Chapter 11 Nakaupo si Aliyah kasama si Mr. Dela Fuente sa bench ng hospital. Iniisip ng dalaga na parang napakabilis sa kanya ng mga pangyayari. Pero dahil may makakatulong naman sa kanya, hindi na siya magko-komento ng kahit na ano.At dahil nakasuot sa kanya ang damit ni Jacob, amoy na amoy nito ang sigarilyo na dumikit sa damit nito. Pero hindi naging hadlang 'yon at naging komportable pa rin siya sa damit lalo pa at malamig sa hospital.Masyado nga atang nakarelax si Aliyah at gano'n na lamang ang gulat niya nang biglang kumulugkog ang kaniyang tiyan."Didn't you eat?" tanong ng lalaking katabi niya.Hinawakan ni Aliyah ang kanyang tiyan pagkatapos ay bahagyang napayuko dahil sa nakakahiyang naramdaman."Oo..." Ayaw na ipagpatuloy ni Aliyah ang usapan nila tungkol sa bagay na iyon kaya naman nakahinga siya nang maluwang nang makita niya itong hindi na muling nagtanong pa.Dumiretso siya ng upo pagkatapos ay napansin ang lalaki na tinignan nito ang pambising niyang relo."Ipinal
Chapter 12 Lumabas ng kotse si Aliyah. Pinuntahan niya si Jacob sa 'di kalayuan. Nang palapit na siya, nakita niya ang pagbaba ng telepono nito at lumingon sa kanya. Tapos na siguro itong makipag-usap."This is Filipino cuisine." sabi nito sa malamig na boses."Oh..." tumango na lamang si Aliyah kahit na bahagya itong nasopresa sa kanya. Iginiya siya ni Jacob papasok sa loob.Naalala kaya nito na siya ang katabi niya sa classroom noon? O baka naman... Alam talaga nito iyon nuong una pa lang?Standing next to President Jacob, nagmumukhang hindi sila magkasama. Judging from what she was wearing, mas mukha siyang assistant nito kesa ang babaeng mapapangawa nito bukas.Sinundan niya si Jacob hanggang sa makaupo sila sa loob ng restaurant. But as she sat down, she suddenly felt uneasy. Anong gagawin niya ngayon? Pag-uusapan nila ni Jacob ang nakaraan noong high school pa lamang sila? Kumpara sa kanya, mas kalmado naman si Jacob sa isang banda. Para lang itong kaswal na nakikipag dine-i
Chapter 13 Bahagyang nanlaki ang mga mata ng assistant sa sinabi ni Mr. President. Hindi lang pala si Aliyah ang nagulat sa sinabi nito kundi ito rin. Sa tinagal-tagal niyang naninilbihan sa amo, hindi nito sukat akalain na magpapabili ito ng ganoon ngayon. Bahagya itong napangisi pagkatapos ay itinuon ang atensiyon sa kalsada. Kilala niya ang amo niya. Alam niya kung saan at bakit ito nagpapabili ng ganoon."Right away, Mr. President." Napatingin naman si Aliyah sa assistant nito sa kanyang sagot. Bahagyang namula ang magkabilang pisngi niya nang bigla dumako ang tingin niya sa katabi. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin at pinakalma ang sarili. Ayaw niyang may makakita ng reaksiyon sa mukha niya. Baka mahalata pa ng mga ito ang pamumula niya kaya naman itinuon na lang niya ang paningin sa labas ng bintana ng kotse.Malalim na humugot ng hininga si Aliyah habang nakasandal sa bintana ng kotse. Kung iisipin, pumayag siya sa lahat ng kondisyon ni Jacob nang tinanggap niya ang alok nito
Chapter 14 Tahimik lamang na nakatitig si Jacob kay Aliyah. Nabigla ata sa sinabi niya. Napansin naman kaagad ito ni Aliyah kaya naman agad siyang tumikhim pagkatapos ay dumeretso ng tayo. "Ang ibig kong sabihin... Magluluto rin ako ng almusal bukas." Alam naman niya ang mga resposibilidad niya dito lalo at mukhang dito na rin siya patitirahin ng lalaki. Bakit naman pagsisilbihan pa siya ng lalaki? Nakarinig si Aliyah ng bahagyang pagtawa. Pinatay ni Jacob ang kalan pagkatapos ay nagsalin ng lugaw sa dalawang maliit na bowl. Inilagay niya iyon sa lamesa pagkatapos ay umupo. Saka ni Aliyah napansin ang suot nito. He was wearing a gray loose t-shirt and boxers. Bagay na bagay dito ang suot niya dahil simple at talagang nakapambahay lamang. "You don't need to be so formal. Kapag nakapagpa-rehistro na tayo ng kasal mamaya, legal na asawa na kita." Bahagya namang nag-init ang pisngi ni Aliyah senyales ng pamumula nito sa sinabi ni Jacob. Iminuwestra ng lalaki ang upuan sa b
Chapter 15 Sa buong byahe papuntang opisina, nagkukwento si Troy ng mga kaganapan na ginawa nila noong mga bata pa sila kasama si Kyla. Pero ni isa sa mga kwentong iyon ay walang pumukaw sa atensiyon ni Jacob. Kahit nga nang makarating sila sa kumpanya ay umalis lang basta si Jacob at hindi man lang ito nagpaalam sa kaibigan. Dumeretso kaagad ito sa elevator para pumunta sa kanyang opisina. Pagkarating na pagkarating doon ay umupo siya kaagad sa kanyang working table. Sunod naman na kumatok ang kanyang sekretarya pagkatapos ay pumasok na may dalang mga dokumento. "Mr. President, patungkol po sa infringement lawsuit ng Gewel Company, gusto mo bang kumuha pa tayo ng mga abogado para rito? Nabalitaan ko po kasi na kumuha sila ng kilalang abogado mula sa ibang bansa." Iniayos lamang ni Jacob ang pagkakasabit ng kanyang salamin sa mata. Pagkatapos ay kinuha ang mga dokumentong dala-dala ng kanyang sekretarya at pinirmahan ito. "Hindi na. Maaayos naman ang mga legal na paraan
Chapter 16 Mahirap para kay Alena na makita ang pagod sa mukha ng kanyang anak. Halata dito na wala itong masyadong tulog at tila ba pagod na pagod. Bumuntong hininga na lamang siya pagkatapos ay inangat ang isang kamay para haplusin ang pisngi ng kanyang anak."Pasensiya ka na, anak. Naging pabigat pa ako sa 'yo." mahinang sabi niya dito. Alam naman ni Alena na hindi niya dapat turuan ang anak na maging matakot sa isang lalaki. Dahil alam niya balang araw, magpapakasal din ito. Pero natatakot pa siya. Natatakot siya na baka malito at masaktan na naman ang kanyang anak."Ano bang sinasabi mong pabigat diyan, Ma?! Ang sabi ng doktor kapag successful ang operasyon mo, lalakas ka na at pwede ka nang lumabas ng ospital. At pag nangyari 'yon, lulutuan mo dapat ako ng paborito kong sinigang! Gusto kong kumain ng ganoon." saad ni Aliyah.Bahagya lamang ngumiti si Alena. "Sige..." sagot nito pagkatapos ay may biglang naalala. "Siya nga pala, papuntahin mo ang boyfriend mo dito. Gusto ko siy
Chapter 17 "Okay..."Hindi alam ni Aliyah kung talaga bang lasing ang kasama o hindi. Dahil kung lasing ito, masasabi niyang magiging agresibo ito sa kanya at baka bubuhatin pa siya sabay dadalhin sa kuwarto. Ang nakikita niya sa lalaki ngayon ay para itong teenage boy na sabik na sabik sa kanyang girlfriend. Ibang iba sa Jacob na kilala niya na isang cold hearted ceo.Pakiramdam ni Aliyah ay nalalasing siya. Umiikot ang buong paligid niya. Tila ba nahihilo sa nangyayari. Sa huli, iniabot niya ang katawan ni Jacob na nakapatong sa kanya. Hinanap niya kaagad ang collarbone nitong may tattoo. Kinagat niya iyon dahilan para dumaing sa sakit ang lalaki. Humiwalay si Jacob mula sa pagkakapatong kay Aliyah. "I-I'm sorry...""Jacob... Pwede bang ito na ang huli ngayong araw?" sabi ni Aliyah kay Jacob. Mababa ang boses nito at para bang nakikiusap sa lalaki.Hindi sumagot si Jacob. Sa halip ay tumayo lang ito at pumunta ng banyo. Mukhang nakuha ni Aliyah ang tamang tiyempo para patigilin
Chapter 18 Halos tatlong oras lang din ang itinulog ni Aliyah nang gabing iyon. Pagod na pagod siya at halos masakit din ang buong katawan niya sa ginawa nila ni Jacob kagabi. Tumingin naman siya sa gilid niya at nakitang wala na siyang katabi pagkagising niya kinaunagahan.Bumangon si Aliyah at dumeretso sa kusina. Doon ay nakita niya ang mga nakatakip na pagkain na nasa lamesa. Mainit init pa ang mga iyon. Saka niya napansin ang piraso ng papel na nasa gilid. Kinuha niya iyon at binasa kung ano ang nakasulat."I'll be gone for a week. I'm on a business trip. I'll see you next week when I come back." sabi nito sa note na iniwan niya sa lamesa.Napatitig na lamang si Aliyah sa papel at pati na rin sa mga pagkain na nasa hapag. Hindi niya talaga maintindihan si Jacob. Kapag nasa pribado sila na sila lang dalawa at nasa bahay ito, makikita mong may pagka maalaga ito. Kahit pa nung nagsasalo sila sa kama kagabi, he was gentle with her. Lagi siya nitong tinatanong kung nasasaktan ba siy
Chapter 28 Nanigas si Aliyah sa kinatatayuan niya."H-Hindi naman, Sir. A-ang inaalala ko lang ay baka may kikitain ka pang iba? O baka naman may gagawin ka pa. Alam ko busy ka. Naiintindihan iyon ni Mama." pagpapalusot niyang muli.Tahimik lang siyang tinignan ni Jacob. Hindi na muli itong nagsalita pa na para bang alam na niya ang sinasabi ni Aliyah. Hanggang sa naglalakad silang dalawa sa corridor ng ospital, doon lamang nag umpisang magsalita ang lalaki."I have found a great doctor for your mother. Sasabihin mo bang galing iyon sa boyfriend mo?" matabang nitong tanong sa kanya.Huminto naman si Aliyah sa paglalakad nang nasa labas na sila ng ospital saka tinignan si President."Hindi mo naintindihan, Mr. Dela Fuente. Masyadong old fashioned ang mama ko. Kapag nalaman niyang ikinasal lang tayp dahil sa kontrata, magagalit lang iyon sa akin. Or worse, hindi siya magpapatuloy na magpa-opera." "Makikipag balikan ka ba sa boyfriend mo kapag natapos ang kontrata natin?" malamig niton
Chapter 27 Buong byahe ay nakatingin lang ata si Aliyah sa labas ng kanyang bintana. Tila ayaw makausap si Jacob dahil nahihiya siya dito. Nang makita ang labas ng hospital ay halos magdiwang siya sa tuwa nang sa wakas ay makakaalis na siya sa tabi ni Jacob. Nakangiti niya sanang pipihitin ang pinto ng kotse nang hawakan siya ni Jacob sa braso."Wait. I'll go with you." sabi niya.Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Aliyah at akmang magsasalita para pigilan ang lalki nang nauna na itong lumabas ng kotse. Nakita niya ang pag-ikot nito sa harapan pagkatapos ay pinagbuksan pa siya nito ng pinto!"S-Salamat." tanging nasabi niya nang makalabas.Tumango lamang ang lalaki pagkatapos ay binuksan nito ang backseat ng kotse at kinuha ang mga regalong nandoon. "Let's go?" he ask then slip her hands with her to intertwined it.Bahagyang napaatras ang huwisyo ni Aliyah pero iginiya siya kaagad ni Jacob sa loob."P-Pero alam mo, President hindi naman na talagang kailangan pang pumunta ka do
Chapter 26 Sa mga nagdaang taon, inakala ni Troy na maangas, isnabero, at mayabang si Jacob dahil kahit gaano pa siya kaganda o katalino, beauty queen man o model, ay hindi siya nito pinapansin. Pero nagkakamali pala siya. Hindi naman pala ganoon katigas na parang bato ang damdamin nito. Talagang iba-iba lang ang treatment nito sa iba't ibang babae.Just like what he saw before. Ang Presidente ng Dela Fuente group ay talagang sinundan ang isang babae sa restaurant para makipagkita sa person in charge ng Hans Company. He even protect the girl from that guy! Hindi niya naman din gustong may mangyaring hindi masama doon sa babae pero to think na si Jacob pa mismo ang prumotekta sa kanya ay talagang pinagtatakhan niya! He must be interested with that girl. Haha!"Busy ka ba?" tanong niya sa kaibigan.Hindi mahiling si Jacob sa kahit na anong chismis at kahit pa mang-asar siya dito. Tumingin lang ito saglit sa kanya pagkatapos ay itinuon ulit ang atensiyon sa ginagawa."I heard muntik n
Chapter 25 "I still do want to pursue Hans project." sagot ni Aliyah kay Jacob nang tanungin siya nito kung gusto pa ba nitong ipagpatuloy ang proyektong ginagawa nito."I may see opportunity in this project. Kaya gusto ko pa ring ituloy 'yon kahit anong mangyari." dugtong pa niya.Humigpit bigla ang hawak ni Aliyah sa kanyang kutsara. Gusto kasi talaga niyang huwag bitiwan ang proyekto kahit pa muntik na may mangyaring hindi maganda sa kanya. Kapag kasi naging matagumpay siya dito, malaki-laki rin ang makukuha niyang commission at maaari na niyang bayaran si Jacob. Baka nga pwede na siyang makipaghiwalay no'n sa lalaki at hindi na tapusin ang isang taon nilang kontrata."Binabalak naming maglipat ng tao sa finance group na galing sa grupo niyo." sabi ni Jacob sa kanya.Napatingin naman si Aliyah sa lalaki. Interesado sa sinasabi nito."Pwede ba ako? Ako na lang!" pagpresinta niya.Itinuon naman ni Jacob ang atensiyon sa pagkain niya. "Pag-iisipan ko." simpleng sagot nito.Tumango
Chapter 24 Nakatingin lamang sa labas ng pinto ng kotse si Aliyah habang binabaybay nila ang daan papunta sa bahay ni Jacob. Sa likod sila ng kotse nakasakay habang nagmamaneho sa harapan ang assistant nito.Bumaling ang tingin ni Aliyah sa katabi. Diretso ang tingin nito sa harapan habang nakahawak sa kanang kamay niya. Gusto man niyang sabihin sa lalaki na ang bahay nito ay hindi na niya bahay lalo at umalis siya noon doon. Akma sana siyang magsasalita pero walang boses ang namutawi sa kanya.Sa bandang huli, hindi na rin siya nagprotesta na inuwi siya nito sa bahay ng lalaki.....Kinabukasan naman, ganoon na lamang ang pagkagulat ni Aliyah nang may katabi pa siyang mahimbing na natutulog.Lumingon siya sa bandang kaliwa niya at nakita niya ang lalaki doon na nakasiksik sa kanyang leeg habang ang isang kamay nito ay nakapatong sa may tiyan niya.Malamang ay pagod na pagod ang lalaki dahil hindi ito nagising ng maaga kagaya ng nakagawian nito. Ngayon na nga lang niya ata nakita na
Chapter 23 Nanginginig ang mga kamay ni Aliyah habang hawak siya ng lalaki. Nang magsalita ito ay saka lang niya nakilala kung sino iyon"J-Jacob?" tanging nasambit ni Aliyah bago siya tuluyang nahimatay sa mga braso ni President.Umigting naman ang panga ni Jacob sa nakita at agad na sinalo ang nahimatay na si Aliyah. Lumingon siya sa harap at nakita ang walanghiyang lalaking may binabalak na masama kay Aliyah. Jacob clench his jaw. And look at the man with anger in his eyes."You better be praying that she's okay. Because if she's not, you better start hiding in your pants."Normal na boses lamang ang lumabas sa mga labi ni Jacob pero sapat na iyon para mapatigil ang lahat ng mga taong nanonood doon. Kahit si Mr. Wong ay biglang tumahimik at kitang kita ang pamumutla ng kanyang mukha. Napaatras din si Mr. Wong at para bang nanginginig pa ang kanyang mga tuhod.Hindi na siya pinansin ni Jacob. Tumalikod na siya para isugod sa ospital si Aliyah....Nagkaroon ng isang mahabang panag
Chapter 22 "Of course not!" sagot ni Aliyah kay Rina nang bigla siya nitong tanungin kung ang "friend" ba na tinutukoy niya sa kwento niya ay siya."Hindi ako 'yon. Ano ka ba!" pagtanggi niyang muli na halos pasigaw na ang boses.Nasa opisina sila ngayon at pumunta sa pwesto niya si Rina para kopyahin ang mga notes niya kaninang nag meeting sila.Saka ni Aliyah nakwento na meron nga siyang 'kaibigan' na nakipagkasundong maikasal sa lalaki na may mahal namang iba. Pero ang lalaki ay mukhang walang balak i-divorce ang kanyang 'kaibigan' kahit pa bumalik na ang sweetheart nito.Well... She certainly talking about herself. Gusto lang naman niyang malaman ang opinyon ni Rina kung ano ang sakaling magandang gawin sa sitwasyon niya kaya naman dinahilan niya na lang na ang 'kaibigan' niya ang may problema.Nakita ni Aliyah ang mapang-usisang mukha ng kaibigan kaya naman nagsalita muli siya."S-Sa kaibigan ko 'yon! Hindi mo siya kilala. Classmate ko matagal na. Napakumusta lang sa'kin tapos s
Chapter 21 Kinakabahan man si Aliyah, pero itinuloy niya pa rin ang pagpunta sa bahay ni Mr. Dela Fuente dahil nag-message ito sa kanya patungkol sa Hans Project!Malawak ang ngiti niya habang pinipindot ang password sa bahay ni President pero bago niya maituloy na buksan iyon ay bigla siyang napatigil. Napaisip siya kung basta na lamang siya papasok sa bahay nito ay wala kaya dito ang girlfriend niya? Baka mapahiya lang siya kapag bigla siyang pumasok! Sa isiping iyon ay nagpasya na lamang si Aliyah na mag-doorbell na lamang. Agad namang may nagbukaa ng pinto at si Jacob iyon. Napansin niya kaagad ang hitsura nito.Nakasuot lamang si Jacob ng pambahay na damit. Nakapagpalit na ito mula sa suot-suot kanina na business attire. Ang buhok nitong palaging nakaayos at nakasuklay na nakikita kapag nasa kumpanya siya ay medyo magulo na ngayon. Simpleng white t-shirt at boxer shorts ang suot nito ngayon. Mula sa eleganteng suot nito kanina sa kumpanya, ngayon ay maaliwalas na damit na lama
Chapter 20 Subsititute?...Ha! Kailangan pa ba niyang isipin kung sino ang tinutukoy nito? Malamang! Siya lang naman iyon! Halata naman. Nagpapaliwanag ito tungkol sa marriage certificate nila dito sa sweetheart niya.Pakiramdam ni Aliyah ay isa siyang kontrabida na pumipigil kay Romeo at Juliet.Nahihiwagaan pa siya dati kung bakit siya ang pinili ni Jacob para maging asawa nito. Ngayon hindi na. Alam na niya ang dahilan kung bakit siya pinili nito. Kaya pala...Kaya pala sinabi ni Jacob sa kanya na siya ang pinaka pasok para maging asawa nito. Iyon ay dahil magkahawig sila ng babae! Kung hindi nga lang siguro sila magkakilala, malamang ay mahihirapan itong makahanap ng babaeng kahawig ni Kylie. No wonder she was just a substitute. Kylie's substitute.Hindi malaman ni Aliyah kung matutuwa ba siya sa coincident na ito. Dahil kung hindi siya ang magiging substitute wife nito, wala siyang makukuhang pera na gagamitin para sa pagpapagamot ng kanyang ina.Tinignan naman ni Kylie si Ali