Share

Chapter 3

Tumikhim siya ng titigan siya ni Emelyn. Para kasing hinihigop siya ng mga mata nito. She has the most beautiful eyes he had ever seen. Yumuko naman ulit ito na parang biglang nahiya sa kanya.

"Mauna na ko mom, magkikita pa kami nila Elijah sa library ng school." paalam niya sa ina. Humalik siya sa pisngi nito bago bumaling kay Emelyn at ngitian ito.

"Nice meeting you Emmy, see you later." paalam niya din dito. Tumingala ito sa kanya at ngumiti.

"Ingat po kayo Senorito Damian" kiming tugon nito.

"Hija, call him kuya Damian" singit ng ina niya.

"Don't call me that dahil hindi naman kita kapatid!" Napalakas niyang sabi dito. Nagulat naman ito at tila nataranta. Umalis na lamang siya at tinalikuran ang mga ito.

Kuya? what the hell! ayoko siya'ng maging kapatid. Hindi kami bagay maging magkapatid, Mag asawa baka pwede pa. Napangiti siya sa naisip na kapilyuhan.

"Sir, excuse me po, eto na po yung files na pinahanap niyo sa'ken tungkol sa St.Therese Retreat house." His Secretary. She put the folder on my desk.

"Okay, Shiela Thank you."

Pinahanap niya kasi sa secretary niya ang tungkol sa Retreat house kung saan nandoon si Emelyn. Hindi niya alam kung paano ito napadpad roon mula sa lugar nila sa Pililia Rizal. Kaya siguro hindi ito nahanap ng private investigator nila dahil malayo ang lugar nito ngayon. Nasa dulong bahagi ng Batangas ang kanilang retreat house.

Nalaman niya rin mula sa files na isang paring espanyol ang nagtatag ng retreat house, Father Alvaro Simeon. Matanda na ito at hindi niya alam kung ito nga ba ang kumupkop kay Emelyn. There is only one thing to find out.

He needs to attend the Retreat activity!

Emelyn POV

Kakatapos lang nila Emelyn ihanda ang mga silid na gagamitin ng kanilang mga guest pati na rin ang recollection hall na pagdadausan ng mismong retreat activity kaya naman pagod na pagod siya. Dalawa lamang kasi ang cleaning staff nila dahil cost cutting sila kaya naman kahit siya ay naglilinis din talaga.

"Aba Emelyn bakit ikaw ang gumagawa niyan? nasaan sina Lita at Betty?" sita ni manang azon, ang kusinera nila. Nadatnan kasi siya nito na naglalampaso ng sahig.

"Sila ho ang pinaglilinis ko ng mga CR at iyong dulong kwarto sa itaas dahil balita ko e sasama daw sa retreat iyong mismong may-ari ng kumpanya."

"Aba ganoon ba? kailangan pala natin maghanda ng masarap na menu."

"Oho, hayaan n'yo po at bukas paguusapan po natin ang tungkol sa pagkain."

"O siya ang mabuti pa patulungin ko na dito sayo si Bernie tutal tapos na rin naman kami sa kusina. Sandali at tatawagin ko lang." tumango lamang siya kay manang azon at pinagpatuloy n ang paglilinis. Isang linggo na lang kasi at muli na namang magkakaroon ng program ang kanilang retreat house. Halos limang buwan din kasi silang nabakante.

Kinabukasan ay nagpatawag siya ng meeting para pagusapan ang magiging menu ng kanilang guest. Nagbigay siya ng listahan ng bibilhin kay manang azon at ganoon na rin ng perang gagamitin nito. Nagbayad kasi in full cash ang client nila kaya naman yung sobra ay inilagak niya sa home for the aged at sa Los niños para ito sa mga ulilang bata.

Naka handa na sila para sa darating na retreat activity ng E.D BPO company. Lahat ay naayos na niya at two days na lang ang hihintayin nila para sa activity.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?"

"Ikaw pala Father" tumayo siya at inalalayan itong makaupo. Naroon sila ngayon sa Malawak na garden ng St.Therese, may munting man made na sapa roon sa pinaka gitna nito.

"Excited lang po ako sa magiging activity natin sa susunod na araw." ngumiti siya sa pari at isinandig ang ulo sa balikat nito.

"Mahusay ang ginawa mo hija kaya alam ko na magiging maayos din ang lahat. Iwan ko man itong St. Therese alam ko na nasa mabuting kamay ito." Napatingin siya sa pari at unti unting napaluha.

"Hindi pa kayo mawawala father, lakas n'yo pa kaya! Ang bilis mo pa nga maglakad eh" biro niya dito. Pinasigla niya pa ang tinig para di nito mahalata ang lungkot niya. Tumawa ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Ang gusto ko kapag wala na ako, maging masaya ka. Hanapin mo kung ano o sino ang makakapag-pasaya sayo. Maikli lamang ang ilalagi natin sa mundo kaya piliin mo pa rin sana ang magpatawad at magmahal." ang mahabang turan ng butihing pari sa kanya. Hindi na niya napigil ang pagpatak ng luha at minabuti na lamang niyang tahimik na umiyak habang nakasandig sa balikat ni Father Alvaro. Alam niya kasi na darating ang sandali na iiwan na rin siya nito. Doon niya muling naisip si Damian. kamusta na kaya ito? Nasa Amerika pa rin kaya ito kasama si Nicole? Siguro ay masaya na ito ngayon at may sarili ng pamilya.

Sa isiping iyon ay kusang dumaloy ang alaala noong magkasama pa sila sa mansion, noong mga panahon na mabait pa ito sa kanya...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status