Share

Chapter 6

Chapter 6

Ano nang gagawin ko? Babalik ba ako doon?

Aligaga na palakad-lakad si Aliyah ng pabalik-balik sa kanyang inookupang kuwarto. Hindi malaman kung ano ba ang gagawin. Hanggang sa napagdesisyunan niya na tawagin ang kaibigan.

"Rina!" sigaw niya nang sagutin ng kaibigan ang kabilang linya ng telepono.

"Hmm..." tanging sagot ni Rina.

"Rina! Makinig ka. Importante 'to. May number ka ba ni President Jacob Dela Fuente? O kaya may alam ka ba kung paano ako makakakuha ng cellphone number niya? Just please, please, please I need it!"

Tahimik lamang ang kabilang linya ng telepono kahit na halos magsisisigaw na si Aliyah dahil sa nerbyos na nararamdaman.

"Huh? Nahihibang ka ba? Itulog mo na lang 'yan, Aliyah."

"No, No, No, No, No... Mali ka ng iniisip kung ano man yang iniisip mo. Importante lang kasi. I don't have time to explain! Just please help me get his number! I just need to talk to him."

"Hindi ko alam ang number niya pero may alam akong solusyon kung gusto mo siyang makausap. Just go to his room. That's it. Sige ah inaantok na ako. Bye..." sagot ni Rina sa kaibigan.

"T-Teka la–"

Naputol na ang linya ng telepono bago pa muling makasagot si Aliyah sa kaibigan.

Bumuntong hininga na lamang si Aliyah pagkatapos ay naupo sa paanan ng kanyang kama. Tumingin siya sa kanyang cellphone.

Ano nang gagawin ko ngayon?

Blinock niya si Jacob kanyang social media pagkatapos ay nag leave rin siya sa kanilang group chat kaya wala siyang kahit na anong koneksiyon man lang ngayon sa lalaki.

Pabagsak na humiga si Aliyah sa kama at ipinikit ang mga mata hanggang sa maalala niya ang sinabi ng kaibigan.

Wait... Baka... Pwede...

Tumayo siya pagkatapos ay naglakad papunta sa maliit na kusina ng kanyang hotel room. Kumuha siya ng tubig sa ref pagkatapos ay uminom.

Pupwede niya ngang magawa ang sinasabi ni Rina na puntahan niya na lang ang lalaki sa kuwarto nito para makausap siya at makuha niya ang kontrata. Pero may kaunting pangamba sa puso niya. Ayaw na niyang makita ang lalaki pero kailangan dahil hindi naman niya mapapabalik dito sa Pilipinas ang director partner nila sa proyekto dahil pumunta na ito ng abroad pagkatapos nilang makipag deal sa kanila at magpirmahan ng kontrata.

Matapos ang mahaba-habang pag-iisip ni Aliyah, napagdesisyunan niyang sundin na lang ang sinabi ng kaibigan kanina.

Nagbihis muna ng maayos na damit si Aliyah na pang casual lamang. Agaran siyang pumunta sa presidential suit floor kung nasaan nandoon ang hotel room ng Presidente.

Handa na sanang humarap si Aliyah sa lalaki nang makita siya ng secretary ng Presidente. Pinigilan siya agad nito sa oras pa lamang na lumabas ito ng elevator.

"Ahm... Pwede ko po bang makausap si President Dela Fuente?" pormal na tanong niya sa sekretarya'ng kaharap niya ngayon.

"Do you have any appointment, Ma'am?" balik na tanong nito sa kanya.

Bahagyang ngumanga si Aliyah pagkatapos ay napailing.

"W-Wala po eh..." mahinang sabi niya.

"I'm sorry to say this, Ma'am pero hindi po pwede."

"Kahit saglit lang po, Sir. Kakausapin ko lang siya. Importante po."

Hindi sumagot ang lalaki at bahagya lamang itong ngumiti sa kanya.

"Sabihin niyo po ang pangalan ko. Aliyah. Aliyah Gonzales po. Sabihin niyo lang, please! Panigurado po kakausapin niya ako." pangungumbinse ni Aliyah sa sekretarya nito.

"I'm sorry, Ma'am. Pero hindi po talaga pwedeng pumasok ang mga walang appointment kay President."

Bagsak ang balikat ni Aliyah sa narinig at ayaw talaga siyang payagan ng sekretarya nitong makausap ang lalaki. Bahagya lamang siyang ngumiti at tumango sa sekretarya nito. Ganoon din naman ang ginawa ng kaharap.

Tumalikod si Aliyah at handa na sanang umalis nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at narinig niya ang malamig na boses ng Presidente.

"It's okay. Let her in."

Dahil sa narinig na iyon, bahagyang nagkapag-asa si Aliyah at tumingin sa sekretarya nito. Tumango lamang ito at iminuwestra ng kamay niya na pumasok na siya sa loob.

Ganoon nga ang ginawa ni Aliyah at manghang mangha sa lawak at laki ng hotel room ng presidente.

Dahan-dahan siyang naglakad sa loob hanggang sa makita niya ang lalaki na nakatayo sa glass window malapit sa veranda at nakasuot ito ng black silk robe habang may hawak na isang tasa ng kape sa kanyang kamay.

Nilunok ni Aliyah ang kanyang laway bago nag-umpisang magsalita.

"Ahm... Kukunin ko lang sana 'yung kontrata..."

Lumingon ang lalaki sa kanya pagkatapos ay binigyan siya ng salubong na kilay na tila ba hindi nito alam ang sinabi niya.

Mali ata ako ng sinabi...

"Ahh... Y-Yung kontrata... Kinuha mo ba 'yung kontrata nung gabing 'yon?" panibagong tanong niya.

"Gabi? Anong gabi?" biglaang sagot ng lalaki.

Kinagat ni Aliyah ang ibabang labi niya pagkatapos ay palihim na pinakiramdaman ang puso. Kinakabahan ata siya. Ang bilis ng tibok nito.

Aliyah tried to act calm.

"You know, Mr. President. Nagkamali lang ako ng message na na-sendan. Hindi ko inaasahan 'yon. So please kalimutan na lang natin 'yon? And nandito lang ako para sa kontrata. Kailangan ko lang 'yon. Please."

"I need a wife." Jacob interrupted her.

"W-What?..."

"I said. I need a wife. So marry me."

T-Teka... Ano 'to? Joke ba 'to? Sa isip-isip ni Aliyah. O baka naman. Pagsubok 'to? Tama. Baka pagsubok lang ito. Bakit naman kasi yayayain siya ng lalaki na magpakasal? Kung gusto nitong makakuha ng mapapangasawa. Paniguradong marami itong mabibihag. Maraming makakarandapa na magpakasal dito. Kaya bakit siya?

"B-Bakit ako?"

"Nasa hospital ang nanay mo 'di ba? I can pay her medical bills. Just marry me." sagot nito pagkatapos ay humigop ng kape.

"Bakit nga ako?" pilit na tanong niya sa lalaki.

Ngumisi lamang ang lalaki pagkatapos ay lumakad palapit sa kanya.

Masyado atang kinakabahan si Aliyah at kahit na nakalapit na ang lalaki ay hindi man lang niya makuhang lumayo o dumistansiya man lang dito.

Palapit ng palapit sa kanya ang lalaki hanggang sa gahibla na lamang ang layo ng kanilang mga mukha sa isa't isa.

"Because you are the most suitable..." he then whispered to her.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status