Chapter 10 Ang mataas na lebel ng kasiyahan ni Aliyah ay biglaang bumaba nang ibang boses ang marinig niya sa kabilang linya ng telepono. Kung tama ang pagkakatanda niya, hindi iyon boses ni Jacob. Kundi boses iyon ng secretary nito.Malalim na humugot ng hininga si Aliyah pagkatapos ay pumikit. Susubukan pa rin niya kahit hindi si Jacob ang kausap niya."Hello... Si Aliyah po ito. Aliyah Gonzales. Dating kaklase po ako ni Mr. Jacob Dela Fuente. Gusto ko lang po sana siyang makausap. Pwede po ba? Pakisabi na lang po sana sa kanya. Sana tawagan niya ako pabalik.""Ms. Gonzales?" ani nito pagkatapos ay biglang natahimik ang kabilang linya ng telepono. "Is there anything else, Miss?" dugtong nito.Umiling si Aliyah, tipong parang kausap niya sa personal ang nasa kabilang linya."Wala na po. Iyon lang. Salamat."Pagkatapos nilang patayin pareho ang tawag, napaupo na lamang sa isang gilid si Aliyah. Lumayo kasi siya ng kaunti kanina nang makita niyang numero ni Jacob ang nakarehistrong tu
Chapter 11 Nakaupo si Aliyah kasama si Mr. Dela Fuente sa bench ng hospital. Iniisip ng dalaga na parang napakabilis sa kanya ng mga pangyayari. Pero dahil may makakatulong naman sa kanya, hindi na siya magko-komento ng kahit na ano.At dahil nakasuot sa kanya ang damit ni Jacob, amoy na amoy nito ang sigarilyo na dumikit sa damit nito. Pero hindi naging hadlang 'yon at naging komportable pa rin siya sa damit lalo pa at malamig sa hospital.Masyado nga atang nakarelax si Aliyah at gano'n na lamang ang gulat niya nang biglang kumulugkog ang kaniyang tiyan."Didn't you eat?" tanong ng lalaking katabi niya.Hinawakan ni Aliyah ang kanyang tiyan pagkatapos ay bahagyang napayuko dahil sa nakakahiyang naramdaman."Oo..." Ayaw na ipagpatuloy ni Aliyah ang usapan nila tungkol sa bagay na iyon kaya naman nakahinga siya nang maluwang nang makita niya itong hindi na muling nagtanong pa.Dumiretso siya ng upo pagkatapos ay napansin ang lalaki na tinignan nito ang pambising niyang relo."Ipinal
Chapter 12 Lumabas ng kotse si Aliyah. Pinuntahan niya si Jacob sa 'di kalayuan. Nang palapit na siya, nakita niya ang pagbaba ng telepono nito at lumingon sa kanya. Tapos na siguro itong makipag-usap."This is Filipino cuisine." sabi nito sa malamig na boses."Oh..." tumango na lamang si Aliyah kahit na bahagya itong nasopresa sa kanya. Iginiya siya ni Jacob papasok sa loob.Naalala kaya nito na siya ang katabi niya sa classroom noon? O baka naman... Alam talaga nito iyon nuong una pa lang?Standing next to President Jacob, nagmumukhang hindi sila magkasama. Judging from what she was wearing, mas mukha siyang assistant nito kesa ang babaeng mapapangawa nito bukas.Sinundan niya si Jacob hanggang sa makaupo sila sa loob ng restaurant. But as she sat down, she suddenly felt uneasy. Anong gagawin niya ngayon? Pag-uusapan nila ni Jacob ang nakaraan noong high school pa lamang sila? Kumpara sa kanya, mas kalmado naman si Jacob sa isang banda. Para lang itong kaswal na nakikipag dine-i
Chapter 13 Bahagyang nanlaki ang mga mata ng assistant sa sinabi ni Mr. President. Hindi lang pala si Aliyah ang nagulat sa sinabi nito kundi ito rin. Sa tinagal-tagal niyang naninilbihan sa amo, hindi nito sukat akalain na magpapabili ito ng ganoon ngayon. Bahagya itong napangisi pagkatapos ay itinuon ang atensiyon sa kalsada. Kilala niya ang amo niya. Alam niya kung saan at bakit ito nagpapabili ng ganoon."Right away, Mr. President." Napatingin naman si Aliyah sa assistant nito sa kanyang sagot. Bahagyang namula ang magkabilang pisngi niya nang bigla dumako ang tingin niya sa katabi. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin at pinakalma ang sarili. Ayaw niyang may makakita ng reaksiyon sa mukha niya. Baka mahalata pa ng mga ito ang pamumula niya kaya naman itinuon na lang niya ang paningin sa labas ng bintana ng kotse.Malalim na humugot ng hininga si Aliyah habang nakasandal sa bintana ng kotse. Kung iisipin, pumayag siya sa lahat ng kondisyon ni Jacob nang tinanggap niya ang alok nito
Chapter 14 Tahimik lamang na nakatitig si Jacob kay Aliyah. Nabigla ata sa sinabi niya. Napansin naman kaagad ito ni Aliyah kaya naman agad siyang tumikhim pagkatapos ay dumeretso ng tayo. "Ang ibig kong sabihin... Magluluto rin ako ng almusal bukas." Alam naman niya ang mga resposibilidad niya dito lalo at mukhang dito na rin siya patitirahin ng lalaki. Bakit naman pagsisilbihan pa siya ng lalaki? Nakarinig si Aliyah ng bahagyang pagtawa. Pinatay ni Jacob ang kalan pagkatapos ay nagsalin ng lugaw sa dalawang maliit na bowl. Inilagay niya iyon sa lamesa pagkatapos ay umupo. Saka ni Aliyah napansin ang suot nito. He was wearing a gray loose t-shirt and boxers. Bagay na bagay dito ang suot niya dahil simple at talagang nakapambahay lamang. "You don't need to be so formal. Kapag nakapagpa-rehistro na tayo ng kasal mamaya, legal na asawa na kita." Bahagya namang nag-init ang pisngi ni Aliyah senyales ng pamumula nito sa sinabi ni Jacob. Iminuwestra ng lalaki ang upuan sa b
Chapter 15 Sa buong byahe papuntang opisina, nagkukwento si Troy ng mga kaganapan na ginawa nila noong mga bata pa sila kasama si Kyla. Pero ni isa sa mga kwentong iyon ay walang pumukaw sa atensiyon ni Jacob. Kahit nga nang makarating sila sa kumpanya ay umalis lang basta si Jacob at hindi man lang ito nagpaalam sa kaibigan. Dumeretso kaagad ito sa elevator para pumunta sa kanyang opisina. Pagkarating na pagkarating doon ay umupo siya kaagad sa kanyang working table. Sunod naman na kumatok ang kanyang sekretarya pagkatapos ay pumasok na may dalang mga dokumento. "Mr. President, patungkol po sa infringement lawsuit ng Gewel Company, gusto mo bang kumuha pa tayo ng mga abogado para rito? Nabalitaan ko po kasi na kumuha sila ng kilalang abogado mula sa ibang bansa." Iniayos lamang ni Jacob ang pagkakasabit ng kanyang salamin sa mata. Pagkatapos ay kinuha ang mga dokumentong dala-dala ng kanyang sekretarya at pinirmahan ito. "Hindi na. Maaayos naman ang mga legal na paraan
Chapter 16 Mahirap para kay Alena na makita ang pagod sa mukha ng kanyang anak. Halata dito na wala itong masyadong tulog at tila ba pagod na pagod. Bumuntong hininga na lamang siya pagkatapos ay inangat ang isang kamay para haplusin ang pisngi ng kanyang anak."Pasensiya ka na, anak. Naging pabigat pa ako sa 'yo." mahinang sabi niya dito. Alam naman ni Alena na hindi niya dapat turuan ang anak na maging matakot sa isang lalaki. Dahil alam niya balang araw, magpapakasal din ito. Pero natatakot pa siya. Natatakot siya na baka malito at masaktan na naman ang kanyang anak."Ano bang sinasabi mong pabigat diyan, Ma?! Ang sabi ng doktor kapag successful ang operasyon mo, lalakas ka na at pwede ka nang lumabas ng ospital. At pag nangyari 'yon, lulutuan mo dapat ako ng paborito kong sinigang! Gusto kong kumain ng ganoon." saad ni Aliyah.Bahagya lamang ngumiti si Alena. "Sige..." sagot nito pagkatapos ay may biglang naalala. "Siya nga pala, papuntahin mo ang boyfriend mo dito. Gusto ko siy
Chapter 17 "Okay..."Hindi alam ni Aliyah kung talaga bang lasing ang kasama o hindi. Dahil kung lasing ito, masasabi niyang magiging agresibo ito sa kanya at baka bubuhatin pa siya sabay dadalhin sa kuwarto. Ang nakikita niya sa lalaki ngayon ay para itong teenage boy na sabik na sabik sa kanyang girlfriend. Ibang iba sa Jacob na kilala niya na isang cold hearted ceo.Pakiramdam ni Aliyah ay nalalasing siya. Umiikot ang buong paligid niya. Tila ba nahihilo sa nangyayari. Sa huli, iniabot niya ang katawan ni Jacob na nakapatong sa kanya. Hinanap niya kaagad ang collarbone nitong may tattoo. Kinagat niya iyon dahilan para dumaing sa sakit ang lalaki. Humiwalay si Jacob mula sa pagkakapatong kay Aliyah. "I-I'm sorry...""Jacob... Pwede bang ito na ang huli ngayong araw?" sabi ni Aliyah kay Jacob. Mababa ang boses nito at para bang nakikiusap sa lalaki.Hindi sumagot si Jacob. Sa halip ay tumayo lang ito at pumunta ng banyo. Mukhang nakuha ni Aliyah ang tamang tiyempo para patigilin
Chapter 34 tagalog"B-Bakit? May problema na naman ba sa pagtawag ko sa pangalanan mo?""Why would you keep on calling me Mr. President? I told you right, don't call me like that when we are together." Naririnig ni Aliyah ang bahagyang pagka-irita sa boses ng lalaki nang magsalita ito."Ang corny kasi kung tatawagin kitang Jacob lang, di ba? Parang... Hindi kasi ako kumportable sa ganoon." Kinagat ni Aliyah ang pang-ibabang labi at bahagyang napapikit dahil sa kanyang mga sinabi. Napasinungaling talaga niya! Anong hindi siya kumportable na tawagin ito sa pangalan niya eh pag naiisip niya nga ang lalaki ay Jacob ang nababanggit ng utak niya. Ay ano ba 'yan! Ipiniling ni Aliyah ang mga nasa utak niya. Ano ba itong naisip niya!"Isa pa..." Dugtong ni Aliyah habang pasimpleng sinilip ang lalaki na busy pa rin sa pagmamaneho. "Mas pangit naman tignan kung Jacob Dela Fuente ang itatawag ko diba? Kung ayaw mo naman no'n, eh Mr. Dela fuente na lang ulit itatawag ko sa 'yo kagaya kung paano k
Chapter 33 "Ano?..." Mahinang bulong ni Aliyah pero alam niya na narinig ng kaharap ang sinabi nito.Tumayo ng tuwid si Kyla pagkatapos ay nagpamaywang. "Dapat alam mo kung bakit ka pinili ni Jacob." Anito. Lumabas ang pagiging glamoroso nito ang mamula mula niyang labi ay nakangisi sa kanya. "Pinapaalalahanan lang kita. Kung ayaw mong makinig sa akin. Ikaw na ang bahalang magpanggap na hindi mo ako nakausap."Sa boses ni Kyla ngayon ay para siyang orihinal na asawa na nagbabanta sa isang kabit. Pero sa totoo lang, siya naman talaga itong nakapangalan sa marriage certificate nila ni Jacob. Tinignan niya si Kyla na umalis pa papalayo. Gusto niyang sabihin ang mga nasa isip niyang iyon pero sa bandang huli ay hindi rin niya naisatinig.Tsaka isa pa, bakit niya nga pala kailangan pang sabihin iyon? Magmumukha lang siyang masyadong defensive. Wala rin naman siyang gusto sa lalaki.Hindi nagtagal ay nahanap rin siya ni Jacob at sinabihan niya agad ang lalaki na umuwi na.Tahimik lamang
Chapter 32 Ilang minuto lang ang hinintay ni Aliyah kay Jacob para hayaan itong makapagbihis bago sila pumunta ng supermarket. Pagkalabas ng lalaki ay simpleng pants at white t-shit lamang ang suot suot nito. Nabawasan rin ang bahagyang pagkaka intimmidate nitong tignan at tila isang college student lamang na gustong magpapawis gamit ang larong basketball.Nang makarating naman sa isang mall ay hindi alam ni Aliyah kung paano siya didistansiya sa lalaki dahil sa bawat paglayo niya dito, ay ang paglapit naman lalo ng lalaki sa tabi niya. Paano na lang kung may ibang makakita sa kanila at kuhanan sila ng litrato? Edi magkaka scandal pa sila lalo at alam ng mga nasa opisina ay may girlfriend ito na kakakita pa lang kanina."Let's go." Ani ni Jacob at pilit na hinuli ang kanyang kamay para hawakan pero pasimple niya iyong inilalayo."Uhh... Mr. President? Wala bang mga media dito o kungano man na galing sa kumpanya? Kasi di ba? Alam mo na. Baka may makakita sa atin pagkatapos ay kunan ta
Chapter 31 Sa boses na naririnig ngayon ni Aliyah sa kabilang telepono, ramdam niya at parang naiisip niya ang senaryong iyon sa kanyang isip."At alam mo ba? Nung nakita ko sa pictures yung mukha ng babaeng kasama ni Sir kanina ay ba may konting kamukha mo! Hawig mo yung girlfriend ni President, Aliyah!"Pikit ang matang bumuntong hininga si Aliyah sa narinig. Ayaw na niyang pag-usapan pa kung sino o kamukha man niya ang girlfriend ni Jacob pero eto namang kaibigan niya ay sobra sa kadaldalan!"Huwag mo nga akong ikumpara doon! Isa pa, malabing kamukha ko iyon. Mayaman 'yon panigurado." Tanging nasabi ni Aliyah sa kaibigan."Aba! Eh bakit? Maganda ka rin naman ah? Kung alam mo lang nang makita ng head ang mukha mo namangha siya ng sobra! Kaya kapag napromote ka, pwede mo nang apak apakan si Manager Lim!" Ani ni Rina sa kanya na tila nanggigigil pa.Napailing-iling na lamang si Aliyah kahit hindi nakikita ng kaibigan. "Oh sige na. Saka na tayo mag-usap. May gagawin pa ako. Bye."Pab
Chapter 30 "Mr. P-President..." mahinang tawag ni Aliyah sa lalaki. "Bukas na iyan, Aliyah." awat nito sa kanya. "Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka." dugtong pa nito pagkatapos ay iniabot ang kumot at nagtalukbong ito. Napabuntong hininga na lamang si Aliyah pagkatapos ay humiga na. Pinilit niya ang sarili na matulog. Kinabukasan naman ay nagising siya sa isang maliliit na halik sa labi at leeg niya. Gayon na lamang ang gulat niya nang wala na siyang saplot sa katawan! Nakita rin niya ang lalaking galit sa kanya kagabi na niroromansa na siya ngayon. Anong nangyayari? Lasing pa ba ito? Tatanungin niya sana si Jacob pero biglang nawala siya sa huwisyo nang ipasok nito ang pagkalalaki niya sa kanya. Napaungol na lamang si Aliyah at sinabayan ang ritmo ng pagsayaw nito. Ang buong akala niya ay paggising niya ay hindi siya papansinin ng lalaki dahil kita nito ang galit sa bosea niya kagabi. Pero dahil sa ginagawa nito ngayon, kabaligtaran ang nasa isip niya. Siya na nga ata nga
Chapter 29 Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Aliyah at nagbihis na lamang siya ng damit na pants at t-shirt bago tumawag ng taxi para makapunta sa address na ibinigay ng assistant ni Jacob sa kanya.Ang buong akala ni Aliyah ay uuwi na ito ng bahay pero nagkamali siya. May iba pa pala itong pinuntahan. Napabunyong hininga na lamang siya."Eto ang susi, Ma'am." inabot ng assistant ni Jacob ang susi ng kotse sa kanya. Hindi niya naamoy ang kahit na anong bakas ng alak dito. Pero hindi na lang din siya nagsalita."Pakihatid na lamang po sa bahay niya si Mr. President, Ma'am. Mag-iingat po kayong dalawa sa pag-uwi." ani pa nito.Kinuha na lamang ni Aliyah ang susi pagkatapos ay pumasok sa driver's seat ng kotse. Doon niya nakita ang nakapikit at mukhang lasing na lasing na si Jacob.Hinintay ni Aliyah na sumakay sa likod ang assistnat nito pero diretso lamang na tumayo ang lalaki at iwinagayway ang kamay nito sa kanila. Kumunot ang noo ni Aliya pagkatapos ay ibinaba ang bintana ng kots
Chapter 28 Nanigas si Aliyah sa kinatatayuan niya."H-Hindi naman, Sir. A-ang inaalala ko lang ay baka may kikitain ka pang iba? O baka naman may gagawin ka pa. Alam ko busy ka. Naiintindihan iyon ni Mama." pagpapalusot niyang muli.Tahimik lang siyang tinignan ni Jacob. Hindi na muli itong nagsalita pa na para bang alam na niya ang sinasabi ni Aliyah. Hanggang sa naglalakad silang dalawa sa corridor ng ospital, doon lamang nag umpisang magsalita ang lalaki."I have found a great doctor for your mother. Sasabihin mo bang galing iyon sa boyfriend mo?" matabang nitong tanong sa kanya.Huminto naman si Aliyah sa paglalakad nang nasa labas na sila ng ospital saka tinignan si President."Hindi mo naintindihan, Mr. Dela Fuente. Masyadong old fashioned ang mama ko. Kapag nalaman niyang ikinasal lang tayp dahil sa kontrata, magagalit lang iyon sa akin. Or worse, hindi siya magpapatuloy na magpa-opera." "Makikipag balikan ka ba sa boyfriend mo kapag natapos ang kontrata natin?" malamig niton
Chapter 27 Buong byahe ay nakatingin lang ata si Aliyah sa labas ng kanyang bintana. Tila ayaw makausap si Jacob dahil nahihiya siya dito. Nang makita ang labas ng hospital ay halos magdiwang siya sa tuwa nang sa wakas ay makakaalis na siya sa tabi ni Jacob. Nakangiti niya sanang pipihitin ang pinto ng kotse nang hawakan siya ni Jacob sa braso."Wait. I'll go with you." sabi niya.Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Aliyah at akmang magsasalita para pigilan ang lalki nang nauna na itong lumabas ng kotse. Nakita niya ang pag-ikot nito sa harapan pagkatapos ay pinagbuksan pa siya nito ng pinto!"S-Salamat." tanging nasabi niya nang makalabas.Tumango lamang ang lalaki pagkatapos ay binuksan nito ang backseat ng kotse at kinuha ang mga regalong nandoon. "Let's go?" he ask then slip her hands with her to intertwined it.Bahagyang napaatras ang huwisyo ni Aliyah pero iginiya siya kaagad ni Jacob sa loob."P-Pero alam mo, President hindi naman na talagang kailangan pang pumunta ka do
Chapter 26 Sa mga nagdaang taon, inakala ni Troy na maangas, isnabero, at mayabang si Jacob dahil kahit gaano pa siya kaganda o katalino, beauty queen man o model, ay hindi siya nito pinapansin. Pero nagkakamali pala siya. Hindi naman pala ganoon katigas na parang bato ang damdamin nito. Talagang iba-iba lang ang treatment nito sa iba't ibang babae.Just like what he saw before. Ang Presidente ng Dela Fuente group ay talagang sinundan ang isang babae sa restaurant para makipagkita sa person in charge ng Hans Company. He even protect the girl from that guy! Hindi niya naman din gustong may mangyaring hindi masama doon sa babae pero to think na si Jacob pa mismo ang prumotekta sa kanya ay talagang pinagtatakhan niya! He must be interested with that girl. Haha!"Busy ka ba?" tanong niya sa kaibigan.Hindi mahiling si Jacob sa kahit na anong chismis at kahit pa mang-asar siya dito. Tumingin lang ito saglit sa kanya pagkatapos ay itinuon ulit ang atensiyon sa ginagawa."I heard muntik n