Share

TWO MAN'S CONTRACT

CARLO

"Break na muna ako, wala pa namang customer." Pagpapaalam ko sa kasama ko ngayon sa coffee bar.

Alas tres na kasi at ang mga tao ay nasa pool area. Mamayang bandang alas singko pa naman ang karaniwang dagsaan ulit dito ng mga magkakape, bandang alas otso naman ang mga gustong uminom ng alak.

Pumunta na ako sa sikretong pwesto sa likod ng resort kung saan maganda ang tanawin. Onti lang naman ang nakaka alam ng pwesto na ito kaya malaya ako rito na humipak ng sigarilyo.

Ilang taon na rin ako rito sa Batanes. Kung noong una ay labag sa loob ko ang konsidyon kung bakit ako andito, iba na ngayon. Ngayon na andito na si Mandy na katuwang ko sa buhay ay hindi ko na naiisip ang buhay ko noon.

Ang buhay ko noon sa probinsya ay mahirap. Lalo na para sa akin na high school lamang ang natapos at binubuhay ang sarili sa pagsasaka at pagtitinda ng mga gulay. Kung noon ignorante ako sa labas na buhay mula sa pagsasaka, ngayon ay marami na akong bagay na alam.

Pati nga ang mga kape
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status