Ber month na.
Nagsisimula nang lumamig ang simoy ng hangin. Kahit panaka-naka ang pag-ulan ay mainit pa rin ang panahon dahil siguro sa global warming.
Maririnig mo na rin si Mr. Jose Mari Chan everywhere.At isang buwan nalang at isa nanamang most awaited event ng school year ang magaganap, ang Foundation Week.
Tuwing Foundation Week lang kami nagkakahiwalay ni Maya. Sa Chess tournament ako at siya naman ay sa Volleyball. Si Maya yung tipong walang pakialam sa balat niya kung masunog ito basta makapalo lang bola.
Mas matangkad sa akin si Maya, medyo chubby, mahaba at kulay medium-brown ang ka niyang buhok, extrovert at parang bata sa salita at sa gawa. Pabebe words lagi ang maririnig mo sa kaniya at gustung-gusto niya ang Hello Kitty character.
Minsang pumunta ako sa bahay nila para sa isang group study sa isang academic competition nuong third year kami tungkol sa buhay ni Rizal.
Kami lang namang dalawa lagi ang nag-eeffort na magreview dahil ang dalawa pa naming ka-grupo ay may ibat-ibang ganap sa buhay.
Pinapasok niya ako sa kaniyang kwarto na mala-fairytale ang dating. Mula sa kurtina ng pintuan ng kwarto ni Maya bubungad sa iyo ang napakarami niyang Hello Kitty collection.
May mga antique collectibles pa siya na mahahalata mo sa itsura dahil naninilaw na. Mula sa kaniyang bed sheet cover, stuffed toys, table cover at maging ang wallpaper ng kwarto niya ay puro Hello Kitty. Mayroon siyang ibat-ibang Hello Kitty figures, cups at pens na nasa glass display kanang bahagi ng kaniyang kwarto.
Katabi naman ng kama niya ang mala-higanteng Hello Kitty lamp na nakapatong sa maliit niyang bedside table. Pag higa mo naman sa kama niya ay makikita mo ang isandaang glow in the dark stickers na Hello Kitty figures din.
Meron din siyang malaking mask with matching gloves at ternong pajama na Hello kitty rin. Nai-imagine ko kapag suot niya ito ay hindi ko makikita kung nasan siya sa loob ng kwarto niya. Siya na ang Hello Kitty itself.
Nuong unang makapasok ako sa room niya nakaramdaman ako ng pagka-inis. Dahil hindi ko gusto si Hello kitty kapag nasa katauhan ko si Jessica at Lea.
"Maya, napakarami namang cartoon characters sa mundo bakit Hello kitty pa ang napili mo eh common na ito?" pagtataka ko habang may pang-aasar na ngiti.
"'Yun na nga Payne, common nga kaya madaling makahanap ng collectibles, at minsan affordable pa."pagbibigay ni Maya ng justification habang tumataas ang kaliwang kilay niya sa pagiging Hello Kitty fan niya.
"Matagal na tayong mag bestfriend pero bakit ngayon ko lang nalaman na mahilig ka pala sa Hello Kitty? Sa school naman kasi wala kang dalang any hello kitty items sa bag mo, kahit ang pen o notebook na ginagamit mo ay hindi naman Hello Kitty. Sana nalaman ko agad para every year ay Hello Kitty ang pa-birthday gift ko sa iyo, oh e diba para msasabi mong, ito galing kay Payne nung year..."sinasabi ko ito habang ini-isa isa kong hawakan ang mga collectibles niya.
Pero lumaki ang mata ko at napa-angat ang balikat ko, nagulat ako sa sagot ni Maya.
"Payne, hello kitty fan ako pag andito sa bahay. Itong room ko ang aking sanctuary.Nakaka-stress sa outside world, projects, homeworks, usok, init... Pero pag-uuwi ako at nakaupo dito sa upuan kong mukha ni Hello kitty, this reminds me na kahit ilang oras pwede akong maging bata ulit, being bata means walang problema. Hindi rin ako nagdadala ng Hello Kitty items sa school dahil iniiwan ko ang pagiging bata ko dito sa bahay.At ayokong dalhin sa labas ang isang personality ko, dito lang yun sa bahay."
...nakangiting pagpapaliwanag ni Maya habang niyayakap niya ang mas malaki pa sa kaniyang Hello Kitty stuffed toy.
Napangiti ako. Naisip ko isa kaya ito sa mga hindi ko kilalang personalities ni Maya? "eeh, para ka kayang bata magsalita", pang-aasar kong sabi sa kaniya habang nakanguso ako at iodine-demo sa kaniya kung paano siya magsalita.
"eeh... hindi mag-isip at magdesisyon Payne..." cold at nakatitig niyang sagot sa akin
Habang naglalakad kami sa corridor ni Maya galing sa aming lunch break ay biglang tumunog ang bell.Signal na mayroong announcement sa campus.Nagbigay ng public announcement ang principal na maririnig mula sa malalakas na speakers na nakapalibot sa buong campus.
"Attention please!Teachers, gather all your team members and proceed to the School Gymnasium for the Foundation Week orientation right now. Students please be advised that your Team Leaders will be the one to guide you throughout the Foundation Week.Your honesty, dedication and camaraderie will put your team on top. "
" May this event be an inspiration to all of us and a good opportunity to show your talents and skills. May God bless us all.Thank you and Good afternoon."
Tatlong beses inulit ni Ms. Martinez ang public announcement.Hindi mo tuloy malaman kung live ba ito o recorded na.Pero malamang recorded na dahil iisa ang tono ng bawat announcement.
Walang dynamics.
Ang team leaders ay ang mga class advisers ng bawat section.Pipili sila ng Assistant Team Leader mula sa mga students o members.Ang pagpili ng team members ay palabunutan process.
Kadalasan naman ay hindi nasusunod ito dahil nakikipagpalit ang mga members sa ibang team para kasama nila ang kani-kanilang friends.
Minsan naman nakikipagpalit sila dahil it's either favorite nila ang Team leader or andun sa team ang crush nila.
Sa three consecutive years lagi kaming magka- team mate ni Maya.
Hindi din namin alam kung nagkataon lang ba o mismong team leaders namin ang nagdedecide na magkasama kami.Alam kasi nilang mag bestfriend kami since elementary.
Pero sa taong ito umasa akong ka-team mate ko si Neal.
Naisip ko baka mas maging inspired akong maglaro ng chess at 3-move-checkmate ang magiging result bawat round.
Naisip ko din na baka pumasok sa isip ko ang mukha niya sa bawat chess piece ng opponent ko kaya hindi ko pwedeng kainin.
Napaka-supportive ni Maya sa akin kapag oras na ng Chess tournament ko.
Tinitiyak niyang hindi sabay ang volleyball tournament nya at chess tournament ko.
Well, ganun din naman ako sa kanya, at alam na yan ng mga class advisers namin.
Kaya naman nuong third year highschool kami ay hindi na kami naki-usap sa Team leader na pag-ibahin ang oras ng tournament namin dahil kinulit na namin sila nuong freshmen at sophomore kami.
Sa sobrang close namin at supportive namin sa isat-isa napagkakamalan na kaming member ng lgbtq+.
May payakap moments pa kasi si Maya sa akin kapag nananalo ang team nila sa volleyball at ako naman ay sa chess. Sweet at showy kasi si Maya.
Total opposite ko na cold, introvert at mahilig sa gothic style. Ito ay kapag nasa akin si Jessica. Black, white at gray lang ang kilala kong kulay.
Naging rainbow, neon at pastel colors nung nakilala ko si Neal.Maraming mixture of colors ang nakikita ko tuwing nakikita ko siya.
Buhok palang niyang mala-Justin Beiber ang kulay alam ko ng siya ang dumadating. Kaya naman bago kami pumunta sa Gym ay ipinanalangin ko talagang kasama ko si Neal sa team para naman sa buong week ng school event ay mixture of colors ang makita koat hindi ang usual black, white at gray.
Sa pagpasok namin ni Maya sa Gym ay nakakita agad kami ng mga vacant chairs dahil kaunti palang ang mga dumating.Unti-unti nang dumarating at dumarami ang mga students at kani-kaniya namang hanap ng spot nila.
Dumating na si Sir Jack naka-Wednsday uniform na polo at black sleek pants. Properly distributed ang gel niya sa buhok niyang esponghado at kitang-kita mo ang pagka-curl ng limang hibla niyang buhok sa kanyang noo.
Kinuha niya ang mic na nasa stage at tinesting ito."Hello, mic test, test mic...ehemm.."
Habang inaayos niya ang cable ng mic at inilalagay ito sa mic standay hindi niya binibitawan ang hawak niyang pink long folder kung saan andun ang list of students sa bawat designated team.
Sa mukha palang ni Sir Jack makikita mong excited siyang basahin ito.
Ano pa nga bang bago?
Lagi naman siyang excited tuwing may foundation week dahil siya lagi ang naka-assign sa basketball tournament ng apat na year levels. Siya kasi taun-taon ang bahalang maghanap ng sponsor para sa uniform ng mga basketball players .
Siya din ang may napakaraming oras para tumunganga at magbantay sa bawat isang player na susukatan ng mananahi. Nag-eenjoy siyang maging assistant ng mananahi tuwing magsusukat na sa parteng ibabang katawan ng player, ang shorts.
Hindi nauubos ang ibat-ibang ngiti niya habang nagsusukat ang mananahi kahit ilang players ang nakapila sa room.
"Attention please!Children...Hawak ko ang susi ng inyong kapalaran,wala ng palitan, wala ng ayawan.This is the list of which team you are in.Random ang pag pili, magkasama ang malalakas at magpapalakas.Ayaw kong sabihing mahihina dahil ayaw kong negative ang dating lagi ng label sa inyo.Kahit hindi ko na i-explain alam na ninyo ang ibig sabihin nito."
" Maraming students this year kaya I will no longer read this, I will just post this in bulletin board kaya please have your names checked. Got it? Bye." bitin na pagpapaliwanag ni Sir Jack.
Habang maririnig mong nag-eecho sa buong Gym ang mala-Vice Ganda na may halong Inday Garutay niyang bosessabay talikod at parang big lang nag-walk out nalang.
Pigil na tawa ang maririnig mo mula sa karamihan ng estudyante.Kalimitan mula freshmen hanggang juniors ang mga ito. Kami kasing seniors ay sanay na kaya usually hindi na kami nagrereact sa boses ni Sir Jack.
Maliban kay Neal, dahil transferee siya at hindi niya gaanong kilala si Sir Jack kaya natatawa siya habang nakikinig.
Tinitingnan ko siya habang hindi mawala ang ngiti sa mga mata ko pero ang labi ko ay kita ang lungkot. Katabi siya ng laging naka-retro style niyang kaibigan na si Maven. Nasa may unahang bahagi sila ng crowd malapit kay sa mic stand.
"Naku, 'yun lang naman pala ang sasabihin,bakit pinapunta pa tayo dito sa Gym?eh pwede namang sabihin nalang sa classroom"sabi ng isang sophomore student na may malaking ribbon sa buhok niyang kulay ash blonde, habang nakatingin sa malaki niyang salamin na kasya ang mukha ng dalawang tao."Balita ko ngayong taong ito ang names ng bawat team ay gagawin nalang daw Team Ligaya, Team Tuwa at Team Saya, hindi na ang usual na pangalan ng hayop, bulaklak o bayani." pagmamayabang namang sabi ng isang katulad kong senior student na kasamahan ni Maya sa volleyball teampero kabilang sa ibang section, ka-section ni Neal.
May sumigaw na kaklase namin kaya nagtinginan kaming lahat," pare-pareho lang ang mga iyon, iba lang ng spelling!"
Bulong ko kay Maya," hindi, may kababawan at kalaliman ang ibig sabihin ng bawat salita kahit sa palagay mo ay pareho lang ibig sabihin ng mga ito.Kumbaga, may comparative at superlative degree."
"Eh alin dyan ang comparative at superlative degree?" usisa ni Maya.
Para sa akin, depende kung paano mo timbangin ang mga salita.Ganito ang pagkakasunud-sunod: team saya, team tuwa, team ligaya.
Dahil sinusukat ko ang pagiging masaya ng isang tao sa mga maliliit na bagay na nakakapgpasaya sa kanya, mababaw sa tingin ko. Tulad ng pagkain, damit, basic needs kumbaga.
Ngayon, kapag nakamtan mo na ang basic needs, yun namang wants tulad ng bagong gadget, appliances o alahas. Dito ka na makakaramdam ng tuwa dahil sa sense of belongingness sa mga taong nasa paligid mo, dahil nakakatuwa sa pakiramdam na mayroon ka nitong mga bagay na ito tulad ng iba.
Kasunod na ang self- actualization - alam mo na ang potential mo, kung sino ka at ano ka, kung ano ang kaya mong makamtan dito na magsisimula ang salitang ligaya. Para sa akin, malalim ang salitang ligaya.
Malawak.
Hindi mo pwedeng limitahan sa isa o dalawang salita.
Kaligayahan.
Ligaya.
Pakiramdam na nabubuo sa isip at puso mo kapag nasayo na ang wants at needs mo.
Magkaiba kami ni Maya. Dahil nga sa extrovert siya, masayahin, maingay, kwela, kaya magkaiba kami ng depinisyon ng ligaya.
Kung sa akin na ginawang kong basehan ang Maslow's Heirarchy of needs para sa mga salitang saya, tuwa at ligaya.
Na bago ka makarating sa salitang ligaya kailangan mo munang maranasan maging masaya, at tumawa.
Sagot ni Maya sa akin, "para sa akin ang salitang ligaya ang mauuna,ang basic kumbaga. Dahil para sa akin ang pagiging maligaya ang pundasyon para mabuo ang isang tao. Mas pipiliin kong maging maligaya kahit anong sakit, anong bigat ng dinadala ko sa dibdib ko."
May pagkakataon kasing masaya si Maya at humahagalpak siya sa tuwa pero halata mong 'yung kaligayahan sa puso niya ay wala.
Kaya ang sabi ko sa kanya, "malalim naman pala ang meaning sa iyo ng ligaya, bakit hindi ito ang superlative degree mo?
Sagot ni Maya, " hindi dahil malalim, o mahiwaga, siya na ang bida."Sa isip ko," so ano nga bakit basic ni Maya ang ligaya?At sa tagal na naming magkakilala at magkaibigan lagi pa rin akong may nadidiskubreng bago sa kaniya."
Ganun nga talaga siguro, hindi sa tagal ng panahon ang magiging basehan mo para makilala mo talaga ng buo ang isang tao.
Kahit naman nga sa mag-asawa o magkapatid, araw-araw ay may nadidiskubre silang bagong ugali kahit kasama na nila sa iisang bahay.
Ayon kay Maya, "Ligaya ang nagsisilbing pagkain ng kaluluwa, bahay ng pagiisip at kasuotan ng damdamin. Basic needs na kailangan mo para ka maging tao. Kung wala ang ligaya, nasaan ka kaya? Pipiliin mo bang tumawa ng sampung beses ng wla kang saplot ng kaligayahan?"
Tuloy pa niya, "Pipiliin mo bang sumaya sa napakaraming pagkain na nakahanda sa iyo pero gutom ka sa kaligayahan dahil wala sa harapan mo ang minamahal mo?"
Naiintindihan ko si Maya, kaya para sa kanya ligaya muna, at saka mo tuturuan ang sarili mong tumawa, saka mo pagaaralan maging masaya.
Sa bawat maliit na bagay sa paligid mo. Sa bawat taong makakasama mo na ika-categorize mo pa sila, ito sa saya, ito sa tuwa at ito sa ligaya.
Naiintidihan ko man si Maya pero hindi ibig sabihin sumasang-ayon ako sa kanya. Dahil ganun naman talaga diba, pwede naman kayong magkaintindihan kahit salungat ang inyong opinyon at kaalaman.
Compromise.
Nagdecide nalang kami ni Maya na dumirecho na sa classroom para sa last subject namin na MAPEH at after dissmisal na tingnan ang bulletin board para sa list ng member sa bawat team.
Habang nakaupo kami ay pinag-uusapan namin ang MAPEH project namin kung paano tatapusin ang 3-storey building miniature sa loob ng two weeks dahil kailangang mai-submit ito 1 week before foundation week.
Natigil ang pag-uusap namin nang biglang bumukas ang pinto.
Heto nanaman.
Napaka dramatic ng scenario, katulad sa pelikula may kung anong napakaliwanag, nakakasilaw pagbukas ng pinto.
Ewan ba,imagination ko lang yata, o sadyang nakakasilaw dahil tanghaling tapat nung oras na yun.
Ikaw ang pumasok sa pinto,malinis ang uniporme mo, walang bahid ng turn o banana cue. Wala ding gel ang buhok mong mala-Justin Beiber ang dating. Makinis ang mukha mo. Walang kahit isang bakas ng pimple. Bakas ng nkaraan o peklat.
Nabura lahat sa isip ko ang mga pinag-usapan namin ni Maya mula sa Gym hanggang dito sa classroom, para sa akin kasi ikaw ang bumubuo sa saya, tuwa at ligaya ko.
Tumigil ang mundo ko.
kinilig ako.
Hindi ko alam kung dahil ba sa naiihi ako o dahil ikaw ang bumungad sa pinto. Biglang naisip ko habang nakanganga..."Bakit...nandito...ka...?"
Dumami agad ang mga letra, salita at mga bagay sa isip ko.
Paano?
Anong gagawin ko?
Assistant Team Lider ka ba namin?
Mag babasketbol na din ba ako, o ikaw ang ang magchechess?
Mahirap kasi anlayo ng category ng sports natin, outdoor ka, indoor naman ako.
O baka pwedeng pareho tayong indoor, sa gym ka at sa kabilang side ako naman.
Pwede din kayang outdoor pareho? Sa court ka, at ako sa kabilang side.
Teka, mainit yata yun.
Maghanda kaya ako ng payong para sure. Para sure akong makikita pa rin kita.
Yun nga lang paano ako magcoconcentrate sa chess habang ang kabila ng utak ko ay sumisilip kung paano mo maii-shoot ang bola sa ring." Naisip ko hindi na mahalaga, ang mahalaga magka team tayo.
Tumayo ka sa gitna, nakatingin ka sa akin at napangiti ako.
Pero kinuhit ako ni Maya, kinakabahan ako baka napansin niyang nakatitig ako sa'yo, baka napansin niyang crush kita. Sa isip ko," Oh no! Hindi niya pwedeng malaman."
"Ahm.. Payne...?
"Paaayyne!" bulong ni Maya sa tainga ko habang nanlalaki ang mga mata niya na bumulabog ng mga cells sa eardrum ko. "Enebe Meye...?" pabebe kong sagot habang sumisingkit ng 30 percent ang mga mata ko kay Maya. Pero pansin pa rin niya na nakangiti at nakatitig ako kay Neal. "Juskupuu, Rudy! Something fishy something porky ka besprend! OW Em Tee!! Crush mo si Neal?", sinasabi niya ito habang lumalaki ang mga ilong at mata niya, ngiting amazed pero may halong pang-aasar. "OMT ka jan, OMG!" sagot kong may pag-irap sa kaniya. "OMT besprend! Oh My Tunay!!!" "Tunay yan besprend yang ngiti mong parang naka-glue at blocked ang mga nasa peripheral vision mo." ,dagdag pa ni Maya habang patawa-tawa siyang binibitawan ang mga mapang-asar na salita. "Maya... stop me ha, super wrong ka jan sa mga assuming statements mo at baseless conclusions!", pagsagot ko kay Maya habang tinanggal ko ang pagtitig ko kay Neal at inayos ko a
Habang nakatungo ang ulo ko ay pasulyap-sulyap ako at pilit kong ibinabaling ang tingin sa mga taong lumalampas sa amin ni Maya. Nagbubulungan sila at tumitingin sa amin na tila ba hinuhusgahan kami. "Maya, huwag naman dito, nakakahiya sa mga dumadaan. Dun nalang tayo umupo malapit sa canteen. Dun nalang tayo sa bench mag-usap please." pag mamaka- awa ko kay Maya. Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako, "Sige Payne, pero mangako kang sasabihin mo sa akin ang lahat." Naunang naglakad si Maya papuntang canteen at sinundan ko siya na may pag-aalinlangan. Halos ayaw kong ihakbang ang mga paa ko. Naisip kong magdahilan pero wala na akong magawa dahil na-corner na niya ako. Hindi ako sigurado sa mga sasabihin ko kay Maya. Hindi ako siguradong maiintindihan niya ako. Hindi ko siguradong maiintindihan niya ang pagtatago ko ng feelings kay Neal. Baka ito pa ang makasira ng friendship namin ni Maya.
Hindi ko namamalayan ang pagtakbo ng oras. Bahagyang nawawala na ang matinding sikat ng araw sa hapon na nakakapaso sa balat. Kahit nasa ilalim kami ng puno ni Maya at hindi na rin natatamaan ng araw ang aming mga balat ay nararamdaman ko ang init sa mga salita ni niya, nakakapaso ng puso, parang sinisilaban ang buong pagkatao ko at natutunaw ang kaluluwa ko. Dahan-dahang nababawasan ang ingay sa canteen habang patuloy ang tensyon at makapigil-hiningang pag-uusap namin ni Maya. Sa unahan ng tainga ko ay naririnig kong unti-unting nag-aalisan ang mga estudyante sa campus dahil sunud-sunod na pagpapa-alam sila sa isa't- isa. Ngunit sa dulo naman ng tainga ko ay nananatili ang maanghang na salita ni Maya sa akin na hindi ko kayang lunukin. Dapat kong ipagtanggol ang sarili ko, sasabog ang puso ko na parang nagngangalit na bulkan at kailangan kong ipaliwanag kay Maya na malaking parte siya ng mundo ko, isan
Nananatili kami ni Maya sa puwesto namin sa bench, sa may ilalaim ng malaking puno ng mangga ilang hakbang lang mula sa entrance ng canteen. Mainit pa rin ang simoy ng hangin, hindi ko lang alam kung galing ba sa lupa ang init o mula sa mga salitang binitawan namin ni Maya. Biglang lumakas ang ihip ng hangin at naging dahilan para mahawi ang mga dahon sa itaas ng puno. Sa paghawi ng mga dahon ay biglang tumama sa akin ng bahagya ang sikat ng araw. Naghahalo ang maalinsangan na simoy ng hangin, at ang malamig na pakiramdam mula sa pagkakahawak sa braso ko ni Maya. "Neal?" "Anong ginagawa mo rito?" pagtataka ni Maya na parang naririnig ko ang magkahalong kabog sa dibdib niya at kaguluhan sa kaniyang pag-iisip. Nadoble ang kabog sa dibdib ko, nung una na akala ko ay parang hinahabol lang ako ng aso ay parang pati kabayo ay humahabol na rin sa akin. Kahit gusto akong pigilin ni Maya na lumingon...
"You know... I can wait." "if you're not yet ready for a relationship, then I'll just wait patiently." "Neal, I am not normal." "So am I Payne!" "No... you don't get it, you will have a hard time dealing with me." "So, I take the challenge." "Kaya mo bang magtiis? Pang - outer space ang tantrums ko Neal." "Pareho lang tayo, so you also have to deal with me." "Bakit ako? Bakit nagustuhan mo ako?" "Hmmm... Bakit nga ba Payne? at Bakit hindi ikaw?" "Sabi ni Maya idadagdag mo lang daw ako sa collection mo..." "Wow, collection talaga ha... correction, hindi collection kundi chapter ng buhay ko, at malay mo ikaw na ang ending." "Neal, anong nagustuhan mo sa akin? I'm weird, I'm autistic, I have split personality, I have ...""You have brains and beauty and authenticity and kindness and softest hand I have ever hold in my whole life" Wala akong naisagot sa sinabing 'yun ni Neal.
"Hello, may I speak with Payne please." Mala- Rey Langit na boses ang narinig ko sa kabilang linya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ibababa ko nalang ang tawag. Tinanggal ko ito sa pagkakacharge. Nag-aalangan man akong sagutin... "Aahm.. hello po... si Payne po ito," medyo shaky ang boses ko dahil sa kaba. "Oh, hello Payne! Ikaw ay nanalo ng tumataginting na ONE HUNDRED THOUSAND PESOS!" Tumindi pa ang mala-Rey Langit niyang boses with matching drum rolls pa. Huh? Wala naman akong sinalihang raffle ah. My gosh hindi kaya scam ito. Baka hihingin ang details ko tapos pupuntahan kami dito sa bahay tapos papasukin kami. Oh no! Marami na talagang scammers ngayon. Haay! Kakagigil! "Naku ho, eh wala naman ho kaming sinalihang pa-raffle, nagkakamali ho kayo." "Oh, Ms. Payne, hindi ako nagkakamali. Ms. Payne Framania... tama ba?" "Huh? opo ako nga po, pero imposibleng... wait scammer ka ano? Akala mo ma
Kumakatok si mommy sa pinto. Nagdadalawang isip ako kung sasagot ako sa katok ni mommy or I will just pretend to be sleeping already. Pero palakas ng palakas ang katok ni mommy na parang gumagalaw na ang pinto. "Payne...sinong kausap mo? Sumagot ka nga! Or better yet e buksan mo itong pinto. "Hala Payne! Baka tinatawag ka na ni tita." "Tita ka diyan! Oh wait, I will just open the door." Tumayo na ako mula sa aking bed, iniwan ang cellphone ko sa ilalim ng unan kong kulay pink at bago pa ako makapunta sa pinto ay biglang... "Payne, si Neal ba ang kausap mo?" tanong ni mommy habang naka-taas ang kaniyang kilay at naka-halukipkip ang kaniyang mga braso sa unahan ng kaniyang dibdib. Binuksan na niya ang pinto ko at palinga-linga ang kaniyang tingin sa bawat sulok ng kwarto ko na parang hinahanap ang aking cellphone. "Aah.. Hindi po mommy..." paulit-ulit kong hinahawakan ang bahaging ibaba ng tai
Hindi ko inaasahan na itatanong iyon ni Mommy kay Neal. Ang buong akala ko ay ayaw niyang ituloy ko itong feelings ko for Neal. Pero bakit ganoon ang tanong niya kay Neal? Pumapayag na ba siya na magdate kami ng crush ko? "Ppp...po.. ti..ta?" maririnig sa boses ni Neal ang malakas na kabog sa kaniyang dibdib. "Ang tanong ko, anong oras mo susunduin si Payne bukas dito sa bahay? Oh diba akala ko may date daw kayo? "Aahm... 8:30 po ng tomorrow morning tita." mabilis pa sa alas kwatro na sagot ni Neal. "Ok, ingatan mo si Payne ha?" "Opo ma'am!." Naiisip kong sumaludo pa si Neal kasabay ng pagsagot niya ng "opo" kay mommy. Hindi nakangiti si mommy. Agad niyang pinindot ang end call pagkasagot ni Neal. Iniabot ni mommy sa akin ang cellphone ko... "Here's your phone Payne, matulog ka na." Bago pa man ako sumagot ay lumabas na ng kwarto si mommy. Hindi ko na sinub