Nagbubulungan sila at tumitingin sa amin na tila ba hinuhusgahan kami.
"Maya, huwag naman dito, nakakahiya sa mga dumadaan. Dun nalang tayo umupo malapit sa canteen. Dun nalang tayo sa bench mag-usap please." pag mamaka- awa ko kay Maya.
Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako, "Sige Payne, pero mangako kang sasabihin mo sa akin ang lahat."
Naunang naglakad si Maya papuntang canteen at sinundan ko siya na may pag-aalinlangan.
Halos ayaw kong ihakbang ang mga paa ko.
Naisip kong magdahilan pero wala na akong magawa dahil na-corner na niya ako.
Hindi ako sigurado sa mga sasabihin ko kay Maya. Hindi ako siguradong maiintindihan niya ako.
Hindi ko siguradong maiintindihan niya ang pagtatago ko ng feelings kay Neal. Baka ito pa ang makasira ng friendship namin ni Maya.
Tila humahawi ang mga tao sa bawat dinadaanan namin dahil mabilis na naglalakad si Maya, at ako naman ay halos humabol na sa kaniya.
Sa paglampas namin sa huling classroom ng senior ay nakakita siya ng bakanteng bench na malapit sa canteen.
Hindi na mainit ang simoy ng hangin dahil magaala-singko na ng hapon.
Nagsisi-uwian na rin ang mga estudyante at isa-isa nang nababakante ang mga benches.
At nuong nakakita na ng bakanteng bangko si Maya, mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa kaliwang kamay ko.
Ramdam na ramdam ko ang masakit at mahigpit na pagkakahawak niya na parang mangangalas na ang kamay ko mula sa braso ko.
Ksabay ng physical pain ko ay ang emotional pain na parang ipinapasa sa akin ni Maya, nakakapanghina ng kalamnan.
Mas tolerable yata ang physical pain kaysa emotional pain dahil pati kaluluwa mo ay nakakaramdam ng sakit.
Mas binilisan pa niya ang hakbang nang tamaan kami ng huling sikat ng araw sa hapong iyon at para na rin makaupo agad kami sa bench.
At sa pag-upo ni Maya ay halos matumba na ako. Kalahati pa lang ng puwet ko ang nakaka-upo nang bigla siyang...
"Wait ha, ire-remind ko lang sa'yo Payne for the nth time just in case na hindi mo alam o nalimutan mo na ang mga naikwento ko sa'yo o sinadya mong makalimutan... "
Sinasabi niya ito na parang sinisisi niya ako sa pagkakaroon ko ng selective amnesia.
"STEP BROTHER ko si Neal diba?
Kaaway, Payne, kaaway kong mortal! Malaking kontrabida sa buhay namin ni Mama. Malaking balakid sa mga plano ko.Malaking harang sa bright future ko."
Galit na galit siyang iniisa-isa ang mga salitang nagpapa-ala-ala sa akin kung paano gumuho ang mundo nila ng Mama niya na si Tita Shane nang malaman niyang nakabuntis na ibang babae ang Papa niya.
"Maya..." hinawakan ko ang kamay niyang parang ice sa lamig, tinitigan ko siyang may pangungumbinsi sa mga mata kong naliligo na sa luha at malumanay ko siyang sinagot.
"Payne, ano ba?" binitawan niya ang kamay ko at muli siyang tumitig sa akin.
Makikita mo ang pagka-fierce ng mukha niya, ang mga mata niyang puno ng galit at pigil na luha.
Naka-kunot ang kaniyang noo at nanginginig ang namumutla niyang labi.
"You don't deserve him Payne. Nabuo siya out of mistake, sabay na nabuntis ang Mama niya at Mama ko. Konting araw lang ang pagitan namin at halos kambal na kami. Lalake siya kaya kahit kami ang legal na pamilya, sa mata ng Papa ko siya lang ang first born, precious, at mas mahalaga."
"Alam mo naman ang tradisyon sa Chinese family diba?" mangiyak-ngiyak niyang ikinukwento ulit ang lahat sa akin.
"Kailangan ko pa bang i-refresh sa iyo Payne lahat ng dahilan ng pag-iyak ko sa'yo halos araw-araw simula nung elementary tayo?"
"Inggit na inggit ako sa kaniya Payne, galit na galit ako kay Neal, sa Mama niya, kay Papa!"
dagdag na sabi pa ni Maya habang pinipigilan niya pa rin ang pagtulo ng luha niya.
Parang naging bato na ang puso ni Maya sa issue ng pamilya niya.
Kahit minsan ay naaapektuhan pa rin siya pero alam kong idina-divert niya agad sa iba kapag napag-uusapan ay tungkol sa pamilya.
"Nawala na si Papa sa amin Payne, pati ba naman ikaw, mawawala ka din sa akin? Iiwan mo din ba ako, ha? Payne?" pagtatanong niya na may pag pisil ng mahigpit sa mga kamay ko.
Dito na tumungo ang ulo niya at tuluyang humagulgol si Maya.
Sumisigaw ang kaniyang kaluluwa sa bawat luha na lumalapat sa kaniyang magkabilang pisngi papunta sa kaniyang labi hanggang sa kanyang leeg.
Nanginginig ang kaniyang mga balikat at mga kamay.
Ang mga paa niya'y tila napako na sa lupa.
Biglang nag-flashback sa akin ang unang araw na umiyak si Maya sa balikat ko.
Grade 3 kami nuon, araw ng Martes, 7:38 ng umaga.
Pareho kaming nahuli sa Flag Ceremony ni Maya kaya napagsarhan na kami ng gate ni Manong Guard.
Dumating siyang ang Yaya Carin niya ang naghatid sa kaniya, hindi si Tita Shane.
"Uyy, Maya, ok ka lang?" pagtapik kong bahagya sa balikat niya
"Payne, wag ngayon please?" pagtalikod niya sa akin.
"So...hindi ka ok, bakit? Anong nangyari? Bakit hindi si Tita Shane ang naghatid sa'yo? pangungulit kong pagtatanong sa kaniya.
"Umuwi si Papa sa bahay, may dalang batang lalake, kapatid ko daw."
"Oh, tapos?"
"Pareho kami ng edad, ayun umiyak na ng umiyak si Mama" habang pinapahiran niya ang mukha niyang naliligo sa luha at ang mga mata niyang namumugto kakaiyak.
"Kapatid mo? Wait... Bakit umiyak si Tita?" naguguluhan pa ako nuon sa mga sinabi niya sa akin dahil hindi ko talaga maintindihan ang mga sinasabi niya.
"Brother ko sabi ni Papa, pero iba ang Mama niya. Neal daw ang name niya sabi ni Papa. Dapat daw maging close kami. Dapat daw matuwa ako kasi may kapatid na ako. Ka-age ko lang si Neal. Pareho kaming grade three student pero sa ibang school siya pumapasok. October 20 ang birthday niya."
paliwanag ni Maya habang wala nang tumutulong luha sa kniyang mga mata.
Ako na nakikinig lang sa kaniya ay bigla kong nasabi..."October 20? Eh diba October 31 birthday mo Maya?"
"'Yun na nga Payne, ilang araw lang ang pagitan ng birthday namin. Hindi ko din maintindihan basta bigla nalang nag-freak out si Mama nung narinig niya 'yun kay Papa. Ako naman e napa-iyak nalang din kasi iyak ng iyak si Mama."
Natigil ang pag-uusap namin nang tawagin kami ni Manong Guard dahil kami nalang ang natira sa labas ng campus at ang lahat ay nakapasok na.
Para sa isang grade 3 student, ang naintindihan ko lang ay magkaiba ang Mama nina Neal at Maya pero pareho sila ng Papa.
"Pwede pala 'yun?" pagtatanong ko sa sarili ko habang naglalakad ako kasunod ni Maya.
At kinabukasan ay saka ikinuwento sa akin ni Payne na sabay ang Mama niya at ang Mama ni Neal na nagbuntis.
"Hindi ito alam ni Mama, Payne." pailing-iling niyang pagpapaliwanag sa akin.
Dagdag pa ni Maya, "ang alam lang Mama ay laging busy si Papa sa hardware business namin kasi nga tatlo na ang branches at may bubuksan pa siyang pang-apat na branch malapit sa isang hospital."
"Sabi ni Mama pinili niyang maging plain housewife at iwan ang pagiging career woman niya kahit Senior Editor na siya sa isang advertising company kasi nga maselan ang pagbubuntis niya sa akin."
pagpapaliwanag ni Maya habang ako naman ay ginagampanan ang pagiging mabuting bestfriend sa kaniya, ang being a good listener.
Naiyak nanaman siya ng sabihin niyang, " habang buntis pala si Mama sa akin Payne ay naka-buntis din si Papa ng isang doctora na nagtatrabaho sa ospital na malapit sa Hardware shop ni Papa."
"Sige lang, iiyak mo lang 'yan, ilabas mo lang Maya, andito lang ako para makinig sa'yo." nakangiti ako while giving comforting words to Maya at dahan-dahang hinahagod ng kanang kamay ko ang likod niya ,hawak ko naman ang kaliwang braso niya ng kaliwa ko ding kamay.
"Hindi naman kasi nagbago sa amin si Papa. Hindi siya umaabsent sa mga mahahalagang okasyon ng pamilya namin. Napaka-sweet at caring niya sa amin ni Mama. Kahit paminsan-minsan ay kina Amah siya natutulog kasi mas malapit ang shop niya sa lola ko."
"'yun pala ay may ibang babae si Papa, at nung nalaman niyang boy ang magiging anak niya sa docktorang 'yun ay naging pabor ang relasyon nila kay Amah."
"Sa Chinese, precious ang baby boy kaya si Amah ok lang may babae si Papa."
"Natatakot ako Payne, baka iwanan kami ni Papa."tuloy-tuloy ang pag-iyak niya at ramdam kong pagod na pagod na ang mga mata niya.
Kinuha ko sa bag ko ang baon kong Mineral water na hindi ko pa nabubuksan dahil mas pinili kong kumuha sa water station ng canteen. Binuksan ko ito at bahagyang natapon sa palda ko.
"oh heto, uminom ka muna", habang ibinibigay ko ang mineral water kay Maya at pinili kong maiwan sa kamay ko ang takip ng bote.
"Ok lang yan Maya, hindi kita iiwanan, andito lang ako, kahit iwan ka pa ng lahat ng tao sa paligid mo, di ako aalis." nakangiti kong sabi sa kaniya.
Niyakap ko siya ng mahigpit at pinahid ng puti kong panyo ang namumugto niyang mga mata.
Dumating na ang sundo niyang si Yaya Carin at nagtawanan nalang kami.
Nakatitig lang ako sa kanya habang papalabas na siyang kumakaway sa gate ng campus. Bumalik sa isip ko ang mga depressing moments ni Maya nuong grade 6 kami.
May mga times na nauunang puntahan ng Papa niya ang birthday celebration ni Neal. Makikita nalang niya na naka-post na ito sa F* wall niya.
Pakiramdam niya ay mas mahal ng Papa niya ang step brother niya.
Kahit palipat-lipat ito ng school dahil sa pagiging gangster nito sa kahit saang eskwelahan na mapasukan niya.
"Naala-ala ko na Maya, di mo na kailang i-refresh sa isip ko." Ini-angat ko ang katawan niya mula sa pagkakayuko, at niyakap ko siya.
"Mas mahal ni Papa c Neal. Bago mamatay si Papa mas malaking bahagi ng mana ang napunta kay Neal at sa Mama niya. Gumuho ang mga pangarap kong maipagpatayo si Mama ng malaking bahay na may swimming pool gaya ng bahay nina Neal."
Nag-iba bigla ang tono ni Maya, muli siyang nagalit, "ilan na bang naging girlfriend ni Neal simula freshmen?ilan na din bang babae ang niloko niya at pinaglaruan?" pagtataas ng boses sa akin ni Maya.
"ayokong mapabilang ka sa kanila Payne. Isa ka lang sa idadagdag sa collection ni Neal at hindi ko hahayaang mangyari 'yun Payne"
Kahit alam kong concern si Maya sa akin, nagdalawang -isip pa rin ako.
"Sinasabi mo ba 'yan sa akin Maya dahil concern ka sa akin o dahil alam mong maysakit ako?" lakas-loob kong pagtatanong sa kaniya.
Natigilan siya at biglang nag-iba ang tingin sa akin. Ang dati niyang mala-tiger look ay napalitan ng takot at pagkagulat. "Ha? Hindi Payne."
"Alam mo kasing maysakit ako Maya, kaya lahat nalang ng naging crush ko simula elementary ay pinapa-iwas mo ako sa kanila." bahagyang tumataas na ang boses ko at napalitan na ng galit ang mga mata kong puno ng pagka-awa sa pinagdaanan ni Maya.
"Kasalanan ko ba Maya na may ganito akong sakit? oo, nagpapasalamat ako na tanggap mo ako, pero hindi ba pwedeng tanggapin din ako ng iba?"
Maluha-luha kong pagtatanong sa kaniya...
Hindi ko namamalayan ang pagtakbo ng oras. Bahagyang nawawala na ang matinding sikat ng araw sa hapon na nakakapaso sa balat. Kahit nasa ilalim kami ng puno ni Maya at hindi na rin natatamaan ng araw ang aming mga balat ay nararamdaman ko ang init sa mga salita ni niya, nakakapaso ng puso, parang sinisilaban ang buong pagkatao ko at natutunaw ang kaluluwa ko. Dahan-dahang nababawasan ang ingay sa canteen habang patuloy ang tensyon at makapigil-hiningang pag-uusap namin ni Maya. Sa unahan ng tainga ko ay naririnig kong unti-unting nag-aalisan ang mga estudyante sa campus dahil sunud-sunod na pagpapa-alam sila sa isa't- isa. Ngunit sa dulo naman ng tainga ko ay nananatili ang maanghang na salita ni Maya sa akin na hindi ko kayang lunukin. Dapat kong ipagtanggol ang sarili ko, sasabog ang puso ko na parang nagngangalit na bulkan at kailangan kong ipaliwanag kay Maya na malaking parte siya ng mundo ko, isan
Nananatili kami ni Maya sa puwesto namin sa bench, sa may ilalaim ng malaking puno ng mangga ilang hakbang lang mula sa entrance ng canteen. Mainit pa rin ang simoy ng hangin, hindi ko lang alam kung galing ba sa lupa ang init o mula sa mga salitang binitawan namin ni Maya. Biglang lumakas ang ihip ng hangin at naging dahilan para mahawi ang mga dahon sa itaas ng puno. Sa paghawi ng mga dahon ay biglang tumama sa akin ng bahagya ang sikat ng araw. Naghahalo ang maalinsangan na simoy ng hangin, at ang malamig na pakiramdam mula sa pagkakahawak sa braso ko ni Maya. "Neal?" "Anong ginagawa mo rito?" pagtataka ni Maya na parang naririnig ko ang magkahalong kabog sa dibdib niya at kaguluhan sa kaniyang pag-iisip. Nadoble ang kabog sa dibdib ko, nung una na akala ko ay parang hinahabol lang ako ng aso ay parang pati kabayo ay humahabol na rin sa akin. Kahit gusto akong pigilin ni Maya na lumingon...
"You know... I can wait." "if you're not yet ready for a relationship, then I'll just wait patiently." "Neal, I am not normal." "So am I Payne!" "No... you don't get it, you will have a hard time dealing with me." "So, I take the challenge." "Kaya mo bang magtiis? Pang - outer space ang tantrums ko Neal." "Pareho lang tayo, so you also have to deal with me." "Bakit ako? Bakit nagustuhan mo ako?" "Hmmm... Bakit nga ba Payne? at Bakit hindi ikaw?" "Sabi ni Maya idadagdag mo lang daw ako sa collection mo..." "Wow, collection talaga ha... correction, hindi collection kundi chapter ng buhay ko, at malay mo ikaw na ang ending." "Neal, anong nagustuhan mo sa akin? I'm weird, I'm autistic, I have split personality, I have ...""You have brains and beauty and authenticity and kindness and softest hand I have ever hold in my whole life" Wala akong naisagot sa sinabing 'yun ni Neal.
"Hello, may I speak with Payne please." Mala- Rey Langit na boses ang narinig ko sa kabilang linya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ibababa ko nalang ang tawag. Tinanggal ko ito sa pagkakacharge. Nag-aalangan man akong sagutin... "Aahm.. hello po... si Payne po ito," medyo shaky ang boses ko dahil sa kaba. "Oh, hello Payne! Ikaw ay nanalo ng tumataginting na ONE HUNDRED THOUSAND PESOS!" Tumindi pa ang mala-Rey Langit niyang boses with matching drum rolls pa. Huh? Wala naman akong sinalihang raffle ah. My gosh hindi kaya scam ito. Baka hihingin ang details ko tapos pupuntahan kami dito sa bahay tapos papasukin kami. Oh no! Marami na talagang scammers ngayon. Haay! Kakagigil! "Naku ho, eh wala naman ho kaming sinalihang pa-raffle, nagkakamali ho kayo." "Oh, Ms. Payne, hindi ako nagkakamali. Ms. Payne Framania... tama ba?" "Huh? opo ako nga po, pero imposibleng... wait scammer ka ano? Akala mo ma
Kumakatok si mommy sa pinto. Nagdadalawang isip ako kung sasagot ako sa katok ni mommy or I will just pretend to be sleeping already. Pero palakas ng palakas ang katok ni mommy na parang gumagalaw na ang pinto. "Payne...sinong kausap mo? Sumagot ka nga! Or better yet e buksan mo itong pinto. "Hala Payne! Baka tinatawag ka na ni tita." "Tita ka diyan! Oh wait, I will just open the door." Tumayo na ako mula sa aking bed, iniwan ang cellphone ko sa ilalim ng unan kong kulay pink at bago pa ako makapunta sa pinto ay biglang... "Payne, si Neal ba ang kausap mo?" tanong ni mommy habang naka-taas ang kaniyang kilay at naka-halukipkip ang kaniyang mga braso sa unahan ng kaniyang dibdib. Binuksan na niya ang pinto ko at palinga-linga ang kaniyang tingin sa bawat sulok ng kwarto ko na parang hinahanap ang aking cellphone. "Aah.. Hindi po mommy..." paulit-ulit kong hinahawakan ang bahaging ibaba ng tai
Hindi ko inaasahan na itatanong iyon ni Mommy kay Neal. Ang buong akala ko ay ayaw niyang ituloy ko itong feelings ko for Neal. Pero bakit ganoon ang tanong niya kay Neal? Pumapayag na ba siya na magdate kami ng crush ko? "Ppp...po.. ti..ta?" maririnig sa boses ni Neal ang malakas na kabog sa kaniyang dibdib. "Ang tanong ko, anong oras mo susunduin si Payne bukas dito sa bahay? Oh diba akala ko may date daw kayo? "Aahm... 8:30 po ng tomorrow morning tita." mabilis pa sa alas kwatro na sagot ni Neal. "Ok, ingatan mo si Payne ha?" "Opo ma'am!." Naiisip kong sumaludo pa si Neal kasabay ng pagsagot niya ng "opo" kay mommy. Hindi nakangiti si mommy. Agad niyang pinindot ang end call pagkasagot ni Neal. Iniabot ni mommy sa akin ang cellphone ko... "Here's your phone Payne, matulog ka na." Bago pa man ako sumagot ay lumabas na ng kwarto si mommy. Hindi ko na sinub
Kumukumpas ang kamay ni Neal para lumapit ako sa kaniya. Ngunit hindi ako makalakad sa gitna ng mga nagtatakbuhang mga tao na umiiwas mabasa ng palakas at palakas pang mga patak ng ulan. Ilang segundo pa ang nakalipas at naaaninag kong papalapit ng papalapit na si Neal sa akin. Hinigit bigla ang kaliwang kamay ko at wala akong nagawa kundi tumakbo at sundan siya sa direksyong hindi ko alam kung saan ang punta. "Bilisan mo Payne basang-basa na tayo!" Tumatawa si Neal habang tumatakbo kami at hawak niya ang kamay ko. Slow motion effect. Nilalampasan namin lahat ng halaman at mga malalaking puno, nasasaktan ang mga clay brick pavers sa mabibigat naming mga paa sa pagtakbo habang hinahawi ni Neal ang lahat ng mga taong nakakasalubong namin. "Oh dito muna tayo sumilong sa mushroom cottage. Haay! Wrong timing naman si ulan!" Habang pinupunasan ni Neal ng basa niyang mga kamay ang t-shirt niya at pantalon.
Dali - dali akong tumayo at pinagpagan ang pwetan ko dahil naghalo sa damit ko ang kaunting basa ng ulan mula sa slide at buhangin mula sa lupa, buti nalang naka-jeans ako. Natanaw ko ang water fountain na nasa may see-saw area. "Tara, 'dun tayo sa may water fountain." Lumiyad patalikod si Neal at bahagyang ginawang tambol ang kaniyang tiyan. "Hmmm.. kain muna tayo Payne...gutom na ako eh." Tumalikod ako sa kaniya at hindi ko tinatanggal ang pagtingin ko sa see-saw area. "Aaa.. lunch na ba?" "Hmm..." Tumingin si Neal sa kaniyang brown leather wristwatch. "11:47 na po Ma'am, malapit na mag-alas dose. Ano, lunch muna tayo? May malapit na coffee shop diyan bago mag-exit ng Eco Park." Hindi pa ako nakakasagot ng oo... Hinawakan nanaman ni Neal ang kaliwang kamay ko at napilitan nanaman ang mga paa kong maglakad sa direksyong nilalakaran ni Neal. Nilampasan namin ang see-saw area.