Home / YA / TEEN / PART OF YOUR WHOLE / Chapter 3 - Moments

Share

Chapter 3 - Moments

Author: Athena
last update Huling Na-update: 2021-06-04 16:33:43

"Paaayyne!" 

bulong ni Maya sa tainga ko habang nanlalaki ang mga mata niya na bumulabog ng mga cells sa eardrum ko.

"Enebe Meye...?" pabebe kong sagot habang sumisingkit ng 30 percent ang mga mata ko kay Maya.

Pero pansin pa rin niya na nakangiti at nakatitig ako kay Neal.

"Juskupuu, Rudy! Something fishy something porky ka besprend! OW Em Tee!! Crush mo si Neal?", sinasabi niya ito habang lumalaki ang mga ilong at mata niya, ngiting amazed pero may halong pang-aasar.

"OMT ka jan, OMG!" sagot kong may pag-irap sa kaniya.

"OMT besprend! Oh My Tunay!!!"

"Tunay yan besprend yang ngiti mong parang naka-glue at blocked ang mga nasa peripheral vision mo." ,dagdag pa ni Maya habang patawa-tawa siyang binibitawan ang mga mapang-asar na salita.

"Maya... stop me ha, super wrong ka jan sa mga assuming statements mo at baseless conclusions!", pagsagot ko kay Maya habang tinanggal ko ang pagtitig ko kay Neal at inayos ko ang mga notebooks ko.

"Wag mong ayusin, ayos na yang mga notebooks mo pinag- babali-baligtad mo lang, defense mechanism..." sarcastic niyang sabi sa akin. 

"Hindi ito defense mechanism Maya, magulo talaga." pagbibigay ko ng justification dahil nasa denial stage na ako, ang number 1 sa list ng "Defense Mechanism".

"Hmmp! Denial.. wag ka nga Payne, I know you." inilapit pa niya ang mukha niya sa akin. 

"Shhh.. marinig ka, ingay mo!" pabulong kong banta sa kaniya na may kaba sa aking mga mata

"Eh, arte mo!" pabebe words niyang halos ma-distort ang kaniyang fez.

"Ahhmm.. Goodmorning fellow students." 

Ito na magsasalita na si Neal, nakuha niya ang attention ng lahat ng estudyante sa room.

Natigilan sila at parang walang choice kundi makinig sa sasabihin ni Neal.

"Ako nga pala si... Neal Torres, ang magiging Assistant Team Leader ni Mrs. Gwen." medyo nahihiya pa siya habang nagsasalita dahil transferee student nga siya.

"As you all know preggy si Ma'am kaya... most of the time ako ang magiging mentor ninyo sa Foundation Week, aahhmmm... any questions just feel free to approach me. See you sa competition and let's support each other"

Hindi nawawala ang ngiti ni Neal habang nag-eexplain siya.

Naririnig kong nagbubulungan ang mga classmates namin, pero hindi malinaw kung si Neal ba o ang sinasabi ni Neal ang pinag-uusapan nila.

Aaahh... ang konti ng words niya pero parang 5 hours siyang nagsasalita dahil...

tumigil ang takbo ng orasan ko.

Nakangiti si Neal habang nagsasalita unahan ng klase.

Hindi niya ako tinitingnan. Hindi ko na nga halos naintindihan ang iba pa niyang sinabi dahil nakatitig lang ako sa bibig niya.

Ang mapupula at glossy niyang mga labi na parang amoy cherry lip tint. 

Ang tawag ko "Makopa Lips".

Pagkatapos ng grand speech niya ay lumabas na si Neal at nasulyapan ko pang nag-high five siya sa nakasalubong niyang student.

Parang eksena sa movie na pagkatapos mag-freeze ng mga students while listening to Neal's speech ay biglang back to normal ang unfreeze moment nila pagkalabas ni Neal ng classroom.

"Paaayne... may aaminin ka ba sa akin?" nakangiting pangungulit na bulong ni Maya sa kanang tenga ko.

Ako na ayaw umamin.."na..?"

"Na bakit naglilihim ka sa besprend mo? Pwede kitang kasuhan Payne! Bridge of contract Payne ang ginagawa mo." nanlilisik ang mga mata niya.

"Breach Maya, Breach of contract." nilabanan ko ng tingin ang mala-tiger look niya.

"Grrr...! Bridge Payne, tulay na nag-uugnay sa ating friendship." naging mala-leon na ang character niya habang ininsist niya ang gusto niyang sabihin.

"Maya, I don't get your point" pag-irap ko sa kaniya at pilit kong tinatago ang feelings ko dahil ayokong malaman ni Maya ang PayNeal daydreaming moments ko.

"Payne, please" sabay kuha niya ng braso ko dahil tumalikod na ako sa kaniya.

"Maya, friend, my super duper long time friend, please din, let's just talk about this later", nakangiti kong assurance sa kaniya na pag-uusapan namin ang bagay na ito.

Kinakabahan ako sa totoo lang. 

Mali kasi ako eh.

Nahalata tuloy ni Maya.

"Good afternoon class."

Nagulat kami na pumasok na si Ms. Lexy dahil ilang araw na siyang absent at nag-iwan lang siya ang project namin to be submitted one week before Foundation Week.

Ang MAPEH teacher naming "Miss Lexy the Sexy".

Kung susukatin mo ay 36 26 40 ang kanyang vital statistics. Straight mid-length velvety black ang kaniyang buhok.

Voluptuous ang kaniyang pangangatawan at morena and kaniyang skin color.

Maliit ang kaniyang heart-shaped face, matangos ang ilong, chinita with long eye lashes ang features niya.

Laging bongga at to the higest level ang kaniyang manicured nails with matching color sa kung ano ang kulay ng kaniyang school uniform.

Liberated at may pagka-manang si Miss Lexy. Siguro depende sa mood niya.

Liberated clothing minsan ay kanyang ootd. Gypsum style, Boho, minsan naman ay nakikita na ang kaniyang pusod. 

Pero syempre pag may school events lang naman niya naiilabas ang freedom of expression niya through clothes dahil naka-school uniform siya most of the time.

Pero sa pagtuturo, pag-didisiplina sa mga students niya at pagsasalita, old style ang character ni Miss Lexy.

Nung minsan nga gusto pa niyang paluhurin si Gilbert sa monggo nung Art Class namin, binato kasi niya si Shara ng white board eraser dahil nag-aasaran sila. 

Buti nalang at walang available na monggo sa canteen dahil nailuto na ito ni Ate Dianne.

Isa rin siyang Army, favorite niya si Suga, ang lead rapper ng BTS. Tuwang-tuwa siya sa mga junior students kapag nakikita niya ang BTS collectibles nila.

Kaya naman tuwing Music Class namin ay isinisingit nya ang mga kanta ng BTS.

Kaya din niyang i-rap ang lyrics nito with matching kumpas ng kamay na parang may hawak siyang imaginary mic.

Talo pa niyang mag-rap ang mga classmates naming lalake, kaya naman naiin-love sila kay Ms. Lexy every time na magra-rap ito.

Imaginine niyo ha, ang ganda at sexy ng nagra-rap at hanep walang sablay sa lyrics. Yung dila niya gamay na gamay ang pagkakakulot ng bawat salita.

Sabay sabing - " break it down." 

"Huh, ginagamit pa pala ang break - it - down ending line ngayon?" naiisip ko everytime na maririnig kong tapos na ang rap ni Ma'am.

Self-love lagi ang Tema niya kapag ang topic namin ay tungkol sa Arts. Dahil minsan old style ang personality niya, masyado syang attached kina Leonardo da Vinci, Pablo Picasso at Juan Luna.

Ewan ko, pero para sa akin, si Vincent Van Gogh ang idol ko. 

Siguro dahil masyado akong attached sa paintings niya. Hindi lang ang The Starry Night nuong 1889 pero higit ang Almond Blossoms nuong 1890 at Irises nuong 1889.

Hope and death ang symbolism ng mga ito. 

Parang ako.

Katulad ng pagkatao ko.

Paborito ng classmates ko ang PE class. Oh well, every Friday lang naman ito. Hate naman ng girls ang mapawisan dahil sayang ang baby powder na isinisingit nila sa panyo nila, and of course, sino ba namang may gusto ng pawisang kili-kili? 

Buti ba kung umeepek ang mga deo. Sa tulad naming nasa senior year na ay hiyangan talaga ang mga deodorants. madalas wa epek.

Sa Health class naman namin madalas ay nakaka-antok. Alam mo na kasi na simula freshmen hanggang senior ay paulit-ulit lang ang topic. 

Pinagbabali-baligtad lang naman ang four topics para sa four quarters. 

Physical Health, Environmental Health, Mental Health at Emotional Health.

May nadadag-dag lang naman ng mga facts and information tungkol sa bawat topic kaya hindi na rin masyadong nirereview ng mga estudyante.

Bakit nga ba si Miss Lexy lang ang ibinida kong teacher?

Pareho kami ni Miss Lexy.

Kaya paborito ko siya..

"Class, please be reminded that the deadline for submission of your 3-storey miniature building will be the week before our school event.

"Furthermore, I will not accept any late projects, senior na kayo dapat matuto na kayo."

"Suuuus...e ilang weeks nalang Foundation week na ah", naiinis habang kumakamot sa ulo ang kaklase naming si Gilbert.

"Wooh! Tamad ka kasi!" sigaw na pang-aasar ni Shara kay Gilbert.

Akmang babatuhin ni Gilbert si Shara ng ballpen...

"Uuuuuuuuyyyy...ShaBErt ShaBert ShaBert!" sigaw ng mga classmates ko kasama si Maya.

"ShaBert? Eeeww.." nakakunot ang noo ko, habang iniisip ko ang love team nila.

"Stop that!" saway naman ni Miss Lexy

"Ampanget ng ShaBert nyo!" galit na comment ni Miss Lexy

"Ma'am alangan naman pong GilRa?" sabat ni Maya habang nagtatawanan ang buong klase, syempre nakitawa na rin ako para belong ako.

"Tama ang GilRa dahil lagi din namang giyera yang dalawa, diba?", nakangiting sabi ni Miss Lexy.

"Wooooh!" sigaw naming may pagka-unison ang dating.

"Sige na, enough na yan...Masyado ng bida yang GilRa love team na yan.. let me see your work" pagputol ni Miss Lexy sa aming students na nag-aasaran

Habang nire-ready ng ibang groups ang kani-kanilang miniature projects ay hindi maiwasan ni Maya na bigyan ako ng mala-tiger look.

Hindi siya nagsasalita o nag-oopen ng topic about Neal. Hindi tama ang moment na ito para bigyan siya ng any hint tungkol sa feelings ko towards Neal.

Pero ang hirap.. ang hirap magtago ng feelings. 

Para akong time bomb na sasabog anytime.

Mahihirapan akong i-explain kay Maya lahat.

Kailangan ko bang ipagtanggol ang sarili ko at sabihing hindi lahat ng bagay na angyayari sa akin ay dapat alam niya. 

Para lang maisalba ko ang sarili ko.

Kahit alam ko na ang isasagot niya na, "Payne magkadikit ang pusod natin, no secrets since elementary."

Pero hindi ito. Hindi itong secret ko about Neal. 

Hindi ko talaga kayang ikwento sa kaniya from the moment na nakita ko si Neal sa pinto ng canteen at kung paanong hinihintay ko siya everyday, inaabangan ko kung anong snacks ang bibilhin niya.

My gosh, alam ko, walang lihim na di nabubunyag.

Walang basurang hindi nangangalingasaw.

Walang putok ng kili-kili ang hindi pwedeng maamoy kahit five feet apart pa kayo sa isat-isa.

Pero naitago ko nga ito ng tatlong buwan diba?

Buwan ng Hunyo nuon, sa unang buwan, unang araw sa unang oras ng pasukan nakita ko si Neal.

Sa buwan ng Hulyo, pangalawang buwan ng school year. Pinalalampas ko ang dalawang subjects mula Math class para makita ko si Neal. 

Pangalawa ako lagi sa pila. Unti-unting nae-stablish ang feelings ko para sa kaniya.

Pangatlong buwan na ang Agosto, pangatlong beses kong kinumbinsi ang sarili kong pwede at kaya kong itago kay Maya ang lahat.

"September na Payne...sayang ang effort mo sa taguan ng feelings" nanghihina kong naiisip at pagsisisi dahil sa pang-apat na buwan nahalata na ni Maya na may gusto ako kay Neal.

Lumapit na sa amin si Miss Lexy. 

Inaasahan kong ako ang mag-eexplain ng project namin pero...

"Ma'am 60 percent palang po ang building namin. Wala pa po ang last floor dahil may plan po kaming gawing kid-friendly ang design nito, diba Payne?" pagsagot ni Maya kay Ma'am na parang naghahabol siya ng kaniyang mga salita sabay tingin sa akin.

"Ah... opo ma'am but we can finish this on time." nakangiti kong assurance kay Miss Lexy pero iniiwasan kong tumingin kay Maya.

"Okay class, since nakita ko na ang mga unfinished projects ninyo, I'm impressed. I hope that all of you will submit your projects on time. Alalahanin ninyo, training ito para pagdating ninyo ng college ay hindi ninyo magamit ang "ngarag" word."

"I'll be leaving you and we'll be seeing each other next week, I have to attend a Leadership Seminar sponsored by our school"

"Bye..." pagkaway ni Miss Lexy habang papalabas na siya ng classsroom namin.

"Bye Ma'am..." sumagot kaming may mabagal, unison at tinatamad na bosses.

Nagmamadali kong kinuha ang bag ko at lumabas na ako ng classroom.

"Sandali Paaayne!!" sigaw ni Maya

Mabilis kong nilalakaran ang madulas na sahig ng corridor.

Hinablot ni Maya ang backpack kong halos mapigtal ang tali.

Napatigil akong bigla.

"Iniiwasan mo ba ako?" Pagtataray na bosses ni Maya.

Nakatalikod pa rin ako sa kaniya. "Hindi Maya..."

"Eh ano 'to? Mag-usap nga tayo!" halos pasigaw niyang pagbibitaw ng salita

Pinagtitinginan na kami ng lahat ng estudyanteng dumadaan sa corridor.

"Wala naman tayong dapat pag-usapan Maya, wala ito." pag-I was kong sagot.

"Payne, of all people bakit si Neal?" nainis niyang pagtatanong sa akin na halos magulo na ang ka niyang buhok sa pagkamot nito, nahulog na rin ang sling bag niyang kulay blue, halos mabitawan rin niya ang dala niyang mga libro.

"Bakit si Neal pa Payne, bakit?" Inis na Inis na pagtatanong ni Maya sa akin habang nakatitig siya at pilit niya akong tinitingnan habang ako naman ay nakay-yuko.

Wala akong maisagot, gusto ko mang sumagot, pinipigil ko ang mga salitang lumabas sa bibig ko. napangungunahan ako ng isip ko. 

Baka makasakit ako.

Baka hindi ko kaya ang magiging consequence kapag sinagot ko si Maya.

Kung bakit nga ba si Neal eh marami namang iba?

Kung bakit hindi ako namili?

Kung bakit hindi ako nakag-isip?

Kung bakit itinago ko ang lahat?

Na pwede namang aminin ko nalang kay Maya, baka sakaling maintindihan niya.

Sunud-sunod ang mga tanong sa isip ko at hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa bestfriend ko.

Ngayon lang kami nagka-ganito. 

Dahil ngayon lang ako naglihim sa kaniya.

"Anong magagawa ko Maya? Anong gusto mong isagot ko sa'yo? Tama o totoo?

"Yung totoo lang Payne, 'yun ang tama." pag-kumbinsi sa akin ni Maya.

"Natatakot ako Maya..." mangiyak-ngiyak ako habang sinasabi ko ito sa kaniya.

"Dahil alam mong sasaktan ka lang din niya!"

Galit na binitawan ni Maya ang mga salita, na kahit nakayuko ako alam kong naghahalo ang pagkainis at concern niya sa akin.

Kaugnay na kabanata

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 4- Uncertain

    Habang nakatungo ang ulo ko ay pasulyap-sulyap ako at pilit kong ibinabaling ang tingin sa mga taong lumalampas sa amin ni Maya. Nagbubulungan sila at tumitingin sa amin na tila ba hinuhusgahan kami. "Maya, huwag naman dito, nakakahiya sa mga dumadaan. Dun nalang tayo umupo malapit sa canteen. Dun nalang tayo sa bench mag-usap please." pag mamaka- awa ko kay Maya. Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako, "Sige Payne, pero mangako kang sasabihin mo sa akin ang lahat." Naunang naglakad si Maya papuntang canteen at sinundan ko siya na may pag-aalinlangan. Halos ayaw kong ihakbang ang mga paa ko. Naisip kong magdahilan pero wala na akong magawa dahil na-corner na niya ako. Hindi ako sigurado sa mga sasabihin ko kay Maya. Hindi ako siguradong maiintindihan niya ako. Hindi ko siguradong maiintindihan niya ang pagtatago ko ng feelings kay Neal. Baka ito pa ang makasira ng friendship namin ni Maya.

    Huling Na-update : 2021-06-05
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 5 - Boundaries

    Hindi ko namamalayan ang pagtakbo ng oras. Bahagyang nawawala na ang matinding sikat ng araw sa hapon na nakakapaso sa balat. Kahit nasa ilalim kami ng puno ni Maya at hindi na rin natatamaan ng araw ang aming mga balat ay nararamdaman ko ang init sa mga salita ni niya, nakakapaso ng puso, parang sinisilaban ang buong pagkatao ko at natutunaw ang kaluluwa ko. Dahan-dahang nababawasan ang ingay sa canteen habang patuloy ang tensyon at makapigil-hiningang pag-uusap namin ni Maya. Sa unahan ng tainga ko ay naririnig kong unti-unting nag-aalisan ang mga estudyante sa campus dahil sunud-sunod na pagpapa-alam sila sa isa't- isa. Ngunit sa dulo naman ng tainga ko ay nananatili ang maanghang na salita ni Maya sa akin na hindi ko kayang lunukin. Dapat kong ipagtanggol ang sarili ko, sasabog ang puso ko na parang nagngangalit na bulkan at kailangan kong ipaliwanag kay Maya na malaking parte siya ng mundo ko, isan

    Huling Na-update : 2021-06-13
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 6 - Hopes

    Nananatili kami ni Maya sa puwesto namin sa bench, sa may ilalaim ng malaking puno ng mangga ilang hakbang lang mula sa entrance ng canteen. Mainit pa rin ang simoy ng hangin, hindi ko lang alam kung galing ba sa lupa ang init o mula sa mga salitang binitawan namin ni Maya. Biglang lumakas ang ihip ng hangin at naging dahilan para mahawi ang mga dahon sa itaas ng puno. Sa paghawi ng mga dahon ay biglang tumama sa akin ng bahagya ang sikat ng araw. Naghahalo ang maalinsangan na simoy ng hangin, at ang malamig na pakiramdam mula sa pagkakahawak sa braso ko ni Maya. "Neal?" "Anong ginagawa mo rito?" pagtataka ni Maya na parang naririnig ko ang magkahalong kabog sa dibdib niya at kaguluhan sa kaniyang pag-iisip. Nadoble ang kabog sa dibdib ko, nung una na akala ko ay parang hinahabol lang ako ng aso ay parang pati kabayo ay humahabol na rin sa akin. Kahit gusto akong pigilin ni Maya na lumingon...

    Huling Na-update : 2021-06-14
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 7 -Bliss

    "You know... I can wait." "if you're not yet ready for a relationship, then I'll just wait patiently." "Neal, I am not normal." "So am I Payne!" "No... you don't get it, you will have a hard time dealing with me." "So, I take the challenge." "Kaya mo bang magtiis? Pang - outer space ang tantrums ko Neal." "Pareho lang tayo, so you also have to deal with me." "Bakit ako? Bakit nagustuhan mo ako?" "Hmmm... Bakit nga ba Payne? at Bakit hindi ikaw?" "Sabi ni Maya idadagdag mo lang daw ako sa collection mo..." "Wow, collection talaga ha... correction, hindi collection kundi chapter ng buhay ko, at malay mo ikaw na ang ending." "Neal, anong nagustuhan mo sa akin? I'm weird, I'm autistic, I have split personality, I have ...""You have brains and beauty and authenticity and kindness and softest hand I have ever hold in my whole life" Wala akong naisagot sa sinabing 'yun ni Neal.

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 8 - Acceptance

    "Hello, may I speak with Payne please." Mala- Rey Langit na boses ang narinig ko sa kabilang linya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ibababa ko nalang ang tawag. Tinanggal ko ito sa pagkakacharge. Nag-aalangan man akong sagutin... "Aahm.. hello po... si Payne po ito," medyo shaky ang boses ko dahil sa kaba. "Oh, hello Payne! Ikaw ay nanalo ng tumataginting na ONE HUNDRED THOUSAND PESOS!" Tumindi pa ang mala-Rey Langit niyang boses with matching drum rolls pa. Huh? Wala naman akong sinalihang raffle ah. My gosh hindi kaya scam ito. Baka hihingin ang details ko tapos pupuntahan kami dito sa bahay tapos papasukin kami. Oh no! Marami na talagang scammers ngayon. Haay! Kakagigil! "Naku ho, eh wala naman ho kaming sinalihang pa-raffle, nagkakamali ho kayo." "Oh, Ms. Payne, hindi ako nagkakamali. Ms. Payne Framania... tama ba?" "Huh? opo ako nga po, pero imposibleng... wait scammer ka ano? Akala mo ma

    Huling Na-update : 2021-06-17
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 9 - Mother's Love

    Kumakatok si mommy sa pinto. Nagdadalawang isip ako kung sasagot ako sa katok ni mommy or I will just pretend to be sleeping already. Pero palakas ng palakas ang katok ni mommy na parang gumagalaw na ang pinto. "Payne...sinong kausap mo? Sumagot ka nga! Or better yet e buksan mo itong pinto. "Hala Payne! Baka tinatawag ka na ni tita." "Tita ka diyan! Oh wait, I will just open the door." Tumayo na ako mula sa aking bed, iniwan ang cellphone ko sa ilalim ng unan kong kulay pink at bago pa ako makapunta sa pinto ay biglang... "Payne, si Neal ba ang kausap mo?" tanong ni mommy habang naka-taas ang kaniyang kilay at naka-halukipkip ang kaniyang mga braso sa unahan ng kaniyang dibdib. Binuksan na niya ang pinto ko at palinga-linga ang kaniyang tingin sa bawat sulok ng kwarto ko na parang hinahanap ang aking cellphone. "Aah.. Hindi po mommy..." paulit-ulit kong hinahawakan ang bahaging ibaba ng tai

    Huling Na-update : 2021-06-24
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 10 - Surprises

    Hindi ko inaasahan na itatanong iyon ni Mommy kay Neal. Ang buong akala ko ay ayaw niyang ituloy ko itong feelings ko for Neal. Pero bakit ganoon ang tanong niya kay Neal? Pumapayag na ba siya na magdate kami ng crush ko? "Ppp...po.. ti..ta?" maririnig sa boses ni Neal ang malakas na kabog sa kaniyang dibdib. "Ang tanong ko, anong oras mo susunduin si Payne bukas dito sa bahay? Oh diba akala ko may date daw kayo? "Aahm... 8:30 po ng tomorrow morning tita." mabilis pa sa alas kwatro na sagot ni Neal. "Ok, ingatan mo si Payne ha?" "Opo ma'am!." Naiisip kong sumaludo pa si Neal kasabay ng pagsagot niya ng "opo" kay mommy. Hindi nakangiti si mommy. Agad niyang pinindot ang end call pagkasagot ni Neal. Iniabot ni mommy sa akin ang cellphone ko... "Here's your phone Payne, matulog ka na." Bago pa man ako sumagot ay lumabas na ng kwarto si mommy. Hindi ko na sinub

    Huling Na-update : 2021-06-26
  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 11 - Shifting

    Kumukumpas ang kamay ni Neal para lumapit ako sa kaniya. Ngunit hindi ako makalakad sa gitna ng mga nagtatakbuhang mga tao na umiiwas mabasa ng palakas at palakas pang mga patak ng ulan. Ilang segundo pa ang nakalipas at naaaninag kong papalapit ng papalapit na si Neal sa akin. Hinigit bigla ang kaliwang kamay ko at wala akong nagawa kundi tumakbo at sundan siya sa direksyong hindi ko alam kung saan ang punta. "Bilisan mo Payne basang-basa na tayo!" Tumatawa si Neal habang tumatakbo kami at hawak niya ang kamay ko. Slow motion effect. Nilalampasan namin lahat ng halaman at mga malalaking puno, nasasaktan ang mga clay brick pavers sa mabibigat naming mga paa sa pagtakbo habang hinahawi ni Neal ang lahat ng mga taong nakakasalubong namin. "Oh dito muna tayo sumilong sa mushroom cottage. Haay! Wrong timing naman si ulan!" Habang pinupunasan ni Neal ng basa niyang mga kamay ang t-shirt niya at pantalon.

    Huling Na-update : 2021-06-26

Pinakabagong kabanata

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 56 - To the Next Chapter

    Tanging ang kaunting sinag ng araw na kumakawala sa bawat siwang ng bintana na nakapalibot sa loob ng gymnasium ang nakikita ng lahat ng mga estudyante, guro at mga magulang. May spotlight na nakatutok sa dulong bahagi ng stage kung saan napukaw nito ang atensyon ng lahat. Dahan - dahang naglakad si Neal papalapit kay Payne na may hawak na bouquet of roses, kasunod niya ang kanilang mga kaibigan na kumakanta ng “We’ve Only just Began”. Iniabot ni Neal ang bouquet kay Payne at tila nanginginid ang luha ng dalagang ng kaniyang iunat ang kaniyang mga kamay at hawakan ang mga bulaklak, tumingin siya ng bahagya kay Maya at ang ngitian nila ang tanda ng pagpapasalamat nila sa isa’t isa. Nagsitayuan ang lahat ng mga magulang, mga guro at lahat ng estudyante ng sabayan nila ang pagkanta ng mga magkakaibigan sa stage. Natapos ang isang awitin ngunit inulit ng mga estudyante ang chorus habang nagyayakapan silang magkakaibigan, magkakaklase at kahit ang kanilang mga saglit na nakaalitan. Reco

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 55 - Inspirational Message

    Mabilis ang pag-paling ng ulo ni Payne sa kaliwa't kanan, naguguluhan siya sa mga nangyayari sa kaniya. Pilit na kinakalma ni Neal ang kaniyang sarili upang hndi maramdaman ni Payne ang kanyang pag- aalala. Si Ayla naman ay mas nangingibabaw sa kaniyang damdamin at kilos ang pagiging doktor kaya naman nanatili siyang kalmado at may kontrol sa lahat ng nangyayari kaysa pagiging ina na magpapanic sa pinapakitang kilos ng kaniyang anak."Sandali Payne anong nangyayari sa' yo? Sinong baby? Anong baby ang sinasabi mo?" mababakas ang panginginig sa boses ni Neal at halos gusto niyang yakapin si Payne.Nakatingin si Payne sa kawalan habang dahn- dahang tumutulo ang kaniyang mga luha, "Tinanggal nila ang baby natin Neal. Nasaan na ang baby natin? Sorry Neal, sorry...""Mommy sorry po nakagawa kami ng kasalanan ni Neal Patawarin mo po kami mommy."Kumunot ang noo ni Ayla na tila ba nahihiwagaan siya sa rebelasyon ngkaniyang anak. Nakatitig lamang si Neal habang mahigpit niyang hawak ang kama

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 54 - Awakened by Surprise

    Tanging ang mahinang ilaw sa poste na nasa labas gate ang nagsisilbing sinag sa maliit at madilim na silid na pinasukan nina Neal at Payne. Sa mabilis na pagbukas ni Neal ng pinto upang maiwasang mabasa sila ng ulan ay napaatras siy ang tatlong segundo at saka dahan -dahan namang inihahakbang niya ang kaniyang mga paa papasok sa silid.Nag - alangan ang mga paa ni Payne na pumasok nang makita niyang madilim at tila nakakatakot ang silid, "Umuwi na tayo Neal, tara na, baka makasabay pa natin sin Maya papalabas ng gate baka may dala silang payong makisilong nalang tayo."Dahan - dahang naglakbay ang mainit na palad ni Neal sa kaliwang kamay ni Payne at buong higpit niya itong tinitigan na para bang sinasabi niyang ibigay lang ang buong tiwala sa kaniya dahil nasa mabuti siyang kamay , bumulong ito ng, "Magpapatila lang tayo ng ulan, baka magkasakit ka, mapagalitan pa ako ni Tita Ayla, saglit lang tayo rito."&nbs

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 53 - A Time for Us

    Sabado. Mag - aalas - singko ng hapon. Sa isang madilim at puting kwarto na may malaking salamin ay makikitang nakaupo si Payne na naka - khaki shorts with brown sleeveless top sa dulo ng kama, at si Neal na nakadamit ng white t-shirt at faded jeans ay nakatungo habang nakaupo sa silyang malapit sa isang 32 inches na TV.Mag sasampung minuto nang nababalot ng katahimikan ang paligid. Tanging ang mga buntong - hininga ng magkabilang panig ang maririnig sa bawat sulok ng silid.Biglang tumayo si Payne at itiniklop ang kaniyang mga braso sa unahan ng kaniynag dibdib, "Fine! Nakapag - desisyon na ako. Ako rin naman ang mahihirapan kapag tinuloy ko ito, hindi ba? Katawan ko ito, buhay ko ito. Wala kang pakialam!" Nanginginig ang mukha ni Payne at pinipigalan ang kaniyang mga mata na ilabas ang luha dahil nagtatapang - tapangan siya sa harap n Neal.Tumalikod si Payne at humarap sa bintana upang hindi makita ni Neal ang kaniya

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 52 - Payne's Other World

    Dahan - dahang iminumulat ni Payne ang kaniyang mga mata, nararamdaman niyang parang may naka dagan sa kaniyang buong katawan. Mula ulo hanggang sa kaniyang mga paa ay hirap na hirap niyang igalaw. Tanging ang kaniyang mga daliri ang may natitirang lakas para damhin ang hangin sa kaniyang paligid.Tila hinaharangan ng hangin ang kaniyang mga tainga kung kaya't sinasala nito ang mga tunog bago pa pumasok sa loob at iproseso ng utak niya. Ang kaniyang pang - amoy ay mas naging sensitibo, ngunit hindi mawari kung anong amoy ang nag- aagawang pumasok sa kaniyang isipan. Nagugulan. Namamagha. Naaaliw. Dahil sa unang pagkakataon, ang kaniyang kaisipan ay malaya at naninibago.Sa kabigatan ng nararamdaman ni Payne sa pagkakataong iyon ay minabuti niyang muling pumikit at damhin ang lamig ng kapaligiran. Ang lamig na dumadaloy sa bawat balahibo ng kaniyang mga braso. Dahan - dahang makikita sa kaniyang mga labi ang kaligayahan sa sandali

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 51 - Chained to Love

    Sa isang slow motion effect ay makikitang nagtatawanan sina Gilbert, Maven, at Alvin habang pinagsasaluhan ang inihanda nilang pagkain sa kaarawan ni Neal. Habang si Neal naman ay pigil na pigil sa pagtawa at halos sumakit na ang tyan sa corny jokes ni Gilbert.Sa paulit- ulit na tukso ni Maven kay Gilbert ay mukhang gusto na nga niyang totohanin ang panliligaw kay Shara, ngunit katulad ng iba na may separation anxiety ayaw rin niyang pumasok sa isang relasyon lalo pa nga at malapit na ang graduation nila.Hindi rin siya sigurado kung pareho sila ng papasukan sa college, ngunit si Neal naman ay nagpayo ng "It's better to take the risk than regretting it" pagdating sa love.Kagaya ng ibang typical high school students, masyado pa rin naman silang newbie sa karanasan pagdating sa pakikipagrelasyon, at si Maven naman, sa pagiging relihiyoso niya ay mas pinipili niyang makapagtapos mun

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 50 - Wish Granted

    Ilang minuto na ang nakakalipas at nagtatalo ang mga mata nina Shara at Gilbert kung sino ang magbubukas ng pinto, nagsalubong ang mga nakangiting mata nina Alvin at Neal ngunit inihakbang ni Maya ng mabilis ang kaniyang mga paa at lumapit sa pinto, bumuntong hininga.Kung gaano kabilis ang hakbang ni Maya ay ganun rin naman kabagal ang kaniyang kamay para abutin ang doorknob. Napapikit siya ng ilang segundo at inilapat ang kaniyang kanang kamay sa malamig na metal ng doorknob.Sinadya ni Maven na itaas ang kaniyang boses sa nakatalikod na si Maya, Sige na buksan mo na, parang alam mo na din naman kung sino 'yang kumakatok."Nagkibit - balikat lamang si Maya at dahan - dahang binuksan ng pinto...Naunang magpakita ang cake na may kandilang hugis letra, "16" na hinahawakan ng mga malalambot at maputing mga kamay ni..."Tita? Tita Penny? ... Mm... Ma? " Sa mga sandali

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 49 - Neal's Special Day

    Limang minuto bago mag ala- sais nang lumapat ang kaliwang kamay ni Neal sa kaniyang kaliwang mata upang kuyumusin ito. Espesyal ang araw na ito para sa kaniya, bukod sa kaarawan niya, ngayon rin ang unang pagkakataon na mayroon siyang makakasamang girlfriend sa kaniyang kaarawan.Madalas kasi sa mga nauna na niyang relasyon na wala namang nagtagal, bago sumapit ang kaniyang kaarawan ay naghihiwalay na sila. Tinuring na nga niya itong kamalasan dahil kahit anong pilit niya ay mas pinipilit ng panahon na mag- isa siya sa kaniyang kaarawan.Bukod sa nabulabog ang kaniyang tainga sa alarm ng kaniyang cellphone, napilitan siyang buksan ang natutulog niyang mga mata at diwa sa pag- hawi ng kurtina ng nurse na nag- check ng kaniyang vitals.Maayos na ang pakiramdam ni Neal, at nakakagamit na rin sya ng cellphone, naiigalaw na niyang maayos ang kanyang mga kamay at braso. Sa ilang segundo ay itiniklop niyang muli

  • PART OF YOUR WHOLE   Chapter 48 - Closeness

    Lumapit ang pulis kay Alvin at tinulungang itayo ang binata, "Narinig mo pinapatawad ka na at hindi kana idedemanda.""Anak...?" Naguguluhang tawag ni Penny kay Neal."Tama po ang narinig nyo Ma, gusto ko na pong matapos ito. Gusto ko na po agad gumaling, pagkagaling ko, gusto ko pong magsimula tayong muli. Hilumin po natin ang nakaraan Ma, kasama sina Tita Shane at Maya."Napatakbo si Penny kay Neal at pinalibutan nya ng mapagmahal nyang mga braso ang di makagalaw nakatawan ng anak. Ramdam na ramdam ni Neal ang pagmamahal ng kanyang ina sa mga bisig nitong punung - puno ng pangungulila. Hindi napigilan ng lahat na maging emosyonal at mapaluha ng bahagya sa nasaksihan."Anak, napaka - buti ng puso mo, ayaw mong maghiganti sa taong nagkasala sayo. Proud ako, ganyan pala kita pinalaki.""Ma, deserve ko po lahat ng nangyari sa akin at gusto ko na pong itama ang lahat.

DMCA.com Protection Status