Nakakabinging tunog na halos gumuho na ang buong campus at dahilan ng pag ka-panic ng mga estudyante.
"Time naaaa!!!!" sigaw ng isang freshmen student na pawisang-pawisan at May dala-dalang mga libro habang tumatakbo ng mabilis papunta sa court.Malakas na tumunog ang bell ngayong araw na ito na halos ika-basag ng eardrum ng mga estudyante.
Ipinaayos kasi ng aming principal na si Mrs. Martinez sa aming napakasipag at friendly janitor na si Mang Danny ang isang buwan nang sirang bell na kung tumunog e daig pa ang paos na singer, minsan naman sintunado pa.
Nung Monday napadaan ako sa principal's office at nakita ko sa bintana na pinagagalitan ni Mrs. Martinez si Mang Danny.
Kahit hindi ko naririnig, alam kong nagagalit si Mrs. Martinez dahil sa expression ng mukha niyang lumalaki ang kaniyang ilong, umuusok ang kaniyang tainga at nanlalaki ang kaniyang mga mata na parang lalamon ng tao.
Simula kasi nang mag-pasukan nuong June ay defective na ang tunog ng school bell.
Buwan na ng Hulyo ngayon, Lunes, eksaktong 7:30 ng umaga ay nagmamadali sa pila ang mga estudyante.
May nagtutulakan, nagtatawanan at maraming nag-uunahan para makapila sa Court.
¨Aaaahhh!! Ako nauna dito! Dun ka sa likod! Tinabig ng isang sophomore student and nasa unahan niyang mas malaki pa sa kaniya.
May mga estudyante ng mukha pang fresh, naka-pulbo, maayos ang pagkakaplantsa ng uniporme at maayos pa ang pagkakasuklay ng kanilang buhok.
Ang iba namang estudyante ay parang galling na sa P.E. class nila, pawisang -pawisang, basang-basa na ang parteng kili-kili ng uniporme nila, basa pa ang buhok at oily na ang kanilang mukha.
Dito mo makikita ang mga estudyanteng pwedeng bigyan ng "PUNCTUALITY AWARD" dahil lima o sampung minuto bago mag 7:30 ng umaga eh naka-ready na sa pila, ang iba nga nakapatong na ang kamay nila sa kaliwang dibdib, ready na sa Lupang Hinirang.
Sa pagkakataon ding ito makikita mo rin ang mga ibat-ibang grupo ng mga estudyante sa campus.
Mayroong pare-parehong ayos ng buhok, kalimitan mga sophomore ang mga ito dahil naka-establish na sila ng grupo mula nuong freshmen pa sila.
Kahit ang kulay at brand ng bags nila at key chain ay pare-pareho. Signs of true friendship daw.
Ang mga freshmen naman, hindi mo ma-distiguish kung grade 6 pa sila dahil mga baby pa ang itsura or feeling matured na.
Mayroon din namang mga grupo ng addict kpop fans at sa sobrang dami ng kpop groups ngayon hindi mo na mabibilang kung saang group sila, kung sila ba ay army, blinks, vip o once?
Mixed naman ang mga juniors.
May grupo ng mga Mean Girls (mga girls na bully sa campus) na nagtatawanan kapag dumarating na pero pagdating sa recitation ay nganga.
Ball boys naman ang tawag sa grupo ng mga basketball players sa school, mula freshmen hanggang senior at dun kabilang si Neal, ang crush kong transferee student.
Ang mga Book Geek o Nerdy groups naman ay laging may dalang mga libro, minsan pocketbooks, minsan school books, dahil nerdy ang datingan kapag may hawak na book, kahit anong book pa yan with matching eyeglasses.
Kabilang kami rito ni Maya, pero wala kaming dalang libro dahil nasa bag naming malaki na kasya buong bahay namin.
Makikita mo rin ang mga estudyanteng deserve nila ang "LATE AWARD" dahil tapos nang patugtugin ang Lupang Hinirang eh saka palang papasok ng gate at hahanapin ang pila na pupuntahan nila.
Depende din kasi sa mood ni manong guard ang pagpapapasok sa mga tardy students.
Minsan kahit anong gawing pambobola mo at paki- usap ay para siyang bingi na hindi niya naririnig ang mga sinasabi mo kaya wala kang choice kundi tapusin ang Panatang Makabayan sa labas ng campus habang katagpo mo si morning sun na sabi nila ay healthy pa pero ikaw itong umaga palang eh napaka lagkit na ng pawis mo at parang gripo na ang kili-kili mo.
Kasabay mo pa sa Panatang Makabayan sa labas ng campus ang ibang late students.
Masasaksihan mo rin sa labas ng gate ang mga taong dumadaan sa campus, ang iba ay maiingay na may kausap sa cellphone minsan nga ay sumisigaw pa, ang iba naman ay nababangga na sa paglalakad dahil sa pagtetext.
May mga batang nagiiyakan, ¨Waaahhh!!! Mommy ayaw kong pumasok! Waaahhhh!!!¨
Mga manong at manang na nagtitinda ng seasonal fruits tulad ng singkamas, indian mango at pakwan, ¨Halika boy bili ka na.¨ mapang-akit na ngiti ng tindera.
Ang iba naman ay mga nagtitinda ng chichirya na may lamang prize sa loob, minsan sing-sing, minsan naman hikaw pero of course japeyk ang mga ito.
Pero kapag sinuswerte ka piso o limang piso ang laman ng Super Chiz Curlz.
Naala-ala ko nga, grade 4 ako nuon, limang piso na lang ang natirang pera ko, eksakto lang para sa pamasahe ko, ito kasing si Maya na bestfriend ko simula grade 1 nagpalibre pa sa akin ng sopas, dahil nabitin daw siya sa isang bowl kasi parang dinaya daw siya ni Ate Dianne.
Si Ate Dianne, ang maganda at sexy na tindera sa canteen pero parang laging foundation day ang ganap sa buhay.
Minsan naisip ko, ¨ilang patong kaya ng foundation ang nasa mukha ni Ate Dianne eh maganda naman siya.¨
Kung makikita lang niya ang tunay na ganda niya hindi na siya maglalagay ng foundation sa mukha.
Paano ba naman hindi niya idinidirecho sa leeg niya ang foundation kaya parang nakalutang ang ulo niya.
Minsan nga pati si Ate Dianne eh makakasabay mo sa labas ng gate, nahuhuli din siya pero sinasadya niyang hindi pumasok para makipagkwentuhan siya kay manong guard.
¨Hahahahaha! Ano ka ba?!¨With matching pagtawa pa at pagpalo paminsan-minsan sa kanang braso ni manong guard habang nakikipagkwentuhan.
Nagtake chance ako nuon kahit limang piso nalang natira sa wallet ko.
Sinilip ko ang wallet ko, ¨baka makuha ko ang 5pesos na prize, swerte magiging 9pesos pera ko.¨
Piso lang naman kasi ang Super Chiz Curlz.
Pero katulad ng maraming sugal, may natatalo at may nananalo.
Nanlaki ang mga mata ko at excited pa akong buksan ang Super Chiz Curls, ¨ HUH?! sing-sing nanaman ang nakuha ko.¨ Kumunot ang noo kong parang natalo sa pustahan.
"Okay lang, nasanay na akong matalo", napangiti nalang ako habang kinukumbinsi ang sarili kong mas mabuti ang pang 54th na singsing kaysa wala.
¨May idadagdag nanaman ako sa collection ko ng Super Chiz Curls Prizes.¨ sabay ngiti ko sa langit.
Natapos ang Flag Ceremony at kaniya-kaniya ng pasok sa classrooms.
Habang hinahampas ako ng amoy ng mga classmates kong galing sa court...
Dumaan si Neal sa labas ng classroom namin.
Napangiti ako ng bahagya pero naagaaw ang attention at concentration ko sa mga amoy ng naghalong Bench8, Lewis and Pearl cologne na pabango at putok ng kili-kili ng mga classmates ko galing sa matinding sikat ng araw.
Kapag umaga pa lang nakita na kita, kakausapin na kita sa isip ko habang ongoing ang 1st subject namin.
At dahil kailangan kong magfocus sa pag-iisip sa iyo at the same time ay sa subject at sa teacher ko, nagdu-dual mind ako.
Gusto kong pabilisin ang takbo ng orasan para mag 9:00 na. Pero dadaanan pa ang Science at Filipino subjects bago mag-recess time
"Haay salamat Payne, recess time na!" buntong hininga ni Maya habang nakatingin siya sa akin na parang ang tingin niya sa mukha ko ay malaking siopao.
"Maya, gutom ka naman lagi." sagot ko sa kaniya ng pang-aasar pero nakangiti.
"Tara na Payne, pleeeease..." naka-ngusong pangungulit ni Maya with matching pagpisil pa sa braso ko.
"Ewan ko sa'yo Maya, mukha kang pusa."
"Mukha ka namang siopao.. Meooow..!
Tumayo siyang bigla sabay hatak sa kaliwang braso na para bang mangangalas ang mga buto ko habang papalabas ng classroom.
Sa labas ng canteen, matindi ang sikat ng araw kahit ika-9 palang ng umaga.Maalinsangan ang hanging na sumalubong sa amin ni Maya habang nakikita namin ang maraming highschool students na may dalang snacks.
Umupo na agad si Maya sa usual spot namin sa canteen.
Sa dulong bahagi ng canteen, katabi ng Mineral water at mga baso ang pinipili naming Lugar ni Maya.
Hindi sapat sa amin ni Maya ang isang baso ng tubig kaya mas komportable kami na sa katabi ng water station kami nakaupo dahil tamad kaming tumayo oara sa second round ng tubig.
Nakita kita sa pinto ng canteen.
Suot mo ang uniporme mong may mantsa ng banana cue sa may parteng ibaba ng collar ng polo mo.
Nakikita pa naman ang logo pero mas kita ang matingkad na kulay ng asukal ng banana cue.
Oo, alam kong banana cue dahil hawak mo sa kaliwang kamay mo ang stick na may natitira pang isang pirasong banana cue, sa kanan naman ay ang plastic ng sofdrinks na malapit mo na ding maubos.
Nakita kitang kasama mo ang mga kaibigan mo.
Hindi tayo pareho ng section. Section 1 ako, section 2 ka, kaya mas nauuna kaming palabasin para sa recess time.
Kaya naman lagi akong may oras para abangan kang lumabas sa classroom ninyo.
Walang may alam.
Kahit sino.
Kahit ikaw.
Na tuwing sasapit ang ika-9:35 ng umaga aabangan na kita.
Eksaktong 9:00am ang recess time ng section namin, kaya naman binibilisan kong bumili kay Ate Dianne ng snacks.
Pare pareho lang naman, memorize ko na nga.
Lunes, sopas na mabibiling mo ang hibla ng chicken pero lasang lasa mo ang gatas.
Minsan tinanong ko si Ate Dianne, ¨ anong klaseng gatas yang sa sopas ate? parang hindi naman evap dahil hindi naman ganito magsopas si mama.¨
umirap siya sa akin, ¨HMP! gatas ng ina.. Inang baka..!¨
¨PWEEEHH!!!¨ Muntik na akong mapasuka pero naisip ko sayang 10 pesos kong ibinayad.
Martes, champorado.
Pero walang tuyo katulad ng madalas ihain sa bahay.
Alam mong kanin ang ginamit pero totoong cocoa ang inihalo, at kapag ganitong champorado hindi na ako nagpapadagdag ng evap milk, dahil minsang nagpadagdag ako, biniro ako ni ate Dianne ng, "oh dagdag 5pesos din ha".
Sayang naman, isang baso ng buko juice din yun.
Miyerkules, spaghetti na matamis parang sa fastfood.
Pero corned beef ang sahog.
Huwebes, pansit na minsan bihon, minsan lomi, pag napaaga ang bili mo e makakakuha ka pa ng ilang hibla ng karne at gulay.
Biyernes, dahil huling araw, banana cue at turon.
May pagkakataon pa nga na namimili ako kung turon o banana cue ang bibilhin ko, gusto ko kasi pareho tayo.
Binibilang ko sa isang buwan kung ilang beses tayo magkapareho ng Friday snacks.
Tinetesting ko ang probability ng kung ilang turon o banana cue ang pagkakapareho natin sa isang buwan.
Sabi ko kasi sa sarili ko kapag sa apat na Biyernes parehong turon o parehong banana cue ang binili natin...
...baka mapansin mo ako.
Pero laging kulang ng isa.
Madalas tatlong beses lang tayong pareho ng binibili sa loob ng isang buwan.
Kulang ng isa.
Pero ayos lang.
Nasanay na din naman ako na hindi tayo pareho.
Pero alam mo yun,
yung tipong alamo na pero umaasa kang yung gusto mo pa rin ang mangyayari sa huli.
Ok lang.
Babawi ulit ako sa kasunod na buwan.
Sa madalas na pag aabang ko sayo sa canteen tuwing recess time,
ganun din kadalas na inuunahan ko ang mga kaklase ko sa pila.
Dati naman ay nagpapahuli ako.
Walang pakialam kung noodles nalang ng pansit ang matira sa akin wala ng gulay o sabaw ng lomi.
Na dati ratiy ok lang kahit latak ng evap milk ang matira sa akin.
Kasi nga huli ako sa pila.
Pero ngayon nagugulat sila.
Nakikipag unahan pa ako.
Eh paano nga kasi para makita ko ang pag slow motion grand entrance mo sa pinto ng canteen.
Hindi din ako nagsasawa sa paulit ulit na slow motion grand entrance effect mo dahil ito ang bumubuo sa araw ko.
Worth it naman ang bawat paghihintay ko.
Maliban sa isang araw na akala ko ikaw ang papasok.
'Yun pala ay ang kaibigan mong laging naka-retro style.
Inagaw niya ang slow motion grand entrance effect mo nuong araw na iyon.
Hinihintay kita.
Wala ka.
Ber month na. Nagsisimula nang lumamig ang simoy ng hangin. Kahit panaka-naka ang pag-ulan ay mainit pa rin ang panahon dahil siguro sa global warming. Maririnig mo na rin si Mr. Jose Mari Chan everywhere.At isang buwan nalang at isa nanamang most awaited event ng school year ang magaganap, ang Foundation Week. Tuwing Foundation Week lang kami nagkakahiwalay ni Maya. Sa Chess tournament ako at siya naman ay sa Volleyball. Si Maya yung tipong walang pakialam sa balat niya kung masunog ito basta makapalo lang bola. Mas matangkad sa akin si Maya, medyo chubby, mahaba at kulay medium-brown ang ka niyang buhok, extrovert at parang bata sa salita at sa gawa. Pabebe words lagi ang maririnig mo sa kaniya at gustung-gusto niya ang Hello Kitty character. Minsang pumunta ako sa bahay nila para sa isang group study sa isang academic competition nuong third year kami tungkol sa buhay ni Rizal. Kami lang namang dalawa lagi ang nag-eeffort na m
"Paaayyne!" bulong ni Maya sa tainga ko habang nanlalaki ang mga mata niya na bumulabog ng mga cells sa eardrum ko. "Enebe Meye...?" pabebe kong sagot habang sumisingkit ng 30 percent ang mga mata ko kay Maya. Pero pansin pa rin niya na nakangiti at nakatitig ako kay Neal. "Juskupuu, Rudy! Something fishy something porky ka besprend! OW Em Tee!! Crush mo si Neal?", sinasabi niya ito habang lumalaki ang mga ilong at mata niya, ngiting amazed pero may halong pang-aasar. "OMT ka jan, OMG!" sagot kong may pag-irap sa kaniya. "OMT besprend! Oh My Tunay!!!" "Tunay yan besprend yang ngiti mong parang naka-glue at blocked ang mga nasa peripheral vision mo." ,dagdag pa ni Maya habang patawa-tawa siyang binibitawan ang mga mapang-asar na salita. "Maya... stop me ha, super wrong ka jan sa mga assuming statements mo at baseless conclusions!", pagsagot ko kay Maya habang tinanggal ko ang pagtitig ko kay Neal at inayos ko a
Habang nakatungo ang ulo ko ay pasulyap-sulyap ako at pilit kong ibinabaling ang tingin sa mga taong lumalampas sa amin ni Maya. Nagbubulungan sila at tumitingin sa amin na tila ba hinuhusgahan kami. "Maya, huwag naman dito, nakakahiya sa mga dumadaan. Dun nalang tayo umupo malapit sa canteen. Dun nalang tayo sa bench mag-usap please." pag mamaka- awa ko kay Maya. Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako, "Sige Payne, pero mangako kang sasabihin mo sa akin ang lahat." Naunang naglakad si Maya papuntang canteen at sinundan ko siya na may pag-aalinlangan. Halos ayaw kong ihakbang ang mga paa ko. Naisip kong magdahilan pero wala na akong magawa dahil na-corner na niya ako. Hindi ako sigurado sa mga sasabihin ko kay Maya. Hindi ako siguradong maiintindihan niya ako. Hindi ko siguradong maiintindihan niya ang pagtatago ko ng feelings kay Neal. Baka ito pa ang makasira ng friendship namin ni Maya.
Hindi ko namamalayan ang pagtakbo ng oras. Bahagyang nawawala na ang matinding sikat ng araw sa hapon na nakakapaso sa balat. Kahit nasa ilalim kami ng puno ni Maya at hindi na rin natatamaan ng araw ang aming mga balat ay nararamdaman ko ang init sa mga salita ni niya, nakakapaso ng puso, parang sinisilaban ang buong pagkatao ko at natutunaw ang kaluluwa ko. Dahan-dahang nababawasan ang ingay sa canteen habang patuloy ang tensyon at makapigil-hiningang pag-uusap namin ni Maya. Sa unahan ng tainga ko ay naririnig kong unti-unting nag-aalisan ang mga estudyante sa campus dahil sunud-sunod na pagpapa-alam sila sa isa't- isa. Ngunit sa dulo naman ng tainga ko ay nananatili ang maanghang na salita ni Maya sa akin na hindi ko kayang lunukin. Dapat kong ipagtanggol ang sarili ko, sasabog ang puso ko na parang nagngangalit na bulkan at kailangan kong ipaliwanag kay Maya na malaking parte siya ng mundo ko, isan
Nananatili kami ni Maya sa puwesto namin sa bench, sa may ilalaim ng malaking puno ng mangga ilang hakbang lang mula sa entrance ng canteen. Mainit pa rin ang simoy ng hangin, hindi ko lang alam kung galing ba sa lupa ang init o mula sa mga salitang binitawan namin ni Maya. Biglang lumakas ang ihip ng hangin at naging dahilan para mahawi ang mga dahon sa itaas ng puno. Sa paghawi ng mga dahon ay biglang tumama sa akin ng bahagya ang sikat ng araw. Naghahalo ang maalinsangan na simoy ng hangin, at ang malamig na pakiramdam mula sa pagkakahawak sa braso ko ni Maya. "Neal?" "Anong ginagawa mo rito?" pagtataka ni Maya na parang naririnig ko ang magkahalong kabog sa dibdib niya at kaguluhan sa kaniyang pag-iisip. Nadoble ang kabog sa dibdib ko, nung una na akala ko ay parang hinahabol lang ako ng aso ay parang pati kabayo ay humahabol na rin sa akin. Kahit gusto akong pigilin ni Maya na lumingon...
"You know... I can wait." "if you're not yet ready for a relationship, then I'll just wait patiently." "Neal, I am not normal." "So am I Payne!" "No... you don't get it, you will have a hard time dealing with me." "So, I take the challenge." "Kaya mo bang magtiis? Pang - outer space ang tantrums ko Neal." "Pareho lang tayo, so you also have to deal with me." "Bakit ako? Bakit nagustuhan mo ako?" "Hmmm... Bakit nga ba Payne? at Bakit hindi ikaw?" "Sabi ni Maya idadagdag mo lang daw ako sa collection mo..." "Wow, collection talaga ha... correction, hindi collection kundi chapter ng buhay ko, at malay mo ikaw na ang ending." "Neal, anong nagustuhan mo sa akin? I'm weird, I'm autistic, I have split personality, I have ...""You have brains and beauty and authenticity and kindness and softest hand I have ever hold in my whole life" Wala akong naisagot sa sinabing 'yun ni Neal.
"Hello, may I speak with Payne please." Mala- Rey Langit na boses ang narinig ko sa kabilang linya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ibababa ko nalang ang tawag. Tinanggal ko ito sa pagkakacharge. Nag-aalangan man akong sagutin... "Aahm.. hello po... si Payne po ito," medyo shaky ang boses ko dahil sa kaba. "Oh, hello Payne! Ikaw ay nanalo ng tumataginting na ONE HUNDRED THOUSAND PESOS!" Tumindi pa ang mala-Rey Langit niyang boses with matching drum rolls pa. Huh? Wala naman akong sinalihang raffle ah. My gosh hindi kaya scam ito. Baka hihingin ang details ko tapos pupuntahan kami dito sa bahay tapos papasukin kami. Oh no! Marami na talagang scammers ngayon. Haay! Kakagigil! "Naku ho, eh wala naman ho kaming sinalihang pa-raffle, nagkakamali ho kayo." "Oh, Ms. Payne, hindi ako nagkakamali. Ms. Payne Framania... tama ba?" "Huh? opo ako nga po, pero imposibleng... wait scammer ka ano? Akala mo ma
Kumakatok si mommy sa pinto. Nagdadalawang isip ako kung sasagot ako sa katok ni mommy or I will just pretend to be sleeping already. Pero palakas ng palakas ang katok ni mommy na parang gumagalaw na ang pinto. "Payne...sinong kausap mo? Sumagot ka nga! Or better yet e buksan mo itong pinto. "Hala Payne! Baka tinatawag ka na ni tita." "Tita ka diyan! Oh wait, I will just open the door." Tumayo na ako mula sa aking bed, iniwan ang cellphone ko sa ilalim ng unan kong kulay pink at bago pa ako makapunta sa pinto ay biglang... "Payne, si Neal ba ang kausap mo?" tanong ni mommy habang naka-taas ang kaniyang kilay at naka-halukipkip ang kaniyang mga braso sa unahan ng kaniyang dibdib. Binuksan na niya ang pinto ko at palinga-linga ang kaniyang tingin sa bawat sulok ng kwarto ko na parang hinahanap ang aking cellphone. "Aah.. Hindi po mommy..." paulit-ulit kong hinahawakan ang bahaging ibaba ng tai