Naging isa sa matalik niyang kaibigan si Marco. Katunayan ito rin ang naging partner niya noon sa prom nila. Dahil ahead ito sa kanya ng isang taon, nauna rin ito mag graduate ng high school. Samantalang siya ay naiwan sa kanilang school. Simula rin noon ay dumalang na ang pagtawag ni Damian sa kanya pati na rin ang pag vi-video call nito. Nang minsan usisain niya ito ay medyo nagalit pa ito sa kanya. Kaya simula noon ay hindi na niya ito tinanong pa. Masaya na siya kapag sa loob ng isang buwan ay tatawag ito sa kanya ng dalawang beses o kung minsan ay hindi pa nga. Pero at least naaalala pa rin naman siya nito.Matuling lumipas ang mga araw at buwan at ganap na siya’ng naka graduate ng high school. Masaya siya dahil naging valedictorian siya ng klase nila. Kaya naman proud na proud sa kanya ang mag asawang Dela Cuesta. Magkakaroon din munting salo-salo sa mansion para sa graduation niya kahit na ba tinanggihan niya ito subalit talagang mapilit ang Senyora, kaya wala rin siya’ng nagaw
Nasa 3rd year college na siya ng may dumating isang malaking dagok sa buhay nila. Si Damian noon ay isang taon na rin tapos sa kolehiyo pero piniling wag umuwi ng pilipinas sa hindi malamang dahilan. Pero nung nagkaroon ng matinding karamdaman ang Senyor at tuluyan itong igupo noon at pumanaw. Maraming nagluksa sa pagkawala ng isa sa pinaka-mabait na haciendero na kanilang bayan. Maging siya at na shock at sobrang lungkot.Pilit niya’ng pinapatatag ang sarili alang-alang kay Mama adelaida. Napilitan din umuwi ng pilipinas si Damian dahil sa pagkawala ng ama. Sapul ng ito ay umalis patungong amerika ay dalawang beses lamang ito naka-uwi ng Hacienda para mag bakasyon. Ang unang beses pa roon ay hindi man lang sila nag kita dahil kasalukuyang siya noong nasa business convention para sa kanilang thesis sa Baguio city. Kaya kahit gustuhin niyang umuwi para makita ito ay di niya magawa.Ang ikalawang uwi naman nito ay noong nakaraang taon lamang pero ibang Damian na ang sumalubong sa kanya.
Sa buong panahon ng lamay ay hindi na sila nagka-usap ni Damian kahit hanggang sa mailibing ang senyor ay di man lang sila nagkaroon ng chance na makapag-usap. Tuwing tatangkain niya’ng lumapit dito ay sakto naman didikit dito si Nicole na akala mo ay mananakaw si Damian. Nakuntento na lang siya ng pasulyap sulyap sa binata kahit na ba gustong gusto na niya itong yakapin ng mahigpit dahil na miss niya ito.Nag focus na lang siya pag alalay sa kanyang Mama Adelaida, alam niyang nasasaktan pa rin ito sa pagkawala ng senyor. Ipinasya rin ng pamilya na patapusin na muna ang pasiyam ng senyor bago basahin ang last will and testament nito.Naroon siya ngayon sa malawak na garden ng mansion at kasalukuyang inaayos ang mga tanim niyang rosas. Bata pa lang ay mahilig na siya sa mga bulaklak particular na sa mga rosas. Abala siya sa pagtatanggal ng mga tuyong dahoon sa kanyang mga tanim kaya di niya namalayan ang paglapit ni Nicole sa kanya.“Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap.” Agad
Napakabilis ng mga pangyayari simula ng basahin ang last will and testament ni Senyor Jaime hanggang ngayon hindi siya makapaniwala na iyon ang nilagay na kondisyon ng matanda bago mailipat kay Damian ang buong ari-arian ng mga Dela Cuesta. Sinubukan niya’ng tanungin si Mama Adelaida subalit maging siya ay walang ideya bakit ganoon ang naging kondisyon ng asawa nito. Bagaman sabi niya ay wala siya’ng tutol doon at sang-ayon siya sa naging pasya ng esposo niya.Pero iba ang naging dating noon kay Damian lalo na at may kasalukuyan itong kasintahan, si Nicole. Galit na galit ito sa kanya at hinusgahan siya na sinadya niya ang iyon na mangyari. Pero god knows! Wala siya’ng alam sa mga nangyari. Kung maaari nga lang ba niya sumbatan at itanong ito sa yumaong senyor ay ginawa na niya.Wala eh huli na ang lahat. Nakasaad na sa testamento ang mga dapat gawin at mangyari. Oo aaminin niya na ang kabilang bahagi ng puso niya ay nagdiwang sa nalaman pero ang kabila naman ay may pagaalinlangan at
Hinintay niya na bumaba si Damian sa kusina, nang dumating ito sa'ka niya hinain ang mga ininit niya na ulam. "Kain ka na." sabi niya ng maka-upo ito sa hapag.Pinaglagay niya ito ng pagkain sa pinggan at sinalinan ng tubig sa bason ito para talagang tunay na asawa. Nakita niya na nakatitig lamang ito sa mga ginagawa niya.“sige kain ka na, ako nag luto nan. Diba paborito mo yan kare-kare,”Sumubo naman ito ng pagkain at inumpisahang kumain, Magana itong kumain. Habang siya ay pinagmamasdan lamang ito.“Why don’t you join me?” ay anito sa kanya.“Busog na ko, kumain na kami kanina ni Mama Adelaida.”“How’s mama?”“Okay lang, kahit papano nalilibang siya sa mga halaman namin sa hardin. Ikaw kamusta ang araw mo?”“Tired.” Simpleng sagot nito. Hindi na ulit siya nag salita at hinintay na lamang na matapos itong kumain.Nauna ng umakyat si Damian sa silid nila, siya ay naiwan at niligpit ang pinagkainan nito. Matapos niyon ay umakyat n rin siya sa silid nila. Nag hilamos lamang siya sa ba
Marahang tapik sa balikat niya ang nag-pabalik sa kanya sa kasalukuyang, si Father Alvaro ito, “Akala ko nakatulog ka na sa balikat ko eh,” natatawang biro nito sa kanya. Maging siya ay natawa rin and at the same time ay nahiya.“Salamat Father for everything. Kung wala ka hindi ko alam kung ano ng nangyari sa’ken.”“Ang lahat ay nangyari ayon sa naka-takda at sa kung ano ang ipinasya ng nasa itaas, wag ka lang mawawalan ng pag-asa at pusong mapagpatawad.”Matapos ang naging pag-uusap nila ni Father Alvaro ay naisip niya na kung paano nga kung biglang mag-krus ang landas nila’ng muli ni Damian? Anong gagawin niya? Anong sasabihin niya dito? Mapapatawad niya ba ito ng ganoon lang kadali? Parang ang hirap sagutin ng mga tanong niya, lalo na at alam niya sa sarili niya na Malabo na siguro sila
Damian POVHe can’t wait for this day, pinili niya talaga na sa last batch ng mga employees niya sumama sa retreat dahil may plano siya para sa asawa. Sinadya niya rin na hindi muna magpakita dito noong bumaba ang empleyado niya mula sa coaster kahit na ba kanina pa siya dumating sa lugar. Nakatanaw lang mula sa malayo! Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harap na niya ngayon si Emelyn. Lalo na ng makita niya ang panlalaki ng mat anito sa gulat nang makita siya.she still recognized me! Sabi niya sa sarili. Kaya naman di niya mapigilan ang pag-ngisi dito ngayon.Marahan siya’ng lumapit dito at huminto sa harap nito. Napakurap kurap pa ito ng mata bago muling bumaling sa mga kasama nito na marahil ay nagtataka sa ikinilos niya.“Good to see again, my wife.” Sabi niya dito na nagpalak
Hindi na niya ito sinundan pa, dahil alam niya na galit ito sa kanya. sino ba naman kasi ang matutuwa sa mga pinag-gagawa niya dito noon. Sinadya niya’ng iparamdam dito na hindi niya gusto ang idea na ikakasal sila para lang sa mana, iniwan niya ito sa unang gabi ng kasal nila and worse nahuli pa sila ni Nicole sa isang hindi magandang sitwasyon.Ang daming nangyari simula ng umalis siya at nagtungo ng amerika para mag-aral. Noong una ayos lang kasi may communication sila ni Emy, pero noong mag 3rd year high school ito, nalaman niya na may madalas itong kasama na lalaki at kung minsan ay hinahatid pa siya. Nalaman niya rin na madalas din itong manood ng basketball play ng lalaking iyon. Nagpadala pa si Nicole ng picture ng dalawa habang nagsasayaw noong prom night. Idagdag pa na wala man lang nababanggit sa kanya si Emy tuwing magkausap sila