Nananatili kami ni Maya sa puwesto namin sa bench, sa may ilalaim ng malaking puno ng mangga ilang hakbang lang mula sa entrance ng canteen.
Mainit pa rin ang simoy ng hangin, hindi ko lang alam kung galing ba sa lupa ang init o mula sa mga salitang binitawan namin ni Maya.
Biglang lumakas ang ihip ng hangin at naging dahilan para mahawi ang mga dahon sa itaas ng puno.
Sa paghawi ng mga dahon ay biglang tumama sa akin ng bahagya ang sikat ng araw.
Naghahalo ang maalinsangan na simoy ng hangin, at ang malamig na pakiramdam mula sa pagkakahawak sa braso ko ni Maya.
"Neal?"
"Anong ginagawa mo rito?" pagtataka ni Maya na parang naririnig ko ang magkahalong kabog sa dibdib niya at kaguluhan sa kaniyang pag-iisip.
Nadoble ang kabog sa dibdib ko, nung una na akala ko ay parang hinahabol lang ako ng aso ay parang pati kabayo ay humahabol na rin sa akin.
Kahit gusto akong pigilin ni Maya na lumingon...
"Neal?" Pagtingin ko sa kaniya mula sa likuran ko.
"Aa...aa.. di ka pa umuuwi?" " Hapon na ah.."
(Naguguluhan ako, bakit ko siya tinanong?)
Para akong binubuhusan ng malamig na tubig ngunit ang mga paa ko ay nakakababad sa tubig na kumukulo.
"Kayo! Bakit hindi pa kayo umuuwi?"
"Anong ginagawa niyo rito?"
"Ano? May moment kayo?" " Ang ini-init dito!"
"Hahahah! Ang weird niyo ha, kayo nalang ang natitira dito sa school"
Sunud-sunod na pagtatanong ni Neal na may halong pang-aasar.
Sa palagay ko wala siyang narinig sa kahit isang pinag-usapan namin ni Maya.
"Ikaw ang umuwi Neal, iwan mo na kami ni Payne, tama ka may moment kami at wala kang pake!
"Ooops... aren't you going to call me Ku...yah? Kuya Neal, right Maya?
May pagkamayabang lagi ang dating ng pagsasalita ni Neal, may paminsan-minsang pagkumpas ng kamay na parang laging nag-rarap.
Ang kilay niyang paminsan-minsan ay tumataas at mga mata niyang sumisingkit sa tuwing siya ay magsasalita.
Ang paghimas niya sa kaniyang baba habang nakapamulsa naman ang isa niyang kamay.
Ito ang mga kilos ni Neal na nakakapagpa-tunaw ng puso ko.
Na kahit nakapikit ako, nakikita ko pa rin ang mga galaw niya.
At sa lahat ng naging crush ko simula elementary, siya lang ang hindi maiwasan ng mga mata ko na tingnan.
Sa taas niyang 5'11 na kayang-kaya niyang abutin ang curtain rod ng kanilang classroom nang hindi gumagamit ng upuan.
At ang kaniyang kayumangging kulay na bunga ng training niya sa basketball ay kumikinang kapag natatamaan ng sikat ng araw."Kuya?!"
"Kuya mo mukha mo Neal!"
"Ooooh... respect naman diyan Maya.. mas nauuna ang birthday ko sa iyo, so... technically mas matanda ako sa iyo."
"Neal... please leave us alone, hindi pa kami tapos mag-usap ni Payne, we have to settle this, otherwise..."
"Otherwise...? Ano...?"
"Otherwise hindi kita kakausapin!"
"Wow...! Lupit nun ha!" pang-aasar ni Neal na may pagtakip pa ng kaniyang kamay sa bumilog niyang mga labi
"No, but seriously you have to leave right now, isasara na ni Manong guard ang gate."
"Let's go Payne! Alis na tayo, hayaan mo na si Maya diyan, hahahhahah!"
"Teka, Payne! Neal ano ba?!! Ibalik mo dito si Payne!"
Biglang hinatak ni Neal ang kaliwang kamay ko at agad-agad siyang lumakad ng mabilis.
Makikita naman ang matinding pagkainis ni Maya, ang sigaw niya na bumulabog sa mga ibon na nagpapahinga sa puno ay biglang lumipad ng mabilis sa direksyong bahala na,
At ang buhok niyang humarang sa buong mukha dahil sa matinding pagkamot nito
kasabay ng pagpadyak at pagdadabog niya kaya nabalot ng alikabok ng lupa ang kaniyang mga sapatos.
Wala akong nagawa kundi sumunod sa mga hakbang ni Neal.
Agad kong hinablot ang bag ko na parang matatanggal ang strap nito sa bigat ng laman ng mga libro.
Kagaya ng ginawa sa akin ni Maya nuong dalhin ako sa bench, ganun din ang ginawa sa akin ni Neal na paghatak.
Parehong mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko, ang pagkaka-iba lang ay ang pakiramdam.
Kung may halong kaba at inis ang naramdaman ko nuong hinawakan ako ni Maya, iba ang kay Neal...
Magkahalong kilig at tuwa, na may kung anong paru-paro ang naglalaro sa loob ng tyan ko.
Hindi ako makatingin sa katawan niya kahit sa mukha niya,
habang naglalakad kami ng mabilis papalayo kay Maya ay nakatingin lang ako sa kaliwang kamay ko na hawak ng kanang kamay niya.
Hindi ako makapag-salita.
Hindi ako maka-reklamo.
Hindi rin nawawala ang abot-taingang ngiti ko sa sandaling iyon.
Hindi ko na nakita ang iba pang ikinilos ni Maya.
Wala na akong balak makita dahil ayaw kong tanggalin ang paningin ko sa kamay ni Neal.
Habang mabilis ang hakbang namin ay parang slow-motion effect nang nangyayari.
Parang nasa isang movie na tumatakbo ng slow motion ang dalawang bida at nilalampasan ang mga magagandang nature sa backgound nila.
Iba ang sa amin ni Neal, slow motion pero fast pacing dahil ang mga dinaanan namin ay mga classrooms ng highschool, ang principal's office at entrance ng gymnasium,
puro buildings, wala manlang nature.
Sa bilis nito hindi ko napansin kung may natira pa bang estudyante sa lahat ng dinaanan namin.
Ngunit, nang nakarating na kami sa court ay bahagyang bumagal ang paghakbang ni Neal...
Tumigil siya gitna ng court... binitawan niya ang kamay ko...
Humarap siya sa akin...
"Ok ka lang Payne?" itinungo nya ng kaunti ang kaniyang ulo, hinawakan ang kanang balikat ko at nakangiti siya sa akin.
Sa height kong 5'2 ay tumingala ako sa kaniya nang dahan-dahan,
hapit na hapit ang pagkakahawak ko sa backpack at ipinuwesto ito sa harap ng dibdib ko.
"Ok lang ako Neal, Salamat ha."
Hindi ako makangiti, ang mga mata ko'y puno ng saya pero hindi nito magawang ipakita sa kaniya, nagtatago ang kaligayahn ko sa likod ng aking mabibilog na mga mata.
"Narinig ko ang pinag-uusapan niyo ni Maya"
"Ha? Alin dun? Lahat ba?" mas bumilog pa ang mga mata ko sa sinabi ni Neal
" Lahat, Payne.. Lahat. Pero ok lang.. eh .. so?"
"So alam mo nang maysakit ako?"
"Matagal na.. ok lang 'yun... hindi ka naman nananakit diba? Joke lang.."
"Pero... paano mo narinig? Nasaan ka?"
" Bibili sana ako sa canteen ng mineral water, pero nakita ko kayo ni Maya na hatak-hatak ka niya at nagmamadali kayong umupo"
"After kong bumili ng mineral water umupo ako sa bench, sa likod ng puno kung saan kayo naka-upo"
"Hmmp... chismoso." pagkunot-noo ko sa kaniya.
"Hindi naman sa ganun, kaya lang ang totoo niyan gusto talaga kitang makausap, naunahan lang ako ni Maya, kaya hinintay kong matapos kayo sa moment niyo..."
"Pero parang seryoso na kayo e dahil nasampal mo si Maya.. eh syempre kahit papaano eh... kapatid ko pa rin siya"
"Sorry"
"No, ok lang, I mean, hindi ok na sinampal mo siya, pero ok lang kasi kung iyon talaga ang nararamdaman mo nung time na 'yun diba?"
Sa buong panahon ng pag-uusap namin ni Neal ay hindi naaalis ang mga ngiti sa kanyang chinito eyes at makopa lips.
Gumaan ang pakiramdam ko kahit pa narinig niya ang pag-uusap namin ni Maya,
ang natandaan ko kasi, tanggap niya ako, alam ni Neal na maysakit ako at ok lang 'yun sa kaniya.
"Aahm.. Pasensya na Neal, kailangan ko ng umuwi, sabi mo nga baka isara na ni Manong Guard ang gate."
Ano pa man ang isasagot ni Neal, tumalikod na ako sa kaniya at inilagay ang backpack sa likod ko at dire-direcho na akong lumakad.
Ang alam ko mag-isa na ako nang makarating ako sa gate ng campus.
Lumingon ako sa likod bago ko pa tuluyang hawakan ang gate palabas.
Wala na si Neal... Napabuntong - hininga ako.
Naglakad ako papalayo ng campus,
dinaanan ang mga street food vendors na matatapos nang magligpit ng kanilang tinda.
Binubusinahan ako ng mga jeep sa gilid ng kalsada, ang iba ay nagtatanong kung sasakay ako...
Dire-direcho lang ako sa paglalakad na parang nakatakip lang ang mga tainga ko.
Magdidilim na, malapit ng mag-ala-sais ng gabi.
Pero ang mga hakbang ko ay hindi nagmamadali, patungo rin ito sa direksiyon na hindi ko alam.
Nakalutang ang isip ko.
Masaya ba ako na kinausap ako ni Neal?
O malungkot ba ako dahil nagkasagutan kami ng bestfriend ko?
Paano ko siya haharapin bukas?
Paano ko itutuloy ang naputol naming pag-uusap?
At si Neal, ano ang ikikilos ko sa kaniya, ngayong alam ko na alam na niya ang sakit ko?
"Maya, sandali!"
"Teka, boses ni Neal yun ah, nasundan niya ako? " Bulong ko sa sarili ko at dahilan kaya napahinto sa paghakbang ang mga paa ko.
Paglingon ko sa likod ay ilang hakbang nalang at malapit na siya sa akin, papapalapit ... ng papalapit...
"Grabe Payne napakabilis mong maglakad, may hinahabol ka ba?"
"Sabay na tayo... hatid na kita?"
Hinahabol ni Neal ang kaniyang hininga ngunit abot-tainga ang ngiti niya sa akin kasabay ng pag-aayos ng backpack na halos sumayad na sa lupa,
Napilitan akong ihinto ang pag-hakbang ko.
"Bakit ka sumunod?" Kunot-noo na may pamay-awang na tanong sa kaniya
"Eeh, bakit hindi ba pwede?" panggagaya nya ng kilos ko
"Tara hatid na kita, malayo ba ang bahay nyo?" palinga-linga niyang tanong sa akin
Itinuloy ko na anv paglalakad ko habang nakikipag-usap ako kay Neal,
siya naman ay napakalikot na parang kiti-kiti, minsang nasa kaliwa ko,
minsan naman ay patalikod ang lakad niya habang nakaharap siyang nakikipag-usap sa akin.
"Malayo, mapapagod ka lang". Titig ko sa kaniya
"Huh? Kailan ako napagod?"
"Athlete kaya toh?" sabay lilis ng polo sleeves niya upang ipakita ang kaniyang muscles,
Hindi toned ang muscles nya pero makikita na ng kaunti ang hulma ng kaniyang paghihirap sa training
"Kahit sino napapagod..."
patuloy pa rin ako sa paglalakad at pumuwesto si Neal sa left side ko.
"Mukhang mabigat ang bag mo Payne, gusto mo dalhin ko?"
"Hindi, kaya ko naman thank you" ngiti ko sa kaniya kahit sa isip ko ay...
(sige na nga, bitbitin mo na itong bag ko sabay pa- cute kong pag-ipit ng buhok sa kanang tainga ko na may pabebeng pangiti)
"So.. ano pwede ba kitang ihatid?" pabulong niyang pagtatanong sa kaliwang tainga ko "Ngek... eh, sa pagsabay mo po sa akin ngayon Ser ay parang inihahatid mo na nga ako diba?",paghalukipkip ng mga kamay ko sa dibdib ko at pagtaas ng kanang kilay sa kaniya.
"Yes po Ma'am!"
At sumaludo pa nga sa akin ang makulit na si Neal.
"Sige, sige ganito nalang, straight to the point tayo..."
"Huh?" naguluhan ako at kinabahan sa kung anong sasabihin niya
"I want to know you better, Payne"
"..and why do u want to know me better? Liligawan mo ba ako?"
Sa isip ko... (oh no! bakit mo tinanong iyun Payne para kang tanga!)
"Woooh!" biglang sigaw ni Neal at napatingala pa nga
"So hindi? Sorry ha? Im so straightforward."(haay naku Payne... nakakahiya ka talaga...lupa kainin mo na'ko!)
"Hahahah! But you're right Payne!"
"And...I was just about to say that!" sabay ngiti niya at bahagya kong nasilip ang mapuputi niyang mga ngipin
"Say what Neal?"
(naku Payne, ano ba ito, revelations na ba ituuu...? Haay..Sana.. pero baka mahopia ka... )
"Na. Exactly! Liligawan kita.. bakit masama ba?"
"Hindi ba pwede?"
"I dont know Neal.." pag-kibit balikat ko sa kaniya
"What do you mean you dont know?"
Humarap siya sa akin at huminto kami sa paglalakad.
"And wait can't we just stop for a while, san ka ba pupunta?"
"Hello, dun pa po Ser sa kabilang kanto ng Aguinaldo Street ang sakayan ng jeep papunta sa amin."
"Ooh, sige pero may nakikita akong 1Shop24 Convenience Store .. pwede ba mag stop by muna tayo"
(oh my gosh Payne, sa korean drama ko lang napapanood ang mga ganitong scenes, papasok sa convenience store, mag-uusap at anong kasunod Payne? Mag-kikkiss? oh no!! Stop Payne! Stop with your illusion!)
Pati ang nagtatalong mga konsensya ko ay naguluhan sa mga sinasabi ni Neal.
"Naku hindi hahanapin ako ng mommy ko magaalala yun"
"Ooops umaambon na, Payne", pagbukas niya ng palad niya para saluhin ang ilang patak ng ulan
At biglang lumakas ang ulan...
Tumakbo kami papuntang 1Shop24,
pinandungan nya ang ulo ko ng backpack nya at bahagya syang umakbay sa akin.
Nang makapasok na kami sa 1Shop24 ay nanatili ang pag-akbay nya sa akin
"Aahm..Neal, pwede mo na sigurong tanggalin ang kamay mo", habang nakatingin ako sa lane ng mga snacks
"Aay sori ayaw ko Payne"
Siniko ko siya sa kanang bahagi ng kaniyang tagiliran.
"Ouch! sorry.. ito na tatanggalin ko na po Ma'am", dahan dahan niyang iniangat ang braso nya sa mula balikat ko.
Niyakap ko ang sarili ko ng nanlalamig kong mga kamay.
"Payne...malamig diba?"
"Hindi naman..."
"Gutom ka?"
"Hindi rin...ikaw?"
"Dun tayo Payne may bakante pang upuan"
Itinuro niya ang natitirang dalawang bakanteng upuan malapit sa cashier.
Habang papalapit kami ay...
biglang kinuha ng isang matabang lalaki na halos kasing-liit ko ang upuan at inilagay ito sa kabilang lamesa malapit sa lane ng bath essentials.
"Oops.. cge na Payne ikaw nalang umupo"
"Waiting list nalang ako"
Ini-ayos ko ang upuan ko at hinahanap ko ang pink face towel ko sa bag ko.
"Ito nalang, goodmorning towel ko kahit goodevening na ngayon" offer sa akin ni Neal.
Kinuha ko sabay...
" thank u", habang tinutuyo ko ang buhok ko at pinupunasan ang nabasa kong palda at blouse.
'"Noodles gusto mo?" pag-aalok ni Neal
"Aahm..'huwag na ok alng ako, ikaaw baka gusto mo"
Umalis na ang lalaking umagaw ng upuan ni Neal kaya kinuha niya ito.
"Payne, bantayan mo 'tong upuan ko ha, may bibilhin lang ako, babalik agad ako"
"Ah ok, sige" nakangiti kong assurance sa kaniya habang papunta na siya sa lane ng mga snacks.
Habang tinitingnan ko ang cellphone ko, "wala pang text message si Mommy, bakit kaya hindi pa ako hinahanap?"
"Payne..." iniabot sa akin ni Neal ang tatlong piraso ng 2finger-KrispyKut chocolate
"Huh? Para saan ito Neal?"
na stuck ang kamay ko sa pagkakahawak ng cellphone at ang mga mata ko nama'y nakatitig lang sa chocolates.
"Wala Payne... I am just hoping that you can give me a chance to show my feelings for you."
Wala akong maisip na tamang salita sa kaniya, natatakot ako sa pwede kong isagot...
"Ahhm... Neal... Uuwi na ako..."
"You know... I can wait." "if you're not yet ready for a relationship, then I'll just wait patiently." "Neal, I am not normal." "So am I Payne!" "No... you don't get it, you will have a hard time dealing with me." "So, I take the challenge." "Kaya mo bang magtiis? Pang - outer space ang tantrums ko Neal." "Pareho lang tayo, so you also have to deal with me." "Bakit ako? Bakit nagustuhan mo ako?" "Hmmm... Bakit nga ba Payne? at Bakit hindi ikaw?" "Sabi ni Maya idadagdag mo lang daw ako sa collection mo..." "Wow, collection talaga ha... correction, hindi collection kundi chapter ng buhay ko, at malay mo ikaw na ang ending." "Neal, anong nagustuhan mo sa akin? I'm weird, I'm autistic, I have split personality, I have ...""You have brains and beauty and authenticity and kindness and softest hand I have ever hold in my whole life" Wala akong naisagot sa sinabing 'yun ni Neal.
"Hello, may I speak with Payne please." Mala- Rey Langit na boses ang narinig ko sa kabilang linya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ibababa ko nalang ang tawag. Tinanggal ko ito sa pagkakacharge. Nag-aalangan man akong sagutin... "Aahm.. hello po... si Payne po ito," medyo shaky ang boses ko dahil sa kaba. "Oh, hello Payne! Ikaw ay nanalo ng tumataginting na ONE HUNDRED THOUSAND PESOS!" Tumindi pa ang mala-Rey Langit niyang boses with matching drum rolls pa. Huh? Wala naman akong sinalihang raffle ah. My gosh hindi kaya scam ito. Baka hihingin ang details ko tapos pupuntahan kami dito sa bahay tapos papasukin kami. Oh no! Marami na talagang scammers ngayon. Haay! Kakagigil! "Naku ho, eh wala naman ho kaming sinalihang pa-raffle, nagkakamali ho kayo." "Oh, Ms. Payne, hindi ako nagkakamali. Ms. Payne Framania... tama ba?" "Huh? opo ako nga po, pero imposibleng... wait scammer ka ano? Akala mo ma
Kumakatok si mommy sa pinto. Nagdadalawang isip ako kung sasagot ako sa katok ni mommy or I will just pretend to be sleeping already. Pero palakas ng palakas ang katok ni mommy na parang gumagalaw na ang pinto. "Payne...sinong kausap mo? Sumagot ka nga! Or better yet e buksan mo itong pinto. "Hala Payne! Baka tinatawag ka na ni tita." "Tita ka diyan! Oh wait, I will just open the door." Tumayo na ako mula sa aking bed, iniwan ang cellphone ko sa ilalim ng unan kong kulay pink at bago pa ako makapunta sa pinto ay biglang... "Payne, si Neal ba ang kausap mo?" tanong ni mommy habang naka-taas ang kaniyang kilay at naka-halukipkip ang kaniyang mga braso sa unahan ng kaniyang dibdib. Binuksan na niya ang pinto ko at palinga-linga ang kaniyang tingin sa bawat sulok ng kwarto ko na parang hinahanap ang aking cellphone. "Aah.. Hindi po mommy..." paulit-ulit kong hinahawakan ang bahaging ibaba ng tai
Hindi ko inaasahan na itatanong iyon ni Mommy kay Neal. Ang buong akala ko ay ayaw niyang ituloy ko itong feelings ko for Neal. Pero bakit ganoon ang tanong niya kay Neal? Pumapayag na ba siya na magdate kami ng crush ko? "Ppp...po.. ti..ta?" maririnig sa boses ni Neal ang malakas na kabog sa kaniyang dibdib. "Ang tanong ko, anong oras mo susunduin si Payne bukas dito sa bahay? Oh diba akala ko may date daw kayo? "Aahm... 8:30 po ng tomorrow morning tita." mabilis pa sa alas kwatro na sagot ni Neal. "Ok, ingatan mo si Payne ha?" "Opo ma'am!." Naiisip kong sumaludo pa si Neal kasabay ng pagsagot niya ng "opo" kay mommy. Hindi nakangiti si mommy. Agad niyang pinindot ang end call pagkasagot ni Neal. Iniabot ni mommy sa akin ang cellphone ko... "Here's your phone Payne, matulog ka na." Bago pa man ako sumagot ay lumabas na ng kwarto si mommy. Hindi ko na sinub
Kumukumpas ang kamay ni Neal para lumapit ako sa kaniya. Ngunit hindi ako makalakad sa gitna ng mga nagtatakbuhang mga tao na umiiwas mabasa ng palakas at palakas pang mga patak ng ulan. Ilang segundo pa ang nakalipas at naaaninag kong papalapit ng papalapit na si Neal sa akin. Hinigit bigla ang kaliwang kamay ko at wala akong nagawa kundi tumakbo at sundan siya sa direksyong hindi ko alam kung saan ang punta. "Bilisan mo Payne basang-basa na tayo!" Tumatawa si Neal habang tumatakbo kami at hawak niya ang kamay ko. Slow motion effect. Nilalampasan namin lahat ng halaman at mga malalaking puno, nasasaktan ang mga clay brick pavers sa mabibigat naming mga paa sa pagtakbo habang hinahawi ni Neal ang lahat ng mga taong nakakasalubong namin. "Oh dito muna tayo sumilong sa mushroom cottage. Haay! Wrong timing naman si ulan!" Habang pinupunasan ni Neal ng basa niyang mga kamay ang t-shirt niya at pantalon.
Dali - dali akong tumayo at pinagpagan ang pwetan ko dahil naghalo sa damit ko ang kaunting basa ng ulan mula sa slide at buhangin mula sa lupa, buti nalang naka-jeans ako. Natanaw ko ang water fountain na nasa may see-saw area. "Tara, 'dun tayo sa may water fountain." Lumiyad patalikod si Neal at bahagyang ginawang tambol ang kaniyang tiyan. "Hmmm.. kain muna tayo Payne...gutom na ako eh." Tumalikod ako sa kaniya at hindi ko tinatanggal ang pagtingin ko sa see-saw area. "Aaa.. lunch na ba?" "Hmm..." Tumingin si Neal sa kaniyang brown leather wristwatch. "11:47 na po Ma'am, malapit na mag-alas dose. Ano, lunch muna tayo? May malapit na coffee shop diyan bago mag-exit ng Eco Park." Hindi pa ako nakakasagot ng oo... Hinawakan nanaman ni Neal ang kaliwang kamay ko at napilitan nanaman ang mga paa kong maglakad sa direksyong nilalakaran ni Neal. Nilampasan namin ang see-saw area.
Bakit kaya biglang nagtanong si Neal tungkol sa katauhan ko? Ayaw na kaya niya akong makasama? "Nnn...neal? Ako lang 'to si Payne!" Tumalikod na siya at at ang boses niya na kasing lamig ng yelo sa freezer ay nagsabing... "Owwss.. talaga?" May dumaang anghel, wala akong naisagot. Sa sobrang katahimikan ay parang nabingi ang mga tainga ko at nagsara ang mga ito. Kahit ang ingay sa paligid ko ay hindi ko naririnig. Humarap siya sa akin na nakakunot ang pagitan ang kaniyang mga mata. "Joke!! Grabe ka naman Payne Sobrang seryoso mo!" Patakbo akong lumapit sa kaniya at pinagpapalo ang balikat niyang pinipilit kong abutin. "Aray Payne! Hahahhaha! Tama na.. grabe oh di mabiro! Aaaray!" "Nakakainis ka kasi!" Pinigilan niya ang mga kamay ko sa pagpalo sa magkabila niyang balikat. Niyakap niya ako. Mahigpit. Nagfreeze ang mga taong naglalakad sa paligid namin.
Parang lumabo ang paningin ko. Ilang beses kong kinusot ang mga mata ko para matiyak kung si Maya nga ang nakikita ko. Parang nahilo ako at biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa kanang sentido ko. Nakatingin sa akin ng masama si Maya, parang napakarami niyang gustong itanong sa akin. "Payne, bakit kasama mo ito?" Sa akin nakatingin si Maya pero ang hintuturo niya ay nakatapat kay Neal. "Maya, relax, nag-date lang kami sa Eco park." Hindi ni Maya tinitingnan si Neal at hindi rin niya ito sinasagot. Habang nakatingin lang ako sa mga paa kong tinatapakan ang naipong tubig ulan sa lupa at paulit--ulit na nag-ii-snap ang dalawa kong mga daliri sa kamay. "Whaat?! Date?! Kayong dalawa?! Sa Eco Park?! " Tumaas ang boses ni Maya na parang 8 octave sa piano at pinagtitinginan kami ng mga taong dumadaan sa tabi namin. "So...? Masama ba 'yun Maya?" "Neal please,
Tanging ang kaunting sinag ng araw na kumakawala sa bawat siwang ng bintana na nakapalibot sa loob ng gymnasium ang nakikita ng lahat ng mga estudyante, guro at mga magulang. May spotlight na nakatutok sa dulong bahagi ng stage kung saan napukaw nito ang atensyon ng lahat. Dahan - dahang naglakad si Neal papalapit kay Payne na may hawak na bouquet of roses, kasunod niya ang kanilang mga kaibigan na kumakanta ng “We’ve Only just Began”. Iniabot ni Neal ang bouquet kay Payne at tila nanginginid ang luha ng dalagang ng kaniyang iunat ang kaniyang mga kamay at hawakan ang mga bulaklak, tumingin siya ng bahagya kay Maya at ang ngitian nila ang tanda ng pagpapasalamat nila sa isa’t isa. Nagsitayuan ang lahat ng mga magulang, mga guro at lahat ng estudyante ng sabayan nila ang pagkanta ng mga magkakaibigan sa stage. Natapos ang isang awitin ngunit inulit ng mga estudyante ang chorus habang nagyayakapan silang magkakaibigan, magkakaklase at kahit ang kanilang mga saglit na nakaalitan. Reco
Mabilis ang pag-paling ng ulo ni Payne sa kaliwa't kanan, naguguluhan siya sa mga nangyayari sa kaniya. Pilit na kinakalma ni Neal ang kaniyang sarili upang hndi maramdaman ni Payne ang kanyang pag- aalala. Si Ayla naman ay mas nangingibabaw sa kaniyang damdamin at kilos ang pagiging doktor kaya naman nanatili siyang kalmado at may kontrol sa lahat ng nangyayari kaysa pagiging ina na magpapanic sa pinapakitang kilos ng kaniyang anak."Sandali Payne anong nangyayari sa' yo? Sinong baby? Anong baby ang sinasabi mo?" mababakas ang panginginig sa boses ni Neal at halos gusto niyang yakapin si Payne.Nakatingin si Payne sa kawalan habang dahn- dahang tumutulo ang kaniyang mga luha, "Tinanggal nila ang baby natin Neal. Nasaan na ang baby natin? Sorry Neal, sorry...""Mommy sorry po nakagawa kami ng kasalanan ni Neal Patawarin mo po kami mommy."Kumunot ang noo ni Ayla na tila ba nahihiwagaan siya sa rebelasyon ngkaniyang anak. Nakatitig lamang si Neal habang mahigpit niyang hawak ang kama
Tanging ang mahinang ilaw sa poste na nasa labas gate ang nagsisilbing sinag sa maliit at madilim na silid na pinasukan nina Neal at Payne. Sa mabilis na pagbukas ni Neal ng pinto upang maiwasang mabasa sila ng ulan ay napaatras siy ang tatlong segundo at saka dahan -dahan namang inihahakbang niya ang kaniyang mga paa papasok sa silid.Nag - alangan ang mga paa ni Payne na pumasok nang makita niyang madilim at tila nakakatakot ang silid, "Umuwi na tayo Neal, tara na, baka makasabay pa natin sin Maya papalabas ng gate baka may dala silang payong makisilong nalang tayo."Dahan - dahang naglakbay ang mainit na palad ni Neal sa kaliwang kamay ni Payne at buong higpit niya itong tinitigan na para bang sinasabi niyang ibigay lang ang buong tiwala sa kaniya dahil nasa mabuti siyang kamay , bumulong ito ng, "Magpapatila lang tayo ng ulan, baka magkasakit ka, mapagalitan pa ako ni Tita Ayla, saglit lang tayo rito."&nbs
Sabado. Mag - aalas - singko ng hapon. Sa isang madilim at puting kwarto na may malaking salamin ay makikitang nakaupo si Payne na naka - khaki shorts with brown sleeveless top sa dulo ng kama, at si Neal na nakadamit ng white t-shirt at faded jeans ay nakatungo habang nakaupo sa silyang malapit sa isang 32 inches na TV.Mag sasampung minuto nang nababalot ng katahimikan ang paligid. Tanging ang mga buntong - hininga ng magkabilang panig ang maririnig sa bawat sulok ng silid.Biglang tumayo si Payne at itiniklop ang kaniyang mga braso sa unahan ng kaniynag dibdib, "Fine! Nakapag - desisyon na ako. Ako rin naman ang mahihirapan kapag tinuloy ko ito, hindi ba? Katawan ko ito, buhay ko ito. Wala kang pakialam!" Nanginginig ang mukha ni Payne at pinipigalan ang kaniyang mga mata na ilabas ang luha dahil nagtatapang - tapangan siya sa harap n Neal.Tumalikod si Payne at humarap sa bintana upang hindi makita ni Neal ang kaniya
Dahan - dahang iminumulat ni Payne ang kaniyang mga mata, nararamdaman niyang parang may naka dagan sa kaniyang buong katawan. Mula ulo hanggang sa kaniyang mga paa ay hirap na hirap niyang igalaw. Tanging ang kaniyang mga daliri ang may natitirang lakas para damhin ang hangin sa kaniyang paligid.Tila hinaharangan ng hangin ang kaniyang mga tainga kung kaya't sinasala nito ang mga tunog bago pa pumasok sa loob at iproseso ng utak niya. Ang kaniyang pang - amoy ay mas naging sensitibo, ngunit hindi mawari kung anong amoy ang nag- aagawang pumasok sa kaniyang isipan. Nagugulan. Namamagha. Naaaliw. Dahil sa unang pagkakataon, ang kaniyang kaisipan ay malaya at naninibago.Sa kabigatan ng nararamdaman ni Payne sa pagkakataong iyon ay minabuti niyang muling pumikit at damhin ang lamig ng kapaligiran. Ang lamig na dumadaloy sa bawat balahibo ng kaniyang mga braso. Dahan - dahang makikita sa kaniyang mga labi ang kaligayahan sa sandali
Sa isang slow motion effect ay makikitang nagtatawanan sina Gilbert, Maven, at Alvin habang pinagsasaluhan ang inihanda nilang pagkain sa kaarawan ni Neal. Habang si Neal naman ay pigil na pigil sa pagtawa at halos sumakit na ang tyan sa corny jokes ni Gilbert.Sa paulit- ulit na tukso ni Maven kay Gilbert ay mukhang gusto na nga niyang totohanin ang panliligaw kay Shara, ngunit katulad ng iba na may separation anxiety ayaw rin niyang pumasok sa isang relasyon lalo pa nga at malapit na ang graduation nila.Hindi rin siya sigurado kung pareho sila ng papasukan sa college, ngunit si Neal naman ay nagpayo ng "It's better to take the risk than regretting it" pagdating sa love.Kagaya ng ibang typical high school students, masyado pa rin naman silang newbie sa karanasan pagdating sa pakikipagrelasyon, at si Maven naman, sa pagiging relihiyoso niya ay mas pinipili niyang makapagtapos mun
Ilang minuto na ang nakakalipas at nagtatalo ang mga mata nina Shara at Gilbert kung sino ang magbubukas ng pinto, nagsalubong ang mga nakangiting mata nina Alvin at Neal ngunit inihakbang ni Maya ng mabilis ang kaniyang mga paa at lumapit sa pinto, bumuntong hininga.Kung gaano kabilis ang hakbang ni Maya ay ganun rin naman kabagal ang kaniyang kamay para abutin ang doorknob. Napapikit siya ng ilang segundo at inilapat ang kaniyang kanang kamay sa malamig na metal ng doorknob.Sinadya ni Maven na itaas ang kaniyang boses sa nakatalikod na si Maya, Sige na buksan mo na, parang alam mo na din naman kung sino 'yang kumakatok."Nagkibit - balikat lamang si Maya at dahan - dahang binuksan ng pinto...Naunang magpakita ang cake na may kandilang hugis letra, "16" na hinahawakan ng mga malalambot at maputing mga kamay ni..."Tita? Tita Penny? ... Mm... Ma? " Sa mga sandali
Limang minuto bago mag ala- sais nang lumapat ang kaliwang kamay ni Neal sa kaniyang kaliwang mata upang kuyumusin ito. Espesyal ang araw na ito para sa kaniya, bukod sa kaarawan niya, ngayon rin ang unang pagkakataon na mayroon siyang makakasamang girlfriend sa kaniyang kaarawan.Madalas kasi sa mga nauna na niyang relasyon na wala namang nagtagal, bago sumapit ang kaniyang kaarawan ay naghihiwalay na sila. Tinuring na nga niya itong kamalasan dahil kahit anong pilit niya ay mas pinipilit ng panahon na mag- isa siya sa kaniyang kaarawan.Bukod sa nabulabog ang kaniyang tainga sa alarm ng kaniyang cellphone, napilitan siyang buksan ang natutulog niyang mga mata at diwa sa pag- hawi ng kurtina ng nurse na nag- check ng kaniyang vitals.Maayos na ang pakiramdam ni Neal, at nakakagamit na rin sya ng cellphone, naiigalaw na niyang maayos ang kanyang mga kamay at braso. Sa ilang segundo ay itiniklop niyang muli
Lumapit ang pulis kay Alvin at tinulungang itayo ang binata, "Narinig mo pinapatawad ka na at hindi kana idedemanda.""Anak...?" Naguguluhang tawag ni Penny kay Neal."Tama po ang narinig nyo Ma, gusto ko na pong matapos ito. Gusto ko na po agad gumaling, pagkagaling ko, gusto ko pong magsimula tayong muli. Hilumin po natin ang nakaraan Ma, kasama sina Tita Shane at Maya."Napatakbo si Penny kay Neal at pinalibutan nya ng mapagmahal nyang mga braso ang di makagalaw nakatawan ng anak. Ramdam na ramdam ni Neal ang pagmamahal ng kanyang ina sa mga bisig nitong punung - puno ng pangungulila. Hindi napigilan ng lahat na maging emosyonal at mapaluha ng bahagya sa nasaksihan."Anak, napaka - buti ng puso mo, ayaw mong maghiganti sa taong nagkasala sayo. Proud ako, ganyan pala kita pinalaki.""Ma, deserve ko po lahat ng nangyari sa akin at gusto ko na pong itama ang lahat.