! Natatakot ako.”Biglang nanumbalik ang ulirat ni Shaun. A