Share

STRESS

SOLLAIRE

Hindi ako naka tulog buong gabi dahil bukod sa kaba ay ilang e-mail na mula kay Zion ang nagrereflect sa laptop ko.

Those e-mails are threats of possible lawsuit that I might be getting from my past client's wives.

"What now?" Nakapangalumbabang tanong sa akin ni Nate. "Tutal at dinamay mo na ako sa pagpupuyat, baka naman gusto mo akong kausapin tungkol sa mga plano mo." He demanded.

I rolled my eyes at tsaka ko isinalampak ang ulo ko ko sa lamesa. I groaned when I heard my laptop chime again. Sigurado ako na e-mail nanaman ang lintek na yan.

"Let us postpone the picking, Nate. Pero inonotify naman natin lahat ng nag pasa para alam nila na di muna sila maghihintay ng results." I said.

Tumango tango si Nate sa pag sang ayon sa sinabi ko. He then leaned towards me, "Alam mo ba yung babaeng mag simula ng lawsuit sa iyo, pang limang mayamang papi na pala niya si Zuniga. Si Zuniga lang ang pinakasalan kasi siya talaga yung ultra mega mayaman sa mga naging boylet niya." Chismis ni Nate.

Nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi niya

"So in short, sugar baby si ate girl? Kaya naman pala todo galit nung nalaman na may ganitong ginagawa si Zuniga."

"Yeah. She must be scared that he's going to leave her for you. In short, she is threatened by you." Kinurot ni Nate ang pisngi ko at patuloy akong inaasar. "Ganda yarn?" Dagdag niya pa.

Mahina ko namang pinalo ang kamay niya. "Why would she be scared eh kasal naman sila, diba? No matter what, makakahuthot pa rin siya ng pera kay Zuniga."

"She's got every reason to be scared. They were married in the United States kaya ya know, easy easy lang mag file ng divorce roon."

I smirked. "Wow ha, napaka talino rin ni Zuniga na ikasal doon. Matali man siya, at lease may easy way pa rin makalabas."

Tumango tango si Nate at napasandal sa sofa. "Well, anyways, you still got the big problem here. You really is at risk."

Napasandal na lang din ako at napahilamos sa mukha. Jusko naman, can't my clients defend me to their wives? At tsaka una pa lang eh na-inform ko na ang mga asawa nila tungkol sa business namin but my only mistake is that I did not have them sign an actual contract na pumapayag sila sa ginagawa namin.

Godness. Bobo rin ako eh, no? Bakit ba hindi ko naisip yon?

Hindi ko rin pala muna kinikita si Zion ngayo dahil sa sobrang rindi ko sa mga sermon niyang paulit ulit sa akin. Parang sirang plaka nga ang peg niya sa akin at sinasabi na "Dapat kasi nag ingat ka sa pag pili. Hinayaan na nga kita sa gusto mo dahil hindi ka naman nakinig sa akin nung sinabi ko sayo na malaking law risk ang business mo. Oh ano? Edi andito tayo ngayon sa sitwasyong to."

Napapa irap na nga lang ako at hindi na lang sumasagot pag pinagsasabihan niya ako dahil kahit bali-baliktarin man ang mundo, alam ko naman na tama si Zion. Lagi naman siyang tama, syempre, abogado siya eh.

Agad na sumilip si Nate sa bintana nang marinig namin ang pamilyar na tunog ng kotse.

"Oh, oh--" Kinakabahan itong tumingin sa akin."Your fubu came as your lawyer today. A furious one." Sabi niya at tahimik na lamang na umupo sa sofa.

Napa buntong hininga na lang ako nang marinig ko ang pag bukas ng pinto.

"I have been e-mailing you and doing all sort of things to contact you, but it seems that you two---" Itinuro niya kaming parehas ni Nate. "Are enjoying to ignore me."

Magkasundo ang mga kilay ni Zion at kunot din ang noo niya. Ang mga mata niya ay parang halos walang tulog. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya.

Napayuko ako, "I'm so sorry, it's just I'm stressed by this matter--"

"Aren't we all?" Medyo may pagtaas ang boses na sabi ni Zion. Galit nitong inilapag ang folder sa lamesang nasa harap ko. "Habang hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, iniiwasan ko naman ang mga tawag nung mga nag reklamo sa iyo. Then hours later, this arrived."

Ibinuklat ko ang folder. "Ano to?"

"Invitation to the chambers. You will have to be there and face them at sagutin ang mga tanong na gusto nila."

Agad agad na napa kunot ang noo ko. “What do you mean that I have to face them!?” Sigaw ko. “I’m not going to do that shit.” At inirapan ko si Zion na nakasimangot na sa harap ko.

“You have to face them eventually, Sol. Alam kong hindi ka tanga para di mo malaman yon.” He frankly said.

Mas nanlilisik ang mata kong tumingin sa kanya. “I said no.”

Sa sobrang inis ni Zion sa akin ay tumayo ito at inilabas sa briefcase niya ang isang makapal na papel at ibinagsak itong muli sa lamesang nasa harapan ko.

“Oh ayan, ganyan karaming kaso ang haharap sa iyo pag hindi mo sila hinarap. Huwag ka ngang mapride lalo na at hindi lang naman ikaw ang nahihirapan dito.” Naiinis pero kalmadong pakiusap ni Zion.

Napabuntong hininga na lamang ako. "You know that pride is all I have."

Zion scoffs. "Your pride is what got you here, Sol. Let's be honest. After all these years of your business blooming, hindi ka ba talaga nagtaka kung kelan babawiin sayo ang lahat?"

Hindi na ako kumibo, pagod na rin naman ako makipag talo. At tsaka ano pa ba ang sasabihin ko eh tama naman talaga ang mga lumalabas sa bibig ni Zion? Ako lang naman itong ayaw humarap dahil ang totoo ay duwag ako.

Iniligpit na ni Zion ang mga papel na inilabas niya sa lamesa, nakasimangot siya habang ginagawa ito. Kahit sa Nate ay hindi makakibo dahil ramdam na ramdam naming parehas ang galit ni Zion.

I know that he cares for me that is why sobrang effort ang ginagawa niya.

Bago siya lumabas ay tumayo na ako at hinawakan siya sa braso.

"All right. I will attend tomorrow. Try to get some rest, okay? I love you, Zi." Paglalambing ko sa kanya.

Zion deeply sighed. "Good to hear that, Sol. Just make sure that you will be there and prepare yourself. I love you too."

Halos maglupasay na ako pag sara ng pinto pero sa halip ay umupo ako at isinubsob ko ang mukha ko sa sofa.

Gosh, I really need to face those impaktas to save my business. And there's really no guarantee that I can save it.

Dito na lang talaga ako mapapasabi na, "Bahala na si Batman."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status