Share

One Faithful Love
One Faithful Love
Author: Lyniel

Chapter 1

"Miss Emelyn narito na po sina father Alvaro." pagbibigay alam ni Faith ang assistant niya sa St. Therese Retreat house and recollection center. Siya ang namamahala sa buong pasilidad simula ng mag retiro si father Alvaro dahil na rin sa katandaan. she suddenly sigh.. Three years had gone so fast since she came here wounded and almost near death. Pilit nilalabanan ang kamay ni kamatayan.. Pinikit niya ang mata at kusang dumaloy ang mapait na alaala ng nakaraan..

"Hmmm.. ohhh" mahihinang ungol ng kung sinumang tao sa loob ng silid nilang mag-asawa. Ang alam niya ay di pa nauwi ang asawa niya kaya nagtataka siya kung sino yung naungol sa loob. Doon kasi siya natulog sa dating silid dahil wala naman si Damian sa mansion.

"Ohhh Damian.” narinig niyang tawag ng boses babae sa pangalan ng asawa niya. Hindi na siya nakatiis at agad niyang pinihit ang door knob para lamang magulat sa nakita. Ang asawa niya at ang dating nobya nito na si Nicole ay magka-ulayaw sa mismong kama nilang mag-asawa. Nakahiga si Damian at nakapikit habang nasa ibabaw nito si Nicole at hinahalikan siya.

"Mga walanghiya kayo!" sigaw niya. Hilam sa luha ang buo niyang mukha. Tila hindi naman nagulat si Nicole at balewalang umalis sa ibabaw ng asawa niya.

"Hayop ka!" akma siyang susugod ng tila mahimasmasan si Damian at takang tumitig sa kanya at kay Nicole.

"What are you doing here?" tila kulog na dumagundong ang tinig nito sa buong silid. Sa kanya ito nakatingin. She shook her head and wipe her tears. She turn to his husband and fist her hand to refrain her anger.

"Malinaw na sk'en ang lahat ngayon Damian, marahil nga ay galit na galit ka pa rin sk'en kaya don't worry from this day on, you are now free! Hindi na kita kailanman guguluhin pa!" naguguluhan naman tumitig ang asawa sakanya na wari ay inaanalisa ang mga sinabi niya. Bago pa ito magsalita ay mabilis na siyang tumakbo palabas ng mansion. Narinig pa niya ang pagtawag nito sa pangalan niya.

"Emmy wait!" habol nito sa kanya subalit mabilis na siyang nakalabas ng mansion at dere-deretsong tumakbo palayo. wala siya'ng pakialam kung malakas ang ulan at maputik ang daan. Ang gusto niya lang ay makalayo at mahugasan ng ulan ang sakit na nararamdaman niya.

Pakiramdam niya ay malayo na ang itinakbo niya, bahagya siyang tumingala sa langit at doon ay ibinuhos ang malakas na palahaw. Sobrang sakit ng ginawa nila sk'en!

"Emmy, where are you?" si Damian iyon, pero bakit hinabol pa siya nito? Para ano pa?

"Emmyyy" malakas na tawag nito sa pangalan niya. Muli siyang tumakbo palayo at di alintana ang mabato at madulas na daan. Dahil sa lakas ng ulan ay di niya makita ang daan kaya di niya napansin na nasa bangin na pala siya at tuluyang dumulas ang paa niya at nahulog siya bangin.

kumapit siya sa isang naka-usling bato para di siya tuluyang mahulog. Doon siya nakita ni Damian at bakas sa mukha nito ang matinding takot."Hold on Emmy, Im coming to get you" narinig niyang sabi pa nito. Naghanap ito ng bagay na pwedeng iabot sa kanya. Nang bumalik ito ay may dala itong mahabang sanga ng puno.

"Here, hold this please. hihilahin kita pataas." Ginawa naman niya ang sinabi nito at agad kumapit sa sanga. Subalit ng iaangat na siya nito ay dumulas ang paa nito at nawalan ng balanseng tumumba.

"Damian" tawag niya sa asawa.

"I'm here, hold on I'm gonna get you out there" muli siyang hinila nito subalit naputol ang sanga at tuluyan na siyang nahulog sa bangin at tinangay ng rumaragasang agos ng tubig. Tuluyan ng nag dilim ang lahat sa kanya. Nagising na lamang siya na nandito na sa Retreat house at inaalagaan ni manang lolita at father Alvaro. Ayon sa kanila one month siyang nakatulog. Nag-tamo ng maraming galos at baling buto ang katawan niya at himalang nabuhay pa siya. Maybe because I still have a mission in life.

After three months nalaman niya na umalis ng bansa si Damian kasama si Nicole at iniwan na ang mansion. Ni hindi niya alam kung hinanap ba siya nito o ano. Siguro matindi talaga ang galit nito sa kanya. After that nagpasya siya nakalimutan na rin ito at wag ng bumalik sa mansion. Wala na rin naman siyang pamilyang uuwian dahil matagal na siyang ulila.

"Hija, kamusta kana?" ang sabik na bati ni father Alvaro ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Tumanda na itong lalo pero mababakas mo pa rin ang pagiging masayahin nito.

"Father, you are back," tumayo siya at sinalubong ito ng mano. Hinawakan niya ito sa kamay at inalalayang maupo sa sofa.

"I missed this place hija and of couse you."

"We miss you too father."

Si Father Alvaro ay isang Spanish priest na dito nadestino sa pilipinas. Matagal na itong narito sa pilipinas kaya matuwid ito mag tagalog. Two months din itong nag bakasyon sa Spain kaya naman na miss niya ito ng sobra. Malaki ang impluwensiya nito sa kanya noong mga panahong durog na durog ang puso niya.

"Kamusta naman ang St.Therese? Maayos ba ang mga guest natin?" tumitig ito sa kanya at marahang ipinatong ang kamay sa ulo niya.

"Yes Father, in fact we will have retreators next month from a certain company based in US. Kaya naman ngayon pa lang ay inaayos na namin ang magiging flow ng program and activities for them." masayang pagbabalita niya kay father. Marami din kasing umaasa sa Retreat house nila, lalo na yung mga orphanage na tinutulungan nila taon-taon.

"Sabi ko na at magiging mahusay ka na tagapamahala nitong retreat house. Im glad that your okay now my child."

"And it's all because of you father.That’s why I'am very thankful." naluluha niyang turan sa pari. Ngumiti ito sa kanya at hinaplos ang palad niya.

Hinatid na niya ito sa silid at muling bumalik sa kanyang opisina, kailangan niyang pag-aralan at pag handaan ang darating nila'ng mga guest next month. Ang alam niya ay isa itong BPO company na naka based sa US pero narito sa pilipinas ang kanilang mga employees. Nasa fifty katao ang magiging guest nila at ayon sa HR ng kumpanya mga may emotional issues ang mga tao nila. Kaya naman ngayon pa lang pinag-aaralan na niya ang magiging program nila para sa mga ito.

Emotional problems and dilemma. She has been there before and she never wanted to come back again.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status