Share

Chapter 2.2: Question

Bumaling ang tingin ni Dennis sa taong kumuha mula sa kamay niya ng mga hawak. Si Raymond ang bumungad sa kanya. Effortless nitong binuhat ang dalawang nets at isa na lang natira sa kamay niya kaya hindi na mahirap buhatin.

Dahil natigilan si Dennis, naunang maglakad si Raymond papunta sa direksyon ng gym. Napalatak siya. Bakit ba pakiramdam niya, buntot niya 'tong si Raymond?

Huminga siya nang malalim at sumunod kay Raymond. Agad naman siyang nakahabol at sabay silang naglakad nito.

"Bakit ba gustung-gusto mong pahirapan ang sarili mo? Uso ang tumanggi. Para lang magmukhang mabait sa paningin nila, magpapanggap ka? Ano, para matanggap ka?"

Dahil ilang beses na niyang narinig ito mula kay Raymond, hindi na siya nakaramdam ng galit. Hindi na lang siya kumibo pero sa loob-loob kahit siya, iyon ang tanong sa sarili na alam naman din niya ang sagot.

Bakit ba gusto niyang gawin ito sa sarili? Simple lang. For acceptance.

The feeling of being taken notice of... the feeling of being praise by many people around him was addicting to Dennis. The things he wants from his parents were given to him by his teachers, classmates and schoolmates. Even if he got that from the façade he created.

Kahit na hindi iyon mula sa mga magulang niya, pakiramdam ni Dennis ay may kwenta pa rin siya dahil may nakakakita ng halaga niya kahit na alam niyang ginagamit lang siya ng iba.

Raymond noticed that Dennis was sullen so he diverted his attention by asking something.

"Sino pala 'yong nag-utos sa'yo? Mukhang badtrip ka kanina, a?"

Dennis spoke without thinking. "Si Baboy."

Kahit siya ay nagulat sa sinabi. Agad na sinulyapan ni Dennis si Raymond at nang makitang mahina itong natawa ngunit wala namang sinabing iba, umakto na lang siyang wala kahit na gusto niyang tadyakan ang sarili sa pagiging madaldal.

"Sino ba mga tao na kinaiinisan mo rito? Iyong badtrip ka na ayaw mo silang makita."

Inilipat niya muna ang hawak sa isang kamay dahil nakakaramdam na siya ng pagkangalay bago nagtatakang tumingin kay Raymond.

"Para saan naman 'yang tanong mo?"

Ngumisi si Raymond. "'Wag kang mag-alala, 'di makakarating sa kanila 'tong usapan natin. Pero sino nga? Gusto ko lang malaman. Isipin mo na lang, sa akin mo nilalabas 'yong mga sama mo ng loob, ganoon."

Ngumuso si Dennis at nag-isip. Eto naman ang nagtanong, e. "Una sa listahan ko si Ma'am Cuevo. Ang tamad-tamad na teacher n'on. Hilig pa magpa-check ng mga test papers sa akin, e dapat gawain niya iyon. Wala akong natandaang natutuhan sa kanya bukod sa mga tickets na binenta niya dati."

Raymond let out a light chuckle. "Oo nga. Si Ma'am 'yong bina-badmouth mo noong third year tayo, e. Kakaumpisa pa lang ng klase pero gigil na gigil ka."

Umikot ang mga mata ni Dennis na kinailing ni Raymond. "Dati ko pa kilala 'yon, e. Naging substitute teacher namin for three months 'yon noong second year bago siya naging third year teacher. Dati pa, ako na ang hilig utusan n'on."

"Hinahayaan mo kasi. 'Di ka tumanggi."

Yeah, he'll refuse then after that, he'll be mark as a teacher's enemy. Okay lang ba 'tong si Raymond?

"Sino pa ba mga hindi mo trip na tao?"

"Si Baboy," pasinghal niyang ani.

"Sino naman 'yon? Hindi ba si Ma'am Cuevo 'yan?" natatawang tanong ni Raymond.

"Pareho silang baboy pero hindi. Si Ma'am De Luna ang sinasabi ko ngayon."

Bumunghalit ng tawa si Raymond. Takang napatingin naman siya. "'Yang bibig mo talaga, walang preno. Maka-baboy ka kay Ma'am, a?"

"Why? I'm only telling the truth," kibit-balikat na aniya.

"Harsh truth 'yan. Grabe ka sa kanila. O, sino pa? Alam kong marami pang taong hindi tao tingin mo sa kanila."

"Siraulo ka, 'no?" asik niya.

"Bakit 'di mo tinanggi?"

Wala na siyang masabi. Totoo namang marami siyang kinaiinisan dito sa eskwelahan. Mapilit din itong si Raymond, e. Pero dahil gusto nitong sabihin niya, 'di sige.

Isa-isa niyang binanggit ang mga taong kinaiinisan. Nakikinig naman si Raymond sa kanya kahit na maya'tmaya itong nagpipigil ng tawa.

"Baka may hindi ka pa nabanggit na tao, sabihin mo na."

Sumulyap siya sa katabi gamit ang gilid ng mata. "Wala na. Hindi naman ako sobra. Sinabi ko lang any lahat ng kinaiinisan ko."

Nagkamot ng ulo si Raymond. "Sigurado kang hindi pa sobra 'yan, a? E halos lahat nabanggit mo ang pangalan? Mula sa teachers hanggang sa estudyante. Iba ka talaga."

Pinanlakihan niya ng mata ang lalaki. "Because they're annoying. They are all users."

"You already know that they're using you yet you're tolerating them?" may pagkaseryoso nitong sabi.

"Just because."

Natahimik silang dalawa sa sagot niya. "Sa mga nasabi mo, wala yata kaming mga barkada mo? Anong comment mo sa amin nila Ervin?"

"Ervin is..."

Nang mabanggit niya ang pangalan ni Ervin, napangiti siya na hindi nakalagpas sa mga mata ni Raymond. Bahagyang naningkit ang mga mata nito pero agad ding bumalik sa dati.

"Mabait si Ervin... matulungin, kalog, maaasahan 'tsaka sobrang palakaibigan." Actually, Ervin's the person he wants to be.

Hindi napansin ni Dennis na matiim ang tingin na binibigay sa kanya ni Raymond. Nang hindi pa rin ito nagsasalita, napatingin siya rito.

"Bakit?" tanong niya.

Umiling si Raymond at tumikhim. "Si Franco?"

"Gago. Siraulo. Maloko. Tamad. Ano pa ba? Mahilig sa babae. Pero mabait na kaibigan."

Halos mabilaukan sa katatawa si Raymond mula sa narinig sa kanya at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

"Sa lahat ng sinabi mo kay Franco, iisa lang ang magandang ugali niya na narinig ko. Puro pangit 'yan, a?"

"Bakit? That's the Franco I know. Pasalamat nga siya may narinig ka pang positive trait sa akin."

Nauna itong maglakad sa kanya nang makitang malapit na pala sila sa gymnasium. Medyo malayo kasi ito sa building nila.

Napilitang sumunod si Dennis kay Raymond nang bigla itong humarap sa direksyon niya na may ngisi sa labi. Parang amused ito sa hindi mawaring dahilan.

"E ako? Isa ba ako sa mga taong nabubuwisit ka? Hindi ko narinig ang pangalan ko, e."

Matagal siyang tumingin kay Raymond. "Oo," labas sa ilong na aniya.

Tinawanan lang siya nito at nauna nang magtungo sa storage room. Naiwang nakatayo si Dennis at nakatanaw kay Raymond.

He didn't hate Raymond. Not a one bit. He just said that to stop that guy from his questions. At ayaw niyang lumaki ang ulo nito. Gusto niya kaninang banggitin ang pangalan nito dahil kahit paano, kaibigan niya ito. Mas kilala nga siguro siya ni Raymond kaysa sa iba.

Whenever he felt suffocated from pretending, that dude showed at the right time. He's quite thankful for him, actually. Dahil sa iba, kailangan niyang panatilihin ang maskara niya ngunit kay Raymond, kahit hindi niya gawin iyon, ayos lang. Tatawanan lang siya nito kapag may binubulong siyang kung anu-ano.

Raymond was like a secret box of him, a diary. And even if he'll deny this, Raymond is the closest friend he have. Not even Ervin can get close to it.

But never did Dennis thought that Raymond will play a bigger role on his life than that.

***

Nasa may corridor si Dennis ngayon kasama si Ervin. Dahil nasa second floor sila, tanaw nila ang open field at doon siya humarap, nag-iipon ng lakas ng loob.

"Boss, may tanong ako..."

Boss ang tawag nilang tatlo rito nila Franco. Parang si Ervin kasi ang tumatayong lider ng grupo nila.

Lumingon sa kanya si Ervin. "O?"

"Magkakagusto ka ba sa lalaki?" halos bulong na aniya.

Nangunot ang noo ng kasama niya sa kanya.     "Ano nga 'yong tanong mo, Dennis?"

Inulit niya ang tanong, mas malakas sa naunang sinabi. "May pagkakataon ba na magkakagusto ka sa lalaki?"

Hindi alam ni Dennis na may dalawang tao rin na hindi sinasadyang makinig sa usapan nilang dalawa ngunit interesado sa magiging sagot ni Ervin. Isa si Aldrin na may bitbit na melon juice at si Raymond na nakasandig sa tagong pader medyo malayo sa kanila.

Tahimik na inikot ni Raymond ang katawan at nilingon ang gawi nila Dennis. Mukhang may nabubuo nang ideya sa isipan.

xxx

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status