Share

Chapter 4

Chapter 4

Aliyah knows that being in public relations is good for investments banks. ANg kaso nga lang, gaya ng nakararami, ito ay para sa entertainment purposes lamang.

Bahagyang napaisip si Aliyah. Ganoon ba ang iniisip ni President Dela Fuente tungkol sa kanya? O baka naman iniisip niya na pakana ni Manager Lim ang nangyari sa kanila kagabi kaya gano’n na lamang itong magtanong ngayon?

Thinking of last night, bahagyang namula ang mga pisngi ni Aliyah. Itinago niya agad ang sensasyong iyon dahil maraming tao ang nakapaligid sa kanila at hindi lang basta ang Presidente ang kaharap niya ngayon.

Ilang minutong namayani ang katahimikan sa kanila dahil halos nagkakatinginan lamang ang dalawa. Nang mapansin siguro ni Manager Lim na medyo lumalamig na ang paligid nila, bigla itong nagsalita.

“She has always been an assistant, Mr. Dela Fuente. I just thought that she may have common topics with you since pareho naman kayo ng paaralan na pinasukan noon kaya inimbita ko siya rito. But… if you are unhappy about her, she can leave and I will let her go back to her room.”

Nang marinig ni Aliyah ang mga salitang iyon na sinabi ni Manager Lim ngayon-ngayon lang, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. May parte sa kanya na nasisiyahan dahil pwede na siyang bumalik sa kuwarto niya at huminga ng malalim dahil hindi na niya makakaharap ang lalaking nakasaluhan niya ng sarap buong gabi kanina. At ang isang parte naman na nararamdman niya ay ang bahagyang pagkadismaya sa sinabi nito kanina at tila ba ayaw siya nitong makita.

In the end, Aliyah decided to stand up and ready to leave when suddenly he hear the President’s voice.

“Stay. Sit down.” he said in a cold tone.

Bumaling sa harapan si Aliyah at nahuli niya itong nakatitig sa kanya.

Ilang segundo ang lumipas at nakatayo pa rin si Aliyah. Pinapakiramdaman kung tama ba ang narinig niya mula sa lalaki.

Not until she heard the Manager’s spoke, “Aliyah! Hindi mo ba narining si  President? Mr. Dela Fuente ask you to sit down. Sit down now!” sabi nito sa mahina pero matigas na boses.

Wala nang nagawa si Aliyah at sumunod na lamang. Umupo siyang muli sa kanyang upuan katabi ng kay Manager Lim. Habang katapat naman nito ay si Mr. Dela Fuente.

Pagkaupong pakaupo naman ni Aliyah ay naramdaman niya ang masamang tingin sa kanya ni Manager Lim. Bahagya itong lumunok dahil sa tensiyong nararamdaman niya sa ngayon. Inudyukan din siya nito na magsalin ng alak sa baso ng Presidente.

Kinuha naman ni Aliyah ang bote ng wine at nagsalin ng alak sa baso nito.

“Manager Lim, kung gusto mong tumagal sa kumpanya, huwag kang gumawa ng bagay na hindi ko ikakasaya. I’m focusing on this project. Ayaw kong pumalpak. So hurry up and submit your form for replenishment and try your best to recover the losses.”

Sa sinabing iyon ni Mr. Dela Fuente ay tila ba binibigyan niya ng ultimatum si Manager Lim sa ginawa nitong kamalian.

“Yes, yes, Yes, I know Mr. President. I know that it is my fault. I will try to fix it. Don’t worry, next time--”

“There will be no next time.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Aliyah nang biglang sumingit sa pagsasalita si President kay Manager Lim. Kita niya sa mukha ni Manager ang pagkapahiya at tahimik na tumango na lamang.

“Ano bang ginagawa mo? Hindi ka man lang kumibo o kinausap si President. Hindi kita dinala doon para maging palamuti lang! I told you to entertain him! And yet hindi mo man lang makuhang ngumiti!” pabulong pero matigas na sabi sa kanya ni Manager Lim nang makaalis na sila sa restaurant.

“Pasensiya na po Manager Lim, pero hindi po kasali sa trabaho ko ang makipag inuman sa Presidente.”

“At sumasagot ka pa talaga?! Alam mo ba kung anong klaseng hirap ang ginawa ko para lang mapapayag na makipag dinner sa atin si President Dela Fuente? I even thought that you are pretty and smart pero wala ring nangyari!” pagalit na sabi nito sa kanya.

Dala ang masamang tingin, nakuha pa nitong sipain ang katabing upuan sa lobby kung saan sila nag-usap pagkatapos ay galit na umalis. Bahagya pang lumingon sa paligid si Aliyah, tinitignan kung may nakakita ba sa nangyari pero mabuti na lang ay wala naman dahil kaunti na lang ang mga tao sa hotel.

Habang pabalik sa kanyang hotel room, pinapakiramdaman ni Aliyah ang sarili. Gustuhin man niyang umiyak dahil sa nangyari, wala nang luhang tumutulo mula sa mga mata. Dahil alam niya na sa simula pa lang na pumasok siya sa trabahong ito, marami nang kapalpakan ang pwede niyang magawa. Dahil gano’n naman talaga. The lower the level you are in the industry, the lower the head should be.

Pero sa isang banda, hindi halos maisip ni Aliyah na magiging ganoon kalamig ang trato sa kanya ni Jacob. Ang buong akala niya dahil may pinagsamahan sila kagabi ay makikilala na siya nito pero hindi pala mali ang akala niya.

Totoo rin siguro ang mga sabi-sabi tungkol sa lalaki na wala itong awa.

Binuksan ni Aliyah ang pinto gamit ang card key ng hotel. Nang makaupo sa kanyang kama ay sakto namang tumawag ang kaibigan niyang si Rina. Sinagot niya ito kaagad.

“O ano kamusta? Nabalitaan kong inalis ka sa grupo. Bakit anong nangyari?” bungad na tanong sa kanya ng kaibigan.

“Hindi ba umubra? Sabi ko na eh, hindi uubra ang beauty trick niyo sa kanya.”

“Ano?” tanging naisagot ni Aliyah.

“Iyon lang ang alam ko! Dahil ang alam ko, may minamahal yang iba kaya hindi talaga ‘yan mag-e-entertain ng iba!”

Sa sinabing iyon ni Rina. Bigla ngang naalala ni Aliyah ang numerong nasa collarbone ni jacob.

0825

It was a date that tattooed on his collarbone.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status