Chapter 5
Kung susuriin mo, mapapansin mo na hindi bago ang tattoo ni Jacob sa balat niya. Para bang matagal na iyong nakaukit sa kanya at dikit na dikit na ang tinta nito sa kanyang balat.
Kung tama man ang sinabi kanina ni Rina. Malamang ang mga numerong nakaukit doon ay birthday ng babaeng minamahal niya. Posible kaya?
Isa pa, alam ni Aliyah na hindi kay President Jacob ang birthday na iyon na nakaukit sa collarbone niya. Dahil sa pagkakatanda niya, sa April ang birthday nito at hindi sa August. Kahit na ang mga magulang ni Jacob na may-ari ng Dela Fuente Group of Companies ay alam niyang parehong July ang mga kaarawan ng mga ‘yon kaya imposible ding sila.
Hindi rin naman siya ang tinutukoy nito dahil ang birthday pa lang niya ay sa November 14.
Argh! Bakit niya ba inisip iyon? Wala na siya doon!
Pero kung susumahin, wala sa mga naisip niyang numero ang tugma sa numerong nakita niya kay Jacob. Akalain mo nga naman, ang isang malamig na pusong katulad niya ay gagawa ng isang pambatang gawain na magpapalagy ng tattoo sa kanyang balat para lang may ala-ala ito sa pinakamamahal niya? Kung iyon man ang dahilan. Malamang na mahal na mahal nga nito ang babaeng iyon kung gano’n.
Sa isiping iyon, napapikit ng mariin si Aliyah sa sumagi bigla sa isip niya. Agad niyang pinagsisihan ang nangyari sa kanila kagabi. Bakit ba hindi man lang nito nagawang tanungin si Jacob kung single pa ba ito o hindi?
Kahit pa sabihing guwapo ito at pinagpala, hindi pa rin makakayang gumawa ng hindi maganda kasama ang isang lalaking may karelasyon na iba. Ano ba itong nagawa niya?…
“Aliyah, may alam ka ba na may birthday ng August 25?” sabi ni Rina sa kabilang linya ng telepono.
“How would I know? Ang grupo natin ay isa lang sa mga kumpanyang pinapatakbo ng Dela Fuente Group of Companies. Hindi naman ganoon kalawak ang tenga ko para sumagap ng chismis ano!” sagot nito sa kanya.
Hindi rin naman na iyon mahalaga sa kanya.
Hindi nga ba?
“Naalala ko lang, si Ma’am Kyla ata na lawyer ng Dela Fuente Companies ay may birthday na August. Maputi siya, maganda, at mayaman. Hindi naman kaya siya ‘yon? Sinusubukan ko siyang hanapin ngayon sa social media eh, sandali mag-se-send ako sa ‘yo.”
“Hindi na kailangan.” putol ni Aliyah sa sinasabi niya.
Sa sinabi nitong iyon, marahil tama nga ang kaibigan. Baka si Ma’am Kyla nga ‘yon. ‘Pag nangyari iyon, paniguradong teen-love drama ang mangyayari.
No wonder President Dela Fuente spoke harsly today. Ni hindi nga niya siguro alam ang nangyari kagabi at umakto na parang hindi niya ako kilala. Haha!
Sabagay, bakit pa siya magiging CEO kung hindi rin naman siya marahas.
Pagkatapos ni Aliyah patayin ang tawag ng kaibigan, nagsimula na siyang mag-ayos ng sarili niya. Naligo siya at nagpalit ng damit pagkatapos ay umupo doon sa study table na nasa loob ng kuwarto. Sinimulan niyang pag-aralan ang panibagong project niya na kailangan niyang gawin.
Sa medical bills pa lang ng nanay niya ay marami na siyang babayarin na nangangailangan ng doble dobleng trabaho na kailangan niyang gawin at pagsipagan. Kaya naman wala siyang oras na dapat pang sayangin at panahon para magkaroon pa ng love life.
Dahil sa patuloy na pagtatrabaho at pagtatype ni Aliyah sa keyboard ng kanyang laptop, hindi niya namalayan na may nagchat na pala sa kanya. Napansin niya lang iyon dahil umiilaw ito malapit sa kanya pero hindi niya naririnig ang pagtunog ng message dahil naka silent mode ito.
Itinigil niya na muna ang pagtipa sa keyboard at kinuha ang kanyang cellphone na nasa gilid.
Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya nang makitang may mga voice call message sa kanya si Jacob! And it was almost four hours ago!
Nawala ang kaninang antok na antok na hitsura ni Aliyah at napalitan iyon ng bahagyang pagkagulat.
Ano bang kailangan nito sa kanya? Tumatawag ba ito para sabihing huwag niyang ipagsabi ang nangyari sa kanila? O tumatawag ito para mag-alok ng pera sa kanya huwag lang itong magsalita tungkol sa nangyari sa pagitan nila?
Kahit iyon pa ang dahilan, parang walang pinagbago iyon sa isiping ibinenta niya ang sarili niya sa kanya.
Kaya bago ang lahat, nagtipa ng mensahe si Aliyah para kay Jacob.
“Don’t worry, I won’t tell anyone. Magkunwari ka na lang na walang nangyari.”
Akmang ise-send na sana ni Aliyah ang mensahe pero agad niya rin iyong binura at hindi itinuloy.
Hindi na pinansin ni Aliyah pa ang lalaki at nagsimula na lang na matulog.
Kinaumagan nagising siya sa tawag ni manager Lim na agad niya namang sinagot.
“You handed over the project contract to Eina.”
Before she could speak, the other party of the phone hung up. Ni hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita man lang.
Wala nang nagawa si Aliyah at sinunod na lamang ito. Tumayo siya para hanapin sa kanyang bagahe ang project contract pero hindi niya ito mahanap hanggang sa may maalala siya.
Naiwan niya iyon sa dati niyang kuwarto!
Chapter 6 Ano nang gagawin ko? Babalik ba ako doon? Aligaga na palakad-lakad si Aliyah ng pabalik-balik sa kanyang inookupang kuwarto. Hindi malaman kung ano ba ang gagawin. Hanggang sa napagdesisyunan niya na tawagin ang kaibigan."Rina!" sigaw niya nang sagutin ng kaibigan ang kabilang linya ng telepono."Hmm..." tanging sagot ni Rina."Rina! Makinig ka. Importante 'to. May number ka ba ni President Jacob Dela Fuente? O kaya may alam ka ba kung paano ako makakakuha ng cellphone number niya? Just please, please, please I need it!"Tahimik lamang ang kabilang linya ng telepono kahit na halos magsisisigaw na si Aliyah dahil sa nerbyos na nararamdaman."Huh? Nahihibang ka ba? Itulog mo na lang 'yan, Aliyah.""No, No, No, No, No... Mali ka ng iniisip kung ano man yang iniisip mo. Importante lang kasi. I don't have time to explain! Just please help me get his number! I just need to talk to him.""Hindi ko alam ang number niya pero may alam akong solusyon kung gusto mo siyang makausap. J
Chapter 1“Have you ever done it with a man?”Sa isang gabing puno ng katahimikan, si Aliyah na kagagaling lamang sa isang business trip ay malapit na sanang matulog dahil sa kanyang kalasingan. Ngunit naudlot iyon nang makita ang mensahe sa kanya ng kanyang best friend na si Rina sa chat.“Hurry up and hook up with a handsome guy while you are still young! Paano mo mararamdaman ang ganoong feeling kung hindi mo gagawin? Trust me, you can just describe it in one word! Huwag ka nang mahiya. I have all kinds of videos that can help you open the door to a new world!”Napahiga na lamang sa kama ng hotel room niya si Aliyah.Ano bang sinabi ko sa kanya dati? Hindi ko na matandaan.Bagsak ang mukha ni Aliyah dahil sa sobrang kalasingan sabay pa na nakabuhaghag ngayon ang mahaba at makapal niyang buhok nang mahiga siya sa kama.Sa susunod na buwan ay 26 years old na siya. Sobrang tanda na at hindi pa nagkakaroon ng nobyo kahit kailan. Kaya rin siguro kinukulit na siya ni Rina dahil matanda n
Chapter 2Nagising ng madaling araw si Aliyah na yakap yakap ng lalaking katabi niya. Nilingon niya ito at nakita ang ling mahimbing nitong pagkakatulog. Halos sakop din ng mabigat na braso nito ang buong katawan ng babae. Dumeretso ng higa si Aliyah nang maramdaman na isiniksik pa ng lalaki ang mukha nito sa leeg dahilan para makaramdam siya ng bahagyang kiliti na nanggagaling sa matangos nitong ilong.Sinubukan ni Aliyah na bahagyang igalaw ang katawan niya ngunit bigla siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang pagkababae. Napaigik siya ng kaunti at doon napagtanto ang mga nangyari kagabi.Ano nga ulit ang dahilan ko bakit ko ginawa ‘yon?Nahihibang na ba ako? Siguro nga. Because she actually slept with the President!Pikit ang matang huminga siya ng malalim. Dahan dahan na inalis ni Aliyah ang pagkakayakap sa kanya ng Presidente saka lumayo ng kaunti mula sa kama. Umikot siya sa buong kuwarto at hinanap ang kanyang mga gamit. Nang makita niya ang mga iyon ay madalian niyang nilagay sa
Chapter 3Madaldal talaga si Rina! Ang lakas pa ng boses niya kaya narinig ng mga taong nasa paligid. Pati sina Jacob ay napalingon sa direksiyon nila.Tumingin si President kay Aliyah at basta na lang nito iniwas kaagad ang tingin saka tumalikod at walang sabi-sabing umalis para lisanin ang hotel.Nang makumpirmang umalis na sila, nilingon ni Rina si Aliyah na may tsismosang mukha dito na tila ba naguguluhan sa kung ano mang nangyayari.“Bakit gano’n?” tanong ni Rina sa kanya.“Anong bakit?”“Bakit nagtatanong si President Dela Fuente kung sinong nakatira sa room 1501?” tanong nito sa kanya.“Aba malay ko!” halos pasigaw na sagot ni Alyanah sa kaibigan na ikinagulat naman nito pati rin siya. “I-I m-mean… hindi ko alam. Malay mo mas gusto niya ang view doon sa kuwarto ko na 1501 kaya gusto niyang makipalit? I mean ‘di ba, he’s the President, you know…”Tumango-tango naman si Rina na siyang ikinahingang malalim ni Aliyah. Parang kumbinsido na ito sa kanyang sinabi. Pero may bahagya pa
Chapter 4Aliyah knows that being in public relations is good for investments banks. ANg kaso nga lang, gaya ng nakararami, ito ay para sa entertainment purposes lamang.Bahagyang napaisip si Aliyah. Ganoon ba ang iniisip ni President Dela Fuente tungkol sa kanya? O baka naman iniisip niya na pakana ni Manager Lim ang nangyari sa kanila kagabi kaya gano’n na lamang itong magtanong ngayon?Thinking of last night, bahagyang namula ang mga pisngi ni Aliyah. Itinago niya agad ang sensasyong iyon dahil maraming tao ang nakapaligid sa kanila at hindi lang basta ang Presidente ang kaharap niya ngayon.Ilang minutong namayani ang katahimikan sa kanila dahil halos nagkakatinginan lamang ang dalawa. Nang mapansin siguro ni Manager Lim na medyo lumalamig na ang paligid nila, bigla itong nagsalita.“She has always been an assistant, Mr. Dela Fuente. I just thought that she may have common topics with you since pareho naman kayo ng paaralan na pinasukan noon kaya inimbita ko siya rito. But… if you