Chapter 2
Nagising ng madaling araw si Aliyah na yakap yakap ng lalaking katabi niya. Nilingon niya ito at nakita ang ling mahimbing nitong pagkakatulog. Halos sakop din ng mabigat na braso nito ang buong katawan ng babae. Dumeretso ng higa si Aliyah nang maramdaman na isiniksik pa ng lalaki ang mukha nito sa leeg dahilan para makaramdam siya ng bahagyang kiliti na nanggagaling sa matangos nitong ilong.
Sinubukan ni Aliyah na bahagyang igalaw ang katawan niya ngunit bigla siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang pagkababae. Napaigik siya ng kaunti at doon napagtanto ang mga nangyari kagabi.
Ano nga ulit ang dahilan ko bakit ko ginawa ‘yon?
Nahihibang na ba ako? Siguro nga. Because she actually slept with the President!
Pikit ang matang huminga siya ng malalim. Dahan dahan na inalis ni Aliyah ang pagkakayakap sa kanya ng Presidente saka lumayo ng kaunti mula sa kama. Umikot siya sa buong kuwarto at hinanap ang kanyang mga gamit. Nang makita niya ang mga iyon ay madalian niyang nilagay sa kanyang bag ang mga ito. Walang kahit ano mang ingay ang ginawa niya at nagdadasal na sana ay hindi magising ang taong natutulog sa kama.
Nang masiguro niyang nakapagligpit na siya ay saka naman siya nagbihis at dahan dahang nilisan ang kanyang hotel room at pumunta sa front desk para humingi ng iba pang kuwarto. Nang magbabayad na sana si Aliyah gamit ang kanyang cellphone bilang cashless payment, doon niya napagtanto na hindi pala ang kaibigin niyang si Rina ang nai-chat niya kagabi kundi si Jacob mismo!
Matatandaan niya na kamakailan lamang ay gumawa ng group chat ang mga dating kaklase nila noong junior high school. Noong araw din na iyon ay in-add siya ni Jacob sa f******k pero wala naman na itong chat o sinabi sa kanya pagkatapos niya itong I-accept.
Ang naging resulta tuloy, ang ang nangyaring hindi maganda kagabi. Hayy!
Umupo ng matagal sa kama si Aliyah nang makarating sa panibago niyang kuwarto sa hotel. Kinalma niya ang sarili niya at huminga ng malalim. Saka niya kinuha ang kanyang cellphone pagkatapos ay nag-leave sa kanilang group chat noong junior high school sila. Pinalitan niya na rin muna ang kanyang pangalan sa social media bilang Joy at naghanap ng ibang profile picture ng babae. Sa pamamagitan ng ginawa niya, hindi na siya mahahanap pa ng lalaki!
Wala rin namang makakahanap pa ng room niya dahil ni-book iyon ng kumpanya para sa kanya kaya hindi rin siya nito mahahanap. Kung hahanapin man siya.
After series of operations, Aliyah fell asleep.
Kinaumagahan, nagising siya gamit ang alarm clock. Ang alam niya ay may meeting sila ngayon ng kanilang Manager para pag-usapan ang dagdag pang mga funds sa kumpanya.
Pagkatapos niyang maligo, magbihis, at mag-ayos, kinuha niya ang mga documentong kailangan nila at bumaba sa lobby ng hotel. Namataan niya na rin doon si Rina kaya pinuntahan na niya ito.
“Aliyah! Kamusta?”
Bahagya lamang na ngumiti si Aliyah at tumabi ng upo sa kanya.
“Parating na ata si Manager Lim kaya tahimik ka na diyan.” tanging sagot nito.
Hindi naman na nagsalita pa si Rina at nagsimula na lang din magbasa ng mga documento.
Habang naghihintay sa kanilang meeting, narinig ni Aliyah na tumunog ang elevator dahilan para mapalingon siya doon. Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya nang makita si Jacob Dela Fuente iyon.
Bago na ang suot nitong damit na thre-pice-suit at wala na ang silk robe na suot suot nito kagabi. Halata rin dito na bago itong shower. Ang makapal niyang kilay ay nagsasalubong at medyo kunot ang kanyang noo. Hindi niya masyadong pinagmamasdan ang kanyang paglalakad dahil focus ito sa secretary niyang binibigyan siya ng report.
“Ang guwapo ni Mr. Dela fuente, ano?”
“Huh?…” wala sa sariling sagot ni Aliyah.
“Alam mo? Kung papayagan ako ng pagkakataon na makipag one-night stand sa kanya? Ay nako! Walang tanggi tanggi, papayag ako. Agad-agad!” masiglang sabi nito sa kanya.
Bigla namang nangunot ang noo ni Aliyah sa narinig.
“Alam mo? Pareho naman kaming Dela Fuente ang apilyedo pero bakit gano’n? Masyado siyang good looking? Compared mo naman sa akin?” dagdag na sabi ni Rina sabay na tawa pa sa kanyang sarili pero narinig din naman iyon ni Aliyah.
Wala sa sarili si Aliyah kung hindi lang siya hinawakan sa braso ni Rina dahilan para bumalik ito sa huwisyo. Rina even whispered to her if she is okay but all she could do was stare at the man in front of them.
Jacob was still frowning but he then turned around to face his secretary.
“Go check the person who occupied the room 1501 last night.” he said to his secretary whispering but we manage to still hear them.
Tumango ang secretary niya at handa na sanang umalis nang biglang sumingit sa usapan si Rina, “Room 1501? si Aliyah po ang nakatira doon kagabi, Mr. Dela Fuente.”
Chapter 3Madaldal talaga si Rina! Ang lakas pa ng boses niya kaya narinig ng mga taong nasa paligid. Pati sina Jacob ay napalingon sa direksiyon nila.Tumingin si President kay Aliyah at basta na lang nito iniwas kaagad ang tingin saka tumalikod at walang sabi-sabing umalis para lisanin ang hotel.Nang makumpirmang umalis na sila, nilingon ni Rina si Aliyah na may tsismosang mukha dito na tila ba naguguluhan sa kung ano mang nangyayari.“Bakit gano’n?” tanong ni Rina sa kanya.“Anong bakit?”“Bakit nagtatanong si President Dela Fuente kung sinong nakatira sa room 1501?” tanong nito sa kanya.“Aba malay ko!” halos pasigaw na sagot ni Alyanah sa kaibigan na ikinagulat naman nito pati rin siya. “I-I m-mean… hindi ko alam. Malay mo mas gusto niya ang view doon sa kuwarto ko na 1501 kaya gusto niyang makipalit? I mean ‘di ba, he’s the President, you know…”Tumango-tango naman si Rina na siyang ikinahingang malalim ni Aliyah. Parang kumbinsido na ito sa kanyang sinabi. Pero may bahagya pa
Chapter 4Aliyah knows that being in public relations is good for investments banks. ANg kaso nga lang, gaya ng nakararami, ito ay para sa entertainment purposes lamang.Bahagyang napaisip si Aliyah. Ganoon ba ang iniisip ni President Dela Fuente tungkol sa kanya? O baka naman iniisip niya na pakana ni Manager Lim ang nangyari sa kanila kagabi kaya gano’n na lamang itong magtanong ngayon?Thinking of last night, bahagyang namula ang mga pisngi ni Aliyah. Itinago niya agad ang sensasyong iyon dahil maraming tao ang nakapaligid sa kanila at hindi lang basta ang Presidente ang kaharap niya ngayon.Ilang minutong namayani ang katahimikan sa kanila dahil halos nagkakatinginan lamang ang dalawa. Nang mapansin siguro ni Manager Lim na medyo lumalamig na ang paligid nila, bigla itong nagsalita.“She has always been an assistant, Mr. Dela Fuente. I just thought that she may have common topics with you since pareho naman kayo ng paaralan na pinasukan noon kaya inimbita ko siya rito. But… if you
Chapter 5Kung susuriin mo, mapapansin mo na hindi bago ang tattoo ni Jacob sa balat niya. Para bang matagal na iyong nakaukit sa kanya at dikit na dikit na ang tinta nito sa kanyang balat.Kung tama man ang sinabi kanina ni Rina. Malamang ang mga numerong nakaukit doon ay birthday ng babaeng minamahal niya. Posible kaya?Isa pa, alam ni Aliyah na hindi kay President Jacob ang birthday na iyon na nakaukit sa collarbone niya. Dahil sa pagkakatanda niya, sa April ang birthday nito at hindi sa August. Kahit na ang mga magulang ni Jacob na may-ari ng Dela Fuente Group of Companies ay alam niyang parehong July ang mga kaarawan ng mga ‘yon kaya imposible ding sila.Hindi rin naman siya ang tinutukoy nito dahil ang birthday pa lang niya ay sa November 14.Argh! Bakit niya ba inisip iyon? Wala na siya doon!Pero kung susumahin, wala sa mga naisip niyang numero ang tugma sa numerong nakita niya kay Jacob. Akalain mo nga naman, ang isang malamig na pusong katulad niya ay gagawa ng isang pambata
Chapter 6 Ano nang gagawin ko? Babalik ba ako doon? Aligaga na palakad-lakad si Aliyah ng pabalik-balik sa kanyang inookupang kuwarto. Hindi malaman kung ano ba ang gagawin. Hanggang sa napagdesisyunan niya na tawagin ang kaibigan."Rina!" sigaw niya nang sagutin ng kaibigan ang kabilang linya ng telepono."Hmm..." tanging sagot ni Rina."Rina! Makinig ka. Importante 'to. May number ka ba ni President Jacob Dela Fuente? O kaya may alam ka ba kung paano ako makakakuha ng cellphone number niya? Just please, please, please I need it!"Tahimik lamang ang kabilang linya ng telepono kahit na halos magsisisigaw na si Aliyah dahil sa nerbyos na nararamdaman."Huh? Nahihibang ka ba? Itulog mo na lang 'yan, Aliyah.""No, No, No, No, No... Mali ka ng iniisip kung ano man yang iniisip mo. Importante lang kasi. I don't have time to explain! Just please help me get his number! I just need to talk to him.""Hindi ko alam ang number niya pero may alam akong solusyon kung gusto mo siyang makausap. J
Chapter 1“Have you ever done it with a man?”Sa isang gabing puno ng katahimikan, si Aliyah na kagagaling lamang sa isang business trip ay malapit na sanang matulog dahil sa kanyang kalasingan. Ngunit naudlot iyon nang makita ang mensahe sa kanya ng kanyang best friend na si Rina sa chat.“Hurry up and hook up with a handsome guy while you are still young! Paano mo mararamdaman ang ganoong feeling kung hindi mo gagawin? Trust me, you can just describe it in one word! Huwag ka nang mahiya. I have all kinds of videos that can help you open the door to a new world!”Napahiga na lamang sa kama ng hotel room niya si Aliyah.Ano bang sinabi ko sa kanya dati? Hindi ko na matandaan.Bagsak ang mukha ni Aliyah dahil sa sobrang kalasingan sabay pa na nakabuhaghag ngayon ang mahaba at makapal niyang buhok nang mahiga siya sa kama.Sa susunod na buwan ay 26 years old na siya. Sobrang tanda na at hindi pa nagkakaroon ng nobyo kahit kailan. Kaya rin siguro kinukulit na siya ni Rina dahil matanda n