Share

Chapter 4

"Senyorito pinabibigay po ito ng mama ninyo, mag merienda daw po muna kayo." Binaba nia ang tray na may lamang sandwich at juice, nilapag niya iyon sa mesa at akmang tatalikod na ng mag salita si Damian.

"Do you have a boyfriend in school?" Narinig niya'ng tanong nito.

"ho? naku wala po akong boyfriend, wala pa po sa isip ko yan."

"Good. ayoko rin na tatanggap ka ng manliligaw understand?"

"opo."  nakatungo pa rin ito at nakatingin sa mga librong binabasa nito. ni hindi man lang siya tiningnan.

"aalis na po ako." paalam niya pa.

"stay here, samahan mo ko." this time nag angat na ito ng ulo at ngumiti sa kanya. Bigla naman siyang nakaramdam ng kaba ng masilayan ang ngiti ni Damian. parang bumilos bigla ang tibok ng puso niya.

Kaya bago pa ito mag sungit ulit, umupo siya katapat na upuan nito at pinagmasdan ang gingagawa nito.

"Anong course ang kukunin mo sa kolehiyo?"  he asked.

"Business administration po sana" kimi'ng tugon niya.

"Alisin mo na ang 'po at 'opo hindi naman ganun kalaki ang age gap natin. Call me Damian."

"Sige."

"Here sa'yo na yan." iniabot nito ang silver bracelet na suot nito na may naka ukit na pangalan nito.

"akin na lang to?" manghang tanong niya. "Bakit mo to binibigay sa'ken?"

"as sign of our friensdship, ayaw mo ba?"

"Ha, naku gusto ko, salamat ha." ngumiti siya dito ng maisuot niya ang bracelet. Bumagay ito sa kulay ng balat niya.

"Wag mo huhubarin yan ha."

Tumango siya dito at muling ngumiti. Yun ang simula ng pagiging mabuting mag kaibigan nila. Para itong nakakatandang kapatid sa kanya. Hindi ito pumapayag na may manligaw sa kanya, anito dapat ay mag tapos muna siya ng pag aaral at iyon naman ang tama.

Isa pa ang mga magulang nito ang nag papaaral sa kanya kaya marapat lamang na ayusin niya.

Palabas na siya ng gate ng school nila ng matanaw niya ang kotse ni damian, agad siyang lumapit dito at kumatok sa bintana.

"pinapasundo ka ni mama, may pupuntahan daw tayo na dinner" tila tamad na tamad na saad ni Damian sa kanya. Sumakay siya sa kotse nito at tahimik buong biyahe. Hindi niya alam bakit mainit ang ulo nito. Hindi na siya nakatiis kaya dinaan na lang niya sa kanta ang katahimikan.

"mag da-drive ako hanggang baguio, mag da-drive ako hanggang buwan, gusto kong matutong mag drive ah ah ah..ahahaha" awit niya sa isa sa mga songs ng favorite band nila ni damian. Nakita niyang nagpipigil ito ng tawa dahil sintunado ang boses niya.

"You really amaze me Emmy." he said while lookibg at her. Lumabi naman siya dito at hinarap ito.

"Bakit kasi parang mainit ulo mo? siguro break na kayo ni zusie no? Hindi naman kayo bagay nun eh! ang laki laki ng ngipin nun!"

"hey ang salbahe mo, selos ka ba ha?" tudyo nito.

"hmp! ang arte arte naman nun lagi na lang naka dikit sayo parang linta."

"your jealous, halata sayo!" pang aasar nito sa kanya.

"E ano naman kung nag seselos ako!"

"At bakit ka naman nag seselos aber?"

"Secret!"

Kinulit siya ni Damian hanggang sa makauwi sila pero di siya umamin. Alangan sabihin niya dito na crush niya ito? nakakahiya baka kung ano pa isipin nito sa kanya.

Nang nasa bahay na sila ay sinabi ni Don Emilio na may darating silang bisita at sasabay sa hapunan nila. After a few hours dumating ang bisita nila, ang mag asawang Carbonel kasama ang nag iisang anak ng mga ito na si Nicole Carbonel.

Napakaganda nito, matangkad, balingkinitan ang katawan, hugis pusong mukha na binagayan ng maikling buhok nito. Nakita niya na naka titig ito kay Damian ng matiim, habang si Damian naman ay seryoso lamang nakatingin sa mga bagong dating.

Pinakilala ni Don Emilio ang mga bagong dating bago sila tumuloy sa hapunan. Inunahan siyang maupo ni Nicole sa tabi ni Damian kaya napilitan siya'ng umupo sa katapat na upuan nito. Kitang kita niya tuloy kung paano nito dikitan si Damian.

"Siya ngapala kumpadre balita ko ay balak mo rin pag aralin itong si Damian ng kolehiyo sa Amerika?" Si Don Gustavo iyon. napatingin siya kay Damian at nakita niya ang pag igting ng panga nito.

"Oo kumpadre, tama ka d'yan. kailangan niya iyon para pamahalaan ang aming mga negosyo." Ang sagot naman ni Don Julio.

"Kung ganoon ay sabay pala sila nitong si Nicole ko. Gusto rin nitong mag aral sa amerika."

"Yes po tito, pwede kami mag sabay na ni Damian ng alis after graduation." Naka ngiting tumingin ito kay Damian bago pasimpleng bumaling sa kanya.

"Hindi ba pwede dad na dito lang ako mag aral, like sa Manila?" Damian said directly looking at her.

"We already talk about it son and my decision is final."

Bumuntong hininga si Damian at pinag patuloy ang pagkain. Habang siya naman ay parang gusto ng umalis sa hapag. Gusto niya'ng maiyak dahil alam niya na malalayo na sa kanya si Damian. Wala naman siya'ng magagawa.

Matapos ang hapunan ay nag aya pa si Don Emilio na mag tsaa sa may veranda ng mansion, hindi na siya sumama sa mga ito at nag dahilan na lamang na marami pa siya'ng assignments. Habang paalis ay nakita niya'ng kumapit sa braso ni Damian si Nicole at naka ngising tumingin sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status