Share

Chapter 1.1: Crush

๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ข๐—ป๐—ฒ

๐—–๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐—ต

Binalibag ni Dennis ang mga papel na hindi tapos-tapos na pinasa sa kanya. Tama lang na may ilang sentences ang nakalagay d'on, ni hindi man lang nabuo bilang paragraph. He's irritated!

Kulang-kulang ang pinasang gawa sa kanya para sa group project nila. Ang mangyayari, siya na naman ang magtatapos ng report.

Fuck this day!

"O, inumin mo para sa init ng ulo mo." May coke na lumitaw sa mesa kung saan nakapatong ang laptop ni Dennis. Tumingala siya at dumapo ang mga mata kay Raymond na may iniinom ding Coke.

Naka-uniporme pa rin ito ngunit bukas na ang polo kaya kita ang suot na puting sando nito. Hindi niya alam kung bakit nakita na naman siya nito gayong nasa tagong parte na nga siya ng school. Minsan, gusto niya nang maniwala sa biro niya sa sarili na may pagka-aso 'tong si Raymond. Iba kasi ang pang-amoy.

"Bakit 'andito ka na naman?" inis niyang tanong pero dinampot ang bigay nitong inumin. Binuksan niya iyon at agad na nilagok.

Nagkibit-balikat si Raymond. "Pinanonood ko kung hanggang saan aabot 'yang maskara mo."

Agad na lumipad ang red ballpen niya sa gawi ni Raymond na naiwasan naman nito. Imbes na magalit, tumawa pa ito at umupo sa kaharap na upuan niya.

"Ilang taon ko nang alam 'yang pag-uugali mo, wala pa ring nagbabago. 'Di ka ba tinatamad na magpanggap?"

Hindi siya kumibo. What did Raymond know about his experience? Nothing.

Tinuloy na lang ni Dennis ang pagtipa sa laptop. Kailangan niyang maipasa bukas ang group project nila dahil gusto niyang ahead sila lagi sa schedule. Para kung may ipa-revise man ang teacher nila, maasikaso niya.

Kumuha si Raymond ng isa sa mga nakakalat na papel at binasa. Pagkatapos ay sinulyapan siya.

"You're really something. Para lang ipakita na mabait ka, ni magreklamo, 'di mo magawa? Unfair na mga kagrupo mo sa'yo, 'di mo ba nakikita?"

Tinigil niya ang pagta-type sa laptop at blankong tiningnan ang kaharap. "Why don't you just fuck off somewhere else? I don't need your-so-called advises, okay? This is my business, stick to yours."

Tinawanan lang siya ni Raymond. "Napakabastos ng bibig mo. Paano kaya kung narinig ng iba 'yang pinagsasabi mo?"

Napakuyom ang mga kamao niya at masamang tiningnan ito.

"Ano ba talagang gusto mo? You hate me, right? Don't deny it. Ramdam na ramdam ko ang pagkadisgusto mo sa akin. Bakit ba nangingialam ka?"

Sumeryoso ang kaninang nakangiting mukha ni Raymond sa kanya at tumitig sa kanya. Napakunot ang noo ni Dennis dahil sa tinging binibigay nito.

"Who told you I hate you?" sagot nito mayamaya pagkatapos ng ilang segundong pagtitig sa kanya.

He was taken aback. "You hate me," he stated.

Ngumisi lang si Raymond at hindi nagsalita. Nang nanatiling nakatanga si Dennis dito, tumayo ito at ginulo ang buhok niya. Nanlaki ang mga mata niya. Siraulo 'to, a?!

"Hoy!"

"Mukha ka talagang mabait kapag tahimik ka, e. Kaso oras na magsalita ka, puro kabalbalan 'yang lumalabas sa bibig mo."

Hindi na siya nagkapagsalita nang tumalikod na si Raymond dala ang inuming Coke.

Naglakad ito palayo pero nilingon siya pagkatapos ng ilang hakbang. "Hinahanap ka na nila Franco. Magpakita ka na sa kanila."

Natahimik si Dennis. Oo nga pala. Isa si Raymond sa mga barkada niya rito sa school. Apat sila. Siya, si Raymond, si Franco at Ervin.

Nang maisip niya si Ervin, napangiti siya. He's got a huge crush on that guy. Ang nakakalungkot lang, alam niyang hindi ito magkakagusto sa kanya. Pero hindi naman masama na sana bukas paggising niya, magiging kanya ito, 'di ba?

Paano nga ba silang apat nabuo bilang barkada gayong alam niya naman na hindi siya gusto ni Raymond? Sa totoo lang, hindi rin alam ni Dennis ang dahilan.

Nagkasama-sama lang sila sa paggawa ng projects noong third year highschool sila. Nasali siya na hindi naman dapat dahil malayo ang apelyido niya sa tatlo ngunit dahil absent siya noong nagkaroon ng groupings, nauwi siya bilamg ikaapat na myembro ng grupo.

Pagkatapos n'on, naging kaibigan niya sila Ervin at magkasundo naman sila ni Raymond sa harap ng mga kaibigan nila. Nasanay siya na ganoon ang set-up. Ngunit nitong nakaraan, hindi niya alam kung bakit parati siyang pinakikialaman ni Raymond na dati ay hindi nito ginagawa. Kaunting kibot niya, may lagi itong sinasabi at madalas pang sumalungat sa mga gusto niya. Madalas napepeste siya sa presensya nito.

Damn that guy. Bakit niya ba iniisip ang isang iyon? Iniling niya ang ulo para iwala ang pumasok na nakangising mukha ni Raymond sa utak niya. God, give him a break! Naiirita talaga siya sa lalaking iyon!

***

Nakauwi na si Dennis pero hanggang ngayon, naiirita pa rin siya at halos bumaon na sa keyboards ang mga daliri niyang nagtitipa. Up until now, he's not finish doing their project.

Nakakunot ang noo niya na nag-po-proofread habang tina-type ang project nila nang tumunog ang cellphone niya.

Sandali siyang tumigil at sinilip ang phone na katabi ng laptop. May popped-up messages mula sa group chat nilang magkakagrupo sa project.

Ano na naman ang kailangan ng mga hinayupak na kaklase niya?

May inis na dinampot ni Dennis ang phone at binuksan ang chat head. Nang makita niya ang laman nito, nagulat siya at napasulyap sa 'di matapos-tapos na written project.

Tues at 6:58 PM

Carmelo

ProjectCarmeloAsis.docs

Dennis, project ko nga pala.

Pacheck na lang.

Tues at 7:10 PM

Patrick

report.docs

Mine. Ays na siguro yan

Tues at 7:19 PM

Gio

Report_ni_Gio.docs

My part.

Paayos kung may mali

Tnx.

Tues at 7:22 PM

Dennis

Para saan to?

Patrick

Sabi kasi ni Raymond

nahihirapan ka na sa

project pero ka nagsasabi

Gio

Yun din sabi skin

*sakin

Tues at 7:25 PM

Carmelo

Akala ko kasi ays

na yung pinass namin

Sorry sa abala

๐Ÿ˜…

Dennis

Salamat dito. Treat ko kayo

bukas pag natapos ko na to.

Nag-react ng heart button ang tatlo sa huling message niya sa GC bago siya um-exit doon. Inulit pa ni Dennis ang nabasa at nang makita niya ang pangalan ni Raymond sa pangalawang pasada, nagtaka siya sa nakita.

Why was that moron interested with everything he does? Not that he was against his help. He was thankful for his help this time, actually. Dennis was just confused. What's up with Raymond?

Sa susunod na nga lang niya iisipin ang mga nakakalito nitong gawa. Ang kailangan niyang gawin ngayon, magpasalamat sa isang iyon kahit medyo labag sa loob niya.

Hinanap niya ang pangalan ni Raymond sa messenger.

Tues at 7:35 PM

Dennis

Thanks.

For the help.

Tues at 7:37 PM

Raymond

โค

Raymond deleted a message.

Welcome

Tues at 7:41 PM

Dennis

Bakit may heart?

Ano yan?

Tues at 7:41 PM

Raymond

Ha? Anong heart?

Tae! Wala yan!!!

Wag mo na lang pansinin

Sira tong keyboard ko yata

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status