Share

SERVED

SOLLAIRE

Nagising ako sa malakas at paulit ulit na tunog ng doorbell. Rinig ko rin ang boses ni Nate sa labas pati na rin ang pag ring ng phone ko.

"Oo na, sandali!" Sigaw ko habang pilit na ibinabangon ang sarili ko mula sa kama.

Iritable kong binuksan ang pinto. Dire-diretso namang pumasok si Nate sa loob at umupo sa sofa. Kabado rin ang itsura niya at hinihingal pa.

"Ano ba yon? Wala tayong work, ha?" I reminded him.

Masakit din ang ulo ko lalo na at bigla bigla ang pag gising at pag bangon ko.

"You remember the woman that called you yesterday?" He asked.

"Yes, why? Did she call the office number?"

He nodded. "Not only that. She's in the office right now harassing everyone. Sollaire, pinapahiya ka niya at nagsisisigaw siya ron."

I slapped my own forehead. "Bakit naman hindi mo sinimulang mag kwento banda riyan?"

Mabilisan akong nag bihis, hindi na rin ako naligo o nag lagay ng kahit anong kolorete sa mukha ko. Hinablot ko na rin ang susi ng kotse ko at nagmamadaling pumasok sa sasakyan. Sumakay na rin si Nate. Walang nagsasalita sa amin habang nasa byahe. We're both just focusing on reaching the office the fastest way we could.

"We tried to stop her, ma'am." My security head said when we entered the office.

"It's okay. I'll handle this." I assured them.

Sumilip ako sa loob ng office ko, every paper from the stack of the box that I have is on the floor. I guess she went through every application I have stored.

Inilibot ko pa ang mata ko sa office, then, I saw her sitting on my chair.

Nilingon ko si Nate. "Do we even know who his husband is?" I asked.

"Yeah, this one." Iniabot niya sa akin ang isang application. The husband's name is Sky Zuniga.

We never approved of l this man because he's got quite a history with women. Lagi niyang pinapakasalan ang mga babae niya sa United States or any other western countries sa kadahilanang madali lang mag file ng divorce kung sakali. He actually got married four times now. This woman who are currently in my office is his fifth wife.

"That woman is 28 years younger than Zuniga." Sabi ni Nate habang naka pwesto sa likod ko.

"Well, how old is Zuniga?" I asked.

"Fifty four."

I counted on my fingers. "Well, damn. You're telling me that lady is twenty six? What a wasted potential." Napailing na lamang ako.

Inihanda ko na ang sarili ko sa pag pasok sa pinto. At pag bukas ko ng pinto, agad na tumingin sa akin ang babae.

The lady stood up and immediately went up to me. "Oh, andyan ka na pala. Kanina mo pa ako pinaghihintay." Matapang na sabi niya.

"If you could exit my office building before I let my security handle you." I calmly said.

Hindi ako sinagot nito. Tinaasan lang niya ako ng kilay at nagpamewang.

"I said, get out of my office." Pag ulit ko ng utos ko pero tila wala itong pakielam.

Bigla na lamang niyang inilagay ang isang daliri niya sa noo ko at tinulak ito paatras. "Ikaw na babae ka, i*****k mo riyan sa manipis at kupas mong kokote na hindi mo makukuha ang asawa ko sa akin."

I look at her and calmly chuckled. "What makes you think na magkaka interes pa ko sa asawa mong matanda?"

The lady in front of me could not believe what I just said. I mean, totoo naman. Ano bang pakielam ko sa asawa niyang malapit nang maging senior citizen? Hindi naman ako sulutera ng pera kagaya niya. I work for my money.

"How dare you?" Iniangat nito ang kamay niya at akmang sasampalin ako. Mabuti na lang ay naiharang ko ang kamay ko bago pa dumampi ang kamay niya sa pisngi ko.

I gave her a smile, hinigpitan ko rin ang hawak ko sa kamay niya. "Maybe you should try to talk to your husband genuinely, hindi yung waldas ka nang waldas ng pera ng asawa mo. Try to be a good wife para hindi siya naghahanap ng atensyon ng ibang babae." At pabalang kong binitawan ang kamay niya.

"You're just twenty six. A beautiful and young woman in that case. Leave your marriage bago ka pa masira." I adviced her.

She seems so offended with what I said. Parang labas pasok lang sa tainga niya ang sinabi ko sa kanya.

Kinuha niya ang bag niya sa sofa, inayos niya rin ang damit niyang naka angat na dahil sa pagwawala niya kanina. Before going through my door, she looked at me and gave me a smirk.

"How about you sit down and wait for the other wives whose lives you ruined?" And she walked off.

I didn't understand what she meant by that, pero si Nate, nanlalaki na ang matang naka tingin sa akin. Pag pasok niya sa office, he grabbed the office phone and dialed a familiar number.

"What are you doing?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba narinig yung sinabi nung babae? Pretty sure she's not the only one who's going to come barging in here. We have to call Zion."

Nanginig ang kalamnan ko at para na lang akong nasusuka nang narealize ko ang nais ipahiwatig ni Nate. Suddenly, I can feel that lawsuits are coming right through the door to push me out the window.

I am fucked. My business is fucked.

"Tangina ni Zion, Kung kailan mo kailangan tsaka wala." Isinalampak ni Nate ang office phone. "Nasaan na kaya ang aboga--"

Napatigil na lang si Nate sa pagsasalita nang nagmamadaling pumasok sa opisina si Zion. Bulto bulto ang dala nitong papel at para bang nagmamadali siyang pumunta rito.

"What the hell did you do?" Bungad niya sa akin.

Isinalampak na lang niya sa lamesa ko ang mga gamit niya. "Did you do something with someone na may asawa na o pamilyado?" Medyo agrabyado na ang boses ni Zion.

"No. Wala naman. Yung babaeng nanggulo rito, eme eme lang yon. Ni hindi ko nga kilala ang asawa niya," Banggit ko.

Zion pointed his finger on the stack of papers that is on my table. "Well, that woman, along with other wives of those men who applied to be in your program, filed a lawsuit against you."

"What!?" I exclaimed. "I mean, why? Pwede ba yon? I don't even know who their husbands are."

"They can do that, Sol." Napayuko na lang si Zion. Halatang halata na disappointed ito sa mga nangyayari. "They have a lot of evidences against you. Also, some of those women are close with a lot of judges all over the country."

Naramdaman ko nang nanghihina ang tuhod ko. I never imagined na magiging ganito ang kinahihinatnan ng trabaho at negosyo ko. I only wanted to help people in a way that I know. Bakit ba ako pa ang na-agrabyado kahit na naging ma-ingat naman kami?

I sighed. Iniangat ko rin ang ulo ko at tinignan si Zion. "Gosh, Zi. What are we going to do here?"

"As of now, I don't know. Mabigat itong bagay kung sakaling ituloy nila. This could go public, Sol. Masisira ka."

"What can I do? May sinabi ba sila na gusto nilang gawin ko?"

Hindi muna sumagot sa akin si Zion. Para bang nagaalala ito na ibigay sa akin ang sagot sa tanong ko. Nang nakita ko ang kinakabahang ekspresyon ni Nate, doon na rin ako nag simulang makaramdam ng kaba.

Zion sighed. "They want you to close down your business, or else, they will go public with every evidence they gathered against you."

And there, I felt my heart exploded and evaporated to nothing. Para ba akong binawian ng kaluluwa sa narinig ko kay Zion.

Lahat ng pinaghirapan ko, pwedeng mawala.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status