Share

Chapter 1.2: Crush

Sa buwisit niya, hindi na siya nag-reply pang muli. Bahala na 'yong gagong iyon. Inayos niya ang mga pinasa sa kanya at nang makitang ayos nga ang mga 'yon, pinagsasama-sama ni Dennis ang lahat at nag-print para ipa-check sa teacher nila.

Mayamaya lang ay natapos na rin siya kaya malaki ang ngiti niya. Sa hula niya, hindi na ipapa-revise pa ng teacher ang pinasa nila. Kung hindi A+, A ang magiging grade nila sa subject na ito.

Nang tumayo siya sa pagkakaupo mula sa kama ay nalagpasan niya ang mga medalyang nakasabit sa dingding ng kwarto. Sandali siyang lumingon doon at nakaramdam ng satisfaction dahil alam niya kapag naipakita niya ito sa ina Kapag may oras na ito, magiging proud ito sa kanya.

Pagtapos ay lumabas si Dennis ng kwarto para kumuha ng pagkain sa ibaba. Hindi pa pala siya kumakain ng hapunan at kumakalam na ang sikmura niya.

Bumaba si Dennis at naghanap sa refrigerator ng puwedeng iinit na pagkain. Hindi kasi siya marunong sa kusina at simpleng prito lang ang alam niya. Wala rin ang mga katulong sa bahay nila dahil day-off.

Nakahanda na ang ininit niyang Carbonara nang may kaluskos siyang narinig gawa ng pagbukas ng pinto. Sinilip niya mula sa kusina kung anong ingay iyon at tumambad sa paningin ni Dennis ang mga magulang niya kasama ang bunso niyang kapatid. May pagmamadaling umalis siya sa kusina at pumunta sa direksyon ng mga magulang.

"Mom, Dad, Dave," bati niya. Agad na lumingon sa direksyon niya ang tatlo.

"Kakain ba kayo? Nainit ko na sa microwave 'yong Carbonara," aya niya.

Nagtinginan ang tatlo at sinulyapan siya ng ina na may alanganing ngiti sa labi. "Kumain na kami, Dennis, anak. Alam mo ba, nag-celebrate na kami kasi nanalo ang kapatid mo sa sinalihan niyang Art Contest. Aren't you going to congratulate your brother?"

Unti-unting nawala ang ngiti ni Dennis. Bumigat ang pakiramdam niya pero pinilit niyang umaktong ayos lang. He's good at pretending, anyway.

"Congrats, Dave," tipid niyang sabi.

Tumango ang kapatid niya. Ang Dad naman niya ay tumuloy sa pinakamalapit na couch para umupo at maghubad ng necktie.

"Mom, wala ba kayong uwi sa akin? Dinner, perhaps?" biro niya. Pero sa loob-loob niya, umaasa si Dennis na naalala sana ng nanay niya at naisipan man lang na uwian siya ng pagkain.

"I'm so sorry, Dennis. I thought you already ate. But you said you reheat the pasta? Maybe that will do? Sa susunod, isasama ka namin, okay?"

Napalunok siya nang sunod-sunod bago tumango sa ina.

"Okay, Mom. Sige po, balik na 'ko sa dining area." Mabilis siyang tumalikod dahil hindi niya alam kung kaya niya bang pigilan ang pagkalungkot ng mukha.

It's always like this.

He's always the one who's left behind.

Gusto ni Dennis na tanungin kung bakit ganoon? Aaminin niya, naiinggit siya sa kapatid. Eversince they were kids, their parent's priority is Dave.

Siguro kasi mabait si Dave? Siguro matalino? Talented? 

But what about him? Hindi ba siya mabait? Hindi ba siya matalino? He's talented, also!

He tried hard to imitate his brother so that his parents can see his worth. Maybe they can give him the attention he wants. The love he was craving for since he's a child. But until now, he doesn't see the result. Si Dave pa rin ang bida sa mga ito. Si Dennis, hindi nila nakikita.

Pero bakit nga naman siya papansinin kung poor imitation lang siya ng kapatid? Even if he tried hard to be like him, hindi pa rin tulad ng kapatid niya na natural ang kilos at salita. Dave, for his parents is a masterpiece. Why would you look at the fake copy when you already have the original?

Ngayon lang yata siya sasang-ayon sa sinabi ni Raymond tungkol sa kanya. 

He's fake. But he doesn't want to unmask his real self. 

Ngayon pa nga lang na puro magagandang ugali ang pinapakita niya sa iba, nasasawalang-bahala siya, paano pa kapag ang totoo niyang ugali ang ipakita niya?

No one will want him if that happens. No one will stay. He will be alone. Again. And Dennis doesn't want that. 

Kaya kahit magpanggap, gagawin niya, 'wag lang mawala ang mga taong gusto si Dennis na perfect sa paningin nila.

                                      ***

May bagong transferee. His name's Aldrin Jay Salvador. Hindi alam ni Dennis kung bakit parang may warning bells sa ulo niya at sinasabing may magiging importanteng papel si Aldrin sa buhay niya.

Dahil ba kapangalan ito noong Aldrin na d-in-oodle ni Ervin sa likurang bahagi ng mga notebooks nito noong third year highschool sila na ayon dito, malaking bahagi ng buhay ni Ervin, at baka ito ang Aldrin na hinahanap nito? But that would be too absurd. Maraming Aldrin sa Pilipinas. Masyadong common ang ganoong pangalan.

But being cautious is not bad, right? What if this Aldrin was the one who Ervin looking for? Will he stop them from seeing each other? 

Ah, nababaliw na yata siya!

As if Ervin will notice you in a different light if he can't find that Aldrin he's looking for? Quit your dream, Dennis. You're a hopeless case.

Huminga siya nang malalim at hininto ang iniisip. Inayos niya ang mga outputs na kailangang ipasa sa English subject nila. At marami pa siyang kailangang gawin kaysa pagtuonan ng pansin ang gumugulo sa isipan.

Saktong pumasok ang teacher at in-announce na may project na sila para sa subject nito. Baroque ang napunta sa kanya at sa naging kagrupo niya. Nang sabihin ng teacher ang pangalan ni Ervin at ang naging partner nito ay si Aldrin, kinatigil niya iyon sandali.

They're partners?

Shit.

"Where's Mr. Salcedo?" tanong ng teacher nila nang hindi makita si Ervin. Sakto namang pumasok ang hinahanap nito. Pinaupo ng guro nila si Ervin at inulit ang sinabi tungkol sa project nila.

Nang sabihin ng maestra sa harap ang hindi pamilyar na pangalan ng magiging katuwang ni Ervin sa proyekto at nagtanong ang huli, nagsalita si Dennis at tinuro si Aldrin na nasa likos nakapuwesto.

"'Yong transferee, boss. Eto si Aldrin, o," aniya. Mabuti at hindi nanginig ang boses niya at walang nakahalata sa kanya.

Nang makita ni Dennis ang mga ngiti sa labi ni Ervin, natigilan siya at napayuko. Kita sa mga mata nito ang saya. So... ito yata talaga iyong Aldrin na nakikita niyang madalas isulat ni Ervin? Iyong Aldrin na kahit hindi niya itanong, malaki ang epekto kay Ervin?

Iniwas ni Dennis ang mga mata at saktong tumapat ang mata niya kay Raymond na nakatingin din pala sa kanya.

Tinapunan niya ito ng mapagtanong na tingin ngunit umiling lang sa kanya si Raymond at nginitian siya.

Kinilabutan yata si Dennis dahil hindi siya sanay na ngumingiti sa kanya si Raymond. Nawala ang pagka-down niya at napalitan ng pagtataka. Nakakapanibago.

Ano kayang trip sa buhay ng isang 'yon?

×××

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status