Habang binabasa ni Emy ang mga nakasulat sa diary niya ay di niya maiwasang kiligin at mainis sa sarili. Totoo nga pala ang sinasabi ng damuhong Damian na iyon! siya pala talaga ang patay na patay dito noong high school pa siya hanggang sa mag kolehiyo siya. Ang dami niyang ginawang pag papapansin at kapilyahan dito lalo na sa mga nililigawan nito noong araw.
Hmp! kahit pala noon napaka lapitin na nito sa mga babae! inis niyang sabi sa sarili.
Tuloy tuloy pa rin niyang binasa ang nilalaman ng kanyang diary, habang si Damian naman ay tumigil na rin sa pangungulit sa kanya na buksan ang pinto, marahil naisip nitong bigyan siya ng oras para matapos basahin ang nilalaman ng tala-arawan niya na iyon. Kaso habang palayo ng palayo ang mga pahina ay lalong nadagdagan ang kahihiyang nararamdaman niya sa isiping n
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Damain, he is currently in his office here in Makati, abala ang isip niya tungkol sa asawang si Emy at sa sinabi nito sa kanya noong nagdaang gabi. Sa totoo lang kahit siya ay napapaisip na rin kung bakit siya na lamang ang hindi matandaan nito, ang mga memories nila together simula noong una hanggang sa bago ito mawala one year ago. Yes, isang taon na rin ang lumipas simula ng mawala ito, at mahigit tatlong buwan na rin silang mag kasama simula ng matagpuan niya ito sa Buenavista.Hindi niya lubos na maintindihan kung bakit hindi pa rin siya matandaan ng lubusan ng asawa. Kahit ang mga doctor ay hindi rin sila mabigyan ng wastong sagot sa tanong nilang iyon. Palagi niyang sinasabi kay Emy na mag hintay lamang at babalik din sa dati ang lahat, pero pakiramdam niya ay malabo na iyon mangyari."Why the long face, bro?" it was Albert their CFO and his friend. Pinatawag niya ito dahil gusto niy
"Miss Emelyn narito na po sina father Alvaro." pagbibigay alam ni Faith ang assistant niya sa St. Therese Retreat house and recollection center. Siya ang namamahala sa buong pasilidad simula ng mag retiro si father Alvaro dahil na rin sa katandaan. she suddenly sigh.. Three years had gone so fast since she came here wounded and almost near death. Pilit nilalabanan ang kamay ni kamatayan.. Pinikit niya ang mata at kusang dumaloy ang mapait na alaala ng nakaraan.."Hmmm.. ohhh" mahihinang ungol ng kung sinumang tao sa loob ng silid nilang mag-asawa. Ang alam niya ay di pa nauwi ang asawa niya kaya nagtataka siya kung sino yung naungol sa loob. Doon kasi siya natulog sa dating silid dahil wala naman si Damian sa mansion."Ohhh Damian.” narinig niyang tawag ng boses babae sa pangalan ng asawa niya. Hindi na siya nakatiis at agad niyang pinihit ang door knob para lamang magulat sa nakita. Ang asawa niya at ang dating nobya nito na si Nicole ay magka-ulayaw sa mismong kama nilang mag-asawa.
Hanggang ngayon wala pa rin balita sa asawa niya.. kay Emelyn. Tatlong taon na niya itong pinapahanap subalit until now wala pa rin magandang balita. Alam niya na buhay pa ang asawa dahil wala naman sila'ng nakitang katawan matapos ang bagyo. It's been fucking three years! at sa bawat araw na lumipas ay lalo lang nadadagdagan ang guilt niya. Kasalanan niya kung bakit nawala ang asawa."Sir, Mr. Lee is here he wants to discuss something to you.""Okay. Send him in."Si Mr. Lee ay ang finance manager ng kumpanya niya, ang E.D outsourcing solutions, isang BPO company na mostly ay US clients ang hawak na accounts."Good morning, Mr. Dela Cuesta,""Have a seat, is there any issue?" tanong niya ng makaupo ito sa harap ng mesa niya."Wala naman Sir, I just wanted to inform you that the HR department arranged a 2 days retreat program for our employee but this will be in batches.""Is that necessary?" maang niyang tanong dito."Well, since it's from the HR I think it’s necessary.""Okay, then
Tumikhim siya ng titigan siya ni Emelyn. Para kasing hinihigop siya ng mga mata nito. She has the most beautiful eyes he had ever seen. Yumuko naman ulit ito na parang biglang nahiya sa kanya."Mauna na ko mom, magkikita pa kami nila Elijah sa library ng school." paalam niya sa ina. Humalik siya sa pisngi nito bago bumaling kay Emelyn at ngitian ito."Nice meeting you Emmy, see you later." paalam niya din dito. Tumingala ito sa kanya at ngumiti."Ingat po kayo Senorito Damian" kiming tugon nito."Hija, call him kuya Damian" singit ng ina niya."Don't call me that dahil hindi naman kita kapatid!" Napalakas niyang sabi dito. Nagulat naman ito at tila nataranta. Umalis na lamang siya at tinalikuran ang mga ito.Kuya? what the hell! ayoko siya'ng maging kapatid. Hindi kami bagay maging magkapatid, Mag asawa baka pwede pa. Napangiti siya sa naisip na kapilyuhan."Sir, excuse me po, eto na po yung files na pinahanap niyo sa'ken tungkol sa St.Therese Retreat house." His Secretary. She put th
"Senyorito pinabibigay po ito ng mama ninyo, mag merienda daw po muna kayo." Binaba nia ang tray na may lamang sandwich at juice, nilapag niya iyon sa mesa at akmang tatalikod na ng mag salita si Damian."Do you have a boyfriend in school?" Narinig niya'ng tanong nito."ho? naku wala po akong boyfriend, wala pa po sa isip ko yan." "Good. ayoko rin na tatanggap ka ng manliligaw understand?""opo." nakatungo pa rin ito at nakatingin sa mga librong binabasa nito. ni hindi man lang siya tiningnan."aalis na po ako." paalam niya pa."stay here, samahan mo ko." this time nag angat na ito ng ulo at ngumiti sa kanya. Bigla naman siyang nakaramdam ng kaba ng masilayan ang ngiti ni Damian. parang bumilos bigla ang tibok ng puso niya.Kaya bago pa ito mag sungit ulit, umupo siya katapat na upuan nito at pinagmasdan ang gingagawa nito."Anong course ang kukunin mo sa kolehiyo?" he asked. "Business administration po sana" kimi'ng tugon niya."Alisin mo na ang 'po at 'opo hindi naman ganun kala
Nag kulong lang siya sa kwarto hangga’t alam niya na naroon pa rin ang mga bisita ng senyor. Nag focus na lang siya sa pag gawa ng mga assignments niya kahit na ba ang isip niya ay naroon kina Damian at Nicole. Di maitatanggi na bagay na bagay ang dalawa. They both looked good together, idagdag pa na pareho sila’ng galing sa marangyang angkan.Nakarinig ng mahinang katok si pinto si Emelyn kaya napilitan siya’ng bumangon mula sa pagkakadapa sa kama. Nang buksan niya ito ay bumungad sa kanya si Donya Adelaida at may dala itong mainit na gatas para sa kanya.“Dinalhan kita ng gatas hija para mas makatulong sa pag focus mo sa pag-aaral.” Makahulugang sabi nito. Ngumiti siya dito at agad nilakihan ang bukas ng pinto para makapasok ito sa loob. Nilapag nito sa side table ang baso ng gatas at umupo sa kanyang kama at pinagmasdan ang nag-kalat niya’ng libro at notebook.Nahihiyang inayos naman niya ito at inilagay sa isang corner ng kama at umupo sa tabi ng Donya.“Alam ko na nalulungkot ka
Nasa cafeteria siya noon ng kanilang school ng lumapit sa kanya ang isang student at tumabi sa kanya. Namumukhaan niya ito, sikat itong basketball player sa school nila. Gwapo ito at matangkad kaya maraming mga babae ang natutuwa at nanonood ng laro nito. Tumingin siya dito at tinanong ito kung may kailangan sa kanya.“Wala naman, gusto ko lang sana malaman ang pangalan mo? Ako nga pala si Marco Sebastian 4th year high school student.” Inilahad pa nito ang kamay sa kanya tanda ng pakikipag-kilala nito. Tinitigan niya ang mga kamay nito’ng nakalahad sa harap niya at dala ng kagandahang asal ay tinanggap niya iyon.“Emelyn Garcia ang pangalan ko.” Sagot niya sa binata. Pinisil pa nito ng bahagya ang kamay nya kaya hinila niya ito agad. Nailang din siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya kaya naman nagpasya siyang umalis na lang sa cafeteria kahit hindi pa siya tapos kumain.“Mauuna na ko sa’yo Marco, may klase pa kasi ako.” Mahinang paalam niya dito sabay tayo.“Can I take you home?” p
Naging isa sa matalik niyang kaibigan si Marco. Katunayan ito rin ang naging partner niya noon sa prom nila. Dahil ahead ito sa kanya ng isang taon, nauna rin ito mag graduate ng high school. Samantalang siya ay naiwan sa kanilang school. Simula rin noon ay dumalang na ang pagtawag ni Damian sa kanya pati na rin ang pag vi-video call nito. Nang minsan usisain niya ito ay medyo nagalit pa ito sa kanya. Kaya simula noon ay hindi na niya ito tinanong pa. Masaya na siya kapag sa loob ng isang buwan ay tatawag ito sa kanya ng dalawang beses o kung minsan ay hindi pa nga. Pero at least naaalala pa rin naman siya nito.Matuling lumipas ang mga araw at buwan at ganap na siya’ng naka graduate ng high school. Masaya siya dahil naging valedictorian siya ng klase nila. Kaya naman proud na proud sa kanya ang mag asawang Dela Cuesta. Magkakaroon din munting salo-salo sa mansion para sa graduation niya kahit na ba tinanggihan niya ito subalit talagang mapilit ang Senyora, kaya wala rin siya’ng nagaw